Pangunahing Pahina
 Pagsusubaybay




Mga Translasyon:

'العربية / Al-ʿarabīyah
Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
Português
Română
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


ANTAS NG PAGSUSUBAYBAY

Pamayanan, Distrito, Pambansa at Donor

Sinulat ni Phil Bartle, PhD

Isinalin ni Joyce Zaide


Materyales o Handawt sa Pagsasanay

Ang paraan ng pagsusubaybay sa bawat antas ay magkakaiba at pinupunan nila ang isa't isa

Walang pangkalahatang katawagan para sa iba't-ibang antas ng pamamahala at administrasyon, mula sa pamayanan hanggang sa pambansang antas. Ang katawagan o terminolohiya sa mga antas na ito ay iba-iba sa bawat bansa. Kaya naman, hindi tayo makagagamit ng iisang grupo ng mga terminolohiya na aakma at magagamit sa pangmaramihang bansa, ngunit, ang mga panuntanan o prinsipyo at pamamaraan ng pagbibigay-kapangyarihan sa pamayanan ay magkakahalintulad saan man (may kaunting pagkakaiba sa pagitan ng mga bansa). Dahil ang modulo sa pagsasanay na ito ay isinabuo sa Uganda, gagamitin natin ang terminolohiyang ginagamit sa Uganda.

Nang maupo sa kapangyarihan si Museveni sa Uganda, ang antas ng administrasyon ay naka-organisa sa ganitong paraan: nagsisimula sa Unang Antas ng Konseho para sa Paglaban (antas ng pamayanan o nayon) hanggang sa Ika-limang Antas ng Konseho para sa Paglaban (antas ng distrito). Kamakailan, ibinalik ng Uganda ang paggamit ng dati nitong terminolohiyang may bakas ng kolonyal nitong nakaraan: 1= nayon, 2 = parokya, 3 = sub county, 4 = county, 5 = distrito

Ang pagsubaybay ay dapat isinasagawa ng lahat ng stakeholders sa lahat ng antas. Dapat tandaan na ang bawat antas ay may partikular na layunin sa pagsusubaybay, pamamaraan at mga tungkulin.

Para maging epektibo ang pagsusubaybay, kinakailangang mayroong mekanismo kung saan ang lahat ng taong kasali sa lahat ng antas (pamayanan, distrito, pambansa at donor) ay mabibigyan ng pagkakataong makapagbigay ng kanilang feedback o mga suhestiyon o komento.

Pagsusubaybay sa Antas ng Pamayanan

Sa antas ng pamayanan nagaganap ang pagpapatupad at paggamit ng mga benepisyo ng proyekto. Kadalasan, ito ay nagaganap sa antas ng nayon at ng parokya. Sa antas na ito, ang pangunahing layunin ng pagsusubaybay ay maisaayos ang pagpapatupad at pangagasiwa ng mga proyekto. Halimbawa, sa pagtatayo ng paaralan, ang interes ng buong pamayanan ay ang masigurong maisagagawa ang konstruksyon ng paaralan ayon sa plano.

Kabilang sa mga partikular na layunin ng pagsusubaybay sa antas na ito ay ang sumusunod: (a) siguruhing ang proyekto ay naisagawa sa takdang oras, (b) na maganda ang kalidad ng proyekto, (c) na ang mga kontribusyon/pinagkukunang-yaman ng proyekto ay nagagamit nang tama.

Ang pagsusubaybay sa antas na ito ay nangangailangan ng: Pagtutukoy ng proyekto ng/para sa pamayanan. Sa pagtutukoy, kinakailangang may pakikilahok ng pamayanan upang matugunan ng proyekto ang pangangailangan ng pamayanan at maging interesado ang mga miyembro nito sa pagsasagawa at pasusubaybay ng proyekto.

Kung ang proseso ng pagtutukoy ng proyekto ay hindi naisagawa nang tama at hindi tumutugon sa interes ng pamayanan, malaki ang probabilidad na hindi makikilahok ang pamayanan sa pagsusubaybay ng aktibidades ng proyekto.

Pagtutukoy ng koponang mamumuno ng pagsusubaybay ng proyekto ng/para sa pamayanan. Dapat detalyadong matukoy at maipaliwanag ang mga sumusunod: ang tungkulin ng bawat koponan o grupo; papaano isasagawa ang pagsusubaybay; at ang paggamit at pamamahagi ng impormasyong nakalap kasama ng ibang grupo sa loob at labas ng pamayanan.

Magdisenyo ng plano o work plan na gagabay sa pagsusubaybay ng proyekto. Dapat matukoy ng plano ang mga aktibidades ayon sa pagkakasunud-sunod, pati na rin ang mga taong magsasagawa ng mga ito. Nakatutulong ito sa mga nagsusubaybay na malaman ang mga aktibidades na dapat maisagawa ng partikular na indibidwal sa takdang oras. Kung ang mga aktibidades ay hindi maisagawa, ang mga taong nagsusubaybay ay makakakuha ng gabay sa pag-iisip ng nararapat na solusyon.

Tukuyin ang mga pangunahing aktibidades Tukuyin ang mga pangunahing aktibidades sa plano. Lahat ng aktibidades sa plano ay importante at nararapat masubaybayan, ngunit mahalagang matukoy ang mga pangunahin aktibidades ayon sa mga layunin at indicators na natukoy. Halimbawa, kung ang mga paghahandang gawain sa pagtatayo ng paaaralan ay ang pagsasakilos ng pamayanan; paghihiram ng mga asarol sa katabing nayon; pagbubungkal ng lupa; at pagsasalok ng tubig para sa pagbubuo ng laryo, ang pangunahing aktibidades na magsasabuod ng lahat ng mga aktibidades na ito ay ang "paggawa ng laryo"

Tukuyin ang mga indicators para sa bawat layunin ng aktibidades. Ang mga indicators ay makakatulong sa grupong nagsusubaybay na malaman kung gaano na narating ang mga layunin ng bawat aktibidades. Halimbawa, sa paggawa ng laryo, ang indicator nito ay kung ilang laryo na ang nagawa. At

Dapat pagkumparahin ang mga naisagawa sa mga naiplano upang matukoy kung ng proyekto ay naisagawa sa takdang oras at naaayon sa plano. Dapat masiyasat ng mga nagsusubaybay ang mga indicators upang masukat kung gaano nakamit ang mga layunin. Kasama sa pagsisiyasat ang pagsisiguro na maganda ang kalidad ng trabaho. Maaaring humingi ng tulong ang grupong nagsusubaybay sa mga teknikal na indibiwal tulad ng lokal na artisano o teknisyan mula sa distrito upang masukat ang kalidad ng proyekto (kung ito ay konstruksyon).

Kaya naman dapat mapagdesisyunan ng grupong nagsusubaybay kung gaano kadalas nilang bibisitahin ang kinalalagyan ng proyekto upang masiyasat ang mga kaganapan dito. Para maiwasan ang paggawa ng mga bagay na wala sa plano, ang pagbibisita para magkapagsubaybay ay dapat maisagawa nang di kukulangin sa isang beses sa isang linggo. Sa pagbibisita sa proyekto, kinakailangang mag-obserba ang grupo sa mga kaganapan at kausapin ang lahat ng mga kalahok sa proyekto.

Sa bawat aktibidades, kinakailangang tukuyin ng grupong nagsusubaybay ang mga layunin. Halimbawa, sa paggawa ng laryo na gagamitin sa pagtatayo ng paaralan, ang layunin ay ang makagawa ng sampung libong laryo sa katapusan ng Pebrero.

Sa tuwing isasagawa ang pagbibisita para magkasubaybay, dapat isulat ng mga nagsusubaybay ang kanilang mga natuklasan. Maaari nilang gamitin ang forms na kasama sa modulong ito o anumang form na batay sa plano at naaangkop sa mga natuklasan impormasyon. Ang mga natuklasang bagay ay dapat matalakay sa ibang miyembro ng komiteng nagpapatupad ng proyekto. Sa paghahanap ng suliranin sa mga problema, dapat magamit ng koponang nagpapatupad at nagsusubaybay ang mga impormasyong nakolekta.

Dapat imbakin nang maayos ng mga grupong nagsusubaybay at nagsasagawa ng proyekto ang mga nakalap na impormasyon at gamitin ito sa mga susunod na gawain at sa pamamahagi ng impormasyon sa ibang stakeholders. Sa bawat kinalalagyan ng proyekto, dapat maglaan ng lalagyan kung saan maitatago ang mga ulat ukol sa pagsusubaybay at iba pang mga dokumento.

Pagsusubaybay sa Antas ng Distrito at Sub County:

Ang mga kawani ng distrito at sub county ay dapat kumuha ng impormasyon mula sa pagsusubaybay ng pamayanan (ang pagsusubaybay ng mga gawain kaugnay sa paglikha ng mga produkto o output mula sa mga kontribusyon o inputs). Dapat din nilang subaybayang ang mga kinahinatnan ng proyekto (halimbawa ang epekto ng pagtatayo ng paaralan sa dami ng enrolment). Dapat ding subaybayang ng distrito ang pagtaas ng antas ng lakas, kapasidad at kapangyarihan ng pamayanan upang mapagana ang sariling pag-unlad nito.

Samakatwid, kasama sa layunin ang pagsuporta sa pagpapabuti ng pagsasagawa ng proyekto at pagsusukat kung angkop ba ang disenyo ng proyekto sa pagpapalakas ng pamayanan.

Ang mga pamamaraan sa pagsusubaybay na maaaring maipatupad sa antas na ito ay (a) regular na pagsubaybay (routine monitoring) (b) kwaliteytib na suporta (qualitative support)

Regular na Pagsubaybay (Routine Monitoring) at Suporta sa Pamamahala: Ito ay nangangailangan ng Tagapag-ugnay ng Proyekto sa Distrito (District Project Co-ordinator), Katulong sa Pagpapaunlad ng Pamayanan (Community Development Assistant), at iba pang teknikal na kawani at mga politiko sa distrito at sub county. Nangangailangang bumisita sa kinalalagyan ng proyekto ang mga nasabing tauhan upang masuri kung ang mga nagaganap sa proyekto ay naaayon sa plano.

Ang kopya ng plano at ng mga ulat sa pagsusubaybay ay dapat maitago sa isang lalagyan kung saan naroon ang proyekto. Ito ay makakatulong sa kung sino man ang gustong ipagkumpara ang progreso ng proyekto ayon sa naiplano. Dagdag pa nito, mag magiging madali para sa ibang kalahok na makuha ang komento ng mga grupong nagsusubaybay nang hindi na kinakailangang hanapin pa ang mga grupong nagsusubaybay, sakaling sila ay wala sa kapaligiran.

Habang isinasagawa ang regular na pagsusubaybay, kailangang makausap ang lahat ng mga taong kalahok sa pagpapatupad at pagsusubaybay ng proyekto. Kailangang suriin kung ang bawat grupo ay mahusay na ginagampanan ang kani-kanilang tungkulin (upang matukoy kung tumataas ang kapasidad ng pamayanan)

Gumawa at itala ang mga komento ukol sa mabubuti at hindi magagandang bagay sa proyekto. Magbigay ng rekomendasyon ukol sa kung sino ang dapat tumugon sa mga isyu, kasama ang mga kakailanganing pinansyal, oras at ang mga posibleng negatibong epekto na maaaaring maidulot kung ang mga rekomendasyon ay hindi isasagawa. Dapat mag-iwan ang isang kopya ng komento sa talaan ng proyekto at isa pang kopya para magamit sa pakikipagtalakayan at maiimbak sa distrito.

Ang mga sub counties at distrito ay dapat mag-organisa ng patitipon nang hindi kukulangin sa isang beses sa isang buwan upang matalakay ang progreso ng proyekto. Dagdag pa nito, kailangan ding tipunin at magsumite ng ulat ukol sa progreso ng proyekto, bilang bahagi ng buwanang pag-uulat sa distrito at pambansang tanggapan.

Ang mga pangunahing isyu na kailangan suriin sa regular na pagsubaybay sa antas ng distrito at sub county ay ang mga sumusunod:

  • Dami o antas ng aktuwal na kontribusyon mula sa pamayanan, sub county, distrito and donor (kasama ang mga pondo, materyales, oras at kadalubhasaan);
  • Pagsasagawa sa takdang oras at kalidad ng proyekto;
  • Tamang paggamit at akawntabiliti ng mga pinagkukunang yaman mula sa pamayanan at donor;
  • Antas ng pakikilahok mula sa pamayanan;
  • Dedikasyon at pagsasakatuparan ng mga gawain ng mga komite ng pamayanan; at
  • Paggamit sa tamang oras ng impormasyong nakuha sa regular na pagsusubaybay sa antas ng pamayanan.

Kwaliteytib na Pagtatanong: Ang distrito, katuwang ng sub county, ay dapat mag-organisa ng Focus Group Discussion, Key Informant Interviews, at Community Group Discussion, kasama ang mga pamayanan at iba pang pangunahing impormante, nang di kukulangin sa dalawang beses sa isang taon.

Ang Pagtatanong na ito ay makakatulog sa distrito na:

  • Suriin ang mga impormasyon na nakalap ng pamayanan at distrito;
  • Kuhanin ang impormasyon ukol sa mga isyu na hindi nakalap sa regular na pagsusubaybay;
  • Talakayin agad sa mga pamayanan ang mga posibleng lunas sa mga suliranin na nagsisilbing balakid sa pagpapatupad ng proyekto; at
  • Makipag-usap sa pamayanan, matuto sa kanila, at ipaliwanag ang mga isyu ukol sa capacity building o pagbubuo ng kapasidad.

Ang mga kwaliteytib na pagtatanong na ito ay dapat simple at may pakikilahok ng mga miyembro ng pamayanan upang mabawasan ang gastos. Gayundin, makakatulong ito sa pamayanan na matutunan ang tamang pagsasagawa ng kwaliteytib na pagtatanong bilang paraan ng pagpapalakas ng pamayanan. Ang mga resulta ay dapat masuri nang may kaugnayan sa mga nakalap na impormasyon sa pamayanan at distrito at magamit sa pagtatalakay ng mga lunas sa suliranin.

Ang mga resulta ng pananaliksik ay dapat madukumenta nang maayos at maipamahagi sa pambansang antas upang makatulong sa pangangasiwa ng impormasyon sa pambansang antas.

Ang mga pangunahing isyu sa kwaliteytib ng pagtatanong ay:

  • Pagtutukoy kung ang mga proyekto ba ay ang mga prayoridad ng pamayanan (pati na rin kung angkop ba ang pagtutukoy ng proyekto)
  • Mga kaalaman at ang pagpapahalaga ng mga miyembro ng pamayanan sa mga pamamaraan ng proyekto at ang kanilang kagustuhang makilahok at makatulong sa mga aktibidades ng proyekto;
  • Kung mahusay ba ang mga miyembro ng pamayanan sa pagsusubaybay ng proyekto;
  • Opinyon ng mga miyembro ng pamayanan ukol sa kalidad at paggamit ng pinagkukunang-yaman (akawntabiliti);
  • Kakayahan (halimbawa sa pagbubuo ng desisyon at pakikipagnegosasyon), na nakuha ng partikular na mga kategorya ng tao sa pamayanan habang isinasagawa ang proyekto; at
  • Kaalaman ng pamayanan ukol sa kanilang mga karapatan at obligasyon.

Bago isagawa ang kwaliteytib na pagtatanong, dapat tukuyin ng bawat distrito at sub county ang mga problema sa pamamahala ng impormasyon upang matukoy ang mga tema. Sa puntong ito, dapat mapagsang-ayunan ang mga partikular na disenyo.

Pagsusubaybay sa Pambansang Antas at Antas ng Donor

Ang mga layunin ng pagsusubaybay sa pambansang antas at antas ng donor ay matukoy kung: ang mga kontibusyon sa proyekto ay nagagamit ng tama (ang mga ninais na resulta ay natutupad); kung ang disenyo ng proyekto ay husto; at para na rin makadagdag sa kaalaman.

Ang layunin ng pagsusubaybay sa antas ng ito ay:

  • Masiguro na ang mga kontribusyon ay mahusay at epektibong nagagamit.
  • Na ang mga naiplanong aktibidades ay naisasakatuparan;
  • Upang masukat ang kahustuhan ng mga pamamaraan na ginagamit sa pagpapalakas ng pamayanan; at
  • Makakuha ng mga aral mula sa proyekto na magagamit sa iba pang proyekto sa bansa at sa iba pang lugar. Ang mga aral ay makapagbibigay ng basehan kung nararapat na magamit muli ang mga pamamaraan ng proyekto sa iba pang proyekto.

Ang mga pamamaraan sa pagsusubaybay sa antas na ito ay: (a) regular na pagsusubaybay, (b) action research at kwaliteytib na pagtatanong, at (c) survey.

Regular na Pagsusubaybay Regular na Pagsusubaybay: Ang regular na pagsusubaybay at dapat isinasagawa apat na beses sa isang taon ng mga tauhan ng proyekto at ng yunit ng departamento na tagapagplano. Ito ay upang masuri ang kalagayan ng aktibidades at ng mga layunin. Dahil ang pambansang antas ay nakakakuha ng impormasyon ukol sa proyekto sa pamamagitan ng buwanang ulat ng distrito, ang pagsasagawa regular na pambansang pagsusubaybay ay dapat malimita. Dapat masuri nito ang mga aspeto ng proyekto na maaaring magdulot ng problema, pati na rin mga aspeto na mahusay at kakaiba. Makakatulong ito sa pambansang tanggapan na makakuha ng nararapat na suporta at makakuha ng mga aral.

Action Research at Kwaliteytib na Pagtatanong: Dapat magsagawa ang pambansang tanggapan ng malalimang kwaliteytib na pagtatanong nang isang beses sa isang taon. Ang mga ito ay dapat nakatuon sa pagkukuha ng mga aral mula sa disenyo ng proyekto at sa mga karanasan sa pagpapatupad ng proyekto upang magaya ang mga ito sa mga susunod pang proyekto.

Ang mga pangunahing isyu sa antas na ito ay:

  • Ang kontribusyon ng proyekto ng pamayanan sa mga pambansang prayoridad at prayoridad ng donor;
  • Kasiyahang naidulot sa mga pamayanan (antas ng paggamit ng serbisyo at mga pasilidad);
  • Kakayahan ng pamayanan na magamit at mapanatili ang mga serbisyo at pasilidad;
  • Kakayahan ng miyembro ng pamayanan na magbayad para sa mga serbisyo at pasilidad;
  • Kung nararapat ba ang pamamaraan na ginamit sa proyekto;
  • Pamunuan, awtoridad at tiwala sa sarili sa pamayanan;
  • Pagbubuo ng kapasidad at pagsasagawa ng tungkulin ng mga tauhan sa Lokal na Pamahalaan at Distrito;
  • Pagbibigay-representasyon (lalo na para sa mga kababaihan) tuwing magbubuo ng desisyon ang pamayanan;
  • Pag-gaya ng mga karanasan sa ibang proyekto at institusyon na nagbibigay ng pagsasanay;
  • Pagbubuo ng kapasidad ng mga tao at institusyon; at
  • Pagpapatakbo ng sistema ng pagsusubaybay at pamamahala ng impormasyon.

Survey: Ang mga survey ay dapat maisagawa upang makakuha ng numerikal na datos at magbigay-suporta sa mga impormasyong nakuha sa ibang pamamaraan. Maaring humingi ng suporta sa paggawa ng survey sa mga instusyong nagsasagawa ng pananaliksik at sa mga unibersidad.

Mga isyu at pamamaraan sa pagsusubaybay sa ibat-ibang antas:

Ang mga isyu at pamamaraan na nasasaad dito ay para sa bawat antas. Ito ay upang mabigyang-diin na dapat mang mamuno ang mga stakeholders sa pagsusubaybay, hindi lamang sila ang dapat magsasagawa nito. Sa aktwal na sitwasyon, ang mga isyu at pamamaraan ng ibat-ibang stake holders ay maaaring magkakapareho. Bawat stakeholder ay dapat magbigay-suporta sa ibang miyembro, sa kanilang responsibilidad sa pagsusubaybay.

Ang mga isyu na nabanggit dito ay hindi kumpleto. Kaya naman, ang bawat antas ay dapat mangulekta ng impormasyon ukol sa iba pang mga isyu na sa tingin nila ay importante sa mga partikular na sitwasyon.

Ang mga ito ay ipinapakita sa tatlong talaan (1) antas ng pamayanan, (2) antas ng distrito, at (3) pambansang antas. Ipinapakita ng mga talaang ito ang mga pangunahing isyu sa bawat antas.

Antas ng Pamayanan:

Sa antas ng pamayanan, ang tatlong tauhan na may taya sa pagpapalkas ng pamayanan ay ang mga:

  • Ehekutibo ng CBO o ang Komite sa Pagpapatupad (Implementing Committee o CIC) sa pamayanan;
  • Tagapagkilos ng Pamayanan; at
  • Komite sa Pagpapapa-unlad ng Parokya (Parish Development Committee o PDC).

Para sa tatlong nabanggit na stakeholder, ipinapakita ng sumusunod na talaan ang mga pangunahing isyu ukol sa interes, mga indicator sa pagsusubaybay, paraan ng pag-oobserba, gaano kadalas, at mga suhestiyon ukol sa pamamaraan ng pagsusubaybay.


Stake Holder Isyu Indicator sa Pagsusubaybay Paraan ng Pag-oobserba Gaano Kadalas Pamamaraan ng Pagsusubaybay
Ehekutibong Komite Pagpapatupad ng Proyekto sa Takdang Oras Dami ng aktibidades ng proyekto na naisagawa sa oras Regular na pagbibisita sa proyekto Lingguhan Gagamitin ng mga miyembro ang forms ukol sa pagsusubaybay
Tamang paggamit ng pinagkukunang-yaman ng proyekto Walang nasayang na mga materyales Regular na pagbibisita sa proyekto. Pagsusuri ng kalidad ng proyekto. Lingguhan Gagamitin ng mga miyembro ang forms ukol sa pagsusubabay.
Suriin ang kalidad gamit ang gabay ng teknisyan
Tamang pagkalap at pag-imbak ng impormasyon ukol sa proyekto Porsyento ng proyekto na may talaan; bilang ng ulat na naisagawa at naitago Pagsusuri ng mga talaan o dokumentong naitago Lingguhan Susuriin ng mga miyembro ng komite ang mga talaan at iba pang dokumentong naitago, at gagawa sila ng ulat ukol dito at magbibigay ng komento
Tagapagkilos ng Pamayanan Makatotohanang plano sa pagpapatupad ng proyekto Dami ng plano na ang mga aktibidades ay maayos ang pagkakasunod-sunod Pagkukumpara ng aktididades sa plano sa kung paano ito isinagawa. Buwanan Ang mga tagapagkilos ay (1) susuriin (kasama ng teknikal na tauhan) ang pagkakasunud-sunod ng mga aktibidades na nakasulat sa plano, at (2) magsasagawa ng buwanang pagbibisita sa proyekto
Pakikilahok ng pamayanan sa aktibidades ng proyekto Bilang ng tauhang isinasagawa ang kanilang tungkulin Dami ng aktibidades. Dami ng pinagkukunang-yaman na ibinigay ng pamayanan. Buwanan Pagbibisita sa proyekto; Pagtatalakay sa mga tao ukol sa kanilang mga kontribusyon.
Komite sa Pagpapaunlad ng Parokya Akawntabiliti ng Pinagkukunang-yaman Porsyento na na-akawnt Akawntabiliti form para sa Pinagkukunang-yaman Tuwing ika-apat na buwan Gagamitin ng Komite sa Pagpapaunlad ng Parokya ang akawntabiliti form para sa pinagkukunang-yaman

                                        


Antas ng Sub County at Distrito:

Sa antas ng distrito at sub distrito (higit sa isang pamayanan), ang mga pangunahing tauhan na may taya sa pagpapalakas ng pamayanan ay ang:

  • Katulong sa Pagpapaunlad ng Pamayanan o Community Development Assistants (CDAs);
  • Yunit na Tagapagplano; at
  • Tagapag-ugnay ng Proyekto sa Distrito (District Project Coordinator), na kung kawani ng departamento ay karaniwang ang Opisyal para sa Pagpapaunlad ng Pamayanan o ang katapat nito na mula sa NGO.

Ipinapakita ng sumusunod na talaan ang mga pangunahing isyu ukol sa interes, indicator sa pagsusubaybay, paraan ng pag-oobserba, gaano kadalas, at mga suhestiyon ukol sa pamamaraan ng pagsusubaybay.


Stake Holder Isyu Indicator sa Pagsusubaybay Paraan ng Pagsusuri Gaano Kadalas Paraan ng Pagsusubaybay
Katulong sa Pagpapaunlad ng Pamayanan (Community Development Assistant) Pagsasagawa ng tungkulin ng mga tagapagkilos at mga komite ng pamayanan Bilang ng komite na nagsasagawa ng kanilang tungkulin Pagsusuri ng gawain ng bawat komite Dalawang beses sa isang taon Sa pagsasagawa ng kwaliteytib na pagtatanong, tutukuyin/susuriin ng Katulong sa Pagpapaunlad ng Pamayanan ang pagsasaganap ng tungkulin ng bawat komite
Tagapag-ugnay ng Proyekto sa Distrito (District Project Coordinator)

at

Yunit na Tagapagplano
Pagtutukoy ng mga proyekto na nasasakop sa plano ng distrito at pambansang prayoridad Bilang ng proyekto sa ilalim ng plano ng distrito Pagsusuri ng ulat ukol sa pagtutukoy ng proyekto. Pagbibisita sa proyekto Dalawang beses sa isang taon Ang yunit na tagapagplano ay siyang magsusuri ng mga plano mula sa parokya upang magtukoy kung ang mga ito ay nasasakop sa plano ng distrito at prayoridad ng bansa
Kakayahan ng mga pinuno ng pamayanan na maging mahusay sa pamumuno Bilang ng mga nayon na gumagamit ng "pakikilahok ng pamayanan (community participation)" sa pagpaplano at pagsasatupad ng proyekto Pagsusuri ng mga ulat ng proyekto. Focus group discussions at iba pang paraan ng kwaliteytib na pagtatanong Dalawang beses sa isang taon Magsasagawa ang yunit na nagpaplano ng kwaliteytib na pagtatanong upang malaman kung ang mga pamayanan ay nakikilahok sa aktibidades ng proyekto. Ang mga pamamaraan na partikular sa distrito ay dapat maisa-disenyo kapag isinasagawa ang pagtatanong

                                        


Pambansang antas at antas ng donor:

Sa pambansang antas, mayroon dalawang pangunahing stake holder. (1) Ang departamento o ahensya na nagpapatupad ng proyekto, at (2) kahit anong panlabas na pambansa o internasyunal na donor na nagbibigay kontribusyon sa proyekto.


Stake Holder Isyu Indicator sa Pagsusubaybay Paraan ng Pagsusuri Gaano Kadalas Paraan ng Pagsusubaybay
Pambansang Tanggapan

at

Mga Donor
Kaalaman ng Pamayanan ukol sa mga pamamaraan Proporsyon ng populasyon na nakakaalam ng pamamaraan. Surveys, focus group, discussions, key informant interviews Taunan Ang Ahensya o Departamento ay magdidisenyo at magsasagawa ng taunang pagnanaliksik
Gaano ka-epektibo ang disenyo ng proyekto Porsyento ng nakamit sa mga naiplano. Porsyento ng aspeto ng disenyo na ikinatuwa ng pamayanan. Pagsusuri ng mga ulat ng proyekto, Surveys, Focus Group Discussions, Key Informant Interviews Taunan Ang Ahensya o Departamento ay magdidisenyo at magsasagawa ng taunang pananaliksik
Paggamit ng mga karanasan sa pagsasatupad ng proyekto sa iba pang proyekto at institusyon sa bansa Proporsyon ng aspeto ng disenyo ng proyekto na nagaya at nagamit Pagtatalakay sa Pambansa at Internasyunal na antas Taunan Ang Ahensya o Departamento ay magsasagawa ng pagpupulong kasama ng mga akademikong institusyon at proyekto ng pamayanan upang matukoy ang mga pamamaraan ng proyeto na nagaya at nagamit sa ibang proyekto

                                        


––»«––

Pag-uulat sa Distrito, Pambansa at Panlabas na mga Donor:


Pag-uulat sa Distrito, Pambansa at Panlabas na mga Donor

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 11.05.2011


 Pangunahing pahina

 Pagsubaybay