Home Page


Mga Pagsasalin-wika:

'العربية / al-ʿarabīyah
Català
Ελληνικά
English
Español
Français
Italiano
日本語 / Nihongo
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Português
Română
Pyccкий
Srpski
Tiên Việt
中文 / Zhōngwén

                                        

Socyolohiya:
Socyolohiya
Nasusulat na lektyur
Discusiyones
Panimulang Modulo (Sentro)

Mga Keyword

Ibang Mga Pahina:
Mga Modyul
Mapa ng Site
Ipagbigay-alam
Ginagamit na mga Dokumento
Mga Magagamit na Link

PANG ARAW-ARAW NA BAGAY

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Ken Poliran

Madalas ang sosyolohiya ay ang pagtingin sa mga bagay na meron na tayong kaunting kaalaman, ngunit sa ibang pamamaraan

Ang sosyolohiya ay malimit sa pagtingin sa mga pangyayari at sa pang araw-araw na situasyon sa ating buhay.

Ito ay nakaroon ng kahulugan sa pamamagitan ng sosyolohiyang pananaw (ang pamamaraan sa pagtingin nito).

Dahil ito ay malaking bahagi sa interpretasyon ng tagamasid ayon sa kanilang tunay na katauhan.

Habang ang pagpalaki sa atin ay nagbigay ng isang paraan para makita natin ang isang bahagi at ang isa ay sa pamamagitan ng sosyolohiya.

At saka ang sosyolohiya ay nagbibigay sa atin ng maraming pananaw sa pamamagitan ng pagmasid sa pang araw-araw na pangyayari at kalagayan.

Hindi tulad ng kung paano natin makita ang mga bagay at tinuruan kung paano tumingin, na malamang maging pananaw (kung paano tayo gumawa o maghusga ng isang bagay), Ang sosyolohiya ang nagtuturo sa atin kung paano tumingin gamit ang agham (naglalarawan) at hindi sa mapaghusgang pamamaraan.

Mayroong maraming mga halimbawa na kung paano natin makita ang mga bagay na naiiba sa sosyolohiya kaysa sa ating pangaraw-araw na buhay.

  • Ang lipunan ay hindi mga tao, halimbawa, dahil ang mga tao ay biological na organismo ay nakapasa ang kanilang mga katangian sa pamamagitan ng lahi, habang ang lipunan ay cultural, na nagtatakda o kaya'y mga sistema ng pag-uugali at paniniwala (mga aksyon at unawaaan) ay napasa kasama sa pamamagitan ng mga simbolo. Ang lipunan ay "dinadala" ng mga tao.

  • Kadalasan ang Teknolohiya ay isang bahagi ng kultura maging isang ballet o kaya'y simponya.  Ito ay napapasa sa pamamagitan ng simbolo sa halip na genes.

  • Ang parehong sitwasyon ay makikita sa iba't-ibang paraan ng pagkasukdulan, kahit sa loob ng sosyolohiya, tulad ng magkasalungat na paraan, na kung saan nakikita ang kumpetisyon at dinamika, laban sa pagganap, na kung saan nakikita ang katatagan at ang naghahanap ng layunin.

  • Ang sosyolohiya ay katulad ng lahat ng disiplina sa pang-agham na kung saan ay may mga modelo na nag-iiba mula sa pangaraw-araw na pagunawa, tulad ng pagsikat ng araw tuwing umaga,* o kaya'y ang modelo ng atomo.

  • Sa halos lahat ng klase sa kurso natin tayo ay tumingin sa mga pagkakaiba sa pagitan ng pangaraw-araw ng sariling pagpapalagay at siyentipikong obserbasyon.

  • Ang mga hakahaka sa isang modelo, ayon sa kaugalian, monolitik o kaya'y "natural" na pamilya ay isang gawa-gawa lamang.  Walang mga pagsasanay sa lipunan na hindi puno ng pagkakaiba.

  • Ang pagkampi ay pagiging isang tao, dahil ang pagaaral ng isang wika ay nangangahulugan sa paggawa ng pagpapalagay at paguuri ng malawakang pagkaiba ng pagunawa sa isang kahon (halimbawa salita).

  • Ang panlabas na pwersa sa lipunan ay mahalaga gaya sa panloob na proseso (kasama ang sikolohikal) sa panloob na dinamika ng bawat pamilya.

  • Upang magkaroon ng layunin at mapag-agham, kailangan natin masa-ilarawan kaysa maging mapananaw.

  • Upang magkaroon ng layunin tungkol sa kultura kinakailangan na merong kaalaman at karanasan sa kawalan ng kultura. Magiging kakaibang isda tayo sa labas ng tubig kung gagawin natin ito.  Ang pagkaranas sa ibat-ibang kultura ay nagbibigay ng malayong paningin tungkol sa kultura, ngutnit ito ay hindi totoong maka-layunin. Hind natin pwedeng takasan ang kultura kung ito ay ating tignan.

  • Ang isang kasapi ng anumang kultura ay maging kaunti ang nilalayon nito.  Ang pagsabi na ang xxxs ay ang may pwede lamang magtuturo tungkol sa xxx na kultura ay isang malaking rasista.

  • Ang paging tao ay pagkaroon ng kultura at lipunan, pero wala itong kasiguradohan na mauunawaan natin ang kultura o kaya ang lipunan.

  • Napagalaman natin na ang mga katagian meron tayo sa ating dugo ay nakuha natin noong tayo ay maging kasapi sa lipunan o sa pamamagitan ng simbolo.

  • Ang katotohanan ay hindi nakapagsalita para sa kanila; ibig sabihin ito ay hindi tunay, pero ito ay ginigiit natin na ang pagmamasid natin ay ang tinatawag nating katotohanan.

  • May pagtutol sa pag-aaral upang makita ang mga bagay-bagay kahit sa isang sosyolohiyang pananaw, dahil tingin natin alam na natin ito, at ito ay mas mahirap na makalimutan ang isang bagay na alam na natin kaysa malaman ang isang bagay na tinanggap natin na hindi natin ito alam.

Talababa:  Mayroong pagkakaiba sa pagitan ng paikutin at umikot.  Ang pagikot ng mundo sa sariling axis ay ang nagbibigay sa atin ng maling akala na ang araw ay sumisikat tuwing umaga dahil dito.  Ang pagikot ng mundo sa araw ay hindi nag-bibigay ng unang sikat ng araw kundi ito ay nag-bibigay ng panahon sa taon (combined with the 23o angle of the earth).

──»«──
Kapag hinango ang lahat or parte nang nilalaman ng pahina na ito
Pakiusap na tangapin ang mga may akda at iugnay sa cec.vcn.bc.ca
Ang lugar na ito ay mula sa Samahan ng Komunidad ng Vancouver (VCN)

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
──»«──
Huling binago: 2012.06.29

 Pangunahing Pahina