Mga Pagsasalin-wika:
Akan / c |
Mga pinakamahalalgang salita na nagsisimula sa letra Ksinulat ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Maureen Genetiano, May M Virola, Lonela BloxomKAHIRAPAN Ang kahirapan ay higit pa sa kawalan ng pera o kita, higit pa la kakulangan ng mga pasilidad o serbisyo gaya ng tubig, mga daan, edukasyon o kilinika. Ito ay resulta ng “kahirapan ng kaluluwa” halimbawa, ang kawalang pag-asa, ang kamang-mangan ukol sa mga yaman na maaaring gamitin, ang pagtangkilik sa iba, ang kawalan ng tiwala, kakulangan sa kakayahan, lakas ng loob, integridad at kakulangan din sa mga epektibong organisasyon na maipagpapatuloy, sa makatwid, ito ay kakulangan ng tamang pamamahala. Tignan Mga Elemento ng Kahirapan. Ang kahirapan ay isang suliraning panlipunan, at ito ay nangangailangan ng panlipunang solusyon; ang kahirapan ay hindi lamang ang kakulangan ng kita ng katipunan ng mga tao. Ang kahirapan ay maaaring mabawassan sa pamamagitan ng pagtatatag at paggabay sa mga mahihirap upang matuto siang tulungan ang sarili, sa pamamagitan ng pagpapalakas (pagsasakapangyarihan) bilang resulta ng pakikilahok sa pakikipaglaban at pagharap sa mga balakid. Ang pag-aalis ng kahirapan, kung gayon, ay nangangailangan ng patuloy na pagpapabuti sa pamamahala. Deutsch: Armut, English: poverty, Español: pobreza, Filipino/Tagalog: Kahirapan, Français: pauvreté, Português: pobreza, Română: saracie, Somali: FaqriKAKAYAHAN Ang kakayahan kapangyarihan o lakas ng isang komunidad o organisasyon. KALINANGAN (Kaunlaran) Marami sa mga tao ay inaakala na ang kalinangan o kaunlaran ay nangangahulugan ng kwantitatibong paglago, pero ang pangunahing katangian nito ay ang kwalitatibong pagbabago. Ang pag-unlad ay paglago, at ang paglako ay nangangahulugan ng higit ba sa pagiging mas malaki; ito ay nangangahulugan gin ng pagiging mas komplikado at mas malakas. Kapag ang komunidad ay umuunlad, ito ay nagiging mas malakas at mas masalimuot o komplikado. Ito ay nakakaranas ng mga pagbabagong panlipunana. Tignan "Kultura." Ang isang ekonomista ay tinitignan ang kaunlaran o kalinangan bilang pagdagdag lamang ng kayamanan o kita (ganap o per capita); ang isang inhinyero naman ay tinitignan ang kaunlaran bilang higit na kontrol sa enerhiya, o mas sopistikado at mas malakas na mga kagamitan. Isa isang tagapagpakilos, sa kabilang banda, ang mga ito ay dalawa lamang sa anim na dimensyong kultural ng isang komunidad na nababago. Ang kaunlaran ay nangangahulugan ng panlipunanang pagbabago sa lahat ng anim na dimensyon ng kultura: teknolohikal, ekonomiks, politikal, interaktibo, ideyolohikal, at pandaigdigang pananaw. Tignan Kaunlaran ng Komunidad (o Kalinangan ng Komunidad). Deutsch: Entwicklung, English: development, Español: desarrollo, Filipino/Tagalog: kalinangan, Français: développement, Português: desenvolvimento, Română: dezvoltare, Somali: horumarkaKALINAGANGG (Kaunlaran) PANGKOMUNIDAD Kapag ang komunidad ay lumilinang o umuunlad, ito ay lumalaki. Tignan ang salitang, Kalinangan o Kaunlaran. Ito ay hindi lamang nangangahulugan ng paglaki o pagyaman. Ito rin ay nangangahulugan ng pagiging mas komplikado at mas malakas. Ang komunidad ay hindi napapa-unlad ng isang tagapagpakilos at higit pa sa isang bulaklak na tumatangkad dahil may isang humihila dito pataas. Ang komunidad (bilang isang institusyong panlipunan) ay pina-uunlad o linilinang ang sarili. Ang tagapagpakilos ay kaya lamag hikayatin, magpalakas ng loob at maggabay sa mga miyembro ng komunidad. Ang ibang tao ay inaakala na ang kaunlaran ng komunidad ay nangangahulugan lamang ng pagyaman –– pagdagdag ng kita. Ito ay maaari rin, ngunit mas higit pa. Ito din ay pagbabagong panlipunan, kung saan ang komunidad na nagiging mas komplikado, dumadagdag ng mga institusyon, ng koloktibong lakas, pagbabagong kwalitatibo ng organisasyon nito. Ang kaunlaran ay nangangahulugan ng paglago sa lakas sa lahat ng anim na dimensyon ng kultura. Deutsch: gemeindeentwicklung, English: community development, Español: desarrollo comunitario, Filipino/Tagalog: kalinagangg (kaunlaran) pangkomunidad, Français: développement de la communauté, Kiswahili: maendeleo ya jamii, Português: desenvolvimento da comunidade, Română: dezvoltarea comunitatii, Somali: horumarka bulshadKAMALAYAN Minsan ay tinatawag ng pagbibigay-buhay panlipinan. Mula sa salitang ¨anima¨ (buhay, kaluluwa, apoy, otomatikong galaw). Ang maghikayat o magpakilos ng komunidad upang ito ay makakilos ng mag-isa, upang ito ay mabuhay, upang ito ay umunlad. Minsan ay ginagamit na kapalit ng pagpapakilos. Ang pagbibigay-buhay ay nangangahulugan ng pag-iisa at pagpapakilos sa komunidad na gawin ang nais nitong gawin. Ang pagsasanay sa pamamahala ng komunidad ay ginagamit ang pagbibigay-buhay panlipunan bilang isa sa mga pamamaraan ng pagsasanay upang madagdagan ang kakayahan ng komunidad, o ng isang organisasyong base sa komunidad, na magpasya, pagplano, at mamahala ng sarili nitong kaunlaran o kalinangan. Sinasanay nito ang mga miyembro ng komunidad at ang mga lider sa mga pamamaraan ng pamamahala na kinakailangan upang siguraduhin na ang komunidad ay may kontrol sa sarili nitong kaunlaran. Hinihikayat din nito at sinasanay ang mga opisyal ng gobyerno, lokal na awtoridad at mga lider ng komunidad na iwanan o tanggalin ang patronismo sa pagbibigay ng mga pasilidad at mga serbisyo. Natututo silang magpasilita ng mga komunidad sa pagtukoy ng mga yaman o mga gamit na kailangan at sa pagsasagawa ng mga aksyon upang magbigay at magmentena ng mga pasilidad na pangpamayanan at mga serbisyo. العربيّة: زيادة الوعى, Deutsch: bewusstseinsbildung, Ελληνικά: επαγρύπνηση, English: awareness raising, Español: kontzientzia hedatzen, Ewe: Nyanya Nana Filipino/Tagalog: kamalayan, Français: augmenter de conscience, Galego: concienciación, हिन्दी: जागरूकता स्थापना, 日本語: 意識を高める, Kiswahili: kuongeza ufahamu, Português: aumento de conhecimento informativo, Română: constientizare తెలుగు: ఎరుగుదల పెంచడంKAMANGMANGAN Isa sa mga pangunahing salik ng kahirapan ay ang kamangmangan. Para sa marami, ang salitang mangmang ay isang insulto. Ang ibig naming sabihin dito ay minsan ilan sa atin ay hindi alam ang ilang mga bagay; walang nakakahiya dito. Dapat ding malaman na ang kamangmangan at kahangalan (o katangahan) ay magkaiba. Ang mga matatanda ay maaari paring matuto, huwag mo silang tratuhing parang mga bata o ng mas nakakababa sa iyo, kung hindi lalo silang walang matututunan. Ang ibig sabihin ng kamangmangan ay ang hindi pagkakaalam sa isang bagay. Ang kahangalan o katangahan naman ay ang hindi pagkakatuto, at ang kagaguhan o kalokohan ay ang paggawa o hindi paggawa sa isang bagay sa kabila ng pagkakaalam mo sa isang bagay. Ang kamangmangan, kahangalan o katangahan at kagaguhan o kalokohan ay di hamak na magkakaiba. English: ignorance, Español: ignorancia, Français: ignorance, Português: ignorância, Somali: jaahilnimoKAWANG-GAWA Ang pagtulong sa mga mahihirap at mga nangangailangan ay mahalaga sa lahat ng tao, at makikita sa lahat ng rehiyon ng mundo. Subalit merong bigay at ¨bigay¨. Kung ang iyong regalo ay gagawing nakatangkilik (dependent) sa iyo ang pinagbigyan hindi mo siya tinutulungang lumakas, o tinutulungan siyang maging mas may tiwala sa sarili o dumepende sa sarili niyang kakayahan (self reliant). Kung bibigyan mo ng barya ang nagpapalimos, sinasanay mo ang taong ito na lalong magpalimos. Kung ang iyong tulong ay sadyang pinag-isipan, at tumutulong upang lalong lumakas ang pinagbibigyan (tignan ang kwento ni Mohammed at ang Lubid sa Mga Kwento), sa gayon, ang iyong regalo ay mas makabuluhan. English: charity, Español: caritativo, Français: charité, Português: caridadeKOMUNIDAD Ang salitang "komunidad" ay ginamit sa maraming konteksto. Sa mga biyolohiko, ang komunidad ay nangangahulugan ng ilang indibidwal sa isang ¨species¨ o ilang magkakaibang ¨species¨, nabubuhay, nagtutunggalian, nakikiisa, upang magkaroon ng mas malaking kabuuan. Magmula ng dumating ang ¨internet¨ at teknolohikang pang-impormasyon (information technology), maraming koleksyon ng mga tao, minsan ay may parehong interes, ay lumaki, ng walang hiyograpikal ng limitasyon, at nag-uusap gamit ang pamamaraang elektroniko. Ang pokus sa lugar na ito sa mga serye ng pagsasanay, ay ang mas tradisyonal na kahulugan ng komunidad. Isang komunidad ng mga tao, na may hiyograpikal na limitasyon (maliban na lamang sa mga komunidad na nomadik (nomadic), may relasyon, halimbawa sa mga komunidad mula sa mga subdibisyon sa mga syudad hanggang sa mga baryo sa probinsya o nayon. Tignan Matatahanan. Ang komunidad ay hindi lamang isang koleksyon o grupo ng mga tao. Ito ay isang marilag na organismo na pagmamay-ari at bahagi ng kultura, binubuo ng mga interaksyon o relasyon ng mga tao, lahat ng bagay na maaaring malaman. Ito ay may anim na nasasakupan o dimensyon: teknolohiya, ekonomiya, kapangyarihang politikal, mga modelo ng pakikisalamuha, magkatulad na paniniwala, ideya at mga pinapahalagahan. Ito ay hindi ipinapasa sa biyolohikal na pamamaraan, ito ay natututunan. Gaya ng isang halaman o iba pang uri ng buhay na higit pa sa mga maliliit na molekyul na bumubuo dito, ang mga miyembro ay maaaring dumating at umalis sa lagos ng buhay, kamatayan at migrasyon. At patuloy pa rin itong mabubuhay at lalaki. Ito ay hindi homogenus, may mariming paksyon, dibisyon, kompetisyon at mga sigalot. Ang isang komunidad ay isang kabuuan na higit pa sa kabuuan ng mga parte nito. Ano ang komunidad." Tignan: Mga Katangian ng Komunidad. English: community, Español: comunidad, Français: communauté, Português: comunidade, Pyccкий: Cooобщество, Somali: bulshoKONSULTA Kapag ang isang ahensyang nagbibigay ng tulong o ang isang organisasyong nagbibigay ng donasyon ay kumokunsulta sa mga lider ng komunidad o mga kinatawan , kadalasan nilang tinatanong ang komunidad kung gusto nila ng proyekto. Ang sagot dito ay madalas na "Oo." Ang ahensya ngayon ay maaari ng mag-ulat sa ¨board¨ o mga tagabigay na may partisipasyon ng komunidad. Ito ay isang kamalian. Ang naganap ay konsultasyon, ngunit ito ay hindi tunay na pakikilahok ng komunidad sa pagpapasya, pagpili at pagpaplano ng proyekto mula sa mga prayoridad ng komunidad. (ito ay kabaiba sa mga prayoridad ng ahensy). العربيّة:يستشير, বাংলা : পরামর্শ গ্রহন, Deutsch: beraten, English: consult, Español: consultar, Euskera: aholkatu, Filipino/Tagalog: konsulta, Français: consulter, Galego: consulta, Kiswahili: tatufa ushauri, Malay: berunding, Português: consulte, Română: consultare, Tiên Việt: tham khảoKONTRIBUSYON Ang ibang tao ay nalilito sa partisipasyon at kontribusyon. Maraming tao na kapag naririnig ang mga salitang partisipasyon ng komunidad. ay inaakala na ang ibig sabihin nito ay kontribusyon ng komunidad.. Iniisip lang nila ang pagtulong sa paggawa ng trabaho na ibibigay ng mga miyembro ng komunidad. Sa sinamang palad, marami ng mga kaso noon pa kung saan ang mga miyembro ng komunidad ay tinatrato na mga alipin at pinipilit na magtrabaho. (o iba pang bagay, gaya ng lupa, pagkain). Ang pamamaraan na itinataguyod sa handbuk na ito ay ang kabaligtaran. Ang pakikilahok dito ay nangangahulugan ng pakikilahok sa pagpapasya, hindi lamang ng pagbibigay ng mga yaman o kagamitan. Tignan kontribusyon ng komunidad. Deutsch: gemeindebeitrag, English: community contribution, Español: contribución comunitaria, Filipino/Tagalog: Kontribusyon ng Komunidad, Français: contribution de la communauté, Kiswahili: mchango wa jamii, Português: contribuição da comunidade, Română: contributia comunitatiiKONTRIBUSYON NG KOMUNIDAD Sinasabi namin na ang pakikilahok ng komunidad ay iba sa kontribusyon ng komunidad (marami ang nag-aakala na ito ay pareho), subalit pareho silang kinakailangan. Habang ang pakikilahok ng komunidad ay nangagahulugan ng pagpapasya na ginagawang base sa komunidad o nakasentro sa komunidad ang isang gawain, ang kontribusyon ng komunidad naman ay kinakailangan upang siguruhin na ang mga miyembro ng komunidad ay mararamdaman na kanila ang proyekto, halimbawa na sila ay may naibahagi, hindi lamang nakatanggap nito. Nirerekomenda namin na dapat halos singkwenta porsyento ng mga kontribusyon ng ano mang proyektong pangkomunidad na ating sinusuportahan ay dapat manggaling mismo sa komunidad. Sa simula ito ay minsan tinitignan ng may balisa at desolasyon ng karamihan sa mga miyenbro ng komunidad. Kung gayon, kailangan nating idiin na ang ipagkakaloob ng trabaho ay dapat makatarungan, at kung gagawin ito, sila ay masosorpresa sa kung gaano karami ang halaga na maidadagdag nito sa kontribusyon sa komunidad. Nais nating idiin dito na ang oras na ginugugol ng mga miyembro ng komunidad, lalo na iyong mga nakaupo sa komite ng mga eksekyutib, nagpapasya at nagpaplano ng proyekto, ay mga donasyon na eksekyutib at mga kakayahan sa pamamahala, oras at trabaho. Ang donasyong trabaho ay dapat makatwirang bigyang ng halaga o presyo. Higit sa lahat, nais nating ipunto na mula sa halagang ito ng mga donasyon ng lupa o buhangin, na kadalasan ay hindi pinahahalagahan, ay dapat kilalanin, ng may makatwirang estimasyon ng presyo, bilang mga kontribusyon ng komunidad. Deutsch: gemeindebeitrag, English: community contribution, Español: contribución comunitaria, Filipino/Tagalog: kontribusyon ng komunidad, Français: contribution de la communauté, Kiswahili: mchango wa jamii, Português: contribuição da comunidade, Română: contributia comunitatiiKRITISISMO O PAMUMUNA Isa sa mga mahalagang karunungan na dapat matutunan ay kapag nakakita tayo ng kamalian, ang pamumuna o pagkikritiko nito ay hindi makakatama, o hindi nito maitatama ang suliranin. Sa halip, ito ay minsan nakapagpapalala sa suliranin. Bakit? Dahil ang mga tao ay nakakaramdam ng pagbabanta o sila ay sinasalakay kapang mayroong pumupuna sa kanila. Ang pamumuna ay nakakababa ng tiwala at tingin sa sarili. Tayo ay nagiging ¨depensive o defensive¨ kapag napupuna, at sa halip na itama ang mali, ay ipinangtatanggol pa natin ito. Kapag tayo ay nagpapakilos ng komunidad, nagkoko-ordina ng mga boluntaryo, o namamahala ng mga manggagawa, tayo ay dapat matutong asahan na sila ay maaaring magkamali at dapat tayong maging handa sa lutasin ang mga pagkakamali sa pamamaraan na makakamit ang mga layunin. Ang pagpapakita ng galit, pagpupuna sa taong nakagawa ng kamalian, ay maaaring may makatulong sa pagpapalamig, ngunit tayo ay nagbabayad ng malaki sa pagkuha ng personal kaibsan ng ating nararamdaman. Tignan ang mga importanteng salita: Kamalian, Galit, at Sandwich, at humanap ng paraan na mawasto ang mga pagkakamali ng hindi nagbibigay ng negatibong kritisismo. Tignan: Purihin Lagi. Deutsch: kritik, English: criticism, Español: críticas, Filipino/Tagalog: kritisismo o Pamumuna, Français: critique, Kiswahili: pingamizi, Português: crítica, Română: criticaKULTURA Higit pa sa mga awitin at mga sayaw, ang kultura, sa Araling Panlipunan, ay nangangahulugan ng kabuuan ng mga sistemang panlipunan, ang kalahatan ng mga natutunang kaugalian at kagawian, na binubuo ng mga sosyo-kultural na sistema na bahagi ng anim na dimensyon: teknolohikal, ekonomiks, politikal, interaktibo, ideyolohikal at pangmundong pananaw. Ang pangunahing yunit ng kultura ay ang ¨simbolo¨. Ang kultura ay hindi genetik; ito ay naipapasa sa pamamagitan ng pagsasalin o pagpapabatid ngmga simbolo. Minsan ito ay tinatawag na ¨superorganik," dahil ito ay binubuo ng mga sistemang higit ba sa mga bayolohikal na bagay, mga tao, na bumubuo at nagdadala ng kultura. Tignan "Kultura." Ang isang komunidad ay kulturall. Tignan: Kakaibang Isda. Tignan Kultura; Iba't ibang Kahulugan. Deutsch: kultur, English: culture, Español: cultura, Filipino/Tagalog: kultura, Français: culture, Kiswahili: tamaduni, Português: cultura, Română: cultura, Somali: dhaqanka──»«──Kung ikaw ay makakita ng salitang may relasyon sa pagsasakapangyarihan ng komunidad, at ito ay kinakailangang pag-usapan, maaaring, sumulat sa amin.Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito |
Pangunahing Pahina |