Pangunahing Pahina
 Pagsasanay sa Pamamahala




Mga Salin

'العربية / Al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
日本語 / Nihongo
한국어 / Hangugeo
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Polszczyzna
Português
Română
Русский
Türkçe

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

mga laman

mga laman

mga laman

ANG APAT NA SUSING TANONG

sa Pangangasiwa at Pagpapaplano

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Rommel Martin de Guzman


Inaalay kay Gert Lüdeking


Mga Ipinamimigay na Babasahin sa Pagsasanay

Ano ang gusto natin?
Anong mayroon tayo?
Paano natin gagamitin ang anumang mayroon tayo para makamtan ang anumang gusto natin?
Anong mangyayari na dulot nito?

Mahahalagang Buod ng Pangangasiwa at Pagpapaplano:

Ang pangangasiwa, bilang isang gawain, ay nangangahulugan ng paggawa ng mga kapasyahan at paglutas ng mga problema. Ang mga mahahalagang pasya sa pangangasiwa at pagpapaplano ay matatagpuan sa mga sagot sa apat na susing tanong.

Ang apat na tanong na ito ay "1. Ano ang gusto natin? 2. Anong mayroon tayo? 3. Paano natin gagamitin ang anumang mayroon tayo para makamtan ang anumang gusto natin?4. Anong mangyayari kapag ito ay natamo natin?" Kung iyong masusing titingnan, sila ay ang apat na tanong na kabilang (marahil ay nakatago sa mga paliwanag) sa alinmang dokumento sa pagpapaplano ng isang proyekto at sa brainstorming.

Kung ang mga suliranin ay sinusuri at nilulutas lamang pagkatapos nilang lumitaw at umuukilkil, sa gayon ito ay "pangangasiwa ayon sa krisis." Mas maigi pang walang pangangasiwa sa kabuuan.

Kung, sa kabilang banda, ang mga malinaw na layunin ay alam at ang mga kinakailangang kilos ay batid at ginagawa para marating ang mga layuning iyon, sa gayon ito ay "pangangasiwa ayon sa mga layunin." Ang mga suliraning maaaring mangyari ay matataya at ang mga pamamaraan ay mailalagay para (bago pa lumitaw) lumutas sa kanila. Ang pangangasiwa ayon sa layunin ay mas matalab at mas mababa ang pagkaligalig sa pangangasiwa ayon sa krisis.

Malaki man o maliit ang pangkat na bibigyang-kapangyarihan, kung ito man ay organisado katulad ng isang samahan o di malinaw katulad ng isang pamayanan, ang kakayanan nito ay mapag-iibayo kung ito ay pipili ng mga pamamaraan sa pagtatanong at pagsasagot ng apat na tanong na ito.

Kung walang problema, wala ng pangangailangan sa pangangasiwa. Laging may mga problema; ito ang katotohanan ng buhay. ang pangangasiwa ay napakahalaga para ipaubaya lamang sa mga tagapangasiwa; ito ay dapat na tungkulin ng lahat. Kung ganoon, dapat na ang lahat ay batid ang apat na tanong na ito; at ang lahat ay dapat na magambag sa pag-alam sa mga sagot.

Anong Gusto Natin?

"Ano ang pinakamahalagang suliraning dapat na malutas?" Ang tanong na "Anong Gusto Natin?" ay sumasaklaw sa paglalarawan ng suliranin, ito ay pagbabaliktad para bigyang kahulugan ang pangkalahatang layunin, at paglilinaw nito para gawing specific ang mga mithiin, outputs at ibang malinaw na mga kahulugan ng layuning iyon. Sa metapor na pangheograpiya, "Saan Natin Gustong Pumunta?"

Ang samahan o pamayanan ay kailangangang mayroong pinagsaping pananaw ng mga nais nila. Ito ay hindi lamang isang bagay na pisikal na pwedeng ariin, katulad ng palikuran o elektresidad; ito ay maaaring bagong batas, binagong pag-uugali, pagtataas ng kamalayan, pagpapalit ng mga gawi, isang bagong istruktura ng samahan, pagtataas ng kita ng isang samahang pangkalakalan, mas mataas na pasahod sa mga kasapi ng unyon, isang pagpapalit ng pamamaraan o kasapian ng isang samahang non-profit, o anumang pinagsaping layunin na nangangahulugan o nagpapahiwatig ng isang pagunlad (tulad ng antas ng pamumuhay) para sa grupo sa kabuuan.

Ang mga layunin at adhikain ay dapat na alamin sa lahat ng proyekto at dokumento sa pagpapaplano; iyon ay karaniwang alam. Pero sila ay dapat piliin at maintindihan, at sang-ayonan ng lahat ng kalahok sa pang-araw-araw na gawain ng isang grupo, pamayananan o samahan.

Sa pagsasanay sa pangangasiwa ng isang pamayanan, ang tanong na "Anong Gusto Natin?" ay dapat sagutin ng pamayanan sa kabuuan, hindi lamang ng mga kalalakihan, hindi lamang ng mga may pinag-aralan, hindi lamang ng mga lingkod na sibil, hindi lamang ng mga kaibigan ng ahensya, subalit lahat sa pamayanan, sa pamamagitan ng nagkakaisang pagsang-ayon.

Anong Mayroon Tayo?

Ang tanong na "Anong Mayroon Tayo?" ay pagkilala sa mga kayamanan o potensyal na tulong na magagamit para marating ang piniling layunin at adhikain. Sa metapor na pangheograpiya, "Saan Tayo Ngayon?"

Ang tanong ay nagpapahiwatig na ang kasalukuyang sitwasyon ay dapat na matyagan, pag-usapan at suriin. (Ito ay tinatawag na pagsusuri ng sitwasyon). Ito ay nagpapahiwatig ng pagkuha ng maliwanag na larawan ng lahat ng kayamanan at balakid, kayaman at obligasyon (potensyal at natamo na), at balido at mapapatunayang larawan ng sitwasyon.

Sa pagsasanay sa pangangasiwa ng isang pamayanan, ang pagkilalang ito ay mas maiging gawin sa mga pulong kung saan ang mga tahimik na kalahok ay mahimok na lumahok, dahil maraming kayamanan sa bawat pamayanan, kabilang ang mga pinakamahirap, na nakatago o di lantad. Ang bihasang tagapagpakilos ay napapadali nitong mapalitaw sa isang pulong ng pamayanan ang pagkakilala sa maraming ngunit nakatagong o nakabalatkayong kayamanan.

Ang mga kayamanan ay maaaring manggagawa at kasanayan, (ang lakas ng tao na nakahandang gamitin sa gawain), ang lupa o o lugar na pagdarausan ng gawain, salapi (sa pamamagitan ng pagpapataw ng bayarin, pagbebenta, donasyon at iba pang panggagalingan), puhunan (mga kasangkapang o kagamitang magagamit muli) na kinakailangan para isagawa ang mga gawain, at katalinuhan ng tao (katalinuhan, impormasyon, kasanayan, karanasan, kakayahan sa panunuri, pagkamalikhain) na madalas ay ang mga nakatagong ambag ng mga matatanda o mga retiradong mamamayan, at madalas ay natatagpuan sa mga may kapasanan o mga taong itinakwil. Marami ang nakalantad kung kaya sila ay nakakaligtaan sa kabilang banda.

Ang pagsusuri sa sitwasyon ay nangangahulugan ng maingat at kompletong pagoobserba ng mga namamayaning kondisyon, pagaalam ng mga bagay na makakapagambag sa pagkamit ng mga layunin (o potensyal na makakapagambag) at anong mga bagay na balakid sa pagkamit ng mga layuning iyon.

Paano Natin Gagamitin Ang Anumang Mayroon Tayo Para Makamtan Ang Anumang Gusto Natin?

Ang tanong na "Paano Natin Gagamitin Ang Anumang Mayroon Tayo Para Makamtan Ang Anumang Gusto Natin?" ay ang istratehiya na bahagi ng kaalaman sa pangangasiwa. Paano makakarating galing sa "A" tungo sa "B." Palaging may iba't -ibang pamamaraan para pagsamahin ang mga kayamanang nasa kamay, at ang mga pinagsamang katalinuhan ng pamayanan (katulad ng nabanggit sa itaas) ay dapat gamitin para alamin ang iba't-ibang istratehiya, at piliin ang pinakanararapat.

Ito ay nasa pag-alam kung paano makararating galing sa "A" tungo sa "B" na ang pangkat, sa patnubay ng isang facilitator, ay dapat na gumawa ng estratehiya na kabalangkas ng plano sa pagkilos. Kasama sa isinulat na plano ang mga sagot sa apat na tanong. Ang mapanlikha, inobatibo at mapanuring bahagi ng gawain ay sa paglikha ng ibat-ibang posibleng estratehiya, at pagkatapos ay sa pagpili ng pinakanararapat sa kanilang lahat.

Dito rin ang pagkakataon para sa pagsasaayos o muling pagsasaayos para sa pagbalangkas ng kapasyahan at para sa pagkilos. Tingnan ang pagsasaayos. Kung ito ay hindi maayos na koleksyon ng mga indibidwal, sa gayon para makamit ang mga napiling layunin, ang estratehiya ay dapat na tutugon kung paano sila makabubuo ng epektibong organisasyon para maisagawa ang mga kinakailangang gawain.

Kung ang pangkat, organisasyon, o pamayanan ay naisaayos na sa kung anupamang paraan, ang mga miyembro nito, marahil sa tulong ng isang facilitator, ay kailangang tanungin ang sarili nito kung ang kasalukuyang organisasyon ay ang pinakamabuting disenyo para makamit ang mga layunin nito, o kung ang isang pagbabago sa istruktura at proseso ay maaaring isaalang-alang dito. Para sa isang tagapagpakilos ng pamayanan na ginagamit ang pagsasanay sa pangangasiwa, ito ang pagkakataon para gabayan ang isang pangkat ng pamayanan sa pagbuo o muling pagbuo ng sarili nito sa isang samahan na epektibong gagamit ng anumang mayroon sila para makamtan ang anumang gusto nila.

Anong Mangyayari Kapag Ito ay Natamo Natin?

Bago pa man ang isang kilos ay gawin, napakahalaga na ang pangkat ay gumawa ng ilang balido at makatutuhanang pananantya tungkol sa epekto at resulta ng napiling estratehiya. May mga di-inaasahang kahihinatnan, ngunit bawat pagtatangka para malaman ang lahat ng posibleng kahihinatnan ay dapat gawin, lalo na para maiwasan ang mga di kanais-nais na konsekwensya.

Dito dapat na malaman ng pangkat na ang pagmamasid ay napakahalaga. Sinuman ay di dapat sumakay sa bisekleta kung ang mata nila ay nakapinid. Ang kabuuang plano ng pagkilos ay dapat isali ang pagmamasid sa mga kilos at resulta, at ang pamamaraan sa pag-uulat sa sa pangkat sa kaubuuan.

Ang tanong na "Anong mangyayari kapag ito ay natamo natin?" ay saklaw ang prediksyon ng magiging epekto ng gawain.

Ito ay maaring palawigin para itanong kung papaanong ang gawain ay inaakala na makakapekto sa pamayanan at kanyang kapaligiran ( sosyal at pisikal) at tungo sa plano para sa pag-monitor at pag-evaluate.

Konklusyon:

Ang apat na tanong na ito ay dapat gamitin ng mga field worker bilang balangkas sa pagaayos o muling pagaayos ng isang pangkat. Kahalintulad nito, ang mga ito ay ginagamit din ng mga tagapagsanay sa pangangasiwa para sa pag-oorganisa o muling pag-oorganisa ng isang pangkat ng mangangasiwa.

Ang mga ito ay maaaring gamitin ng isang koordinador para sa pagbuo ng ng pangkat ng mga field workers. Magkakasama. ang mga ito ay balangkas para sa pagpapatatag ng kakayanan at lakas sa pangangasiwa ng alinmang pangkat ng mga kalahok.

Sa pagsasanay sa pangangasiwa ng isang pamayanan, ang mga mahahalagang tanong na ito ay kinakailangang ilabas kung ang buong pamayanan ay nagpupulong para pagpasyahan ang kanilang mga priyoridad. Ang mga ito ay dapat gamiting muli kung ang executive committee ng mga CBO ay magpulong sa kapakanan ng buong pamayanan para ayusin ang mga detalye. Kung titingnang maigi, makikita mo na ang apat na tanong na ito, sa pagkakasunod ayon sa pagkakatalakay, ay nakatago sa appendices ng dalawang dokumentong ito, ang proseso ng brainstorming at patakaran para pagdesinyo ng isang proyekto.

Kung ang mga ito man ay itinanong habang ino-organisa ang isang trade union o sa isang pulong ng mga matataas ng opisyal ng isang mayamang korporasyon, (o, sa sitwasyong ito, habang pinapalakas at pinatatatag ang kakayanan ng isang pamayanang may mababang kita), ang mga ito ay bumabahagi sa mga mahahalaga o buod na pasya sa pangangasiwa.

Ito ay hindi pagsasanay sa pangangasiwa para sa mga tagapangasiwa. Ito ay pagsasanay sa pangangasiwa para sa lahat.

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling binago: 2010.01.21


 Pangunahing pahina

 Pagsasanay sa Pamamahala