Tweet Mga Salin
Català |
HIGIT SA PAGSUBAYBAY; EBALWASYONEbalwasyon ng mga Nakamit o Nagawani Phil Bartle, PhDisinalin ni Joyce ZaideMateryales sa PagsasanayIba ang ebalwasyon sa pagsubaybay, ngunit sila ay magkaugnayAng Kahulugan ng Ebalwasyon: Ang ebalwasyon ay ang proseso ng paghuhusga ng halagang naidulot ng proyekto o programa kaugnay sa mga naplanong aktibidades at pangkalahatang layunin. Bahagi ng ebalwasyon ang paghuhusga ng kahalagahan ng isang bagay, kaya naman ito ay naiiba sa pagsubaybay (ang pagsubaybay ay pagoobserba at pag-uulat ng oberbasyon). Kahalagahan ng Ebalwasyon: Ang ebalwasyon ay mahalaga upang matukoy ang mga kakulangan o mga isyung nagsisilbing balakid sa pagkamit ng mga layunin ng proyekto. Dahil dito, ang mga solusyon sa mga problema at balakid ay maaaring matukoy at maisagawa. Ang ebalwasyon ay nakakatulong sa mga taga-pamahala o taga-pagplano ng proyekto na tayahin ang benepisyo at problemang maidudulot ng proyekto sa mga hinahangad na direkta at indirektang pinag-uukulan ng benepisyo. Halimbawa, kung ang proyektong isinasagawa ay ang pagbibigay proteksyon sa bukal o balon, makikita sa ebalwasyon ang benepisyo nito sa mga taong kumukuha at gumagamit ng tubig sa bukal. Gayundin, makikita sa ebalwasyon na nagdudulot din ito ng problema sa mga tao dahil nasasayang ang kanilang lupain at nasisira ang kanilang pananim dulot ng proseso ng pagkolekta ng tubig. Mahalaga ang ebalwasyon dahil makakakuha tayo dito ng mga leksyon o aral mula sa ating mga karanasan sa pag-iimplementa ng proyekto. Ang mga leksyon o aral na ito ay maaaring magamit sa iba pang proyekto. Panghuli, ang ebalwasyon ay dapat magbigay-linaw kung gaano nakamit ang hinangad na layunin ng mga aktibidades at kung naisakatuparan ang proyekto. Ang Proseso ng Ebalwasyon: Ang ebalwasyon at maaari at dapat isinasagawa: (a) bago, (b) habang, at (c) pagkatapos ng implementasyon. Bago isagawa ang proyekto, ang ebalwasyon ay kinakailangan upang:
Habang isinasagawa ang proyekto: Ang ebalwasyon ay isang walang patid na proseso at dapat maisagawa sa lahat ng aktibidades ng proyekto. Nakakatulong ito sa mga taga-pagplano na progresibong masuri ang mga stratehiya ng proyekto ayon sa pabagu-bagong kalagayan o sitwasyon. Sa pamamagitan nito, maisasagawa ang ninanais na aktibidades at layunin ng proyekto. Pagkatapos maisagawa ang proyekto: Ito ay upang makita at mabalikan ang proseso ng pagpaplano at implementasyon ng proyekto, gayundin ang resulta matapos maisagawa ang mismong proyekto. Ito ay makakatulong pa sa:
––»«––Pag-uulat sa Komunidad: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pagsubaybay |