Pangunahing Pahina
 Pagsubaybay




Mga Salin

Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
Português
Română
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

PAKIKILAHOK SA PAGSUSUBAYBAY NG PROYEKTO

Ang Papel ng Gagampanan ng mga Stakeholders
(ang mga apektado at may interes sa proyekto)

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Joyce Zaide


Handawt para sa Pagsasanay

Lahat ng stakeholders ng proyekto ay may taya sa progreso nito

Ang pagsusubaybay ay mahalagang tungkuling ginagampanan sa pangangasiwa at pag-iimplementa ng proyekto. Ito ay hindi inihahabilin sa iisang stakeholder lamang.

Dapat makilahok sa pagsusubaybay ang lahat ng tao at institusyon na apektado ng proyekto at may interes dito, sa lahat ng antas.

Katulad sa kaso ng pakikilahok ng komunidad (community participation) at pangagasiwang naghihikayat ng paglahok (participatory management), ang pagsusubaybay ay hindi nagaganap nang kagyat at kusa. Ang mga taong gusto ninyong makilahok ay dapat mahikayat na sumali at mabigyan ng pagsasanay.

Mga Kabutihang Dulot ng Pakikilahok:

Ang mga kabutihang dulot ng pakikilahok sa pagsubaybay: (a) sama-samang pagsisikap, (b) pagpapabuti ng akawntabiliti o pananagutan, (c) mas mabuting kapasyahan o desisyon, (d) pagpapabuti ng gawa, (e) pagpapabuti ng disenyo, at (f) mas madaming impormasyon.

Iisang Pag-unawa sa mga Suliranin at Pagtukoy ng Kalutasan: Ang paglahok sa pagsubaybay ay nakakatulong sa mga kalahok na magkaroon sila ng iisang pag-unawa sa mga problemang kinakaharap ng komunidad o ng proyekto (ano ang dahilan o nagdudulot, gaano kalala, epekto at implikasyon).

Ito ay nakakatulong upang matukoy ang mga lunas sa suliranin. Malaki ang posibilidad na ang mga natukoy na lunas sa suliranin ay tama o nararapat dahil ang mga ito ay hango sa kasalukuyang sitwasyon.

Nagdudulot ng Kabutihan sa mga Target na Grupo at Pinapabuti ang Akawntabiliti o Pananagutan ng mga Kalahok: Ang Paglahok sa pagsubaybay ay nakakatulong upang masiguro na ang mga hinahangad na benepisyaryo ng proyekto ay ang siyang tunay na nakikinabang sa proyekto.

Itinataas nito ang kamalayan ng tao ukol sa kanilang mga karapatan at naghihimok sa kanila na makilahok sa pagpoprotekta ng pinagkukunang-yaman ng kanilang proyekto laban sa maling paggamit. Dahil dito, hindi gaanong magiging magastos ang pag-iimplementa ng proyekto.

Paggawa ng Tamang Desisyon: Ang pagsubaybay ay nagbibigay ng impormasyon na makakatulong sa pagdedesisyon na may kinalaman sa pagpapangasiwa.

Kapag maraming tao ang nakikilahok sa pagsusubaybay, nangangahulugang nakakatulong sila sa pagbibigay ng impormasyong may kaugnayan sa pangangasiwa, pati na rin sa pagbubuo ng desisyon. Masasabing ang mga desisyon na hango sa ganitong kaparaanan ay mas katanggap-tangap at may kahalagahan para sa nakararami. Dahil dito, mas nagiging madali ang pag-oorganisa, paghahanda at pagsasakilos ng mga tauhan at pinagkukunang-yaman ng proyekto.

Pagpapabuti ng Gawa habang Nagsusubaybay: Kapag may nakitang pagkakamali sa kung paano isinagawa ang mga gawain, makakatulong ang paglahok sa pagsubaybay na mabigyan ito ng kalunasan. Sa pagpili ng nararapat na desisyon na isasagawa, nangangailangan ng paglahok ng mga taong makapag-iimplementa ng solusyon.

Samakatwid, ang pakikilahok sa pagsubaybay ay nakakatulong upang mapabuti ang pagsasakatuparan ng mga gawain.

Disenyo ng Proyekto: Ang impormasyong nakalap habang isinasagawa ang pagsubaybay ng proyekto ay makakatulong sa pagsasaayos ng disenyo ng proyekto, sa paraang mas magiging katanggap-tangap ito sa mga mamamayan.

Ang mga aral na natutunan sa proyekto ay maaring magamit pagdidisenyo ng iba pang mga katulad na proyekto.

Pagkalap ng Impormasyon: Kapag maraming tao ang makikilahok sa pagsusubaybay, mas malaki ang posibilidad na ang impormasyong makakalap ay tama. Ang dahilan: ang impormasyong nakaligtaan ng isang grupo ay maaaring nakalap naman ng iba.

Gamit ang iba’t-ibang kaparaanan, may kanya-kanyang pinaglalaanan ng tuon sa ibat'-ibang aspeto ng proyekto ang bawat stakeholder. Gayun pa man, kung alam ng isang grupo na ang impormasyong kanilang nakalap ay susuriin, naiiwasan ang intensyunal na pagbibigay ng maling ulat.

Mga Hamon sa Pakikilahok sa Pagsubaybay:

Mayroon mang kabutihan ang pakikilahok sa pagsubaybay, mayroon ding mga hamon o balakid na maaring maharap. Kabilang sa hamon o balakid ay: (a) mahal na gagastusin, (b) mga pagkakaiba sa impormasyon, at (c) mga maling impormasyon.

Mahal na Gastusin sa Simula: Ang pakikilahok sa pagsubaybay ay nangangailangan ng maraming pagkukunang-yaman: (halimbawa ay oras, mga gastusin sa transportasyon at sa pagsasagawa ng proyekto). Ito ay isang prosesong maaaring magpapagod sa mga boluntaryo sa pamayanan at makakain ng malaking gastusin sa pondo, sa distrito at pambansang antas. Kaya naman dapat gawing simple lamang ang pagsusubaybay at nakatuon lamang sa mga importanteng aspeto.

Dami at Samu’t Saring Impormasyon: Ang pagsubaybay ay nangangailangan ng pagkalap, pag-dokumenta, at pamamahagi ng iba’t-ibang impormasyon. Ito ay nangangailangan ng maraming kakayahan na limitado sa pamayanan. Samakatwid, nangangailangan ito ng maraming oras at pinagkukunang-yaman para sa makapagsagawa ng capacity building (ang pagtulong sa pamayanan upang mapabuti nito ang kanyang kakayahan). Maari rin ito magdulot ng maling pag-uulat.

Maling Impormasyon: Maaring sadyain ng mga stakeholders mula sa pamayanan, hanggang sa pambansang antas, ang pabibigay ng maling impormasyon kung gusto nilang ipalabas na ginagawa nila nang tama ang trabaho o di kaya’y dahil sa mayroong di pagkakaunawaan sa pamayanan o proyekto. Upang mapaglabanan ang maling pag-uulat, kailangan gawing mas sensitibo ang mga tao at magsagawa ng consensus building (pakikipag-usap ng mga kalahok upang maisaayos ang mga isyu o problema at makarating sa iisang solusyon na ang lahat ay pabor). Ang pagkamit nito ay hindi madaling gawin.

Mas madami pa din ang kabutihang dulot ng pakikilahok sa pagsubaybay kaysa sa mga paghamon o balakid na naidudulot nito. Kaya naman mahalagang manghimok at magbigay-suporta sa pagsubaybay na may pakikilahok ng mga tao. Ito ay mahalaga kasabay ng paghahanap ng paraan upang mapaglabanan ang mga hamon o balakid.

––»«––

Pagbibisita sa Lugar ng Proyekto:


Pagbibisita sa Lugar ng Proyekto

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 11.05.2011


 Pangunahing pahina

 Pagsubaybay