Pangunahing Pahina
 Desinyo ng Proyekto




Pagsasalin:

বাংলা / Baṅla
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
Polszczyzna
Português
Română
Tiếng Việt
Türkçe

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


ANG PAG-DEDEPENDENG PAG-UUGALI

sulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin Ian L. Balansag


Manwal ng Pagsasanay

Kung ang mga miyembro ng komunidad ay kulang ng ugali sa pagtitiwala sa sariling kakayahan, ano ang kailangan bagohin?

Ang "pag-dedependeng pag-uugali" ay isang ugali at paniniwala ng grupo na hindi nila kayang solbahin ang kanilang problema kung walang tulong na galing sa iba. Ito ay isang kahinaan na lumalala dahil sa pangkawang-gawa.

Bakit kailangan nating labanan ang pag-dedepende sa iba?

Kung ang ahensiya mula sa labas, ang sentral na pang-gobyerno, ang internasyonal na NGO, o ang mga misyon, pumupunta sa komunidad at maggagawa ng pasilidad para sa pamayanan ng tao (halimbawa: pagsusuplay ng tubig), ito ay natoral lang na sa tingin ng komunidad ang tulong ay galing sa labas na ahensiya. Kung ang labas na ahensiya ay aalis o nauubusan na ng pondo, ang mga miyembro ng komunidad ay walang motibasyun na mag ayus at mag aalaga sa pasilidad, o mag sustina ng serbisyo para ang pasilidad ay magagamit at magamit ng maayus, ng mga miyembro ng komunidad.

Para ang pasilidad ang nanatiling maayus at may sustina, ang mga miyembro ng komunidad ay kailangan may madamang "responsibilidad" para sa pasilidad. Yung may dinadamang responsibilidad ay minsan tinatawag na "pag-aari" ng komunidad.

Pero kung hindi kasama ang komunidad sa paggawa ng desisyon tungkol sa pasilidad (pagplano at pangangasiwa) at hindi sang-ayon sa pagtulong ng bayarin sa pagpatayo, ang dinadamang responsibilidad o pagmamay-ari ay mawawala. Ito ay hindi magagamit ng maayus, walang pag-aalaga o pag-sustina. Imposible ang magtayo ng pamayanang pangtaong pasilidad o serbisyo na hindi na kinakailanagan ang pag-aayus at pag-aalaga. Ito ay parang kumain ng isang bisis lang.

Sa pagtaas ng kanilang papulasyon, ang gobyerno ay unti-unting nagiging lumiliit at ang pagkukunang-yaman per kapital sa bawat taon lumiliit din. Ito ay nangunguhalugan na ang komunidad hindi na makakadepende sa sentral na pang-gobyerno para sa paggawa ng pasilidad ng pamayanan ng tao. Kagaya ng internasyonal na donante: mayayamang bansa gobyerno, ang UN, World Bank, internasyonal na NGOs, ay wala ng mapagkukunang-yaman para maibigay sa pobreng mamayanan, kahit gaano ka importante ang pagkawanggawa, sa buong mundo.

Pero ang pagtitiwala ng komunidad sa sariling kakayanan ay magandang bagay, ito ay ngpapahayag ng demokrasya, pangkarapatang pangtao, pag-unlad sa sarili at dignidad ng tao, ngayon lumulayo na ito. Kung ang komunidad hindi magiging mas naniniwala sa sariling kakayanan at sa pagsakapangyarihan, ito ay hindi umuunlad at ang paghihirap ay sisira sa kanila.

Ang pag-kokontra sa pag-dedepende ay ang pangunahing hangarin. Ang pag-dedepende ng komunidad ay kailangan bawasan sa bawat gawain. Kung magsasanay ng isang organisasyun papaano makakuha ng pagkukunang-yaman, ang nagsasanay ay kailangan laging nasa hangarin ng proyekto ang kanyang pag-iisip at pag-tratrabaho. Ang nagbibigay na ahensiya ay dapat iwasan ang pagbibigay sa komunidad ng kahit ano kung hindi kailangan. Iyon ang nag-dudulot sa pag-dedepende. Laging palakasin ang loob ng mga miyembro ng komunidad sa pagsasabi na kaya nilang gawin ang isang proyekto at ikaw ay laging nasa tabi nila para magbigay ng suporta, pero sa trabaho ay sila ang gagawa. Kung gagawin ito sa pag-pinans ng isang proyekto sa komunidad, dapat hindi mo ilahad sa kanila para makuha ang mga kailangan ng proyekto. Ang mga paraan ay makikita sa lugar na ito at tinatawag na Pagsakapangyarihan sa Komunidad Metodolohiya; ay denisinyo lang para kontrahin ang pag-dedepende.

Ikaw bilang isang tagapagkilos, pwedeng magbigay ng giya kung papano magpalago ng pera at ibang pagkukunang-yaman, paano mapanatili na ang pondo ng pera ay may transparensiya at simple, at paano ang mga donasyon na hindi pera ay magiging pinansyal na pagkukunan, pero dapat mo rin mapakita at maipaliwanag na ang aktuwal na pagkuha ng pagkukunang-yaman ay kailangan gawain ng komunidad o kanilang organisasyon na nakabasi sa komunidad(halimbawa: ehekutibong komite) gumagawa para sa kanila, at hindi ikaw.

––»«––

Kumunal na Kontribusyon:


Kontribusyon sa Komundad; Karagdagan Kontroksyun

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 2011.05.21


 Pangunahing Pahina

 Desinyo ng Proyekto