Tweet Mga Salin:
Ibang mga Pahina:Mga ModyulMapa ng SiteMga KeywordIpagbigay-alamGinagamit na mga DokumentoMga Magagamit na Linkmga lamanmga lamanmga lamanmga lamanmga lamanmga lamanmga laman |
PAGBIBIGAY KAKAYAHAN NANG ISANG PAMAYANANPolitikal at Pamamahala na mga Bagay na Naka-Apekto sa isang Matatag na Pamayananni Phil Bartle PhDisinalin ni Gerasmo G. PonoGabay nang isang PagsasanayMga batas, dapat sundin, pamamalakad at mga ginagawa na naka apekto sa isang matatag na pamayananpanimula Pag ang isang pamayanan ay hindi pinapayagan na magmamay-ari nang isang bomba nang tubig na kanilang itinayo, sa ganun ang pamayanan na iyan ay pinahina at pinipigilan upang maging isang matatag. Pag ang lokal na pamahalaan ay hindi pinapayagan na magbukas at magpatakbo nang isang pautang, sa ganun ang kanyang kakayahan sa paglingkod nang mga panganga-ilangan nang pamayanan ay naudlot. Ito ay mga halimbawa na ang politikal at pamamahala na bagay ay naka-apekto sa pagiging isang matatag na pamayanan. Ang katayuang ito ay binubuo nang ibat ibang dahilan, tulad nang mga batas, nang isang bansa na pinagtibay nang isang utos, sa pamamagitan nang mga pamamalakad nag ibat ibang kagawaran o departamento, galing sa pambansa pangrehiyon at lokal na antas at ginagawa nang mga kawani nang pamahalaan (ayon sa kanilang paninindigan at ibat ibang pag-intindi nang mga batas at mga pamamalakad. Ang katayuan ding ito ay ay kalakip ang mga ginagawa at mga pamamalakad nang mga grupong pribado at mga kalakalang sektor. Sa kabilang dako naman ang mga ito ay maari ding mainpluensiya nang mga bagay galing nang pamahalaan na nakalista dito Ang gawain nang tagapagpakilos ay itaguyod ang ang mga gawain makatulong sa isang pamayanan sa pag-unlad at pagiging matatag. Ang mga gawain yun, gayun man ay hindi maaring itaguyod na walang laman sapagkat ang pamayanan ay nabuhay sa isang paligid na mainpluensiyahan nang nang mga dahilang politikl at pamamahala. Sa unang tingin, maari nating sabihin nasa mga bagay na ito ay walang magagawa ang ang tagapagpakilos nang pamayanan. Ngunit sa kabila, mayron, ang tagapagpakilos ay may maraming maaring gawin, na makapag-iiba nang politikal at pamamahalal na paligid. Una, kailangan nang tagapagpakilos na intindihing mabuti ang mga pamamalakad at mga gawain at maghanda nang talaan kung ano ang mga dapat gawin upang mapaunlad ang kakayahan nang pamayanan. Ang mga ito ay maaring gamitin nang mga programang pangsuporta upang mabago ang mga batas at mga pamamalakad. Halimbawa, ang katayuang liham, ay maaring mapaikot hanggang tuloy na maka-abot sa matataas na sangay nang pamahalaan. Ang isang mataas na kawani nang pamahalaan ay maaring hilingin upang gumawa, isang halimbawa, nang isang planong dokumento sa pagpapa-unlad nang pamayanan(upang ipakalat nang mga mambabatas), at ang tagapagpakilos ay hilingin upang tutulong sa nasabing mataas na kawani sa paggawa nito. Ito ay kadalasan ding mangyyayari na ilan sa ating mga tagapagpakilos ay maging isang kasapi nang mga mambabatas o ministro nang gabinite, at ang kanilang mga karanasan at mga natutunan ay mahalaga sa ganung pamamaraan. Maari ding ang dokumentong ito o simpling uri nito ay maaring makapunta sa isang lupon nang gabinite na na atasan upang pag-aralan ang mga pamamalakad at mga gawain nang pamahalaan Kahit anong mangyayari, ito ay mahalaga para sa isang tagapagpakilos na basahin ito, pag isipang mabuti ang antas sa pagbibigay nang kakayahan , intindihin at pag-isipang mabuti ang paligid. Ang isang dokumentong doon nakalista ang mga katangian na gumambala sa pagiging matatag na pamayanan ay dapat ihanda at ilagay doon sa mga gamit nang tagapagpakilos. Pagtataguyod nang isang katayuan na nagbibigay nang kakayahan: Ang pagpapatatag nang isang pamayanan at ang pag-ahon sa kahirapan nang mga tao ay hindi mangyayari sa isang paligid na walang laman . ang paligid nang isang pamayanan ay naglalaman nang mga bagay ukol sa pangtao, ekonomiya at pangpolitika at hindi binubuo nang likas na paligid, na naka inpluensiya sa pagbibigay nang kakayahan nang isang pamayanan, at ito ay dapat ding pag-isipan at intindihing mabuti kung gusto mong mabigyan nang kakayahan ang isang pamayanan. Dahil dito, dapat may mga bagay na ginagawa para sa isang paligid na nakapagbibigay kakayahan upang magkaroon nang pag-uunlad ginamit ang pansariling kakayahan, mga gawain patungo sa pagtatayo nang kanilang sarili, pagbibigay lakas nang isang pamayanan, at ang pag-ahon sa kahirapan ginamit ang pansariling kakayahan at pamamaraan. Ilan sa mga bagay na sumusuoorta sa isang pamahalaan na nagbibigay nang kakayahan.
Pambansang Pamahalaan at ang Pagbibigay nang Kakayahan: Ang iyong programa nang pagbibigay nang kakayahan ay dapat bigyan nang halaga ang tulong sa pagbabago at kaunlaran. Kung ang isang pamahalaan ay masyadong sanay sa pamamahala sa pambansang pamamaraan, at ito ay gustong gumamit nang ibang pamamaraan, ang iyong tulong ay maaring doon sa pagbigay nang lokal na pamahalaan nang kakayahan sa pamamahala. Kung ang lokal na pamahalaan ay siya ang namamahala, maaring ang iyong tulong ay maaring ituon sa pambansang pamahalaan. Ito ay maaring gawin sa pagiging demokrasya, paglipat nang kapangyarihan ukol sa pananalapi, paglipat nang mga sangay nang pamahalaan ukol sa pagpapa-unlad , at iba pang mahalagang pagbabago, na sumang-ayon sa paggawa nang tamamng pagbabago sa isang pambansang pamahalaan. Ang mga elemento at mga kagamitang ito ay dapat doon sa inyong programa:
Ang pagsuporta at tulong sa pambansang pamahalaan, patungo sa pagbabago nang mga batas, pamamalakad at pamamaraan, ay isang bahagi lamang sa mga pamamaraan upang itaguyod ang magandang paligid para sa pagbibigay nang kakayahan nang pamayanan at pag-ahon sa kahirapan. Ito ay dapat samahan nang mga magkapantay na tulong para sa distrito at lokal na pamahalaan na malapit sa pakay na pamayanan, at mga pribadong grupo, ang dalawang ito ay bumuo at kabahagi nang tao-ekonomiya-pampolitika na paligid nang mga pakay na pamayanan. Mga papel nang mga distrito at lokal na pamahalaan: Sa pagkakataong ilipat nang pambansang pamahalaan ang kanyang kapangyarihan, tulad nang pagpasiya at pinansiyal na pamamahala patungo doon sa distrito, ang mga kakayahan nang nasabing bagong namamahala doon sa distrito ay dapat patatagin. Pag mayrong mangyayaring paglipat nang pamamahala doon sa mga distrito, ito ay hindi dapat ang paglipat nang kalupitan sa mga tao. Kalakip din dito ang pagkuha nang mga (kakayahan nang mga tao) ang pamahalaang distrito ay dapat mabigyan nang mga kaalaman tungkol sa pinagkasunduang pamamaraan sa pagplano at pamamahala, upang sila ay magkaroon nang kakayahan sa talakayan at pakikipag-ugnayan sa pamayanan at sa ibang elemento na nagdudulot nang pagbibigay kakayahan nang isang pamayanan. Ang inyong programa ay binuo nang mosunod:
Sa distrito na antas, may tatlong uri nang mga tao na maaring makainpluensiya sa pamayanan at maging mga pakay upang hikayatin na sumapi sa pagsasanay ginamit ang pinagkasunduang pamamaraan: (1) mga kawani nang distrito, (2) mga pangulo at politiko nang distrito, at (3) mga taong may mataas na kaalaman teknikal (sila ay kadalasang tinawag na mga "Dalubhasa" sapagkat ang kanilang kapangyarihan at inpluensiya ay nanggaling sa kanilang nilalaman). Ang kanilang pagbabagong anyo galing sa isang pagiging tagabigay nang payo patungo sa pagiging isang tagapagbigay nang kakayahan ay magkakaiba ayon sa pinanggalingan nang kanilang kapangyarihan. Mga tumpak na pagbabago: Tayo ay gagawa patungo sa isang tao-ekonomiya-pangpolitika na paligid na magbibigay kakayahan at tulong para sa isang malayang pag-unlad, mga kilos patungo sa pagiging matatag, pagbibigay lakas nang pamayanan, at ang pag-ahon mula sa kahirapan sa pamamagitan nang pagkilos nang pamayanan. Sa bawat isa nang mga ito , ang inyong papel ay paggawa nang talaaan sa mga nangyayari, paano ito naka-apekto sa pagbibigay kakayahan nang pamayanan, at paano ito mapalakas upang mapa-unlad ang mga kalagayayan nang pamayanan. Mga gawain na maaring ilagay sa inyong programa upang magkaroon nang isang paligid na magbigay kakayahan ay ilagay sa ganitong pag grupo:
Dapat tingnan din natin ito. Mga gabay upang umpisahan ang pagbago nang mga batas Ating hikayatin ang mga ibat ibang sektor upang magbigay nang tlong para sa pagbuo nang mga batas na maaring magamit bilang gabay upang mabago ang pambansang (at distrito kung maari) mga batas. Ang pamaraang ito ay nangangailangan nang paggawa nang mga gabay para sa ibat ibang sektor na gumagawa nang mga dokumento. Pagbago nang mga batas: Pagtulong nang mga komite na inatasang magbago nang mga batas (don sa sektor na nagbibigay kakayahan nang pamayanan): Tingnan ang"Mga gabay sa paghanda nang isang batas"Bilang resulta nang inyong pagsuporta, ang pamahalaan ay maaring magbuo nang komite para sa paggawa nang mga dokumentong batas o pagbabago nang mga batas. Ito ay nangangailangan nang suporta para pagtitipon nag mga komite (kung maari iba ibang lugar bawat pagtitipon, malayo sa kabiserang lngsod), upa sa pinagdausan, merienda, araw-araw na gasto, at teknikal na sporta (mga dalubhasa at mga tagapamahala nang mga pagtitipon nang komite upang makamit ang inaasahang mangyayari). Mga pamamalakad nang mga departamento nang pamahalaan: Mga gabay para sa pagbago nang mga pamamalakad at pamamaraan nang mga departamento: Ang mga dokumento inihanda ay maaring magsabi nang mga pangangailangan, at binalangkas upang tulungan ang ang komite at ang iba upang gumawa nang batas, nakasulat na pamamalakad at pamamaraan, mga gabay, at mga pagbago nang mga batas. Gabay Pribadong Grupo: Mga Gabay para sa mga Pribadong Grupo na kumikilos sa loob nang pamayanan : Depende sa katayuan at pagtanggap nang mga tao sa mga pribadong grupo (dayuhan man o lokal), ang tulong ay maaring maibigay doon sa mga pribadong grupo, patungo sa pagkaisa at paguugnayan sa bawat isa at sa mga kilos nang pamahalaan. Ang tulong ay maaring pera o teknikal na tulong para sa mga pagtitipon, pagsasanay nang mga komite, at paghanda nang mga dokumento (tulad nang mga gabay), paglathala at pamimigay. Mga gawain na nagbibigay nang kamalayan: Kung mas alam nang mga tao ang mga pakay at pamamaraan nang mga gawaing ito, ang paligid na ito ay mas mainam para sa pagbabago nang mga tao patungo sa gustong patutunguhan. Ang mga gawing ito ay maaring maglakip nang mga pagtitipon, pagsasanay, paligsahan, pagbigay nang gantimpala, dula, laro, kantahan at kampanya. Mga Gawain na nagbigay nang Mensahe para sa Madla: Ito ay naglakip nang mga posters, radyo, telebisyon, at patalastas nang mga diyaryo at mga isinulat nang mga babasahin. Ang mga manunulat ay maaring mabigyan nang konting halaga upang mananaliksik at sumulat nang mga paksa na nagsalaysay nang mga pamamaraan sa pagpapaunlad nang pamayanan at pag-ahon mula sa kahirapan. Pagbigay nang kakayahan nang pambansang Pamahalan: Ang pagiging demokrasya, ang paglipat nang kapangyarihan mula sa pambansa patungo sa lokal, paglipat nang kapangyarihan pagdesisyon tungkol sa pinansyal, ang paglagay sa mga departamento sa pagpapa-unlad doon sa pambansang pamahalaan, mga pagbabago nang mga batas, mga pamamalakad at pamamaraan upang hikayatin at tulungan ang pagpapa-unlad at pagpapatatag nang pamayanan. Gabay para sa pagsulat nang mga dokumentong batas At magkahalintulad na mga bagay (pagsasa-ayos para sa pagbibigay kakayahan nang pamayanan) Ang tulong na magaling ay dapat nagsali nang mga sinulat na mga gabay sa paghanda nang mga batas, at mga gabay na yon ay sumuporta sa isang pinagkasunduang pamamaraan na nagsali nang mga ibat ibang kasapi na sumuporta at nagbibigay kakayahan sa iang paligid para sa pagpapatatag nang pamayanan at isang dalubhasang payo sa paghanda nang mga batas at magkahalintulad na mga bagay Payo upang malipat ang pamamahala galing sa pambansang pamahalaan patungo sa lokal na kapangyarihan: Paintindi at pagpayo kung ano ang mga dapat kailanganin upang malipat ang ang pamamahala sa lokal at ang tulong pinansiyal para sa pamamahala nang pamayanan: Mga dalubhasa na may kakayahan teknikal na mag-intindi at magpayo ukol sa pamamaraan sa pagpasiya at epekto doon sa pinansiyal na kalagayan dahil sa paglipat nang pamamahala. Pagtulong sa pagbago nang mga batas ukol sa lupa: Ang mga batas ukol sa lupa na naka-apekto nang pamamaraan nang pagbibigay kakayahan nang pamayanan ay nagsali nang mga batas ukol sa lupa, pagmamay-ari nang lupa at mga gawain sa lupa. Tingnan ang"Ang pananaw nang pamayanan ukol sa pamamahala nang lupa". Sila ay dapat Mga tulong ukol sa paglipat nang pamamahala: Pagtulong sa mga pamamaraan nang mga sangay at pagtutuk doon sa mga batas, kinagawian, pamamalakad at mga gabay sa pagpapatupad , paglagay nang mga tao, pagplano, paggawa nang mga pasiya at pamamahala ay inilipat doon sa lokal na pamahalaan. Ang pamamaraan sa paglipat nang pamamahala sa lokal ay hindi pagtanggal nang lahat nang mga gawain sa pambansang pamahalaan; ang kanilang mga papel ay maging isang gabay, paggawa nang mga batas, at kaalamang tulong, samantalang ang mga gawain sa pagpapatakbo nang pamahalaan ay inilipat sa lokal. Ito ay nangangailangan nang tulong sa pagsasanay at kaalaman doon sa lokal na pamahalaan at tulong doon sa pambansang pamahalaan sa pagbago nang kanilang mga gawain. Ang pamamaraan ay nangangailangan nang tulong galing sa ahensiya na may alam sa pagpapatatag nang pamayanan (tulad nang Deparrtamento nang Pagpapa-unlad nang Pamayanan). Pagbibigay nang legal na katayuan at kapangyarihan sa mga maliit na grupo na doon nakabasi sa pamayanan: Pagtulong Daloy nang kaalaman galing sa bayan patungo sa pamayanan: Paggawa nang legal na pamamaraan para pagpapadala nang mga mensahe galing sa pamayanan patungo sa bayan at galing sa mga grupo na nakabasi nang pamayananpatungo sal lokal na namamahala: Ang pangangailangan nang nasabing pamamaraan ay nangangailangan nang paligid na may legal na paraan upang ito ay mabisang kumilos. Pagsuporta: Ang pagsuporta sa pagtaas nang kamulatan at pagpakialam nang madla ukol sa mga batas at legal na mga bagay : Ang lahat na mga gawain pagbigay kaalaman nang madla at ang laman nang pagsasanay ay ginawa upang mabago ang pagtanggap nang mga kailangang pagbabago nang mga batas, pamamalakad, pamamaraan, at pananaw na bumuo nang paligid nang pamayanan at nang pamamaraan sa pagpapatatag. Paggawa nang mga kurso: Pagtulong sa pampublikong paaralan tulad nang pamantasan at mga kuponan na gumawa nang pagsasanay sa pagsulit muli at pagbago nang mga kurso upang ihalo ang partisipatori na pamamaraan at ang mga bagay sa itaas. Ang mga dalubhasa doon sa mga mahalagang sangay at doon sa mga pribadong grupo na gumagawa nang pagpapa-unlad nang pamayanan at mga bagay pag-ahon sa kahirapan ay nangangailangan nang makabagong pagsasanay at kaalaman sa sektor na ito. Samantala ang mga dalubhasang guro ay maaring gawing kuponan nang mga tagaturo na maaring gamitin sa ganitong pamamaraan. Ang mga kurso nang mga pamantasan at nang mga grupong nagbibigay nang pagsasanay, na nangangailangan nang pagbabago sa lahat nang oras, ay maaring tulungan upang ihalo ang ibang hugis sa ganitong pamamaraan at gawain. Ang pagsuporta at pagtulong nang pambansang pamahalaan ay nakatuon upang pangunahan ang pagbabago nang mga batas, pamamalakad at pamamaraan, at tulungan ang pagbuo at pagsibol nang isang nagbibigay kakayahang paligid. Papel nang mga lokal na pamahalaan: Pagsuporta para sa Partisipatori na pamamaraan sa pagplano at pamamahala sa distrito at lokal na hanay: Bilang kabahagi sa isang paligid na nagbibigay kakayahan nang pamahalaang lokal (upang gawing tagapagsanay at hindi tagabigay) ay dapat din patatagin . Ang pamahalaang distrito o lokal ay dapat sanayin sa partisipatori na pamamaraan sa pagplano at pamamahala at pagbibigay kakayahan sa mga usapan at pamamahala sa pakikipag-ugnayan nang mga pamayanan. Pagsasanay nang kakayahan sa Partisipatori na Pagplano at Pamamahala: Ang pamamaraan ay naglakip nang mga pagsasanay na kailangan upang magkaroon nang partisipatori na kakayahan, upang sumuporta sa mga nais ipa-abot at mga suporta para sa isang paligid na nagbigay kakayahan. Lokal na paggawa nang batas: Gabay Pakikipag-ugnayan: Mga katayuan para sa pakikipag-ugnayan at pagbibigayan nang karanasan sa ibang mga distrito o mga bansa: Bilang parte nang pagbibigayan nang mga kaalaman, pagsuporta, pagtataguyod at paglipat nsng kakayahan, ang pamamaraang ito ay nangangailangan nang tulong ukol sa paraan nag pakikipag ugnayan tulad nang mga talakayan, pagsasanay, pagtitipong nang ibang mga namamahala sa distrito at kasapi nang pamayanan, sa loob at labas nang bansa. Ang tatlong uri nang tao na may inpluensiya nang pamayanan:
Sila ang mga taong maaring hikayatin at pasalihin nang pagsasanay ginamit ang partisipatori na pamamaraan Ang pamamaraan paano sila mabago galing sa tagabigay patungo sa tagapagbigay kakayahan (tagapag-ayos) ay magkaiba ayon sa kanilang pinagkukunan nang lakas. Isa sa mga gawain nang tagapagpakilos at tagapagsanay sa pamamahala ay tukuyin ang mga paraan upang magkaroon nang pagbabago ayon sa pagtingin at pag-intindi nang sitwasyon Ang paligid nang mga pribadong grupo: Samantala ang mga pribadong grupo ay dapat kumilos sa katayuan na binalangkas nang pamahalaan, sila ay maari ding maging parte nang buong paligid nang pamayanan , ayon sa mga batas at pamamalakad na nagbigay sa kanila nang kapangyarihan sa pagkilos. Kung sila ay makapagkilos sa paligid na nagbigay pahintulot , sila ay malaking tulong bilang tagapagtaguyod nang pag-unlad sa partisipatori na pamamaraan. Sa kabilang dako, sila ay nangangailangan nang gabay, sapagkat pag sila ay kumilos lamang para sa iilang mga pakay, ito y makaudlot sa lubosang pamamaraan sa pagpapa-unlad nang buong bansa. Ang mgs pribadong grupo na dayuhan, na nag kalimitan nilang tulong ay kayamanan (pera o kakayahan) samantala ang mga lokAL NA MGA PRIBADONG GRUPO AY NAGBIBIGAY tulong upang mapanatili ang demokratikong pamamaraan sa pamamahala, tulad nang pagsuporta at pagtatanggol sa mga karapatang pantao. Ang pamamaraan ay naglakip nang mga:
Ang buong layunin ay isang paligid na ang mga pribadong grupo ay bumuo nang samahan sa lahat nang antas nang pamahalaan, pamayanan at pribadong sektor, at bouhin ang kanilang mga lakas upang tulungan ang isang tuloyang pag-unlad nang isang mahirap na pamayanan, pagbibigay nang kakayahan at ang pag-ahon sa kahirapan. Ang mga pribadong grupo ay isang malaking lakas para sa tuloy tuloy na pag-unlad. Sila ay nangangailangan nang gabay at tulong upang masiguro ang kanilang tuloy tuloy na pagkilos. Ang mga dayuhang Pribadong grupo ay may dalawang klase:
Silang dalawa ay may mga papel. Ang unang klase ay maaring pangdagdag sa pangalawa. Marami sa malalaking dayuhang pribadong grupo ay nagkaroon sa dalawang pamamaraan.
Ang pangalawang klase ay maaing gamitin at ihalo bilang parte nang pambansang pamamaraan at sa loob nang mga plano nang mga distrito. Mga lokal at Pambansang Pribadong Grupo: Tumulong sa pagpapatupad nang mga demokratikong pamamaraan upang ang mga tao makasali nang nang mga talakayan tulad nang pagsuporta tungkol sa pagrespito nang karapatang pantao. Kadalasan ay maliit lang ang pundo kaysa mga dayuhang pribadong grupo, ngunit maaring tulungan nang ibang dayuhang grupo, tulad nang Nagkakaisang mga Bansa at mga bansa na nais tumulong; Kadalasan dumating sa dalawang klase:
Ang dalawang ito ay may papel na ginagampanan, ang una kadalasan nating pakay sa pagpapaunlad nang pamayanan na mahirap, ang pangalawa ay kadalasan pumapapel bilang maliliit na tagabigay nang mga kaalaman at inpormasyon. Talakayan na sinalihan nang mga pribadong grupo at grupo na nakabasi sa pamayanan: Talakayan para sa paggawa at pagbago nang mga gabay para sa pagkilos nang mga pribadong grupo at mga grupo na nakabasi nang pamayanan ginamit ang partisipatori na pamamaraan: Mga pagsasanay upang bumuo nang mga gabay at mga pagbabago na tumulong sa pagpapatatag nang pamayanan at pag-ahon sa kahirapan. Pagbuo nang ugnayan sa pagitan nang mga namamahala (ang mga gumawa nang mga gabay) at nang mga pribadong grupo (ang mga tumatangkilik nang mga gabay). Talakayan na sinalihan nang mga pribadong grupo at nang pamahalaan: Talakayan para sa pakikipag-ugnayan at pag-uusap sa pagitan nang pribadong grupo , mga grupo na nakabasi sa pamayanan, at pambansa at lokal na pamahalaan: Ang gawaing ito gustong patatagin ang pag-uusap nang mga pribadong grupo , mga grupo na nakabasi sa pamayanan at pambansa at lokal na kapangyarihan upang magkaroon nang palitan nang mga kaalaman, pamamaraan, at karanasan sa pagpapa-unlad nang pamayanan. Mga kasunduan sa mga pamamaraan: Mga kasunduan sa pamamaraan sa pagpapa-unlad at pag-ahon sa kahirapan nang pamayanan na tuloyan at maasahan: Nabuo dahil sa dalawang talakayan, ito ay mga dokumento tulad nang pagbibigay-alam, mga kasunduan, mga gabay, at pamamaraan na magbunga sa isang paligid na nagbibigay kakayahan, at sumuporta sa isang matatag na pamamahala at pagbuo nang kayamanan doon sa pamayanan. Ang mga kaalaman na nabuo ay magbigay nang isang maasahang pambansang batas at pamamaraan(ngunit ito ay maaring mabago ayon sa ibat ibang katayuan at mga may kaugnayang ginagawa). Mga kasunduan ukol sa lokal at panglabas na tulong : Mga kasunduan ukol sa tulong pinansiyal at kaalaman sa pagitan nang mga dayuhan at lokal ns pribadong grupo: Ito ay nabuo rin sa mga nasabing talakayan at sa mga kaalaman na nabuo sa pagitan nang lokal na pribadong grupo at nang mga tumulong , ang mga kasunduang ito ay ginawa upang masiguro ang pambansang katatagan at ang mga pamamaraan ay nakasulat sa Parte A at Parte B sa dokumentong ito. Pagsuporta sa partisipatori na pamamaraan: Tulong sa pagsuporta at pagsasanayukol sa pagpapatatag at pag-ahon sa kahirapan nang pamayanan sa pamagitan nang partisipatori na pamamaraan: Ang paraang ito ay tumulong sa mga lokal at dayuhang pribadong grupo , tulad nang tulong pinansiyal sa mga pagsasanay upang magkaroon nang maaasahan, tuloyan at pagtutulungan sa pagitan nang mga pribadong grupo at pambansa at lokal na pamahalaan na kasali sa pag-ahon sa kahirapan at pagpapaunlad nang pamayanan. Ang paraang ito ay ginagawa upang magkaron nang isang paligid na magbuo nang mga pribadong grupo at mga grupo na nakabasi sa pamayanan sa pagtutulunganat pakikipag ugnayan sa lahat nang antas nang pamahalan, pamayanan at pribadong sektor. Panghuli: Tulad nang mga maraming bahagi nang paligid na naka apekto nang pagiging matatag at kakayahan nang pamayanan, at naka apekto nang pamamaraan at kahusayan sa mga pagpapakilos na ginawa upang sila ay umunlad, may maraming pamamaraan na ikaw bilang isang tagapagpakilos ay makagamit upang mapakilos mo ang pamayanan. Sapagkat ang bawat bansa ay magkaiba, ang bawat distrito at pamayanan ay magkakaiba din, ang iyong mga pamamaraan ay magkaiba din. Dapat mong tingnan at intindihing mabuti at isulat mo ang lahat na mga suliranin at ano ang magpapabuti nang kanilang kalagayan. Ang mga pamamaraan na maaring gamitin ay magkakaiba ayon sa ibat ibang katayuan. Ito ay maaring maliliit o malalaking pangsuportang programa, mga mahalagang payo doon sa mga taong makapangyarihan, maari ding pagsali sa mga lupon na inatasan na gumawa nang mga pagbabago. ––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Unang Pahina |
Paligid na nagbibigay kakayahan |