Pangunahing Pahina
 Pagsusulat Ng Ulat




Pagsasalinwika:

Català
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

Kalamanan:

Kalamanan:

Kalamanan:


BAKIT KAILANGAN NA MAGHANDA NG ULAT?

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Ernie Villasper


Gabay

Unang Bahagi: Kabuluhan ng Ulat:

Kayo ba ay nayamot o nanlupaypay dahil sa kailangan kayong maghanda ng ulat? Naramdaman ba ninyo na ang pagsusulat ng ulat ay nakakapagod at walang-saysay, nguni’t kailangan ninyong gawin dahil lamang iyon ay isang maalabahing tuntunin?

Mas gusto ba ninyong magtatag ng mga pagpupulong, mamuno ng mga kasapi ng sambayanan upang gumawa ng kanilang kapasiyahan, magsanay ng mangagawa na matuto ng ibang mga kasanayan, o gabayan ang sambayanan na magbuo ng kanilang proyekto?

May magandang balita kami para sa inyo. Ang pagsusulat ng ulat ay isang hamon sa inyong kakayahan, ito ay nakakawili, at nagdudulot ng kasayahan. Ang pagsusulat ng ulat ay hindi naman kaiba sa tunay na gawain sa larangan. Iyon ay ubod at mahalagang pangangailangan sa inyong tungkulin; kasing tunay ng anumang gawain na kailangang gampanan.

Ang pagsusulat ng ulat ay makabuluhan at mahalaga (lalo na kung tama ang pagkakagawa). Magpatuloy sa inyong pagbabasa, ang dokumentong ito ay magpapaliwanag pa ng mga mahahalagang bagay upang makapagsulat ng magaling na ulat.

Mga Talakayan sa mga Tagapagpakilos:

Kamakailan, tinanong ko ang ilang tagapagpakilos (1) sa bansa ng Uganda habang kami ay nasa pagsasanay na pagpupulong, “Bakit kailangan na maghanda ng Ulat?”

Narito ang ilan sa kanilang mga sagot:

dahil sa kailangan naming gawin ito;
upang maingatan ang mga tala;
upang maipaalam sa mga nawiwiling tao ng Uganda;
upang magbida ng kabiguan at tagumpay;
para sa ating sarili, upang manatiling alam ang ginagawa;
upang ipabatid sa mga nagalay at nagpondo ng proyekto;
para ang mga nagalay ay masiglahan sa kinalabsan ng kanilang mga ipinagkaloob;
upang malaman ng ibang tao ang tungkol sa pagsulong ng proyekto;
para ang ibang mga tao ay masiglahan sa pagtupad ng kanilang sariling proyekto;
para ang mga kasapi ng sambayanan ay masiglahan at maging may kaalaman;
para matutunan ng ibang tao ang ating mga gawain;
upang tulungan ang mga mananaliksik sa kanilang gawain;
upang magpasiya ng susunod na pagkilos;
upang gamitin sa pagpapahalaga; at
para sa Pamahalaan.

Footnote (1)Ako ay minsang naimbitahan ng mga tagapagpakilos at nagsasakatuparan ng sambayanang proyekto para pumunta sa larangan at magbigay sa kanila ng payo tungkol sa pagsusulat ng ulat. Ang kasunduan sa organisasyon na pansambayanan na ukol sa kanilang pamamahala ay nangangailangan na magsulat sila ng ulat tungkol sa kaunlaran ng kanilang mga proyekto sa komunidad, kung hindi ay matitigil ang mga dapat na susunod pang pondo ng kanilang proyekto. Nais nilang matiyak na ang ulat nilang gagawin ay ayon sa tularan na kailangan para sa pamamahala ng sambayanan, upang magarantiyahan ang pagdating ng mga susunod pang pondo. Sa aking pagtingin, ang tungkulin ko ay ipaliwanag sa kanila kung bakit mahalaga ang kasunduan na magsulat ng ulat ang organisasyon na pansambayanan (ito ay pagsasakapangyarihan ng komunidad); na iyon ay hindi lamang isang walang-saysay na pangangailangan. Nais kong pasalamatan ang lahat ng mga tagapagpakilos, tagatulong ng komunidad para sa pag-unlad, at mga kasapi ng organisasyon na pansambayanan na tumulong sa aming mga pagpupulong sa gawaan at sa mga kalamanan nitong mga dokumento na nagsilbing gabay sa pagsasanay. (Anumang kamalian sa dokumentong ito ay sarili kong gawa).

Habang nagpatuloy ang aming pagpupulong, at bawa’t kasali ay nagbigay ng dahilan tungkol sa kanilang ulat, lahat kami ay napukaw ang kamalayan na ang ulat ay maraming paggagamitan, at (basta ang ulat ay laging babasahin) isang mahalagang bahagi upang makamit ang tagumpay ng mga aktibidad sa komunidad.

Samakatuwid, ang aming konklusyon ay:

Dapat tayong magsulat ng ulat;
Itong mga ulat ay dapat na babasahin; at
May mga pagkikilos na dapat na maging kinalabsan ng anumang ulat

Pagsusubaybay at Pagsusulat ng Ulat:

Sa anumang dibuho ng projekto na may pag-asa ng katuparan, may mga particular na hakbang (magsuri ng suliranin, magbalak at maglahad ng layunin, magturing ng mapagkukunan, mamili ng estratehiya, magsakatuparan, maysubaybay, magbago ng dibuho), at sa lahat nito ang pagsusubaybay ay isang mahalagang pangangailangan.

Hindi tayo maaaring magbisikleta kung hindi natin nakikita kung saan patungo ang bisikleta, kaya hindi rin tayo maaaring manatili sa tamang direksiyon ng anumang proyekto kung hindi natin nakikita kung saan patungo ang proyekto na pansambayanan.

Ang pagsusubaybay ng kaunlaran ng anumang proyekto o aktibidad ay dapat na pag-isahin sa kanilang pagbabalak at pagsasakatuparan. Ito ay mahalaga kaya bahagi ito ng pagsasanay ng mga tagapamahala sa sambayanan.

Ang pagsusubaybay ay dapat na gawain mismo ng mga kasapi ng sambayanan, o ng sinumang nakalagda sa kasunduan ng proyekto para sa sambayanan. Ito ay mahalagang tungkulin alang-alang sa mga nagabuloy ng pondo, at sinumang nag-ambag at nakilahok sa proyekto ng sambayanan.

Bahagi ng pagsasanay ng mga tagapamahala sa sambayanan ay kung paano magagawa ang pagsusubaybay, ang pagsasakatuparan, at ang tasasiyon. Ang mga tagapagsanay, sa kanilang tungkulin ng pagtulong, ay dapat na umakit (sa pamamagitan ng mga pagpupulong) ng mga pag-iisip tungkol sa mga bagay na kailangang subaybayan mula sa kanilang mga kasapi ng sambayanan.

Isang sanhi ng maagang pagkalumpo at katapusan ng aktibidad sa komunidad ay ang paghihinala ng maling paggamit ng anumang mapagkukunan; “kaya tuloy natigil na ipagpatuloy ang pagpupunyagi ng sambayanan”.

Ulat tungkol sa Kaunlaran ng Proyekto:

Ang proyekto ay hindi pa ganap maliban kung iyon ay nasubaybayan. Ang pagsusubaybay ay dapat na nakatala at naipabatid. Ang pagbabatid ay mismong isang ulat.

Ang ulat tungkol sa kaunlaran ng proyekto ay isang tala at pahatid ng kinalabsan ng mga aktibidad ng proyekto; kung sa gaanong kalawakan nakamit ang layunin; anong mga dahilan; tasasiyon ng kung ano ang mga sanhi; at mga mungkahi.

Ang ulat tungkol sa kaunlaran ay isang mahalagang bahagi ng anumang proyekto.

Ulat ng Mangagawa sa Larangan tungkol sa Karaniwang Gawain:

Ang isang mangagawa, boluntaryo man o binabayaran, ay tinakdaan ng tungkulin upang makamit ang hinangad na layunin. Ang mga hangaring ito ay dapat na nakalahad sa paglalarawan ng kanilang tungkulin. Paano natin malalaman kung nakamit ng mangagawa ang hinangad na layunin (at sa gaanong kalawakan)?

Ang ulat ng mangagawa sa larangan tungkol sa kanilang karaniwang gawain ay nagpapakita ng kalawakan ng kung anong aktibidad ang nagkaroon ng hinangad na kinalabsan; ano ang mga dahilan; tasasiyon ng mga sanhi; at mga mungkahi.

Ang ulat ay dapat na maghambing kung ano ang mga hinangad at ano ang kanilang kinalabsan; dapat nitong suriin ang mga dahilan; at magbigay ng mga mungkahi.

Ang magaling na ulat ay talagang napakahalaga !

––»«––

Pag-uulat sa Sambayanan:


Pag-uulat sa Sambayanan

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 29.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Pagsusulat Ng Ulat