Tweet Pagsasaling-wika
Català |
PAMAMAHALA NG PAGKILOSPagpapatakbo sa Programa ng Pagkilosni Phil Bartle, PhDIsinalin ni Abegail SabadoInihahandog para kay Gert LüdekingSentro ng Seksyon na Ito (Introduksyon)Mga dokumentong kasama dito Pamamahala sa Pagkilos Seksyon
Ano ang Kailangan Para Mamahala ng Programa ng Pagbibigay Kapangyarihan?Maaaring ikaw ay isang tagapag-ugnay ng iba't ibang tagapakilos. Pwede rin namang ikaw ay isang miyembro ng pinakamataas na opisyal sa isang pagseserbisyo na may karapatang magplano at mamahala ng sariling propesyon sa pamamahala. Maaring ikaw ay isang indipendiyenteng aktibista na walang ahensya. Anuman ang inyong situasyon, ang pagpapakilos ay kailangang planuhin, pamahalaan, at pagmatyagan. Itong seksyon na ito ay may layunin na tulungan kayo na magplano at mamahala ng programa ng pagpapakilos. Maraming dokumento sa site na ito ang nagbibigay ng mga tagubilin para sa pamamahala, kasama ang dalawang buong seksyon. Pamamahala ng Pagsali pinapakita kung paano magagamit ang basehan ng instrumento ng pamamahala para sa pagdami ng mahalagang kontribusyon ng mga tauhan para sa proseso ng paggawa ng desisyon ng pamamahala Pagsasanay ng Pamamahala pinapakita kung paano magagamit ang mga pagsasanay para mabigyan ng anyo o maayos ang porma ng isang organisasyon. Ang seksyon na ito ay tinitignan ang partikular na mga problema na nakapalibot sa pamamahala (pagpalano, pag-u-ugnay,pangangasiwa) Pamamahala ng Pagkilos, ang sentrong dokumento para sa seksyon na ito, ay ipinapaliwanag ang ilan sa mga problema sa pamamahala na may kaugnayan sa pagpapatakbo ng programa ng pagkilos. Kasama dito Pagpili ng isang Komunidad, halimbawa, tinitignan ang mga konsiderasyon na dapat siyasatin sa pagpili ng isang komunidad para sa pagsali sa pagbibigay kapangyarihan. Ito ay maaring gamitin ng isang tagapagpakilos na nakatalaga, ng isang namamahala ng isang programa ng pagpapaunlad ng isang komunidad, o ng isang tagaplano ng isang proyekto na may kasamang partisipasyon ng komunidad. ––»«––
Mga Kaugnay na Module: Pakikilahok na Pamamahala, Pagsasanay ukol sa Pamamahala.
Isang Pagsasanay: Kung
balak kumopya ng mga teksto sa site na ito, maari po lamang na ipakilala ang may
akda. |
Unang Pahina |