Tweet Mga Pagsalin:
中文 / Zhōngwén |
PAMAMAHALA NG PROGRAMA NG PAGKILOSPagpapatakbo ng Programa ng Pagkilosni Phil Bartle, PhDisinalin ni Abegail SabadoInihahandog para kay Gert LüdekingMalawakang Pananaw ng SeksyonAno ang Kailangan para Mamahala ng Programang Pagsasakapangyarihan?Introduksyon: Maaring ikaw ay isang tagapag-ugnay ng isang distrito, na may dalawa o tatlong tagapagpakilos. Maaaring ikaw ay naglilingkod sa gobyerno o NGO (internasyonal o nasyonal). Maaaring ikaw ay nagiisang tagapagpakilos sa isang distrito, namamahala sa sarili, at nasa pamamahala ng isang tagapangasiwa na walang kaalaman sa pagpapasakapangyarihan ng isang komunidad. Maaaring ikaw ay nagsisilbi para sa multilateral o bilateral international assistance na proyekto, at ikaw ay ang tagapamahala ng mga aspeto ng proyekto na may partisipasyon ng komunidad. Sa pangkalahatan, ikaw ay nasa pagitan, na may superbisor sa itaas na maaaring kaunti lamang ang kaalaman tungkol sa pagpapasakapangyarihan (maliban lamang sa mga malabong pagkakalarawan ng mga ideya sa halip na mga praktikal na bagay na may tiyak na mga aksyon) Kung ikaw ay may empleyado, maaaring wala silang pormal na pagsasanay, at tutungo sila sa iyo para sa mga payo at direksyon. Kung ganito, halos lahat ng seksyon sa website na ito ay makakatulong sa iyo sa iba't ibang paraan. Ang seksyon na ito ay nakasentro sa ilan ilang mga isyu ng pamamahala na namumukod tangi sa pagpapatakbo ng programa ng pagsasakapangyarihan ng isang komunidad. Ito ay hindi tungkol sa pangkalahatang pamamahala dahil ang mga isyu ukol dito ay nasakop na sa dalawa pang seksyon (Pamamahala ayon sa Partisipasyon, Pagsasanay sa Pamamahala). Kailangan mong isali ang iyong mga empleyado sa paggawa ng mga desisyon sa pamamahala, at iyon ay magagawa sa tulong ng mga pagkakalarawan ng trabaho, mga miting, taunang pagsusuri at partisipasyong pamamaraan sa pamamahala. Kailangan mong ayusin ang iyong departamento para handa silang umaksyon, at ang Apat na Importanteng Tanong ay maaaring tumulong sa iyo at iyong mga empleyado sa ganong disenyo. Alamin ang Pagkilos: Kahit sinong tagapamahala ay dapat pamilyar sa propesyong nga mga tauhan na kanyang pinangangasiwaan. Ito ay nagagamit kapag ang propesyon ay pagpapasakapangyarihan ng komunidad. Kung hindi mo pa nagagawa, kailangang matutunan mo ang mga paraan at prinsipyo ng pagkilos. Magisip bilang tagapagkilos para mas mabuti mong pangasiwaan ang programa ng mobilisasyon. Gamitin ang mga dokumentong ito para makagawa na sariling kurikulo.
Alamin
ang ilan sa mga pangunahing prinsipyo:
Ang pagsasanay sa buong website na ito ay maaaring makapagbigay ng gabay sa pagintindi ng proseso ng pagpapasakapangyarihan at pagpapaunlad ng kakayahan. Kung ikaw ay mayroon nang kaalaman, ito ay balikan muli. Kung ikaw ay bago sa propesyon, pagaralan ito. Suportahan at Maghikayat: Alalahanin na ang isang tagapamahala ay mayroon lamang isang instrumento; mga tao. Ang isang taong nagmamakinilya ay maaring nakadepende sa isang makinilya, ang isang tagapagmaneho sa isang sasakyan, ang tagahukay sa isang pala, ngunit ang tagapamahala ay nakadepende lamang sa mga tao. Kung ikaw ang gumawa ng gawain ng mga tao, ikaw ay hindi na isang tagapamahala. Tulad ng isang tagapagmaneho na kailangang panatilihing maayos ang sasakyan, at ang taong nagmamakinilya na kailangang panatilihing maayos ang makinilya, kailangan mong pagsilbihan at suportahan ang iyong mga katauhan, kung wala sila hindi ka magtatagumpay sa iyong trabaho. Ang problema ng "Kapaguran" ay kadalasang sakit na nakukuha ng mga panlipunang tagapagpakilos. Nangyayari ito kapag ang tagapagpakilos ay nagiisa, nais gumawa ng lahat, at ang tunay na kagalakan ay napapalitan ng kabiguan. Ang pagkadismaya ay normal lamang sa trabaho ng isang tagapagkilos, at ang empleyado ay kailangang hikayatin at paghinay hinayin. Ang iyong pamamahala at suporta ay maaring makatulong para maiwasan ang kapaguran, at maari mong magawan ito ng paraan sa maagang pagsusuri at pagsasaayos. Maari mong suportahan ang iyong mga tagapagkilos sa iba't ibang paraan. Mag organisa ng maraming pagbisita sa mga tagapagpakilos sa mga komunidad. Kung ikaw ay palaging nasa lugar ng pinagtatrabahuan, mas makikita mo ng mabuti ang kabuuan ng proseso. Maraming situasyon at mga pangyayari na hindi aabot sa iyo kung ikaw ay uupo lamang sa iyong opisina, ngunit ito ay mas magiging maliwanag sa iyo kapag ikaw ay parating lumilibot. Gamitin ang mga pagbisita para suportahan ang iyong mga empleyado, bigyan sila ng payo, gabay at panghihikayat, ayon sa iyong nakikita pag kayo ay magkakasama sa lugar ng pinagtatrabahuan. Isa pa, magpakita palagi sa mga miyembro ng komunidad. Iyon ay magbibigay ng ebidensya sa mga tao sa komunidad na ang kanilang mga usapan na kasama ang mga tagapagkilos ay hindi laman doon nagtatapos, ngunit nakakaabot din sa iyo. Ang kanilang mataas na tiwala sa tagapagkilos. at sa proseso ay isa pa sa mga paraan ng pagsuporta sa iyong tagapagpakilos. Ang pagsasanay ay hindi minsan lamang sa propesyong ito. Siguraduhing ang iyong mga tagapagpakilos ay palaging nabibigyan ng pagsasanay habang nasa serbisyo. Pagsamahin ang pagsasanay na may pagsuporta, paghikayat, pamamahala at paggabay. Mag organisa ng mga workshops, kumperensya, seminars, at mga pagbisita. Dapat din ay subukang magmiting kasama ang lahat ng mga tagapagkilos isang beses sa isang buwan, o kahit lamang isang beses sa dalawang buwan para sa dalawang araw na pagsasama sama. Sa mga miting na iyon, gumawa ng iskedyul para magbigayan sila ng impormasyon sa isa't isa at ipaalam ang mga isyu na nakikita nilang kahirapan. Bigyan ng paraan ng pagresponde sa mga tagapagpakilos at, kung nararapat, magdala ng mga experto o maghanda ng sarili mong presentasyon para sa kanila tungkol sa mga mabibigat na isyu, na maaaring ipakita sa mga susunod na regular na miting. Ipaglaban ang Pamamaraan: Ang pamamaraan ng pagpapasakapangyarihan ay hindi gaanong naiintindihan sa labas ng propesyon. Maraming mga tao ang hindi naiinitindihan ang mga panganib ng paraan ng pagtulong, at hindi agad nakikita ang pagpapalakas ng isang komunidad na mas importante kaysa sa mabilis na paggawa ng mga eskwelahan o mga patubig. Kapag ang mga nakakatandang opisyal sa iyong organisasyon, o mga politiko, o mga manunulat, ay nagtanong sa isang tagapagkilos kung bakit wala pang eskwelahan na naitatayo, ang tagapagkilos ay nawawalan ng konsentrasyon sa kanyang trabaho. Maaaring mabaling ang atensyon nya sa pagsayang ng oras sa pagtatangol ng pamamaraan (nawawala ang mahalagang oras na para sa pagpapasakapangyarihan); iyon dapat ang iyong trabaho. Kunin ang bawat pagkakataon para maipaliwanag at mapagtanggol ang pamamaraan: magsulat ng maiikling impormasyon para sa mga importanteng bisita, mga balitang ipalalabas, maiikli at regular na impormasyon ukol sa progreso, mga programa sa lokal na istasyon sa radyo, at mga usapan kasama ang mga taong maimpluwensiya. Magbigay ng maliit na honorarium sa mga lokal o nasyonal na mga manunulat at magbigay para sa mga gastusin sa pagbyahe para magsulat tungkol sa pamamaraan, na nagpapaliwanag na ang pagpapasakapangyarihan ng isang komunidad ay mas mahalaga kaysa sa oras na igugugol para magtayo ng kanilang eskwelahan. Laging bigyan ng impormasyon ang iyong tagapamahala. Gamitin ang pagkakataon para sa paghahanda ng mga maiikling sulatin at mga ulat para maituro ang mga pangunahing ideya at mga pamamaraan sa iyong tagapamahala at mga nasa mas mataas na posisyon. Subaybayan ang mga "turista." Ito ay ang mga importanteng bisita, mga manunulat, mga tauhan ng mga sumusuportang ahensya. Ipaalam ang iyong mga layunin (ang pagpapalakas sa isang komunidad, at hindi ang latrine). Panatilihin sa isipan ang mga layunin ng pagpapaunlad ng kapasidad (kanila at sa'yo); huwag mawawalan ng konsentrasyon. Maging interesado sa "nagbabantang sagabal" para sa mga tagapagkilos, pangalagaan ang iyong mga tauhan sa mga tanong na base sa mga kawalan ng kaalaman at mga maling akala. Pagpaplano: Ang mabuting pamamahala ay nangangailangan ng magandang pagpaplano. Kahit na ito ay totoo sa karamihan ng mga situasyon sa pamamahala, ang iyong trabaho bilang isang tagapamahala ng isang tagapagkilos ay may mga katangi tanging pagpaplano. Mayroong dalawang magkaibang pinanggagalingan ang pangmatagalang plano, at walang kasiguraduhan na sila ay mangyayari ng sabay. Ang iyong layunin sa pamamahala ng programa ng pagkilos ay ang pangangasiwa sa kanilang pangyayari ng sabay hangga't maaari. Sa isang tabi, mayroon kang distrito, pangrehiyon o nasyonal na proseso ng pagpaplano. Sa nakaugalian, ang pagpaplanong ito ay pinagsasasama sama o sa ibang salita ay tinatawag na "taas baba." Ang mga plano ay nanggagaling mula sa itaas, galing sa iyong mga tagapamahala o mga opisyal ng distrito. Sa kabila, mayroon kang mga pangmatagalang plano at mga nais na mga miyembro ng komundad. Ibaba Taas. Ito ay napaguusapan ng mabuti ng iyong mga tagapagkilos sa miting kung saan pinaguusapan ang iba't ibang mga ideya at mga miting ng mga komunidad na naghahanap ng mga pangunahing isyu, problema at mga solusyon. Sa kabutihang palad, ang kaibahan sa dalawang iyon ay hindi problema na kasing laki nung una itong lumabas. Parami ng parami ang mga tagaplano na galing ng gobyerno sa nasyonal at pangrehiyon na opisina, na interesado sa pagkalap ng impormasyon mula sa karamihan, tulad ng mga komunidad. Habang ipinapaalam mo sa kanila na ikaw ay isang mabuti at tamang pinanggagalingan ng mga paggawa ng desisyon mula sa ibaba patungo sa itaas, ang iyong impormasyon ay kanilang isasama sa kanilang mga planong pang nasyonal at pangrehiyon. Dagdag pa dito, ang mga pagnanasa ng mga miyembro ng komunidad kung saan ang mga trabaho ng mga tagapagkilos ay kadalasang nakaayon sa mga pangunahing pangangailangan ng bayan. Ito ay makikita sa mga layunin tulad ng pisikal ng mga pagpapatayo (mga gamit sa patubig, klinika, eskwelahan, at mga daan). Ito ay hindi masyadong nakaayon para sa mga sibil na mga kontrata o mga layuning pinupursigi, na kadalasang nagkakaroon ng hindi pagkakasundo ng mga opisyales sa gobyerno, mga may ari ng lupa, o iba pang may kapangyarihan at may pansariling kagustuhan. Gawing panlipunang responsibilidad ang pagsamahin ang pangrehiyon o pangdistrito na pagpaplano sa iyong programa ng mobilisasyon. Ang ibig sabihin nito ay kailangang panatilihing maganda ang komunikasyon sa mga opisyal ng rehiyon o distrito (ayon sa lugar ng iyong responsibilidad). Maaari rin namang bukas ang ganoong mga opisyal na makinig sa anumang mga pangunahing pangangailangan ng mga miyembro ng komunidad, na maaari mong makuha sa tulong ng iyong mga tagapagkilos. Ibig sabihin ay dapat mayroon kang magandang pakikipagugnayan sa iyong mga tagapagkilos, at kailangang siguraduhin na ang kanilang pagsusulat ng mga iuulat ay epektibo. Sa ngayon kailangan mong siguraduhin na sa tuwing gaganapin ang regular na mga miting (buwan buwan o bawat dalawang buwan) kasama ang mga tagapagkilos, ay lagi silang balitaan tungkol sa paggawa ng mga desisyon, malayong pananaw, pangunahing pangangailangan at mga pagnanasa sa pangkat ng distrito o pangrehiyon. Tignan: Gabay sa Paghahanda ng Work Plan Dokumento ng mga Ebidensya: Wala akong eksaktong ebidensya o impormasyon, ngunit sa aking karanasan, nalaman kong ang mga taong katulong mo sa komunidad at ang pagsusulat ng mga kailangang ibalita ay hindi madaling pagsamahin. Parang ang mga tagapagkilos ay hindi gustong gumawa ng mga dokumentasyon. Ang pagsasaayos ng isang komunidad na gumawa ng sariling sikap na proyekto ay hindi nangangailangan ng pagsulat ng mga dokumento. Ang isang tagapagkilos ay nababaon sa trabaho, at madalas nakakaligtaan ang paggawa ng mga dokumento. Ang problema dito ay ang mga tagapagkilos ay gumagalaw lamang sa kasalukuyan at hindi na nakikita ang kabuuan ng proseso. Nakakalimutan nila o hindi maamin, na sila rin ay aalis pagkatapos at pwedeng mapalitan. Para masigurado ang pagkakatuloy tuloy at pag sang ayon ng mga pagtulong, ang bagong tagapagkilos ay dapat malaman kung ano ang nangyari noon, ano ang mga gumana, at ano ang hindi at ang mga aral na natutunan. Ang pananaliksik ay hindi na dapat pang ulitin. Siguraduhing ang mga tagapagkilos ay nagtatago ng mga dokumento at nagsusulat ng mga report. Kung gagagamitin mo ang pagsasanay sa web site na ito, at ito ay aking iminumungkahi na gawin mo, ang pangunahing introduksyon na dokumento ay hinihikayat ang tagapagkilos na magsimulang magsulat sulat tungkol sa mga araw araw na pangyayari. Ang pagkakaroon ng mga dokumento ay nararapat para sa paghanda ng mga susunod pa na report, kasama lahat ng mga aktibidades at resulta, at mga aral na natutunan. Hikayatin na palagi nila itong gawing pati ang pagsusulat ng mga report. Sunod, ay mangasiwa ng isang workshop sa pagsulat ng report para sa iyong mga tagapagkilos, at gamitin ang mga pagsasanay sa website na ito. Isang buong seksyon ang nakatalaga sa Pagsulat ng Report. Kapag ang tagapagkilos ay umalis, hingiin na ang mga dokumentong iyon ay iiwan lamang sa programa. Bilang isang tagapamahala ng isang programa, kailangan mong mahigitan ang paggawa ng mga report ng mga tagapagkilos. Kailangan mong gumawa ng isang MIS na sistema (MIS=Management Information System). Kailangan mong ipaliwanang kung paano ito gumagana, at kung paano makakadagdag ang mga tagapagkilos sa paggamit nito. Kailangan mong ipakita sa kanila ang gamit nito at kung ano ang dapat nitong gawin. Tignan: Management Information. Ang impormasyon ay dapat maitala sa paraan na madali itong makita -- kung kinakailangan. Kongklusyon: Ang ibang mga seksyon ay magbibigay sa iyo ng ibang gabay tungkol sa pangkalahatang pamamahala. (Pagsasanay sa Pamamahala, Pamamahala ng Pakikilahok). Gamitin ang ibang pang mga seksyon sa pamamahala kasama nito, na nagdadala ng ilan sa mga kakaibang isyu sa pamamahala ng programa ng pagkilos. Alamin ang mga pangunahing prinsipyo at mga pamamaraan ng pagkilos; gamitin ang mga pagsasanay sa website na ito para matutuhan at mapabalik balikan. Mas magiging maayos ang pakikitungo mo sa iyong mga tagapagkilos, at makakakuha ng lahat ng maaaring makamit mula sa kanilang mga gawain sa pagbuo ng programa. Suportahan ang iyong mga tagapagkilos na may panghihikayat, paggabay, payo at iyong mga kilos, sa lugar ng pinagtatrabahuan kasama ang iyong mga tagapamahala, politiko at mga manunulat. Ipaglaban ang pamamaraan dahil hindi ito agad naiintindihan, at ito ay hindi sinasangayunan ng mga taong may pansariling kagustuhan na manatili lamang ang mga bagay bagay sa kinaroroonan. Pagplanuhan ang programa, at gamitin ang iyong posisyon sa pagitan ng mga opisyal ng pang rehiyon at pang nasyonal na pagpaplano at ang mga miyembro ng komunidad, para mapagsama ang dalawang pinanggagalingan ng pangmatagalang pagpaplano. Siguraduhing mayroong dokumento ng ebidensiya bilang mga tala at mga report na malaki ang importansya sa iyong pagpapatakbo ng isang matagumpay, pangmatagalan, tuluy tuloy at regular na programa ng pagpapasakapangyarihan sa isang komunidad. Alalahanin na ang pangangasiwa ay napakaimportante para iwan lamang sa mga tagapamahala. ––»«––Isang Workshop: © Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Unang Pahina |
Pamamahala |