Tweet Pagsasalinwika:
Bahasa Indonesia |
ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Myla Burke13.Pag-aralan at Gamitin Kung Ano ang Kapaki-pakinabang at May Saysay sa Bawat Pamayanan: Una, pag-aralan mong mabuti ang tungkol sa pamayanan, at ang mga bagay-bagay at gawaing pinaka-mahalaga dito. Tapos, himukin mo ang mga kasapi na pag-isipan at gawin din ito, maging maramdamin tungkol sa lahat ng nangyayari sa paligid nila. Sa pag-aaral nila ng basikong kaalaman, hindi dapat sila pasanan ng malaking bokabularyo, o ang pag-aaral ng mga hugis ng maraming bilang ng mga simbolo sa baybaying iyong ginagamit. Kaya dapat ay mapili ka, at piliin lamang ang mga salitang nagpapangalan sa mga bagay na karaniwan nilang gamit. Ang bokabularyo, ang laman ng iyong programa ng literasiya, ay kailangang maging punsiyunal. Ibig sabihin ay dapat maging praktikal at angkop sa iyong tinuturuan. Iba-iba ito para sa bawa't pamayanan. Ito ang dahilan kung bakit ikaw, bilang isang tagapagpakilos, ay kailangang alamin ang mga detalye ng pang-araw-araw na buhay upang makapagplano ng programa ng literasiya. Hindi ikaw ang gagawa nito; kailangang bunutin galing sa mga kasapi -- ngunit kailangan ay alam mo kung anong kaalaman ang kukunin galing sa kanila. Komentaryo tungkol sa lahat ng prinsipyong nasa itaas (mahabang dokumento) Balik sa listahan ng mga prinsipyo Balik sa listahan ng mga prinsipyo - handout ––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Kaalaman sa Pagbasa at Pagsulat |