PAG-OORGANISA NG PROSESO NG PAGSULAT NG GRANT
Pitong Bagay na Dapat Gawin Bago Magsulat
ni Michelle K. Carter
Isinalin ni Lina G. Cosico
Handout ng Training
Ang
pitong hakbang na nakalista sa ibaba ay maaaring gamiting patnubay upang ikaw ay
maging organisado.
Ang
pagsulat ng grant ay higit pa sa pagtatagpi-tagpi ng mga piraso ng impormasyon alinsunod
sa patnubay ng nagbibigay ng pondo. Ito ay isang proseso na nangangailangan ng organisasyon,
lalo na kung may mga deadline na hinahabol. Napakahalaga ng organisasyon, lalo na
kung kakaunti ang mga tauhan at gahol sa oras. Para maging epektibo ang gamit ng
oras, dapat ay may plano ka sa pag-oorganisa ng mga impormasyong kailangan sa grant
bago ka mag-umpisang magsulat.
1.
Kilalanin ang Pangangailangan/Suliranin:
Ang
mga nagbibigay ng pondo o funder ay palaging naghahanap ng daan para maalis ang pangangailangan.
Ibig sabihin nito, ay tanggalin ang "puwang" sa pagitan ng kasalukuyang kalagayan
at ng nararapat na kalagayan.
Kailangan
kang maghanda ng isang pahayag na magpapatunay ng iyong pangangailangan kasama na
ang mga "statistical data" na susuporta sa iyong pangangailangan.
2.
Mangalap ng Impormasyon Tungkol sa Organisasyon (Background Information)
Kailangan
ay mayroon kang dokumentasyon tungkol sa iyong organisasyon. Dapat na kasama dito
ang pahayag ng misyon ng organisasyon (mission statement), listahan ng mga nagawa
ng organisasyon, listahan ng mga nagbigay na ng pondo at mga programang pinondohan,
'resume o biodata' ng mga pangunahing tauhan, at pahayag na pinansiyal ng organisasyon.
3.
Magbuo ng Isang Pangkat na Magsusulat ng Grant
Alamin
lahat ng kailangang gawin para sa pagsulat ng grant. Kilalanin ang kakayahan ng bawat
tauhan para malaman kung sino ang magiging responsable sa bawat gawain.
Sino
ang magsasaliksik? Sino ang magsusulat? Sino ang lilikom ng mga impormasyon tungkol
sa badyet? Sino ang magta-type, gagawa ng mga mga kopya, atbp.?
4.
Pagsasaliksik at Pagkikilala ng mga Pagkukunan ng Pondo o Funder
Maraming
foundation ang may website sa Internet na nagbibigay ng mga patnubay at impormasyon
tungkol sa pag-aplay. Marami ring mga direktoryo na naglilista ng mga libo-libong
foundation at ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng grant.
Habang
kinikilala mo ang mga potensyal na funder, tanungin mo ang iyong sarili: Magkatugma
ba ang misyon ng foundation at pangangailangan natin? Pasado ba tayo sa kanilang
mga hinihinging kailangan? Maganda ba ang posibilidad na makakuha ng pondo?
Gumawa
ng balangkas ng bawat potensyal na funder.
5.
Makipag-ugnayan sa mga Potensyal na Funder:
Para
makakuha ng mga patnubay at aplikasyon, makipag-ugnayan sa mga funder na may misyong
tugma sa iyong mga pangangailangan. Ang inisyal na pakikipag-ugnayan ay unang hakbang
para mapalawig ang relasyon sa funder.
6.
Makipag-ugnayan sa mga Nakatanggap na na Pondo:
Ang
mga organisasyon na nakatanggap na ng pondo ay kadalasang nakalista sa website ng
nagbibigay ng pondo. Ang listahang ito ay magpapakita ng interes ng partikular na
funder.
Makipag-ugnayan
sa di bababa sa tatlong dati nang nakatanggap ng pondo. Tanungin sila tungkol sa
kanilang karanasan sa funder at kung bakit sila matagumpay. Subukan mong kumuha ng
kopya ng kanilang grant para gawin mong huwaran.
7. Gumawa ng Plano ng Pagsulat ng Proposal:
Kasama sa plano ang:
- listahan ng iyong mga layunin at hantungan;
- balangkas ng mga elemento ng proposal at kung sino ay may responsibilidad para sa bawat elemento;
- iskedyul ng aktibidad na naglilista ng gawain, sino ang gagawa, kailan gagawin; at
- iskedyul ng mga miting ng pangkat na magsusulat ng grant.
Ngayon, kung hawak mo na ang mga patnubay at mga aplikasyon, mag-umpisang magsulat!
Kung ikaw ay kumakatawan sa isang NGO, maari kang sumulat sa amin kung mayroon ka pang ibang kailangang patnubay. Mabuting padalhan mo kami ng e-mail na may tinutukoy na katanungan.
Tingnan din: Mga Grant, Kredit at Pagbawas ng Karalitaan.
––»«––
Kung ikaw ay kumopya sa site na ito, mangyari lamang na kilalanin ang mga sumulat at i-link pabalik sa cec.vcn.bc.ca/cmp/
© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 30.05.2011
|