Unang Pahina
 Maliit na Negosyo




Pagsasalin:

Català 中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
Português
Română
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


PAGSASANAY PARA SA MALIIT NA NEGOSYO

Tala para sa mga Kalahok

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Emmanoelle Garalde


Dokumento ng Workshop

Tala para sa pagsasanay na kinakailangan sa pagpapatakbo ng isang maliit na negosyo na kikita

Mga Kaalaman na Kinakailangan sa Pagpapayaman:

Halos lahat ng kaalaman ay kinakailangan sa pagpapatakbo ng isang negosyo ay mailalagay sa listahang ito.

Ang mga kaalaman na kinakailangan ay ang mga sumusunod:
  • Pautang: paghiram ng pera, pakikipagtransaksyon sa mga bangko at ibang nagpapautang, interes;
  • Pampinansyal: pagtatala ng tamang rekord, pagawa ng budget, pagkuwenta ng kita at pagkalugi;
  • Pagpaplano at Pamamahala: pamamahala ng mga tao, pag-aaring pisikal, pananalapi;
  • Komunikasyon: pagsasalita, pagsusulat, pakikinig at pagbabasa;
  • Marketing: pagsasaliksik, pagbebenta at pagnenegosyo; at
  • Teknikal: applied physics, chemistry, biology at anumang kaalaman na maaring pagkakitaan o pagsimulan ng negosyo.
Tatalakayin ng dokumentong ito ang mga kinakailangan na kaalaman.

Kaalaman sa Pautang o Kredit:

Kinakailangan ng kaalaman para maging kostumer ng isang bangko.

Marahil nakikita mo ang bangko bilang isang nakakatakot na lugar at kakaiba at hindi madaling intindihin ang mga gawi at pamamaraan dito. Ngunit magiiba ang iyong pananaw kapag naging pamilyar ka dito. Kaya naman dapat ay pag-aralan mo ang pamamaran ng pagpapautang, ang mga institusyong nagpapautang at ang mga tao sa mga institusyon na ito.

Ang mga kaalaman na kinakailangan mo ay ang pagintindi sa kredit o utang, ang prinsipal, interes, ang mga kabayaran sa mga serbisyo at ang mga pamamaraan sa paghiram at pagsauli ng pera. Mapapagsanayan mo ito sa iyong Umbrella Group.

Tulad sa ibang kaalaman, ang pinakamainam na paraan sa pagaaral ng pagpapautang ay kung ito ay gagawin mo.

Kaalaman sa Pinansya at Accounting:

Hanggat alam mo palagi ang lagay ng iyong pinansya at naikwenta mo ang kita at ang gastusin, maari kang magkaroon ng problemang pinansyal. Ang mga gawain na may kinalaman sa accounting at budget ay nakasalalay sa laki ng iyong negosyo.

Ang pinakakailangang kaalaman (mas mabuti kung maging kaugalian ito) ay ang pagtatago ng pang araw-araw na account ledger, maski gaano pa kalaki ang iyong negosyo. Ang unang pagsasanay sa accounting ay tungkol sa mga rekord na pampinansyal.

Dapat ay may nakaplano ka na negosyo at sa workshop sa accounting, magkakaroon ng mga gawain kung saan ay gagawa ka ng mga dokumentong pampinansyal na magagamit sa iyong pinaplano o kasalukuyang negosyo. Magsisimula ito sa pagsasanay sa pagrekord (tulad ng ledger) at magtatapos sa mga ehersisyo sa pagrereport (financial statements.

Kaalaman sa Pagpaplano at Pamamahala:

Dapat ay marunong ka mamahala ng iyong negosyo. Marunong ka dapat magpatakbo ng iyong kayamanan (inputs).

Kailangan ay may alam ka sa mga tao: maaring wala ka pang mga empleyado sa simula kung maliit ang iyong negosyo, ngunit mayroon ka ng mga supplier, kamag-anak, mamimili, imbestor at mga opisyal. Ang kakayanan makipag-interaksyon sa mga tao ay kinakailangan. Marami sa mga kaalaman sa pamamahala ay nakatalakay sa Pagsasanay sa Pamamahala.

Kasama sa kaalamang pamamahala at pagpaplano ay ang pagkilala sa mga pangangailangan, pagawa ng mga layunin, paghahanap ng mga pagkukunan ng yaman, pagkilala sa mga pagsubok, pagawa ng mga stratehiya, pagpili ng pinakaepektibo na strategiya at pagkilala sa mga importantent detalye tulad ng budget, paraan ng pagmomonitor, pagklaro sa mga dapat gampanan at mga gawain, pagawa ng mga work plan at gumawa ng mga pagbabago base sa resulta ng ebalwasyon.

Hindi kinakailangan na detalyado at nakasulat ang mga ito ngunit kailangan itong pagisipan at talakayin. Kailangan mong ipakita na napagisipan ang mga isyung ito at may mga pasya ka ukol dito.

Kaalaman sa Komunikasyon:

Imposibleng magpatakbo ng isang negosyo ng wala kang alam sa pakikipagusap.

Kapag hindi ka marunong bumasa o sumulat at tinutulungan ka ng iyong kamag-anak na basahin ang dokumentong ito, mas mainam kung matuto kang bumasa. Ang ibig sabihin ng functional literacy ay pagaaralan mo lamang ang iyong kinakailangan gamitin. Pumunta sa Literacy Kung nababasa mo ito at marunong kang sumulat, kailangan siguraduhin na marunong ka rin sumagot ng mga forms, sumulat ng rekord at report.

Iba pang kasanayang pang komunikasyon ay ang abilidad na makapag-bigay impormasyon at makinig. Marunong ka dapat makinig sa iyong supplier at mga mamimili at makipagusap ng maayos sa kanila.

Kaalaman sa Marketing o Pagbebenta:

Walang kahahatnan ang paglagay mo ng pera at oras sa isang produkto kung hindi mo ito maibebenta. Ang anumang benta ay makakapagbigay ng pera na maari mong gamitin sa pagbayad ng utang, pagpapasahod sa iyong sarili at ng iyong mga empleyado at sa pagbayad ng anumang gastusin sa produksyon bago makakuha ng tamang kita.

Kasama sa kakayanang magbenta ay ang kaalaman kung saan hahanapin ang mga interesadong mamimili (tulad ng pagsasagawa ng pananaliksik sa paghahanap sa kanila) at kung paano ipresinta ang produkto na kaakit-akit sa mga mamimili.

Hindi kikita ang iyong negosyo kung hindi mo maibebenta ang iyong produkto. Kinakailangan mo ng angkop na plano at stratehiya sa pagbebenta. Pumunta sa Marketing o Pagbebenta.

Kakayanang Teknikal:

Ang pinakakinakailangan sa mahihirap na bansa ay ang pagproproseso ng mga produktong agrikultural (halimbawa, ang pagkuha ng langis sa mga buto o seeds, paggawa ng sabon, pagproseso ng prutas at gulay). Para magtagumpay ang iyong negosyo, kinakailangan mo ng kaalaman tungkol sa processing; teknikal na kaalman

Ang maliliit na negosyo sa mga sumusunod na sektor ay kinakailangan: pagproseso ng produktong agrikultural (

Bumisita ng mga negosyo at tignan ang kanilang pagpoproseso - mga negosyong iba't ibang uri at laki. Makipag-usap sa mga may-ari at kanilang empleyado. Turuan ang iyong sarili kung paano i-proseso ang mga produkto.

Higit pa sa Kaalman:

Higit pa sa mga nakasaad na kaalaman at kasanayan, na maari mo naman itong matutunan sa iba o di kaya matutunan mag-isa, importante rin ang pagkakaroon ng mga prinsipyo.

Ito ay pagiging matapat, mapagkakatiwalaan, maasahan, masipag, may hangarin na makapagbenta ng produkto na may kalidad at palitan ito kung hindi ito maayos.

Maari itong ituro ngunit kinakailangan ang iyong hangarin na maisagawa ang mga ito.

––»«––

Workshop sa Pagbabangko at ang mga Kasanayan na kinakailangan


Pagsasanay sa Pagbabangko

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 10.05.2011


 Unang Pahina

 Maliit na Negosyo