Unang Pahina
 Pakikilahok na Pamamahala




Mga Salin

Bahasa Indonesia
বাংলা / Baṅla
Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Polszczyzna
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

Nilalaman:

Nilalaman:

Nilalaman:

Nilalaman:

Nilalaman:

PAKIKILAHOK SA TAUNANG PAGSUSURI

Pakikisangkot ng mga Manggagawa sa Pagsusuri, Pagtatasa at Pagpaplano

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni May Virola


Para kay Gert Lüdeking


Ipamimigay sa Pagsasanay

Paggawa ng ligtas na paligid para sa mga mangagawa na maging pranka

Pangunahing Salita:

Ang mga taunang pagsusuri ay maaaring iba't ibang bagay sa iba't ibang konteksto. Ang dokumentong ito ay naglalarawan ng kung paano ang taunang pagsusuri ay maaaring magamit bilang mekanismo ng pakikilahok na pamamahala, at bilang isang paraan ng pagkuha ng kontibusyon mula sa mga manggagawa na maaaring isama sa pagpaplano at pamamahala ng isang organisasyon.

Ang pangunahing nilalaman ng pamamahala ay ang paggawa ng desisyon. Ang paggawa ng desisyon ay nagyayari sa konteksto ng pagpaplano, implementasyon at pagsubaybay. Ito ay angkop sa ano mang uri ng organisayon, sa pagtulong sa mga proyekto, sa mga Organisasyong Base sa Komunidad (OBK) o mga NGO, sa pribadong kompanya, sa gobyerno o mga multilateral na mga departamento o dibisyon.

Ang taunang pagsusuri ay nasa gitna ng pagsubaybay at pagpaplano - (1) ang pagsubaybay at pagtatasa ng implementasyon ng nakaraang taon, (2) pagpaplano para sa implementasyon para sa darating na taon.

Habang ilan sa mga taunang pasusuri ay nangangailangan ng pakikilahok ng iba't ibang aktor, kasama na ang mga stakeholders o mga proyektong pangkalinangan; ang taunang pagsusuri na ito ay nakatutok sa pakikilahok ng mga pangagawa at mga pamamaraan ng pagkuha ng kontribusyon na maaaring isama sa proseso ng pamamahala.

Paggawa ng Desisyon:

Ang layunin ng pakikilahok na pamamahala ay upang makauha ng desisyon ng mga manggagawa na maaaring mailagay o maisama sa proseso ng pamamahala.

Ang pakikilahok na pamamahala ay hindi nangangahulugan na ang mga manggagawa ang magiging kahulihulihang arbitrador ng mga desisyon na makakaapekto sa organisasyon; ito ay nangangahulugan na ang kanilang dunong, karanasan, obserbasyon at pagiging malikhain ay magiging salik o idadagdag sa mga desisyong eksekyotibo. Ang mga manggagawa ay pumupuno o dumadagdag at nagbibigay ng kontribusyon sa mga gawain ng mga tagapamahala.

Ang taunang pagsusuri, samakatwid, ay dapat idisenyo at ipalakad sa pamamaraan na lubos na magamit ang mga kontribusyon ng mga manggagawa, na isinasaalang-alang ang mga limitasyon, at makatulong sa pagpaplano, implementasyon at pagsubaybay.

Pagpaplano at Pamamahala:

Kung nais mong magkaroon ng pakikilahok sa pagdidisisyon sa pamamahala, gayon nanaisin mo ang kanilang pakikilahok sa pagsubaybay, pagtatasa at pagpaplano, na mga mahahalagang elemento ng kabuuang proseso ng pamamahala.

Ang taunang pagsusuri ay isan mekanismo upang maisangkot o malahok sila pagsubaybay, pagtatasa at pagpaplano. Ang kanilang partisipasyon sa taunang pagsusuri ay isang paraan ng pagkuha ng kanilang mga obserbasyon at pagsusuri sa mga nangyari, at makapagbigay sila ng suhestyon at rekomendasyon kung ano pa ang maaaring gawin.

Ang pagpaplano ay isang mahalagang elemento ng proseso ng paggawa ng desisyon sa pamamahala.

Magpokus sa Pagsusuri

Siguraduhin na ang lahat ay nakikilahok sa lahat ng oras. Madali para sa mga taong okupado na mabahala o ma-distrakt mula sa mg diskusyon habang nagsasagawa ng pagsusuri. Ang mga gawain ay maaaring magkahimasok sa mga diskusyon, dahil ang mga kasama sa trabaho ng mga kalahok (kliyente, o mga stakeholders) ay maaaring tumawag sa kanila o pumunta sa opisina, at umaasang sila ay bigyan ng pansin o sila ay sagutin.

Sa kadahilanang ito, ang mga pagsusuri ay dapat ganapin sa labas ng lokalidad ng iyong trabaho, mas mainam kung sa labas ng anumang senter (center) sa syudad, malayo sa mga telepono, faxes at email. Kung ang pagsusuri ay gaganapin ng higit pa sa isang araw ( sapat na ang dalawang araw ), dapat ipaalam sa mga kalahok na sila inaasahang manatili kung saan ginagawa ang pagsusuri- sa itinalagang ¨quarters¨. Kung walang makuhang conference center sa rural na lugar dahil ang budyet ay limitado, makipag-ayos sa mga paaralan o baranggay centers na magbigay ng lugar para sa pulong at matutuluyan. Makipag-ayos din sa kanila o sa ibang mga ¨caterer¨ para sa pagkain. Ang layunin ay gawing konbinyent para sa lahat ng kalahok ang pagdalo sa pagsusuri, at hindi matuksong humanap ng ibang gagawin.

Madali ang mabahala o madistrakt kapag nagsasagawa ng pagsusuri dahil sa kalikasan ng proseso ng pagsusuri mismo. Minsan may mga reklamo, halimbawa. Kung ang mga reklamong ito ay nangangahulugan na kailangang magkaroon ng desisyong pangasiwaan, gayon ito ay OK., subalit madaling humantong ang diskusyon sa mga reklamo na walang kahahantungang desisyon.

Mahalaga na siguraduhin na alam ng lahat ng kalahok na ang taunang pagsusuri ay isinasagawa upang masubaybayan ang mga aktibidades at ang mga resulta ng mga ito. Gayundin, upang ang mga ito ay mapagkunan ng mga mahahalagang leksyon na maaaring gamitin sa pagpaplano para sa susunod na taon. Sa pagpaplano at pagsasagawa ng taunang pagsusuri, dapat na isaayos ang lahat na kung saan ang pokus sa sa pagsusuri. Dapat lamang na ang pagtuunan ng pansin ay nasa lahat ng kalahok na nag-oobserba at nagtatasa sa kung paana isinagawa ang mga aksyon at ang kung ano ang mga resulta ng mga ito ng nakaraang taon, at kung ano ang mga maaaring ibigay na rekomendasyon at mga suhestyon sa pagpaplano para sa darating na taon.

Gawing Ligtas:

Ang ibang tao ay magdadalawang isip na magsalita at maging pranka tungkol sa mga pangayayaring naganap sa organisasyon. Maaaring nararamdaman nila, minsan ito ay may dahilan, na sila ay mapaparusahan sa iba't ibang paraan ng kanilang mga superbisors gaya ng pagiging maselan o kritikal. Dapat makahanap ka ng paraan na mahugot ang kanilang mga obserbasyon, na maaaring makaresulta ng mga suhestyon na makakapagdulot ng mas maiging resulta sa darating na taon, ng hindi sila nangangamba na ito ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa kanila bilang resulta ng kanilang pakikibahagi.

Isang paraan ay pagsasaad ng isang mahalagang prinsipyong gamit sa pamamahala o pangangasiwa na kilala sa slogan, ¨Hindi mo kailangang maging masama para maging mas mabuti.¨ Sa mga dokumento para sa pagsasanay, Pagsasanay sa Pamamahala, makikita na ang slogan na ito ay ginagamit bilang isang positibong paraan para sa mga superbisor na makakuha ng mga suhestyon para sa pagpapabuti mula sa mga miyembro, kung saan sila ay hindi nagiging negatibo tungkol sa mga nakaraang aksyon. Ang isang tagapangasiwa o manager ay higit na makakakuha ng mga suhestyon kung maiiwasan ang mga negatibong kritisismo. Sa taunang pagsusuri, ibabaligtad mo ang sitwasyon, ang pagpapaalam sa mga manggagawa na na kung sila ay may mga reklamo o kritisismo tungkol sa organisayon o mga aktibidades, maaari nilang sabihin ito bilang mga positibong rekomendasyon para sa pagbabago, sa halip na magpokus sa mga nagawang kamalian. Ipaalam sa mga mangagawa na ito ay mas makakatulong sa pag-iwas sa mga pangamba na sila gagantihan, dahil sa pagbibigay ng krisismo, ng kanilang mga superbisor. Tignan Sandwich.

Sa konteksto ng taunang pagsusuri, makakatulong para gawing mas ligtas ang sitwasyon kung ang tagapamahala ay gaganap bilang isa sa mga manggagawa. Sa ibaba, inirerekomenda na ikaw ay kumuha ng isang propesyonal na tagapasilita upang pasilitahin ang proseso ng pagsusuri. Ang tagapasilita ay magiging emcee, at ang tagapamahala o mga tagapamahala ay magiging mga kalahok gaya ng iba pang mga miyembrong manggagawa. Ito ay nagdudulot ng ¨equalizing effect¨ o pagkakapantay-pantay na nakakatulong sa pagkakaroon ng ligtas na lugar para sa mga manggagawa sa pagsusuri. Isa pang paraan ay ang pagkakaroon ng kababaang-loob ng mga tagapamahala at pagpapakita na sila ay tao din; hindi mga diyos.

Ang isang pampungad na icebreaker na nabanggit sa ibaba para sa pagbubuo ng ahenda. Ang tagapamahala o mga tagapamahala ay hindi dapat nakahiwalay at manonood lamang sa icebreaker; ito ay hindi makakatulong sa pagkamit ng layunin nito. Sila ay dapat makilahok ng lubusan sa pagsasagawa ng icebreaker, kahit na ito ay nangangahulugan ng dapat silang maging matapang at iwanan ang kanilang mga simbolo ng kataasan at estado.

Hindi dapat maramdaman ng mga kalahok na sila ay masusing sinisiyasat o pinagmamasdan ng mga tagalabas. Dapat gawin mong patakaran at kaligtaan ito, na walang mga tagamasid o taga-obserba. Kung ikaw ay napilitang magkaroon ng mga bisita, gaya ng mga representante ng mga ahensya, opisyal ng gobyerno, o mga VIP, mahalaga na ipabatid mo sa kanila na maaari lamang silang pumunta bilang mga ganap na kalahok. Dapat silang makilahok sa lahat ng sesyon. Kasama na rito ang kanilang pakikilahok sa ice breaker na inilalarawan sa ibaba.

Ang pinaka-mahalagang paraan ng pagbabawas ng takot na maaaring maging balakid sa mga manggagawa sa pagbibigay nila ng tapat na pagtatasa ng nakaraang taon, ay ang pagpapabatid da kanila na hindi sila gagantihan sa kanilang pagiging bukas at pagsasabi ng katotohanan.

Gumamit ng Tagapasilita:

Marami ang mga rason kung bakit kinakailangang gumamit ng tagapasilita upang i-koordina ang ipalakad ang taunang pagsusuri.

Ang paglalagay sa tagapangasiwa (manager) sa posisyong kapantay ng mga manggagawa, gaya ng nasabi sa itaas, ay isa lamang sa mga ito. Ito ay makakatulong upang maramdaman nilang ligtas ang pagbibigay nila ng tuwarang obserbasyon o rekomendasyon.

Ang pagpapasilita ng pakikilahok sa pagtatasa ay isang mahirap na gawain, at nangangailangan ito ng maiging pagtatrabaho, konsentrasyon, pagsasanay at karanasan. Dapat alalahaning na ang tagapasilita, maliban sa pagpapasilita,higit sa lahat, ay nakikiahahok sa mga gawain. Kung ang tagapanggasiwa ang magpapasilita ng taunang pagtatasa, mababawasa ang knayang konsentrayon at energiya sa pakikinig. Sadyang mahirap and magtali ng sintas ng sapatos at gumuya ng chewing gum ng magkasabay!

Sa lahat ng oras, lalo na kapag nagsasagawa ng taunang pagsusuri, gawain ng tagapamahala na makinig sa mga manggagawa. Ang pagkuha ng isang propesyonal upang pasilitahin and pakikilahok ng mga manggagawa sa pagtatasa ng organisasyon at mga gawain nito, ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga tagapamahala na mag-ukol ng sapat na oras sa pakikinig sa mga sasabihin ng mga manggagawa.

Kung hindi bibigyang gabay, ang isang propesyonal na tagapasilita na may kasanayan at karanasan sa mga pamamaraan ng PRA o PAR ay maaaring hayaan ang pagtatasa na maging maluwag o walang struktura. Ito ay para siguraduhing and diskusyon ay sesentro sa mga gawain ng nakaraang taon at mga resulta nito. Gayundin sa mga reko,endasyon para sa taunang plano ng mga gawain para sa darating na taon. Marapat lamang na bigyan ng kompletong kamalayan ang tagapasilita sa mgalayunin at polisuya ng organisasyon, at kung maaati isulat ang mga ito lalo na ang mga obdjektibo at resulta ng proyekto o organisasyon. Kailangang bigyan ng oryentasyon ang tagapasilita upang masiguro na ang diskusyon ay mananatili sa mga paksang ito.

Planuhin ang Ahenda:

Dapat pag-ukulan ng sapat na oras, marahil mga kalahating araw, kasama ang tagapasilita, ang pagpaplano ng ahenda. Siguruhin na alam ng tagapasilita kung ano ang kanyang gagampanan sa pagkuha ng mga obdjektibo para sa taunang pagtatasa.

Ang lahat ng mga elemento ay dapat isama sa ahenda:
  1. walang pormal na pagbubukas o pagsisimula;
  2. magbigay lamang ng kahit isa laman ice breaker para ma-relax and mga kalahok at iayos ang kapaligiran na iba sa araw-araw na mga gawain;
  3. ibat'ibang sesyon na gumagamit ng mga props o gimmik na maaaring makapagbigay ng mga ideya sa pamamagitan ng mga hindi tradisyonal na pamamaraan;
  4. mga sesyon kung saan makakakuha ng mga obserbasyon at pagsusuri ng mga kaganapan ng nakaraang taon;
  5. mga suhestyon ng pagkuhang mga obserbasyon at rekomendasyon kung ano ang maaaring idagdag sa plano g mga gawan para sa darating na taon; at panghuli
  6. isang simpleng pagsasarang seyon na magpapgunita sa mga kalaho kung ano ang mga nangyari sa mga sesyon, walang pormal na pagsasalita ng mga VIP.

Tignan ang dokumento tungkol sa Paghahanda ng Workshop. Gamitin ito sa paghahanda ng ahenda kasama ng tagapasilita.

Maigi na magkaroon ng nakasulat na ahenda sa isang papel at ipamigay ito sa mga kalahok. Kung mayroong mga bisita, halimbawa mga tao na hindi miyembro ng staff or tagapamahala, sila ay dapat ipakilala sa mga kalahok, at dapat ipaalala a sila ay nandoroon lamang upang obserbahin ang mga nagaganap. Ito ay isang trabaho at hindi dapa ituring na isang conperensya o seminar. Higit sa lahat, ang taunang pagsusuri ay hindi dapat haluan o lagyan ng pormal na pambungan na salita mula sa ng sinumnag VIP.

Sa iyng ahenda, sa simula ng pagsusuri, magplano ng icebreaker. Ito ay isang masaya at mainam na paraan ng pagtanggal ng mga pang-araw-araw na pormalidad, lalo na yaong mga batay sa respeto at tungkulin sa mga superbisor, ukol sa mga tungkuin sa organisasyon na may kontribusyon sa mga stukturang social sa organisasyon. Icebreakers Ang mensahe na dapat iparating ng mga icebreakers ay, ang sesyon na ito ay hindi bahagi ng ara-araw na relasyong sosyal sa oang-araw-araw ng mga gawain sa mga pryeekto o sa organisasyon.

Gaya ng nabanggit sa itaas, dapat walang taga-obserba sa taunang pagsusuri. Ito ay para sa mga staff at tagapamahala. Kung magkakaroon ng mga bisita, sila ay marapat lamang na makilahok lalo na sa mga icebreakers. Sa mga dokumneto para sa mga icebreakers, dapat ipaliwanag na ito ang magsasaad ng tono ang kabuuang workshop. Ipinahahatid nito sa lahat ng kalahok, tagapamahala, at mga maggagawa, na di nila dapat isiping sila ay mas importante kumpara sa iba pang mga kalahok, at marapat lamang na matuto pagtawanan ang sarili. Ito din ay angkop sa pagsasagawa ng taunang pagsusuri - upang mahikayat na maging tapat at magbigay ng mga impormasyon mula sa lahat ng kalahok.

Sa pagdidisenyo ng ahenda, siguruhin na magbigay ng sapat na eksplanasyon ng mga obdyektibo ng workshop. Ang mga kalahok ay dapat magtabaho bilang isanguhestyon kung ano ang maaari pang gawin. Ito ay dapat sabihin ng berbal at isulat. Ok lamang na ulit-ulitin na banggitin ang iyog mensahe upang makasiguru na ito ay nalalaman ng lahat.

Kapag kinausap mo ang tagapasilita, ipaalam mo sa kanya na nais mong magkaroon ng iba't iabng uri ng mga nakikilahok na sesyon. Hindi sila dapat pare-pareho. Mainam na magkaroon ng mga sesyon na magagaan lamang, kung saan ang mga kalahok, habang nasa isang maliit na grupo, ay maaaring naggugupit, nag-ukit, o kaya ay nagdidisnyo, gamit ang mga gunting, papel, markers, dikulay na papel at iba pang mga props o materyales. Mainap na magbigay ng mga simpleng gawaig pisikal na maaaring gawin ng mga maliliit na grupo sa pamamagitan ng kooperayon. Ito ay nanghihikayat ng ¨teamwork¨ o ng konsepto ng bayanihan, na makatutulong sa pagsusuri at makabuti para sa organisasyon.

Ang tagapasilita o reporter ay magbibigay ng buod ng taunang pagsusuri. Ililista ang lahat obserbasyon at recommendasyon na ibinigay at itinala.

Dapat din na magkaroon ng paghuling salita mula sa isang VIP gaya ng pabubukas ng workshop.

magtalga ng Raporteur:

Mahalaga na iwasan na magkaroong ng mga taga-obserba, ngunit importate na mayroong reporter ng pagsusuri.

Mas mainap kung siya ay kilala ng mga manggagawa. Maaaring isa itong miyembro ng ¨support staff¨, gaya ng isang sekretarya, na may kakahayahan sa pagtatala. Dapat din na bigyan siya ng maliit na honorarium, da pagpapaliban niya ng kaniyang partisipasyon upang itala at gumawa ngrepor ng sesyon.

Gaya ng mga miting sa nakikilahok na pamamahala, dapat bigyang diin and mga desisyon, ang pagkakaiba lamang ay,para sa taunang pagsusuri, ang mga ito ay dapat ilista sa pormang (1) mga obserbasyon sa nakaraang taon at (2) mga rekomendasyon para sa darating na taon. Ito ay dapat nakahanda na bilang isang draft sa katapusan ng taunang pagsusuri. Ito ay dapat i-edit ng tagapamahala at ipamigay sa mga kalahok sa huling araw ng taunang pagsusuri. Ang ahenda ay maaaring isama dito upang ipakitakung anong mga seson ang ginawa. Hindi na kailangang ipakita kung sino at ano ang sinabi ng bawat isa sa ulat.

Sa pagtatapos ng pagsusuri ang ulat ay apat basahin sa harap ng mga kalahok. Ito ay maaaring gawin ng tagaulat o ng tagapasilita. Ang nakasulat na report ay maaaring i+proofread at ipamahagi, ngunit huwag masyadong patagalin ang pamimigay ng kopya nito.

Taunang Plano ng mga Gawain:

Ang Taunang Plano ng mga Gawain para sa darating na taon ay dapat magawa pagkatapos ng taunang pagsusuri.

Dapat isaad nito ang mga mahahalagang layunin ng organisasyon o proyekto. Maaaring kasama dito ang mga outputs o obdyektibo, at pigyang diin ang mga bagay na pag-uukulan ng pansin para sa darating na taon. Maaari ding idetalye ang mga pinaplanong haknbang upang makamit ang mga ito.

Tignan ang dokumentong, Plano ng mga Gawain.

Ang mga rekomendasyon at suhestyon na itinala sa taunang pagsusuti ay dapat ding ipakita sa Taunang Plano ng mga Gawain. Ang report ng taunang pagusuri ay dapat ikabit bilang apendiks sa Taunang Plano ng mga Gawain. Anumang suhestyon para sa susunod na taunang pagsusuri, na hindi nagawa dahil sa mga polisiya ng punong opisina, ay dapat banggitin at bigyan ng eksplanasyon.

Ang Taunang Plano ng mga Gawain, kasama ang mga nabanggit sa itaas ay maaaring gamitin sa pagla-lobby para sa mga kaukulang pagbabago ukol sa mga isyu na iyon.

Konklusyon:

Ang taunang pagsusuri ay isang magandang mekanismo o paraan sa paghihikayat sa mga miyembro ng staff na makilahok sa mga desisyon ulol sa pamamahala. Isinasaalang-ilang nito ang kanilang mga obserbasyon at pagtatasa bilang input sa pagpaplano. Ang pagsasagawa para sa darating na taon ay dapat batay sa taunang plano ng mga gawain, na dapat maging repleksyon ng mga inputs ng mga staff na nakalap sa pagsasagawa ng taunang pagsusuri.

––»«––

Isanng Pulong:


Pulong para sa Taunang Pagsusuri

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 23.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Pakikilahok na Pamamahala