Pangunahing Pahina
 Kapasidad




Mga Salin

Bahasa Indonesia
Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

Nilalaman:

Nilalaman:


PAGSUSUKAT NG PAGPAPATATAG NG MGA ORGANISASYON

Gaano na sila Kalakas/Katatag?

Sulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin Des Yu


Paalala mula sa Tagapasilidad

Paano aalamin kung hanggang anong antas na ang pagbabago ng organisasyon sa kanilang paglilinang ng kanilang kapasidad

Mga Komunidad at Organisasyon:

Nang magawa itong metodolohiya, ang layunin nito ay itukoy ang elemento ng katatagan ng komunidad, at gumawa ng isang metodolohiya para sukatin ang mga pagbabago. Ang ibig sabihin pala ng "kapasidad ng komunidad' ay "kung gaano ka-organisa ang isang komunidad".

Ang labing-anim na elemento (na may kakaunting modipikasyon sa pagsasalarawa ng mga ito) at ang metodolohiya ng partisipasyon para sa pagsukat ng lebel at pagkakaiba, ay pareho sa pagsukat ng kapasidad ng isang organisasyon o ng isang komunidad. Ang pagusisa at proseso ay magagamit din dito sa pagtataas (o minsan pagbawas) ng kapasidad ng isang organisasyon na base sa isang komunidad (CBOs), mga NGO, mga komersyal na negosyo, departamento at ministeriyo ng gobyerno at ng distrito at lokal na awtoridad.

Ang mga elementong kailangang palitan ay halos pareho, ngunit iba kapag para sa komunidad at iba kapag para sa isang organisasyon. Hindi ibig sabihin na ang isang komunidad ay tulad na tulad sa isang organisasyon. Malayo silang dalawa. Ngunit ang katatagan ng isang komunidad ay base ito sa pagiging pagkaorganisa nito. Dalawang elemento ang kailangang baguhin: (1) pagkalahatang serbisyo at (2) interbensyon.

Kasama sa pangkalahatang serbisyo ng isang komunidad ay mga daan, klinika, paaralan, suplay ng tubig, mga palengko, sistema ng kalinisan. Ang tulad nito isang organisasyon ay halaman (hiniram o binili), akses ng miyembro at kliente sa kubeta, tubig, opisina, espasyo pangtrabaho, kagamitan, suplays at iba pang pisikal na kagamitan. Ito ay para makatrabaho ng epektibo ang grupo o para pampasarap o pampagana.

Ang interbensyong pampasigla ay para lamang sa komunidad. Siya ang tagamobilisa, tagapasigla, opisyales ng komunidad, ahente ng pagbabago, opisyales na galing sa ahensiya o kahit sino o anong grupo na nagtataguyod ng pagbabago sa komunidad. Sa organisasyon naman, sila ang tinatawag na konsultants, eksperto, mga espesialista na ang trabaho ay makipagugay sa mga miyembro ng organisasyon para pagaralan ang nakagisnang gawaiin at tulungan gumuwa ng mga desisyon patungo sa mas magandang metodolohiya para sa organisasyon.

Pagkumpara sa katatagan ng mga organisasyon sa katatagan ng mga komunidad:

Altruismo
Halos magtulad
Pangkalahatang Prinsipiyo
Halos magtulad
Pangkalahatang Serbisyo
Mga halaman at kagamitan
kagamitan at pasilidad
Komunikasyon
Halos magtulad
Pananalig
Halos magtulad
Konteksto
Halos magtulad
Impormasyon
Halos magtulad
Impormasyon
Pagsasanay sa pamamahala
Pamumuno
Halos magtulad
Pamumuno
Halos magtulad
Organisasyon
Halos magtulad
Kapangyarihan
Halos magtulad
Kakayahan
Halos magtulad
Tiwala
Halos magtulad
Pagkakaisa
Halos magtulad
Kayamanan
Halos magtulad

Liban sa "pangkalahatang serbisyo" (kagamitan), lahat ng labing anim na elemento ay magtulad sa komunidad at sa organisasyon.

Mga Elemento ng Katatagan ng Organisasyon:

Ano ang mga komponent o elemento ng kapasidad ang nagbabago habang nagkakaroon ng kapangyarihan ang isang organisasyon? Pumunta sa Labing-anim na Elemento ng Kapasidad.

Ang mga Metodolohiya ng Pagsukat:

Paano maisusukat ang katatagan, o iba't ibang lebel ng katatagan? Pumunta sa Metodolohiyang Partisipasyon sa Pagsukat ng Pagsasakapangyarihan.

Handout sa Workshop para sa Pagsukat ng Pagsasakapangyarihan:

Para sa mga dokumentong nakasulat sa itaas, (1) ang labing animn na elemento ng pagsasakapangyariha at (2) ang metodolohiyang partisipasyon ng pagsukat ng kapasidad, may mga workshop handout ang naihanda bilang bahagi ng modulong ito.

Ang Labing-anim na Elemento ng Kapasidad, handout; Mga Tala ng Kalahok sa Pagsukat ng Kapasidad, Handout; Form para sa Pagsukat ng Pagbabago sa Kapangyarihan, Handout.

––»«––

Isang Workshop:


Isang Workshop

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 30.04.2011


 Home page

 Literasi