Tweet Mga Salin
Català |
IMPORMASYON UKOL SA PANGANGASIWAat Pangangasiwa ng Impormasyonni Phil Bartle, PhDisinalin ni Joyce ZaideMateryales o Handawt sa PagsasanayPapaano pangangasiwaan ang impormasyong dulot ng pagsubaybayMagkaiba ang impormasyon ukol sa pangangasiwa at ang pangangasiwa ng impormasyon. Ang impormasyon ukol sa pangangasiwa ay isang uri ng impormasyon (mga datos); ang pangangasiwa ng impormasyon ay isang uri ng pangangasiwa (ang sistema). Ang pangangasiwa ng impormasyon ay ang proseso ng pagsusuri at paggamit ng impormasyong kinalap at inimbak upang makatulong sa mga tagapamahala sa lahat ng antas na makabuo ng desisyon na batay sa nakalap na impormasyon. Ang pagsubaybay ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kung ano ang nagaganap sa proyekto. Ang impormasyon na ito ay kinakalap habang isinasagawa ang pagpaplano at pag-iimplementa ng proyekto. Nakakatulong ang impormasyon sa pagtutukoy ng mga kamalian sa proyekto. Dahil dito, ang pangangasiwa ng impormasyon ay nakakatutulong sa paghahanap ng mga kalutasan para masigurong magiging matagumpay ang proyekto. Ang Kahalagahan ng Pangangasiwa ng Impormasyon: Ang pangangasiwa ng impormasyon ay mahalaga upang:
Paano Gamitin ang Pangangasiwa ng Impormasyon: Upang magamit ang impormasyon sa pagbubuo ng desisyon ukol sa pangangasiwa, ang impormasyon ay dapat mapangasiwaan (tipunin, imbakin at suriin). Magkaiba man ang pangangasiwa ng impormasyon (ang proseso ng pagkalap at pag-iimbak ng impormasyon) at impormasyon ukol sa pangangasiwa, (ang impormasyong kailangan upang makagawa ng mabuting desisyon) pinagtitibay nila ang isa’t-isa at hindi sila mapagbubukod sa araw-araw na gawain. Ang mga sumusunod ay napapaloob sa pangangasiwa ng impormasyon:
Pagtutukoy ng Impormasyong Kailangan sa Pangangasiwa: Maraming nakakalap na impormasyon habang nagpaplano, nangangasiwa at nagsusubaybay ng proyekto. Ang iba sa mga impormasyong ito ay kagyat na kailangan upang makapagdesisyon sa mga bagay na may kaugnayan sa pangangasiwa; ang iba naman ay hindi naman kailangan agad-agad. Ang maayos na sistema ng pangangasiwa ng impormasyon ay dapat makatulong sa mga namamahala ng proyekto na malaman ang impormasyong kailangang makalap para sa iba’t-ibang bagay na kanilang pagdedesisyunan, sa iba’t-ibang panahon. Pagkalap at Pagsusuri ng Impormasyon para sa Pangangasiwa ng Impormasyon: Ang impormasyon ay makukuha sa mga ulat ng mga teknikal na tauhan, talaan ng nayon, forms na sinagutan ng iba’t ibang kalahok, pagpupulong ng pamayanan, mga panayam, obserbasyon at mapa ng pamayanan. Pag-imbak ng Impormasyon: Mahalagang maimbak ang impormasyon para magamit ang mga ito sa susunod, bilang reperensya. Maaring imbakin ang mga ulat ng proyekto sa talaan ng nayon, mga forms at sa ating isipan. Dapat madaling makuha ang mga impormasyong inimbak. Paggamit ng Impormasyon: Ang impormasyon ay magagamit sa pagsasaaayos ng problema ng pamayanan, pagtutukoy ng pagkukunang-yaman (dami at kalikasan), pagkuha ng suporta ng pamayanan at pagtutukoy ng susunod na mga proyekto. Pagmamahagi o Agos ng Impormasyon: Para magamit nang maayos ang impormasyon, kinakailangang ito ay maipamahagi sa iba pang kalahok ng proyekto. Magagamit ng iba pang mga kalahok ang mga impormasyong nakalap sa mga bagay na kanilang dinedesisyunan na may kaugnayan sa pangangasiwa. Makakatulong sila sa taong nagkakalap ng impormasyon na mabigyan ng kahulugan ang impormasyong nakalap at magamit ang mga ito sa kanilang pangangasiwa. Ang impormasyon ay dapat maipamahagi sa pagitan ng nayon o barangay, parokya, distrito, pambansang tanggapan, NGO at ng donor. Ang impormasyon ukol sa pangangasiwa ay bahagi ng pagsubaybay dahil ang ganitong impormasyon ay nakukuha habang nagsusubaybay at nakakatulong sa pagpaplano at implementasyon ng pagsubaybay ng mga aktibidades. Manggaling man ito sa mga kawani ng proyekto o sa mga benepisyaryo at mga apektado ng proyekto (mga stakeholders), isa sa mga pinaka-epektibong paraan ng pagkalap ng kapaki-pakinabang na impormasyon ukol sa pagsubaybay ay sa pamamagitan ng Taunang Pagsusuri (Annual Review). Bukod sa makakakuha dito ng impormasyon ukol sa pangangasiwang may pakikilahok, makakakuha din dito ng impormasyon ukol sa pagsusubaybay. ––»«––Pag-uulat ng Progreso ng Proyekto sa mga Taga-pamahala o Ehekutibo: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pagsubaybay |