Pangunahing Pahina




Mga Pagsasalin:

'العربية / al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
বাংলা / Baṅla
Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / hindī
Italiano
Polszczyzna
Português
Română
తెలుగు /Telugu
Türkçe

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


PAMAMALAKAD NA PINAHIHINTULUTAN ANG PAKIKILAHOK

Pagpapatakbo ng Isang Proyekto, NGO, Kagawaran o Samahan

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Maria Cecilia Tan-Biana


Para kay Gert Lüdeking


Introduksyon sa Mga Modulo

Mga Kabilang na Dokumento Pakikilahok na Pamamahala Modulo

Napakahalaga ng pamamalakad upang ipaubaya lamang sa mga tagapamahala.

Pamamalakad na Pinahihintulutan ang Pakikilahok:

Layunin ng module na ito na makapagbigay ng gabay ukol sa pagtatayo ng mga sistema ng pamamalakad, lalung-lalo na para sa mga NGOs, tulong na proyekto, kagawaran at mga samahan.

Napapaloob sa module na ito ang iba't ibang pamamaraan upang hikayating makilahok ang mga tauhan sa pamamahala, ang pakinabang ng mga pamamaraang ito, at mga pagsasanay na kaugnay sa pagpapatindi ng pakikilahok na nabanggit.

Makikita sa buod ng pamamalakad na pinahihintulutan ang pakikilahok ang ilang dahilan kung bakit kinakailangang hikayatin ng isang tagapamalaha na makilahok ang mga tauhan tuwing nagaganap ang mga pagpupulong ukol sa pamamalakad. Inilalarawan din sa buod ang ilang paraan na makatutulong upang maisakatuparan ito, tulad ng pagbibigay-pansin sa mga saloobin ng mga tauhan, at pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa isa't isa.

Ang iba sa mga pamamaraang ito ay nakabukod sa kani-kanilang sariling dokumento upang matalakay nang mas malalim. Kasama sa mga pamamaraang ito ang mga pagpupulong ukol sa pamamahala, paggamit ng mga paglalarawan sa trabaho, paghahanda ng isang plano ukol sa trabaho,positibong disposisyon, panghihikayat, at taunang pagsusuri. Dapat alalahanin na mas mahalaga ang kung papaano ginagamit ang paglalarawan ng trabaho, sa pagsusuri, sa negosasyon, at pangongontrata, kaysa sa mismong paglalarawan ng trabaho. Samantala, iminumungkahi naman ng dokumento ukol sa pagpupulong ang radikal na pagpapalit ng sistema ng pangangasiwa ng mga pagpupulong.

Ang module na ito ay mayroong kaugnayan sa module ukol sa Pagsasanay sa Pamamahala, na isang introduksyon sa pamamahala para doon sa mga taong walang karanasan sa pamamahala.


Participatory Management Schema

––»«––

Mga Taong Nakilahok:


Participating Staff

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 23.05.2011

 Pangunahing Pahina