Tweet Mga Pagsasalin:
'العربية / al-ʿarabīyah |
ANG PAGHAHANDAMga Gabay Para sa Isang Tagapagpakilossinulat ni Phil Bartleisinalin ni Maureen GenetianoPanimulang Modulo (Sentro)Mga dokumentong nakapaloob dito sa ang Paghahanda Modyul
Ang paghahanda ng iyong sarili upang maging isang tagapagpakilos ng komunidadBago ka man makapagpasimula ng pagpapaunlad ng pansariling tulong sa isang komunidad, kailangan mo munang ihanda ang iyong sarili. Kinakailangan mong maging malinaw at may nalalaman tungkol sa iyong mga layunin; kinakailangan mong malaman ang tungkol sa iyong pinupuntiryang komunidad; kinakailangang taglay mo ang kaukulang mga kaalaman at kakayahan; kinakailangang naiintindihan mo ang mga panimulang konsepto ng pagpapakilos. Ang pinakaunang bagay na dapat gawin ay magsimula ng isang talaarawan. Sapat na para dito ang isang simple at murang kuwaderno. Kung maaari, gumamit ka ng apat na kuwaderno at lagyan mo ng mga pamagat na: (1) Mga Layunin at Konsepto; (2) Ang Komunidad na Pinupuntirya; (3) Mga Kaalaman at Kakayahan para sa Pagpapakilos, at (4) Mga Pang-Araw-Araw na Sulatin. Kahit sa anong paraan mo nais isaayos ang iyong sarili, ang mahalaga ay makapagsimula ka ng magtala ng mga sulatin. Sumulat ka habang iniisip mo na ang mambabasa nito ay ang iyong kapalit. Ipinaaalam sa iyo sa modyul na ito kung ano ang mga bagay na dapat mong paghandaan. Subalit huwag mong isipin na kaya mong paghandaan ang mga ito ng "isahan lang." Write with your replacement in mind as your reader. Tayong mga tagapagpakilos ay patuloy na mas matututo tungkol sa mga bagay na binanggit sa kabanatang ito. Ito ay isang walang katapusang proseso, at tayo ay tiyak na hindi magtatagumpay kung iniisip nating alam nating lahat ang mga bagay na ito. ––»«––Ang Pagsasanay: Kung
kokopya ng teksto mula sa site na ito, |
Pangunahing Pahina |