Pangunahing Pahina
 Kapasidad




Mga Salin

Bahasa Indonesia
Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

Mga Nilalaman:

Mga Nilalaman:

Mga Nilalaman:

Mga Nilalaman

Mga Nilalaman:

Mga Nilalaman:

Mga Nilalaman:


PAGLILINANG NG KAPASIDAD

Pagpapasigla ng Panibagong Pagpapatibay ng Organisasyon

mula kay Phil Bartle, PhD

isinalin Des Yu


Mga tagubilin para sa mga taga-pasilidad

Mga Tagubilin para sa pagtulong ng isang organisasyon malinang ang tibay at katatagan

Buod:

Ang dokumentong ito ay isinasalarawan ang metodolohiya ng paglilinang ng kapasidad ng organisasyon para sa taga-pasilidad.

Gamit ang iba't ibang paraan at tekniko ng tagamobilisa ng komunidad (para sa pagsasakapangyarihan ng mga komunidad mababa ang kinikita), ang metodolohiyang ito ay isang gabay para sa taga-pasilidad na nabigyan ng tungkulin pasiglahin ang kapasidad ng isang organisasyon.

Ang pinakaimportanteing elemento ay ang partisipasyon (sa pagsasagawa ng desisyon), at binibigyang halaga ang tungkulin ng taga-pasilidad bilang isang gabay o tagahikayat (at hindi taga-kontrol or taga-gawa) sa proseso ng paglilinang ng kapasidad.

Introduksyon:

Pagtatatag ng kapasidad, paglilinang ng kapasidad, pagsasakapangyarihan at pagpapatibay - lahat ay nagsasalarawan ng abilidad ng isang panlipunang organisasyon para makamtan ang layunin na itinalaga ng organisasyon.

Isang mahalagang paguumpisa ay (1) makita ang kapasidad na binubuo ng labing-anim na pundamental na elemento (tignan ang: Mga Elemento ng Pagsasakapangyarihan), (2) para makita na ang organisasyon (at hindi ang taga-pasilidad) mismo ang tanging makakagawa ng kanilang kapasidad, (3) para makita ang pinaka-epektibong paraan para maitaguyod ang partisipasyon ng lahat ng miyembro ng organisasyon, at (4) at iyong tungkulin ay magbigay gabay at hikayatin, at hindi mag kontrol.

Ang organisasyon na aming isinasalarawan dito ay maaaring isang CBO (community-based organization), NGO (non-governmental Organization), pribadong kompanya (tulad ng isang negosyo), o isang gobyerno o departamento ng UN, ahensya o ministeriyo. Ang mga tekniko ay galing sa isang metodolohiya ng pagsasakapangyarihan ng mga komunidad na mababang kinikita na kasama ang pagsasanay sa pamamahala.

Para maumpisahan ang iyong tungkulin, kailangan makaharap mo muna ang mga lider o ehekutibo ng organisasyon. Ibigay paliwanag na kailangan mo ang kanilang aktibong suporta at pagsang-ayon sa iyong mga metodolohiya. Maari mo silang bigyan ng isang pahinang handout na naglalaman ng listahan ng labing-anim na elemento ng tibay. At pinakaimportante sa lahat, maipaliwanag mo na kinakailangan ng partisipasyon ng lahat ng miyembro ang paglilinang ng kapasidad, kasama ang mga umuupo sa pinkamataas at pinakamababang katayuan sa lipunan.

Kapag hindi sang-ayon ang mga lider o ehekutibo sa iyong paraan (siguraduhin na naiintindihan nila na nais mo ay ang lahat ng miyembro ng organisasyon ay sumali sa partisipasyon sa pagsasagawa ng desisyon tungkol sa iba't ibang bagay), maaring mas makakabuti kung hindi na lamang ipagpatuloy ang iyong serbisyo, dahil kung hindi lahat ay makabibigay partisipasyon sa pagsasagawa ng mga desisyon, hindi mo masisigurado na ang iyong metodolohiya ay makakapagpapataas ng kapasidad ng organisasyon.

Ang kanilang pagsang-ayon ay kinakailangan sa pagpapalehitima ng iyong metodolohiya, at dapat maging pormal at mapagbigay-alam sa lahat ng may kinalaman.

Alamin ang mga Pangangailangan:

Tumawag ng isang miting kasama ang lahat ng miyembro ng organisasyon. Ipaliwanag ang iyong layunin, at ang kanilang buong partisipasyon ay kinakailangan para proseso ay maging kapakipakinabang.

Ang anu mang pagbabago ay kailangang itaas bilang suhestiyon at pagsang-ayunan ng bawat isa, at ang iyong tungkulin ay magpasilidad at magbigay gabay sa proseso. Ang iyong unang tungkulin ay itukoy ninyo ang mga pagbabagong kailangang gawin, at magbigay ng mga tagubilin, at magdesisyon bilang grupo kung anong ang kailangang pagbabago. Maaring makakatulong ang iyong introduksyon sa kanila ng pag-brainstorm o pagbibigay ng kani-kanilang mga kuro-kuro (tignan ang Brainstorm). Ang pagsusuri ng sitwasyon at pagtukoy ng pangunahing pangangailangan kasama ang grupo ay maaring mangyari sa loob ng isa o dalawang araw. Mas malaki ang grupo, mas mahaba ang oras na kakailanganin.

Ipagbigay alam sa lahat ng ang iyong intensyon ay pagbutihin ang katatagan ng organisasyon, at kailangan ng partisipasyon ng bawat isa. Hindi ito matatapos sa isang miting lamang, ngunit ang unang miting ay para alamin kung ano ang kailangang gawin at ang mga susunod na miting naman ay para masundan ang mga gawain, o baguhin o ayusin ang mga proseso kung kinakailangan.

Importante dito na lubusan pamilyar sa iyo ang labing-anim na susing elemento sa pagsasakapangyarihan, at gumawa ng suhestiyon at magbigay paliwanag sa mga ito na maaring hindi naintindihan. Maaring magbigay ng isang pahinang handout na lilista ng mga elemento at magbibigay ng maikliang paliwanag sa bawat elemento. (Tignan ang Handout sa mga Elemento).

Sa pagbrainstorm, gumamit ng board (tulad ng dyaryo na idinikit lamang sa pader), at maghikayat ng mga suhestiyon sa mga kinakailangan sa paglilinang ng kapasidad. Ipaliwanag na walang magbibigay kritisismo sa suhestiyon ng bawat isa sa sesyon na ito, ngunit hinihikayat na mas bigay pa ng mas maraming suhestiyon.

Kung naubos na ang mga suhestiyon, ibuklod ang mga tulad na suhestiyon at ayusin ang mga ito. Ang listahan ito ay magiging tulad ng listahan ng mga elemento na nasa handout. (Pag may iba pang mga elemento ng pagpapalakas liban sa mga nakalista, maaari lamag i-kontak kami sa site na ito at ipaliwanag ang mga ito; ang iyong kontribusyon ay mabibigyan rekognisyon dito at maidadagdag sa labing-anim).

Pagpili ng mga Prayoridad:

Ang susunod ay pagpili ng mga prayoridad bilang grupo. Alin sa mga elemento ang dapat unang bigyang pansin. Maaring pumili ng kahit anong numero, mula sa isa hanggang matapos ang lahat, but kailangang gampanan ito base sa prayoridad.

Ipaliwag ang batayan sa pagpili ng mga prayoridad ay maaring baguhin; nag mga ito ay mabilis lamang baguhin or base sa pangangailangan. Maaring isantabi muna ang iba para sa ibang panahon at talakayin ito sa isang takdang panahon. Ang lahat ng ito ay dapat desisyunan ng grupo na iyong ginabayan lamang.

Importanteng itala ang mga pangyayari sa miting, binibigyan pansin ang mga kinakailangang elemento para sa pagpapatibay, at base sa prayoridad na napagkasunduan ng grupo kung ano kailangang unang gawin, ano ang para sa susunod, at ang maari nang alisin.

Paglikha ng mga Istratehiya:

Sa bawat elementong nais talakayin ng grupo, isang istratehiya ang dapat maisagawa sa bawat pagbabagong gagawin. Maaaring magkaroon ng higit sa isang suhestiyon sa mga elemento.

Ang grupo ngayon ay dapat mamili ng mga istratehiya na tatalakayin sa bawat elemento, o kung higit sa isa ang kinakailangan. Nandito ang listahan ng labing-anim na elemento.

Turuan ang grupo na dapat ang suhestiyon nila ay palaging nagsisimula sa "Tayo ay dapat..." at hindi "Sila dapat..." Bilang isang grupo, wala silang kontrol kung ano ang nais gusto gawin ng ibang tao, ngunit sila bilang isang grupo, ay may desisyon gawin ito bilang isang grupo.

Maaari kang mamigay ng mga papel, kung saan nakalista ang bawat elemento ng tag-wala sa dalawang hanay, na may puwang para makapagsulat ng nota ang mga tao. Siguraduhin ang mga suhestiyon ay nakasulat sa board, at naitala sa record ng boluntir o ng sekretarya.

At idagdag sa bawat pangungusap: "Kung ito ay isa sa prayoridad ng grupo, paano ninyo (hindi mo) mapapataas ang elemento at pagtibayin ang organisasyon. Ipaalala ang mga suhestiyon ay dapat praktikal at magagawa (at hindi lamang kathang-isip).

  1. Altruismo. Ang proporsyon at antas ng pagsasakripisyo ng mga indibidual para sa ikabubuti ng buong organisasyon (makikita sa antas ng pagiging mapagbigay, pagkakumbaba, pagpapahalaga ng organisasyon, paladamay, katapatan, ala-ala, pagkakaibigan, kapatiran)

  2. Pangkalahatang Prinsipiyo. Ang antas kung saan ang mga miyembro ay naghahati sa tulad na prinsipiyo, lalo na sa pagiisip na sila ay miyembro ng isang panglahatang organisasyon kung saan nangingibabaw ang kabutihan ng buong organisasyon kaysa sa indibidual na mga miyembro nito.

  3. Pangkalahatang Serbisyo. Ang mga pasilidad and serbisyo (tulad ng gamit sa opisina, ang espasyo para sa opisina, mga suplay, sasakyan), ang pangangalaga nito, ang kakayahang ipagpatuloy ito, at ang antas kung saan ang lahat ng miyembro ay may akses sa mga ito.

  4. Komunikasyon. Sa loob at labas ng organisasyon, sa pagitan ng mga miyembro, ang komunikasyon kasama ang paggamit ng iba't ibang electronic na kagamitan (telepono, radyo, telebisyon, internet), sa print media (dyaryo, magasin, libro), at iba pang paraan, kung saan naiintindahan ng lahat ang gamit na lenggwahe, kaalaman kagustuhan at abilidad magkipag-usap (na may ingat sa pananalita, diplomasya, nais makinig sa iba at nais mag bigay ng kuro-kuro)

  5. Pananalig. Ang pananalig ay madalas ipinapahiwatag bilang isang indibidual, maari din itong maipahiwatig bilang isang buong organisasyon. Tulad nang sa pagkakaroon ng intindihan na bilang isang organisasyon, kaya nito makamit ang nais nito, positibong pananaw, kusang-loob, may sariling motibasyon, entusiasmo, optimismo, umaasa sa sarili kaysa sa iba, may nais ipaglaban ang karapatan, at iwasan ang pagiging walang pakialam, at ang abot-kayang hinaharap.

  6. Konteksto (politikal at administratibo). Ang isang organisasyon ay lalong magiging matatag, at kayang panatilihing matatag kung ang lugar na kinatatayuan nito ay kayang suportahan ang pagpapatibay ng katatagan nito. Kasama sa kapaligiran nito ang politikal (ang ugali at prinsipiyo ng mga lider ng bansa, mga batas at lehislasyon) at administratibong (ugali ng mga opisyales, technician at iba pang mga regulasyon at proseso ng gobyerno) elemento.

  7. Impormasyon. D lamang ang magkakaroon ng sabog na impormasyon, ang katatagan ng isang organisasyon ay makikita sa kakayahan nitong magproseso at umintindi ng mga impormasyon, ang antas ng kamalayan, kaalaman at talindo ng mga indibidual na kasama sa organisasyon na gumagalaw bilang isang grupo.

  8. Interbensyon. Hanggang saan at gaano ka epektibo ang pagpapasigla (pagmomobilisa, pagsasanay sa pamamahala, pagpapataas ng kamalayan, stimulasyon) para sa katatagan ng organisasyon? Ang interbensyon ba ay kayang itaguyod o nakasalalay ang desisyon sa tulong nga mga tagapagkaloob sa labas ng organisasyon kung saan may sarili silang hangarin at motibo liban sa kabutihan ng organisasyon?

  9. Pamumuno. Ang mga pinunuo ay may kapangyarihan, impluensiya, at abilidad pagalawin ang organisasyon. Kapag mas epektibo ang mga pinuno, mas matatag ang organisasyon Ang pinaka-epektibo at kayang panatilihing liderato (para sa pagpapatatag ng organisasyon at hindi lang ng mga pinuno nito) ay gumagalaw base sa desisyon at kagustuhan ng buong organisasyon at gampanan lamang ang papel ng tagamobilisa. Ang mga pinuno ay dapat may kakayahan, kusang-loob at karisma.

  10. Networking. Ang pinagmumulan ng lakas o katatagan ay hindi lamang galing sa kung "ano ang alam mo" ngunit kung "sino din ang kilala mo" (Na palaging napagbibiruan na hindi "kung pano" kung hindi "kung sino" ang makakakuha sa iyo ng trabaho. Kung hanggang saan makakakalap ng maaring panggamitang impormasyon or kukunang-yaman sa mga kakilala ng mga miyembro ng organisasyon, lalo na ng mga liderato? Ang mga network na ito, maaaring nakilala na o potensyal na makilala, ay nariyan lamang sa loob at labas ng organisasyon.

  11. Organisasyon. Kung hanggang saan ang antas ng suporta ng bawat isang miyembro sa isa't isa bilang isang grupo (at hindi lamang isang koleksyon ng mga indibidual) sa aspeto ng integridad, istraktura, proseso, pagsasagawa ng mga desisyon, pagiging epektibo, paghahati ng mga trabaho, at pagbagay ng mga gawain at tungkulin sa nararapat na indibidual.

  12. Kapangyarihan. Ang antas kung saan ang organisasyon ay kayang makilahok sa nasyonal at pang-distritong lebel sa pagsasagawa ng mga desisyon. Tulad ng pagkakaroon ng isang indibidual sa grupo magkaroon ng kapangyarihan sa mga pangyayari nito, ang isang organisasyon ay may ganoong kakayahan din sa lokalidad, distrito at bansa.

  13. Kakayahan. Ang abilidad ng mga indibidual na makapagambag sa organisasyon at ang abilidad nitong matapos ang mga gawain, kasama dito ang pagkakaroon ng teknikal na kakayahan, kakayahan sa pamamahala, pagoorganisa at pagmomobilisa.

  14. Tiwala. Ang antas kung saan may tiwala ang mga miyembro ng organisasyon ay may tiwala sa isa't isa, lalo na sa mga pinuno nito, kung saan napapahiwatig nito ang antas ng intergridad (katapatan, mapagkakatiwalaan, bukas na loob, walang itinatago) sa loob ng organisasyon.

  15. Pagkakaisa. Ang pakiramdam na ika'y kasali sa isang pamilyar na grupo, kahit na ang lahat ng organisasyon ay may mga dibisyon o sikismo (sa relihiyon, katayuan, istatus, kita, edad, kasarian, lahi o angkan) ang antas kung saan ang organisasyon ay kayang tiisin at tanggapin ang pagkakaiba ng bawat isa at ang nais na magkaisa at magtrabaho ng sama sama, tungo sa isang layunin o bisyon at may magkakaisang prinsipiyo.

  16. Yaman. Ang antas kung saan ang organisasyon (at hindi lamang ng mga indibidual) ay may kontrol sa aktwal at potensyal na yaman, ang produksyon at distribusyon ng kakaunting mga kukunang-yaman at serbisyo, pera at ng mga yaman na hindi pera tulad ng labor, lupa, kagamitan, suplays, kaalaman, kakayahan).

Sa una, maaaring isipin ng iyong mga kalahok na ang iba sa mga elementong ito ay wala sa kanilang kontrol. Tulad sa konteksto ng politikal at administratibo ng kanilang organisasyon ay nakasalalay sa desisyon ng iba at hindi ng kanila.

Ipaliwanag na maaari silang gumawa ng mga istratehiya tulad ng advocacy, mga aksyon na maaaring impluensiyahan ang mga ganitong konteksto. Dahil limitado lamang ang mga kukunang-yaman, kailangang desisyonan kung makakamit ba nila sa tamang oras ang nais nilang resulta sa mga aksyon na kanilang isinasagawa o kailangan na nilang magdesisyon muli at ibahin ang prayoridad.

Isang kabuuang istratehiya ang dapat magawa, kasama nito ang hiwahiwalay na istratehiya para sa bawat prayoridad na elemento, at kung may idadag pang elemento sa susunod.

Pagtatasa ng Kasalukuyan at Lumipas na Kapasidad:

Angkop ang oras na ito pagkatapos maging pamilyar ang mga kalahok sa elemento ng kapasidad at maging mas alisto sa mga obserbasyon kung paano nila ito isasagawa sa kani-kanilang organisasyon, para masukat ang katatagan ng kanilang organisasyon. Ipaliwanag na iyong gagamitin ang labing-anim na elemento kung saan maaari nilang masukat ang kanilang katatagan.

Tignan ang dokumento at modulo sa pagsukat ng kapasidad. Gamitin ang metodolohiyang iyon sa panahong ito. (Tignan ang Pagsukat ng Katatagan). Ipaliwanag sa mga kalahok na kahit ang kanilang pagtatasa ay subjective o base sa kakayahan ng kanilang grupo, ang numerong nakalaan sa kanila ay kokolektahin bilang isang grupo.

Itala ang mga resulta para sa bawat elemento. Pagdiskusyunan ang mga bilang sa grupo. Ipaliwanag sa bawat hakbang ng pagsasakapangyarihang ginagawa nila, babalikan mo sila sa pagtatasa para masukat at makita ang kanilang pag asenso.

Ang paghahanay kung paano isasagawa ang proseso ay maaring palitan. Maaari mo muna gawin ang pagtatasa bago piliin ang mga prayoridad ng mga elemento.

Isagawa ang mga Istratehiya:

Ipaalala sa mga kalahok na ang pagtatasa at pagtukoy na dapat na gawain ay hindi lamang pang paaralaang pagaaral. Magbigay ng mga tungkulin, tiyak na aksyon sa mga indibidual. Isulat at itala ang mga ito.

Hindi sapat ang sabihing dapat may mangyari dito. Ikaw bilang gabay, ang magtutukoy kung sino ang gagawa ng ano, hanggang kailan, kasama sino, saan, sa anong kontekso, at kung ano ang nais na resulta.

Sabihin sa grupo na ika'y babalik at itukoy sa mga miyembro kung ano ang kanilang irereport sa mga aksyon na kanilang ginawa. Siguraduhing naiintindihan ng lahat na ang mga aksyon ay dapat gampanan ng mga natukoy na indibidual para mga kanilang tungkulin at inaasahang maireport nila iyon sa susunod na miting.

Ang petsa ng iyong sunod na bisita ay dapat maisaayos na, depende sa iyong iskedyul at iskedyl ng mga ehekutibo ng organisasyon. Mula dalawa hanggang limang linggong pagitan ang pinakamabuti sa bawat miting

Sa puntong ito, ang metodolohiya ay magkakaroon ng sariling buhay. Ang bilang ng mga susunod na miting ay depende sa maraming paktor, ang iyong sariling oras, oras ng organisasyon at iba pa.

Sa iyo nakasalalay ang pagtatala ng lahat ng miting. Kumuha ng asistant o boluntir kung kinakailangan habang ikaw ay nagpapasilidad at siya ang nagtatala at ayusin na lamang ang pagtatala; pagbibigay ng atensyon sa mga suhestiyon at nagpagkasunduang mga desisyon ng kalahok. Basahin at usisain ang iyong mga tala para malaman kung anong mga aksyon ang kailangan gawin sa susunod na miting at kung kailangan nang bigyang introduksyon ang susunod pang mga elemento.

Tulad ng ibang pagpapasigla at pagsasanay sa pamamahala sa site na ito, bigyang diin sa mga kalahok ang tunay na pagkakaroon ng kasunduan sa pagsasagawa ng mga desisyon. Hindi ibig sabihin na iyong kukunin agad ang unang suhestiyon na kanilang ibinigay. I-challenge sila. Tandaan ang metodolohiya ni Socrates. Tulungan silang bigyang linaw at ayusin ang kanilang mga desisyon sa pamamagitan ng pagdedepensa ng kanilang napiling desisyon, at hulaan ang maaaring maging resulta nito. (Ang pag-challenge sa kanila ay importante, ngunit hindi ito dapat gawin habang ginagawa ang brainstorming).

Magandang panahon i-challenge ang kanilang paniniwala kung saan binabalikan ang mga istratehiyang nagawa sa naunang miting, pagkatapos mong mausisa ito, para masigurado na ang iyong kanilang mga desisyon ay talagang magbibigay katatagan sa organisasyon (tignan ang " Dependency o Pag-asa sa Iba" at "Nakatagong Yaman").

Pagkatapos ng ilang buwan o taon, dadating ang panahon na kailangan mo nang tigilan ang iyong interbensiyon, at magkaroon ng pagtatasa kasama ang grupo para makita ang resulta at desisyonan kung kinakailangan pa ng iyong interbensiyon, lagyan katapusan ang iyong mga suhestiyon at magreport sa iyong ahensiya at ehekutibo ng iyong klienteng organisasyon.

Konklusyon:

Ang paglilinang ng kapasidad ng isang organisasyon, tulad nang sa komunidad, ay hindi tiyak na proseso. Ito ay ipinagpapatuloy at bukas na proseso.

Ang iyong interbensiyon ay hindi lamang mabibigay introduksyon sa mga aktibidades na magpapataas ng kapasidad ng organisasyon, ngunit ito ay dapat makapagbigay stimulasyon sa proseso ng organisasyon, sa tulong ng ehekutibo, mapagpatuloy ang pagsasakapangyarihan kahit na ika'y umalis na.

––»«––

Isang Workshop:


Isang Workshop

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 30.04.2011


 Home page

 Literasi