Tweet Mga Pagsasalin
'العربية / al-ʿarabīyah |
PAGSASANAY SA PANGANGASIWA PARA SA KALAKASANPagsali sa Pangangasiwa para sa Lahatni Phil Bartle PhD,isinalin ni Jessica BuenPara kay Gert LüdekingPanimula sa ModuloMga Dokumentong Kasama sa Pagsasanay sa Pangangasiwa na Modulo
Ang pangangasiwa ay napakahalaga para iwan lamang sa mga tagapangasiwaAng pagsasanay sa pangangasiwa, ayon sa pagkakalarawan dito, ay mayroong natatanging metodolohiya. Ito ay natatangi sa tradisyunal na pagsasanay, at ito ay direktang nag-aambag sa paghubog sa kakayahan at kalakasan ng mga grupo, pangkat o kapisanan. Makakakita kayo ng pagkakatulad sa pagitan ng modulong ito at ng iba pa. Halimbawa, ang pamamagitan ng pagkilos ng komunidad ay may pagkakahalintulad sa pamamagitan ng pagsasanay sa pangangasiwa (sa mga komunidad), kaya ang mga pagitan sa dalawa ay mahirap ipaliwanag. Heto ang ilan sa mga dokumento dito sa modulo: Ang Apat na Pangunahing Katanungan ay inililista ang apat na tanong na nasa kaibuturan ng pagsasanay sa pangangasiwa. Kasama ng mga sagot sa bawat isa, sila ay bumubuo ng lohikal na argumento na nasa ugat ng plano sa proyekto at lahat ng pagpaplano kaugnay sa pangangasiwa. Pagsasanay sa Pangangasiwa ay isang dokumento para sa pagsasanay para sa mga kalahok na naglilista din ng apat na tanong at ibang prinsipyo ng pagpapasiya sa pangangasiwa. Tingnan din ang Pagsasanay sa Pangangasiwa mula sa ikatlong kabanata ng "Pagsasanay para sa Kalakasan" na kurikulum ng pagsasanay ng programa sa pangangasiwa ng komunidad. Pagsasanay sa Pangangasiwa, Mga Tanda para sa Taga-sanay ay para sa mga nangangasiwa o nagsasanay at nagpapaliwanag kung paano gamitin ang mga materyales at talakayin ang mga prinsipyo ng pagsasanay sa pangangasiwa. Guhit ng Stratehiya ng Pagsasanay sa Pangangasiwa ay ang kabuuan ng stratehiya ng CMP at nagpapakita kung paano ang pangangasiwa sa pagsasanay ay isa sa tatlong pinakamahahalagang parte ng metodolohiya para palakasin ang mahihirap na komunidad. Ang Pinalawak na Stratehiya ng Pangangasiwa ng Pagsasanay ay ang pinalawak na guhit ngunit nagdadagdag ng detalye sa bawat isang elemento ng stratehiya. Pagsasanay sa Pagtatatagay naglalarawan kung paano ang pagsasanay dito sa programa at magagamit para sa institusiyonal na pagsasaayos ng grupo, pangkat o komunidad para mas maging epektibo at mas magkaroon ng kapasidad. Mga Dagdag na Modulo: Pakikilahok na Pangangasiwa, Pangangasiwa sa Pagkilos
––»«––Pagsasanay sa Pangangasiwa © Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |