Pangunahing Pahina
 Pagsusulat Ng Ulat





Pagsasalinwika:

Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


ANG ULAT NA IPAPASA SA KAHALILI

sinulat ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Ernie Villasper

Pamplet ng Talakayan

Anong Uri ng Ulat ang Makakatulong para Maipagpatuloy ang Pagsisikap ng Pagpapakilos?

Magiwan Ng Magagamit na Talaan

Sa simula ng pagsasanay sa pagpapakilos, nagpayo kami na kailangan ay magsimula kayong sumulat ng isang aklat-talaan, at gawin ito alang-alang para sa inyong magiging kahalili. Tingnan ang dokumento tungkol sa Paghahanda.

Kapag dumating ang panahon na malapit na kayong magtapos ng inyong tungkulin sa pagpapakilos, ang aklat-talaan, kung iyon ay lagi ninyong dinadagdagan sa araw-araw, ay magiging isang mahalagang mapagkukunan para maipagpatuloy ang pagsisikap ng pagpapakilos pag kayo ay naka-alis na.

Kung hangad ninyo na maipagpatuloy ang pagsisikap ng pagpapakilos, marami kayong mga pagpipilian na kilos. Ang pinakamainam nito ay kung may mga kasapi sa sambayanan na sa tingin ninyo ay maaaring maging mga tagapagpakilos, at binigyan ninyo sila ng lakas at pag-asa at ng kinakailangang pagsasanay. Ito ay iba-iba sa bawa’t sambayanan. Kung ang inyong organisasyon o departamento ay nagbabalak na magtadhana ng inyong kahalili, kayo ay nasa magandang kalagayan para tumulong sa pag-aangkop at paghahanda ng kapalit na tagapagpakilos. Ito ay iba-iba sa bawa’t sangay.

Mayroon ba kayong talaan na mahusay o malawak ang saklaw ? Kung gayon ay may isa pa kayong pagpipilian. Maaari ninyong pulutin mula sa aklat-talaan ang mga mahalagang bagay, upang ihanda sa pagbibigay ng mga ulat sa inyong kahalili. Kung nais ninyong basta ibigay na lang ang inyong mga talaan, kailangan na kayo ay magingat. Ang inyong mga talaan ay maaaring may mga lihim na bagay-bagay, na maaaring makasasama kung iyon ay magiging publiko. Itong huling alternatiba nang basta pagbibigay ng inyong talaan sa inyong kahalili ay isang nakatatakot na ikapangyayari.

Karamihan ng mga bahagi nitong modulo ay nakaukol para sa pagsusulat ng mga ulat, paano ang magaling na pagsusulat, at paanong magagawa na maging babasahin ang ulat at magagamit. Gamitin ang gayon ding mga patnubay para sa pagsusulat ng ulat na ipapasa sa inyong kahalili. Ang kaanyuan at balangkas noon ay maaaring iba kaysa sa mga ibang ulat, subali’t ang mga payong nabanggit ay nararapat pa rin: panatilihin iyon na maging pangkaraniwan, gumamit ng payak na balarila at bokabularyo, sumulat sa masiglang tinig, huwag maging maulit sa inyong pananalita, iwasan ang mga mahabang pangungusap na pilipit o wala sa tamang porma o anyo, magkaroon ng malinaw na panimula at konklusyon (kabuuan), gawin itong nakasa-ayos, at siguruhin na iyon ay madaling mababasa. Huwag mag-alangan na ulitin ang pagsulat noon; bawa’t ulit nang pagsusulat iyon ay lalong nagiging mabuti. Kung ang ulat ay hindi nabasa, iyon ay walang silbi at isang aksaya lamang ng panahon.

Ang gawaing ito ay nasa pagsasalubong ng pagsulat ng talaan at ng ulat. Tandaan lagi kung paano ninyo gustong magamit itong ulat, at iwasan na magamit iyon nang patanggi sa inyong layunin.

Ngayon naman ay kailangang maghanap kayo ng paraan upang ang ulat ay matanggap at magamit ng inyong kahalili.

Kapag kayo ay paalis na, at ang inyong tanggapan ay mangangailangan ng ilang buwan bago magpadala ng inyong kahalili, kailangan ay magsimula kayo ng paraan upang makuha ng kahalili ang inyong ulat na ipapasa. Ito ay maaaring hindi kusang ginagawa ng lahat ng mga tanggapan, kaya kailangang alamin ninyo ito. Kung maaari ay ihanda ninyo ang ulat sa isang nakatakpan na pakete. Gumawa kayo ng mga hiwalay na kopya para sa inyong tagapamahala, tagapangasiwa o tagapagayos.

Kung gustuhin ninyo na hilingin ang isang kasapi ng sambayanan upang ipagpatuloy ang pagpapakilos, kailangan ay magpulong kayong dalawa ng maraming ulit. Tiyakin ninyo na itong tao ay sumangayon sa inyong balak at naiintindihan ang mga tungkulin na kailangan niyang gampanan. Mga ilang buwan bago kayo umalis, hilingin ninyo sa napiling tao na samahan kayo sa mga pagpupulong ng sambayanan, pagtitipuntipon, pagpupulong sa mga namumuno, sa lupon o komite, at sa pampook at purok upang makakuha siya ng magandang larawan ng inyong mga gawain bilang isang tagapagpasigla. Magtakda kayo ng isa o dalawang pagpupulong ninyong dalawa para talakayin ang inyong mga kapanagutan. Gumamit kayo ng isang listahan nang lahat ng inyong mga gawain. Pag-usapan ninyo ang anumang bagay-bagay sa listahan na maaaring ang napiling tao ay nag-aalangan pa. Sa katapusan ay ibigay ninyo ang ulat na ipapasa sa inyong kahalili at talakayin isa-isa ang bawa’t bagay doon.

Para buurin ang mga patnubay na nabanggit dito, ang ulat na ipapasa ay isang mahalagang dokumento na nag-aambag upang ipagpatuloy ang pagsisikap ng pagpapakilos. Karamihan sa mga gabay nitong modulo ay angkop sa paggawa ng ganitong ulat. Maaaring ito ay mas mahaba at maraming bahagi o bagay-bagay, at ito ay batay sa kung gaano katagal na kayong gumagawa sa sambayanan bago kayo umalis. Ibatay ninyo ang ulat sa inyong aklat-talaan, isulat iyon nang maraming ulit upang siguruhin na iyon ay mababasa at magiging gabay sa inyong kahalili para ipagpatuloy ang pagsisikap ng pagpapakilos.

––»«––

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 29.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Pagsusulat Ng Ulat