Tweet Mga Pagsasalin
Català |
PAGSASANAY SA PAGNENEGOSYO NA MALIITni Phil Bartle, PhDisinalin ni Emmanoelle GaraldeMga Tala para sa GuroPaano mag mag organisa ng pagsasanay para sa maliit na pagnenegosyo?Pag-organisa ng Pagsasanay sa Kaalamang Pang Negosyo Kung mayroon kayong organisasyon na pang-komunidad na nagapautang sa mahihirap upang tulungan silang pumili, magplano at mamahala ng isang maliit na negosyo, tignan ang "Pagtatayo ng Organisasyong Nagpapautang" na modyul. Paano gagagawa ng pagsasanay na bibigyan sila ng kaalaman para mag-tagumpay? Magkakaroon ng dalawang magkasalungat na sitwasyon. Sa isang bahagi, may mga indibidwal na gusto lang umutang dahil alam na nila ang lahat tungkol sa pagpapatakbo ng isang negosyo. Sasabihin nila na hindi nila kailangan ng kahit na anumang pag-aaral o pagsasanay. Sa kabilang banda, maraming maliliit na institusyon na nagtuturo ng pagnenegosyo. Ang mga ito ay may kamahalan at di laging nakatutok sa kaalaman na kailangan ng inyong mga kliyente. Ano ang dapat gawin? Wala sa dalawang ito ang dapat gawin. Magtayo ng sarili programa ng pagtuturo, isang kurikulum na base sa pangangailangan ng inyong mga kliyente, Ang una ninyong gagawin ay alamin mabuti ang mga kaalaman na kinakailanagan para magpatakbo ng isang maliit na negosyo. Nakalista ang mga ito sa taas at tinatalakay ng mas detalyado sa ilang dokumento sa modyul na ito. Pagktapos ay hamunin ang inyong mga kliyente sa isang miting ng inyong tinayong pautangan na organisasyon. "Kaya niyo bang gawin ito?" "Kaya niyo bang gawin yun?" "Paano niyo gagawin ang mga ito?" "Alam niyo ba ang mangyayari kapag ginawa o di ninyo ginawa ito?" Ibato sa kanila ang mga katanungan para unti-unti malaman kung anong klaseng pagsasanay ang kanilang kailangan. Iwasang tanggapin lang ang kanilang mga sagot at hamunin sila na ipakita ang kanilang kakayahan na sinasabi nilang mayroon sila. Gumamit ng ibang klaseng pag-brainstorm para malaman (sa isang grupo) ang lahat ng paksa na kinakailangan nila. Gamit ang mga ito, ayusin ito para malaman kung ano ang dapat unahin na paksa. Kailangan may sapat na kaalaman ka sa mga paksa para patnubayan sila sa pag disenyo ng kanilang kurikulum. Huwag subukan na ikaw ang magturo ng isang sanayin kung hindi malalim ang kaalaman sa isa o dalawa sa mga paksa at kung wala kang karanasan dito. Kilalanin, mag recruit at piliin ang mga tao na may kahusayan sa bawat paksa. At turuan ang bawat eksperto sa participatory methods sa pagtalakay ng kanilang paksa. Hindi kinakailangan ng propesyonal na guro maliban kung nagpapakita siya ng potensyal at kagustuhan na gumamit ng participatory methods na ginagamit ninyo sa community mobilizing. Ipaliwanag sa mga eksperto na inaasahan silang gumamit ng participatory methods. Ipaliwanag din na makikilahok ka bilang kapwa guro sa kanila. Ipaliwanag na hindi kailangan ng mga kalahok ng detalyado at malalim na kaalaman. Kailangan lang nila ang kaalaman para sa mga nagsisimula pa lang mag negosyo dahil maaring mayroon sa mga kalahok ay hindi marunong bumasa at magsulat at walang oras o kakayahan para sa mataas na kurso ng pamamahala ng negosyo.
Bigyan
ng sapat na oras para makumpleto ang buong proseso:
Katulad ng iyong mga gawaing pang-komunidad, kinakailangan planuhin at dahan-dahanin ang trabaho. Kailangan magtago ng sariling mga rekord na hindi lamang nakatutok sa iyong mga gawain kung di sa resulta ng mga ito. ––»«––Pagpaplano ng Training para sa Isang Maliit na Negosyo: © Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Unang Pahina |
Maliit na Negosyo |