Tweet Mga Pagsalin:
Català |
MGA DETALYE NG TRABAHO NG ISANG TAGAPAGKILOSAng pagtukoy sa isang Trabaho ayon sa mga bagay na kailanganni Phil Bartle, PhDisinalin ni Abegail SabadoInihahandog para kay Gert LüdekingMga gamit sa PagsasanayAno ang ginagawa ng mga Tagapagkilos?Paliwanag: Sa kabilang dako (sa Pamamahala ayon sa Partisipasyon na seksyon), ang kabuluhan ng mga detalye ng trabaho, at paano sila magagamit sa pamamahala ayon sa partisipasyon, ay nakalarawan. Dito sa seksyon ng pamamahala ng programa ng pagkilos, ay posibleng nakasaad ang detalye ng trabaho ng isang tagapagkilos. Ang isang tagapamahala ay kinakailangang makipag talakayan ukol sa mga detalye ng trabaho sa bawat tagapagkilos kahit isa lamang sa isang taon, o higit pa kung kinakailangan, dahil ang trabaho ay palaging nababago. Ang mga tagapagkilos sa iyong programa ay maaaring magkaiba iba ang mga detalye ng trabaho, at ito ay mababago habang tumatagal. Samakatuwid, Itong potensyal na detalye ng trabaho ay pwedeng maging simula para sa'yo, na pwede mong ayusin o baguhin ayon sa iba't ibang layunin ng programa, at imungkahi sa tagapagkilos na magsimula ng diskusyon. Tanungin ang bawat tagapagkilos na magmungkahi ng iba't iba pang pwedeng magidagdag sa detalye. Ang Posibleng Detalye ng Trabaho: Ang titulo ng detalye ng trabaho ay dapat titulo rin ng nakaposisiyon (kasunod ang mga salitang "Detalye ng Trabaho" o "Mga Terminolohiya"). Ang introduksyon ay dapat magsimula na nagbibigay impormasyon ukol sa kaanyuan ng kapaligiran at mga bagay na pamamahalaan, ang ahensiya, buod ng pangkalahatang layunin, at ang indikasyon ng papel ng tagapagkilos ay makakatulong sa pagabot ng mga layunin. Malalwak na Responsibilidad: Ito ay ang iminumungkahing paglalarawan ng malawak na responsibilidad ng isang tagapagkilos, at dapat na mailagay dito sa detalye ng trabaho. Ang ibang pagsasalarawan ay maaari rin namang tama. Kailangan mong iugnay ito sa iyong sitwasyon. Magsimula at gumawa ng isang prosesong panglipunan sa piling mga komunidad na may kolektibong pagsusuri ng mga problema ng komunidad at kolektibong aksyon na patungo sa solusyon ng mga problemang iyon, at para masiguradong ang proseso ay sariling makakapagpanatili at makakapamahala. Mga Partikular na Gawain: Ang mga partikular na tungkulin ay kahit ano sa mga sumusunod:
Magdagdag ng marami pang mga gawain ayon sa detalye ng iyong programa. Simulan ang bawat isa ng salitang nagsasasaad ng aksyon. Mga Importanteng Katangian: Ang mga sumusunod na mga kailangang bagay ay dapat nakalista sa detalye ng trabaho. Ang mga aplikante na wala ang mga importanteng bagay na ito ay hindi agad na matatanggal. Ang iba sa kanila, tulad ng mga pansariling katangian , ay hindi maipapakita ng isang CV, ngunit maaaring makita ito sa harapang pagtatanong, at harapang paguusap na may tagapamagitan.
Tulad non, baguhin ito ayon sa mga kinakailangan ng programang iyong pamamahalaan. Suriing mabuti kung ano ang dapat na makamit ng iyong programa, at pati na rin ang mga katangian ng mga tagapagkilos na magpapatupad ng programa. Mga Katangian na hindi masyadong kailangan ngunit nais makamit:
Alalahanin na ang mga katangiang ito ay hindi kailangan. May ibang aplikante na hindi mabusising babasahin ang mga ito bilang mga hangarin ngunit hindi kailangan. Kung ito ay magpapatigil sa kanila sa pagprisinta, maaaring mas mabuti na hindi sila parte ng programa. Impormasyon kung Paano Mag Prisinta: Kung ang detalye ng trabaho na ito ay gagamitin bilang impormasyon sa paghahanap ng mga bagong tagapagkilos ng isang programa, kailangang isama ang impormasyon kung paano magprisinta. Ang mga orihinal na kopya ng sertipiko at mga pagpapatibay ay hindi nakalakip, ngunit ang mga orihinial na kopya na dala ng aplikante sa harapang paguusap kung sya ay isa sa mga pagpipilian. Ang pagkopya ay gagawin ng tagamapahala, hindi ng aplikante.
Ang
isang CV (resume) ay dapat mayroong mga sumusunod na kategorya:
Hindi dapat sinasama sa CV ang kung kasal na o hindi pa, ilan ang anak, politikal na kaugnayan o relihyon, petsa ng kapanganakan, o lahi (ang mga ito ay hindi kailangan, at hindi dapat ginagawang batayan sa pagpili ng aplikante). Ang CV ay kailangang may kasamang buo at pormal na sulat sa pagpiprisinta, at nakalagay dito ang posisyon na nais pagprisintahan, dahilan ng pagprisinta at ang mga kagalingan ng aplikante na maaaring maibahagi sa trabaho. Superbisor / Kontrata ng Manggagawa Parehong detalye ng trabaho ang pwedeng gamitin bilang instrumento ng partisipasyong pamamahala, at hindi na kasama ang impormasyon kung paano magprisinta. Dahil ang trabaho ay nagbabago sa takbo ng panahon, ang detalye ng trabaho ay kailangang muling usisain ng sabay ng tagapagkilos at tagapamahala, pagkatapos ng unang anim na buwan, at bawat taon. Bilang isang kontrata na walang kabayaran sa pagitan ng tagapamahala at tagapagkilos, ang ibaba ay dapat na may puwang para sa mga pirma at petsa na kailangang punan ng bawat isa. Pagkatapos ng diskusyon sa pagitan nila, at mga panukala para sa pagbago ng dokumento ng tagapagkilos at tagapamahala, ang detalye ng trabaho ay dapat baghuin. Pagkatapos itong pirmahan at lagyan ng petsa, kailangang gumawa ng kopya para sa tagapamahala at tagapagkilos, at maaaring isa pang kopya para sa superbisor ng tagapamahala at ng proyektong HQ kung naaakma. ––»«––Ang Tagapagkilos sa Komunidad: © Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Unang Pahina |
Pamamahala |