Unang Pahina
 Maliit na Negosyo




Pagsasalin:

Català 中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


MGA REKORD NA PANG-NEGOSYO

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Emmanoelle Garalde


Tala para Sa Pagsasanay

Anong klaseng pagsasanay sa mga rekord na pangnegosyo ang kinakailangan ng mga kalahok sa maliit na negosyo?

Panimula:

Sinuman ang pumasok sa pagnenegosyo, maliit man o malaki, ay kinakailangan malaman at tandaan ang mga nangyayari sa kanyang negosyo sa anumang panahon. Dapat ay isulat ng mga may-ari ng maliit na negosyo ang lahat ng pangyayari para maging basehan sa anumang gawain sa hinaharap.

Kasama ng dokumentong ito ang Pagtatala ng mga Transaksyong Pinansyal at Mga Pag-Uulat na Paksa.

Ano ang pagtatago ng rekord?

Ang ibig sabihin ng pagtatago ng mga rekord na pangnegosyo ay ang pagtatala ng:

  • Gaano karaming pera ang natatanggap ng iyong negosyo; at
  • Gaano karaming pera ang iyong binabayad palabas.

Ang pagrerekord ay isang paraan sa pagtatala ng sunod-sunod ng lahat ng transaksyon na may kinalaman sa perang pumapasok at lumalabas sa iyong negosyo.

Ang transaksyon ay ang palitan ng pera para sa isang bagay na may halaga. Pumapasok at lumalabas ang pera sa pamamagitan ng mga transaksyon. Nakakatanggap ng pera ang isang maliit na negosyo sa pamamagitan ng pagbenta ng produkto o serbisyo. Lumalabas naman ang pera kapag nagbabayad para sa mga produkto, materyales, pasahod at mga kinakailangan (tulad ng tubig, kuryente).

Ang pagtatago ng rekord ay makakatulong sa pag-alala sa mga bagay tulad ng:
  • Ano ang aking binili?
  • Kailan ko ito binili?
  • Magkano ang aking binayad?
  • Kailan at ano ang aking nabenta?
  • Magkano ang aking natanggap na bayad?
  • Gumamit ba ako ng utang sa pagbili o nagpautang ba ako para makabenta?
  • Imbentaryo ng mga materyales at produkto;
  • Gaano karaming pera ang aking natatanggap araw-araw (linggu-linggo, bawat buwan, taon-taon)?
  • Gaano karaming pera ang aking binabayad araw-araw (linggu-linggo, bawat buwan, taon-taon)?
  • Ano ang sumobra at ano ang ginawa ko dito?
  • Umuunlad ba ako? at
  • Magkano ang perang maaring gamitin ng negosyo?

Kapag may rekord ang lahat ng nakasulat sa taas, matutulungan ang may-ari kung magkano ang kanyang kailangan para mapatakbo ang kanyang negosyo sa anumang panahon (tulad ng pangangailangan sa kapital at kung saan ito kukunin). Ang maayos at tamang mga rekord ay makakatulong din sa pagtingin kung ang inaasam na kita ay maabot. Maaring malaking porsyento ng pera ay napupunta sa pasahod o sa mga materyales. Maaring may kumukuha ng pera sa negosyo sa pamamagitan ng pagkuha ng salapi o mga produkto.

Ang tamang rekord ay makaktulong sa paghanap ng solusyon sa mga problema at sa pagplano ng hinaharap dahil naipapakita nito ang mga nakaraang pagkakamali at ang mga kasalukuyang nangyayari sa iyong negosyo.

Karamihan sa maliliit na negosyo ay hindi nagtatago ng rekord lalong lalo na kung ang may-ari ay babae. Hindi nila naitatala ang kanilang mga transaksyon dahil hindi sila marunong bumasa o sumulat. Dapat ay tulungan sila ng kanilang mga anak na pumapasok sa paaralan o ng kanilang mga asawa o ng isang mapagkakatiwalaan na marunong bumasa at sumulat.

Mga Uri ng Rekord:

Sa tamang pagtatago ng rekord, kinakailangan na isulat lahat ng transaksyon ng negosyo sa maayos na paraan. Kailangan mapakita mo na ang perang iyong natanggap at ibinayad. Kinakailangan mo ng katibayan sa bawat transaksyon, maski sa pinakamaliit na halaga tulad ng pamasahe, sobre, o sabon.

Mga halimbawa ng nakasulat na katibayan ay:

  • Resibo nga mga nabiling produkto o materyales, renta, bayad sa tubig at kuryente; o
  • Kopya ng mga resibo na binigay mo sa iyong mga mamimili.

Kung walang katibayan na nakasulat, kinakailangan mong isulat ang mga detalye ng transaksyon. Maari kang gumamit ng notebook para isulat ang mga impormasyon na iyong kinakailangan.

Kinakailangan isulat kung anong nangyari:
  • Petsa ng transaksyon;
  • Sino ang kasali sa transaksyon;
  • Tungkol saan ang transaksyon; at
  • Magkano ang halaga ng transaksyon.

Sa pagrerekord, ang mga resibo at anumang katibayan ng transaksyon ay tinatawag na "vouchers." Palaging itago ang mga voucher sa isang lugar tulad ng lalagyan na may kandado o sa kabinet. Ito lang iyong katibayan na ang iyong rekord ay tama.

Simpleng Sistema sa Pagtatago ng Rekord:

Si Ms Somo ay nagmamay-ari ng isang sari-sari store sa South Side. Nakikipagtalo siya sa isang mamimili tungkol sa dami (ilang kilo) ng asukal na inutang nito sa kanyang tindahan. Hindi sila makapagsundo sa kilo ng asukal na kanyang inutang. Naisip ni Ms Somo na kaya siya may mga problemang ganito ay dahil sa hindi siya nagtatago ng rekord sa kanyang mga transaksyon.

Alam niyang kailangan nya ng rekord ngunit hindi niya alam kung anong klaseng rekord ang kanyang dapat itago, paano ito gawin at paano ito gamitin. Pumunta si Ms. Somo kay Ms Nalongo Chow para humingi ng tulong. Si Ms. Nalongo Chow ay nagmamay-ari ng Nalongo Grocery ay may karanasan na sya sa pagtatago at pagamit ng rekord na pang-negosyo.

Ipinakita ni Ms Nalongo Chow kay MS Somo kung paano magrekord at paano gumawa ng mga vouchers para sa lahat ng binibili at nabebenta gamit ang pera o utang. Sa pagsimula ng negosyo, gumagamit ng pera at sa paglaon ay dumadating ang benta, at nakakatanggap ng pera. Sa bawat pagbili o pagbenta, isulat ang detalye sa isang "cash book."

Cash Book:

Maaring gumamit ng notebook para sa cash book.

Pumpasok na Pera ( + ) Lumalabas na Pera ( - )
Saan galing ang mga natatanggap na pera ng negosyo? Sa anong mga bagay gumagastos para sa negosyo?
  • kita sa benta (sales);
  • regalo galing sa iyong asawa;
  • ibang regalo;
  • grant mula sa isang NGO;
  • utang;
  • ipon ng grupo

  • materyales;
  • sahod;
  • pamasahe;
  • gamot,
  • bayad (fees);
  • buwis;
  • pagkain at damit;
  • bayad sa simbahan;
  • pagbayad ng utang;
  • pagbayad sa interes sa utang


Tandaan: lahat ng pera na pumapasok ay inilalagay sa kaliwa. Lahat ng pera na lumalabas ay isinusulat sa kanan.


Petsa Pumasok na Pera Halaga Petsa Lumabas na Pera Halaga
Araw kung kelan pumasok ang pera? Saan galing ang pera? Magkano? Araw kung kelan binayaran? Saan ginastos ang pera? Magkano?




Kabuuan (Total) Kabuuan (Total)
Balanse

                                        


[Kabuuan ng Pumasok na Pera] - [Kabuuan ng Lumabas na Pera] = [Balanse]

Gamiting ang "cash in hand" in (+) column bilang balanse sa susunod na pahina.

––»«––

Workshop ng Pagsasanay:


Isang Workshop

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 10.05.2011


 Unang Pahina

 Maliit na Negosyo