Unang Pahina
 Maliit na Negosyo




Mga Pagsasalin

Català 中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
Português
Română
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

Nilalaman:

Nilalaman:

Nilalaman:

Nilalaman:


PAGPAPLANO PARA SA MALIIT NA NEGOSYO

by Phil Bartle, PhD

isinalin ni Emmanoelle Garalde


Mga Tala para sa Pagsasanay

Ang mahusay na pagpaplano ay makakatulong sa tagumpay ng isang maliit na negosyo.

Panimula:

Ang isang maliit na negosyo ay hindi magtatagumpay hanggat ang pamamahala dito (gaano man kasimple ito) ay nakahanda sa hinaharap. . May darating na bagong mga oportunidad at may mga pagbabago sa kapaligiran na kinakailangan nating bagayan.Anumang kumikita ngayon maaring di kumikita bukas. Kaya naman kelanga magplano ng isang magnenegosyo.

Ang pagpaplano ng isang negosyo ay ang pagiisip at pagsasagawa ng mga dapat gawin, simulan at pabutinin ang iyong kakayanan kumita sa hinaharap. Kasama sa pagpaplano ng isang maliit na negosyo ay ang pag forecast ng mga gastusin, mga kakailanganin, mga produkto, benta, kita at pagdaloy ng pera o cash flows. Balikan ang "Paano gumawa ng isang Plano ng mga Gawain o Work Planpara sa mga community mobilizers"

May apat na rason kung bakit ang isang magnenegosyo ay kinakailangan magplano:
  1. Pinapakita ng isang plano ang kikitain ng iyong negosyo sa hinaharap;
  2. Pinapakita ng isang plano kung anong parte ng iyong negosyo ang pwedeng pagbutihin;
  3. Pinapakita ng isang plano sa mga paguutangan (bangko, NGOs, organisasyong pampinansyal at mga indibidwal) kung gaano kaganda ang kita ng isang negosyo sa hinaharap; at
  4. Pinapakita ng isang plano kung magkano ang kikitain at gagastusin ng iyong maliit na negosyo

Bakit kailangan magplano?

Kinakailangan magplano ng isang negosyo dahil:
  • Nagiiba ang presyo at supply ng mga kinakailangan;
  • Nagiiba ang ugali sa pagbili ng mga kostumer;
  • Ang mga makina at kagamitan ay nasisira at kailangan palitan;
  • Naluluma ang mga makina at kagamitan;
  • Bagong mga kakumpetensya; at
  • Kinakailangan ng desisyon sa direksyon ng negosyong gusto mong palakihin.

Ang pagpaplano ng isang negosyo ay katulad din ng pagpaplano ng isang biyahe. Tanungin ang iyong sarili:
  • Saan ako pupunta ngayon?
  • Saan ko gustong pumunta?
  • Ano ang gagawin ko doon?
  • Paano ko masisiguro na makararating ako doon?
  • Gaano ako katagal ang pagpunta doon?
Balikan ang apat na katanungan ng training sa pamamahala.

Paano Gumawa ng Plano:

May dalwang klaseng plano na magagamit sa iyong pagnenegosyo:

  1. Ang plano para sa benta at gastusin, forecast ng iyong benta at gastusin bawat buwan. Nakasaad dito kung magkano ang kikitain sa isang buwan; at
  2. Ang cash flow plan: Makakatulong ito sa pagsiguro na hindi mauubusan ng pera kahit anumang oras.

Pag gumagawa ng mga plano:
  • Gawin itong simple, madaling gamitin at madaling abutin;
  • Piliin ang pinakaakmang panahon para sa plano;
  • Hatiin ito sa lingguhan o buwanan;
  • Gawin ang mga ito bago kinkailangan gamitin. Huwag hintayin na matapos ang isang plano bago simulan ang susunod (paikutin ang iyong mga plano); at
  • Maghanap ng impormasyon, iwasan ang manghula lang.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Isang Plano:

Mga hakbang sa plano ng benta at gastusin(sales and cost plan) sa iyong maliit na negosyo:

  1. Pag-forecast ng mga gastusin na hindi direkta ginagamit sa produksyon (indirect cost) para sa isang buwan sa susunod na taon;
  2. Pag-forecast ng mga gastusin para sa materyales na direktang ginamgamit sa produksyon (direct cost) para sa bawat aytem
  3. Pag-forecast ng benta sa bawat buwan;
  4. Pagkuwenta ng kabuaang gastusin para sa materyales na direktang ginagamit sa produksyon
  5. Buuin ng plano ng benta at gastusin.

Tanda: kasama sa indirect cost: renta, transportasyon, mga lisensya, insurans, stationery, kuryente at tubig, pagpapaayos at depreciation.

Buwan –>
Aytem:
Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis
Mga Benta (Sales)
Direct
Materials
Mga Gastusin (Costs)
Gross
Profit
Direct
Labour
Costs
Indirect
Costs
Net
Profit

Ang Cash Flow Plan:

Ang cash flow plan ay isang forecast na nagpapakita kung gaano karaming pera ang papasok sa negosyo at gaano karaming pera ang lalabas sa bawat buwan. Tinulungan ng cash flow plan ang isang nagnenegosyo sa pagsigurado na hindi mauubusan ng pera ang isang negosyo sa anumang oras (ang projeksyon ng mga kikitain at gagastusin sa isang panahon).

Hindi dapat maubusan ng pera ang isang maliit na negosyo. Maaring gamitin ang isang cash flow plan para masiguro na ang isang negosyo ay palaging may pera para mabayaran ang bawat gastusin. Ang isang negosyo ay maaring kumita ng maayos sa isang taon at maubusan din ng pera sa taon na ito.

May ilang mga rason kung bakit maubusan ng pera ang isang maliit na negosyo. Tulad ng:

  • kinakailangan ng negosyo na bumili ng mga materyales bago ito makabenta. Ibig sabihin nito ay kailangan maglabas muna ng pera bago may pumasok na kita.
  • Kapag pinapautang ng negosyo ang kanyang mga kliyenta, hindi ito agad nababayaran. Kinakailangan muling bumili ng negosyo ng mga materyales bago makabayad ang mga kliyenteng ito.
  • Kinakailangan ng negosyo na bumili ng kagamitan. Ang kagamitan na ito ay makakatulong sa negosyo para kumita sa mga darating na panahon ngunit kinakailangan na bayaran ito ngayon, bago pa kumita.
Sa pagpapaplano ng iyong cash flow:
  • Napapaalahanan ka sa anumang pagkukulang sa pera sa mga darating na taon;
  • Mas may kapangyarihan ka sa daloy ng pera;
  • Mabibigyan ng solusyon o maiiwasan ang anumang problema bago ito mangyari;
  • Mapaghahandaan mo ang pangangailangan sa pera kung kailan mo kailangan.

Panno Gumawa ng Isang Cash Flow Plan:

Sa paggawa ng cash flow plan, kailangan mong mag-forecast o pagisipan: Kung gaano kadami ang papasok na pera; at Kung gaano kadami ang lalabas na pera.

Cash Flow Plan

Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Total
In Flows:
Pera sa simula ng buwan (cash at start of month):
Pera galing sa benta (sales):
Ibang pinagkukunan ng pera:
Total cash in:
Out Flows:
Pera pambayad sa mga materyales:
Pera pambayad sa direktang gastusin sa labor (direct labor cost):
Nakaplanong pagbili ng kagamitan:
Ibang perang ilalabas o ibabayad:
Total cash out:
Net (In-Out):
Pera sa katapusan ng buwan (cash at the end of the month):
––»«––

Pagsasanay: Gumawa ng Cash Flow Plan

Ang proyektong South Side Women's Group Maize Mill , na may pitong miyembro, ay may pera sa simula ng Enero na 20,000/=. Ang negosyo ay may average sales na 150,000/= sa bawat buwan. Nakakakuha ng buwanang kontribusyon sa mga miyembro na 15,000/=. Gumastos ito ng 70,000/= kada buwan para bumili ng 2,000 kg ng mais. Ang buwanang sahod ng mga manggagawa ay 20,000/=. Gumagastos ng 12,000/= kada para sa transportasyon.

Tandaan: Sa Uganda at Kenya, ang pera ay tinatawag na shillings at may simbolo itong =/ sa huli.

Gumawa ng cash flow para sa South Side Women's Group Maize Mill project para sa anim na buwan at ipakita ang:

  • Total cash in;
  • Total cash out; and
  • Cash at the end of every month.

Gawin ang pagsasanay na ito gamit ang table na nakalagay sa itaas.


Isang Workshop sa Pagpaplano:


Isang Workshop sa Pagpaplano

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 10.05.2011


 Unang Pahina

 Maliit na Negosyo