Pangunahing Pahina
 Pagsusulat Ng Ulat




Pagsasalinwika:

Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


MGA PAMPLET AT PAGBIBIGAY-ALAM

Pagsusulat ng Ulat upang maging Babasahin

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Ernie Villasper


Ito ay alay para kay Gwen Shepherd

Pamplet para sa Pagsasanay

Paano ang pagsusulat ng mga pamplet para sa pagpupulong?

Isipin lagi na ang karamihan ng mga tao, kung hindi man lahat, ay hindi mahilig na magbasa, lalo na kung ito ay mangangailangan ng kanilang panahon. Ito ay lalong totoo kapag ang paksa ay hindi alam o baguhan sa magbabasa. Ang inyong unang tungkulin bilang isang manunulat ay gawin ang ulat upang iyon ay maging madaling basahin.

Kahabaan ng Ulat:

Sa simula ay maaari nating isipin na ang kailangan ay sumulat lamang ng mga maikling dokumento. Ito ay tamang pag-iisip.

Alam natin na ang mga tao ay nahihikayat na magbasa kung ang ulat ay maigsi lamang kaysa kung iyon ay mahaba. Ang pamphlet na isang pahina lamang ay maigi para sa anumang pagpupulong kung ang layunin ninyo ay magbigay-alam sa mga kalahok (o sa isang kasapi; katulad ng inyong tagapamahala o kaya ay sinumang may mataas na katungkulan na dumadalaw) tungkol sa anumang pinagtatalunan.

Upang magawa itong maigsi, hindi dapat na magkakasama ang maraming bagay-bagay. Ang malabis na pabatid ay mapipisa sa masyadong maliit na kalawakan; ito ay magpapahirap sa pagbabasa ng ulat. Hindi dapat na isulat ang dokumento na para bang ang makaka-unawa lamang ay ang mga tao na may kaalaman sa nilalaman ng ulat. Ang layunin ay mahikayat ang mga ibang tao na wala pang kaalaman. Tandaan ang kasabihan na “Hindi na kailangang mangaral sa koro”.

Iwasan ang mga pangungusap na hindi buo, mga listahan ng bagay-bagay, o mga pagunita. Laging gumamit ng buong pangungusap, at panimulan ang bawa’t paksa na kung baga ay hindi pa iyon narinig ng mambabasa. Mas mainam na punuin ang isa’t kalahating pahina kaysa isang pahina lamang, at talakayin ang paksa sa wastong pamamaraan upang makahikayat ng mambabasa, kaysa mawalan sila ng gana dahil sa paggamit ng malabis na pabatid sa maigsing ulat.

Ang dokumento na isang pahina lamang ay magaling na layunin, nguni’t hindi dapat na pagsiksikin doon ang maraming bagay-bagay.

Ang paggamit ng mga kulay:

Hindi dapat na gumamit ng kulay upang bigyang-diin ang anumang bahagi ng ulat. Ito ay lalo lamang na makakayamot ng mga mambabasa dahil ang ulat ay mag-mumukhang malabis na pabatid.

Ang paggamit ng iba-ibang kulay ay lalong hindi dapat na gawin dahil ang ulat ay magiging mukhang mumurahin, katulad ng mga anunsiyo na pampolitika, panrelihiyon o pangkalakal. Pumili ng isang kulay lamang, kagaya ng itim. Ang paggamit ng kulay ay maaaring gawin sa pamagat dahil iba iyon kaysa sa pagkukulay ng mga piniling bahagi ng teksto sa ulat. Iwasan din ang paglagay ng guhit sa ilalim ng anumang bahagi ng teksto, o ang paggamit ng iba-ibang anyo ng titik o letra tulad ng italiko o malaking titik.

Manatili sa isang kulay lamang para ang mambabasa ay hindi na kailangang hulaan kung ano talaga ang inyong intensyon o pamamaraan ng palahudyatan. Ang paggamit ng maraming kulay ay talagang makakainis sa mambabasa dahil sa mag-aaksaya lang iyon ng kanilang panahon.

Paano Sisimulan ang Inyong Dokumento:

Anumang dokumento, para maging babasahin, ay kailangan na mayroong pangungusap o salita na manununggab ng atensiyon ng inyong mga mambabasa. Ang panimula na walang kasiglahan ay tiyak na hindi makakahikayat na ipagpatuloy ang pagbabasa. Simulan ang ulat sa pamamagitan nang paggamit ng nakakagulat na pananalita o kaya ay isang tanong na kaakit-akit. O kaya naman ay anumang panimula na mahihikayat ang mambabasa upang magbasa nang dalas-dalas. Ang paggamit ng biro, sa tamang paraan, ay maaari ding gawin.

Sa ating propesyon ng pag-boboluntaryo, ang suliranin ng sambayanan, o kaya ang pamamaraan sa paglutas ng mga suliranin ng komunidad, ay magagaling na panimulang paksa upang makahuli ng atensiyon ng mga mambabasa.

Isang halimbawa ng magaling na panimula ay ang pagbibigay ng mga katakatakang estatistiko: kagaya nang ilang tao sa kasaklawan ng proyekto ang malubha o naghihingalo na, kung ihahambing sa ibang lugar? Ilan sa ating mga kabataan ang nakakaalam nang tamang-tama kung paano mapipigilan ang sakit na AIDS nguni’t ugali pa rin na hindi magingat sa kanilang pagtatalik?

Sunggaban ang kawilihan ng mambabasa. Hikayatin siya na magpatuloy sa pagbabasa.

Sa Panggitna ng Ulat:

Kapag nakuha na ninyo ang atensiyon ng mambabasa, mahalaga na mapanatili ninyo iyon. Isang paraan ay ang paglalahad ng pagtatalo. Ito ay hindi tunay na alitan. Ito ay pulutong ng mga pangungusap na naka-ugnay sa bawa’t isa at uma-akay sa mambabasa mula sa isang punto hanggang sa iba pang sumusunod.

Panatilihin na ang inyong mga pangungusap ay madaling unawain, maikli lamang, makauliran, buo at may masiglang tinig. Iwasan ang mga pagunita at ituro ang mga anyo sa mga pangungusap na hindi buo.

Para sa akin, mas gusto ko ang maiikling pukto, at paggamit ng maraming pangalawang pamagat sa ulat upang ipahiwatig ang ibang paksa. Padaliin para sa inyong mambabasa na makita ang pagkakalatag, dibuho at nilalaman ng inyong ulat.

Sa Dulo ng Dokumento:

Lahat ng paksa na inyong binanggit ay dapat na maghatid sa isang konklusyon, at ang konklusyon ay dapat na magwakas ng inyong paksa.

Pasayahin ang mambabasa na natapos niyang basahin ang dokumento; na siya ay makaramdam na nasisiyahan at sigurado. Tandaan lamang na kapag naibigay na ninyo ang ulat, ang atensiyon ng mga kalahok ay malilipat palayo sa inyo bilang isang tagapagsalita. Alinman sa dalawa, bigyan ninyo sila ng sapat na panahon upang basahin ang dokumento bago talakayin ang ibang paksa, o kaya ay ipagkahulugan ang dokumento sa ibang pangungusap para saliwan ang kanilang pagbabasa.

Konklusyon:

Ang dokumento na hindi nabasa ay walang silbi.

Kung gusto ninyong magsulat ng pamphlet o pagbibigay-alam, isulat iyon sa isang pamamaraan na magiging madaling basahin at nakakawili sa mambabasa. Panatilihin na ang ulat ay maigsi lamang, at hindi magkakasama ang magkakaibang bagay-bagay sa pabatid. Iwasan ang paggamit ng kulay, ang paglagay ng guhit sa ilalim, italiko o malalaking titik sa inyong teksto. Gumamit ng mga pangungusap o salita na manununggab ng atensiyon, maglahad ng pagtatalo na sa banding huli ay maghahatid sa wastong konklusyon.

Ang dokumento na binasa ay makakatulong sa pagpapatuloy ng inyong layunin.

––»«––

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 29.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Pagsusulat Ng Ulat