Pangunahing Pahina
 Pagsaliksik sa Komunidad




Mga Salin

Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
Polszczyzna
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


PAGTAGO NG MGA TALAAN

Pagsaayos ng Impormasyon

ni Phil Bartle, PhD

Isinalin ni Melanie Arriesgado Mosqueda, RN


Paggawa na Sulatin

Ano ang mga uri ng impormasyon ang kailangang itala ng mga tagapagpakilos?

Ang mahusay na pagpapangasiwa ay kailangan ng mahusay na impormasyon. Mas maraming impormasyon ay di nangangahulugang mas mabuting impormasyon. Ang impormasyon ay kinakailangang maging makabuluhan, at kailangang madaling makuhang muli.

Ang simula ng mahusay na impormasyon ay ang pagtatala na ginawa ng mga tagapagpakilos. Mahalaga para sa kanilang tagatulong (tagapangasiwa) na siguruhin na malinaw nilang naiintindihan kung anong mga uri ng mga tala ang dapat nilang itago, paano nila ito dapat itago, at kung paano nila dapat gawin na ang impormasyon ay handa upang ipangasiwa ang programa ng pagpapakilos.

Ang sulating ito ay maigsing pagsisiyasat na muli kung anong mga uri ng impormasyon ang kailangan. Ito ay pangkalahatan; ang partikular na detalye ay nagagamit sa iba't ibang mga programa, na kailangan mong bigyang kahulugan. Ang impormasyon ay kailangan sa bawat isang komunidad, bago, habang at pagkatapos ng interbensyon o pakikialam sa pagpapakilos. Gumawa ka ng sarili mong talaan ng mga uri ng impormasyon, ngunit kabilang dito ang mga palatandaan sa lipunan, prediksyon sa antas ng pagkakaisa, potensyal sa pag-organisa ng pagkakaisa, pagtantiya sa tagumpay ng pagtulong sa sariling pagpapakilos, basehan at mga pagbabago sa lipunan na may kaugnayan sa interbensyon o pakikialam.

Ang mga tagapagpakilos ay dapat na magtago ng araw-araw at buwanang talaan ng planado at di-planadong mga aktibidad.

Ang impormasyon ay kailangan kung anong mga yaman ang nakahanda para sa bawat komunidad ang puwedeng itap. Kasama dito ang mga karagdagang serbisyo,mga pinagmulan ng pisikal na yaman, pinagmulan ng pananalaping yaman, mga kahusayan at nakahandang yaman sa pagsasanay, halimbawa retiradong espesyalista na naninirahan sa komunidad, iba pang nakahandang kahusayan, at mga tantiyang halaga ng nakatakdang bayarin o honorarya na babayaran sa naturang serbisyo.

Ang impormasyon ay kailangan sa nakalipas na estratehiya, kalakip dito ang mga naging tagumpay (at bakit), ang mga kabiguan (at bakit), mga rason para sa mga naturang pangyayari, at mga araling natutunan sa nakaraang pangingialam o interbensyon.

Ang mga paraan ng komunikasyon sa pagitan ng tagapagpakilos at tagapangasiwa ay kailangang ayusin. Ang ulat na nakasulat ay ang pinaka epektibo, ang salita na ulat naman ay hindi nagiging bahagi ng pinag-isang memorya ng programa. Ang modulo dito ay dedikado mismo sa pagsulat ng mga ulat, na kailangan mong suriin. Tingnan din ang mga komento sa Ebidensyang Papel.

––»«––

Ang Pagsasanay:


Ang Pagsasanay;

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 29.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Pagsaliksik ng Komunidad