Tweet Mga Salin
Bahasa Indonesia |
PAGBUBUO AT PAGLILINANG NG GRUPOni Phil Bartle, PhDisinalin ni Desiree YuSangguniang DokumentoIntroduksyon Ang mga tip na nakapaloob dito ay karagdagan lamang sa iyong mga kasanayan at karanasan bilang isang tagapagpakilos ng komunidad. Binibigyan diin dito ang pagmomobilisa ng pagbuo at pagpapakilos ng mga grupo na mamalakad ng kredito para sa mga maliliit na indibidual na negosyante, at hindi lamang ang tradisyonal na pagpapakilos ng pagpapalaganap ng yaman ng komunidad. Ang dokumentong ito ay may apat na bahagi: (1) pagbubuo ng mga grupo, (2) pamamahala ng mga grupo, (3) pagsasanay ng mga grupo, at (4) mga miting 1. Pagbubuklod o Pagsasama-sama Ang bahaging ito ay mayroong mga tips at ideya sa pagbubuo ng mga grupo para sa pagpapalago ng yaman. Ang mga grupo ay kinakailangang (a) magorganisa at bigyang gabay ang mga kilos, (b) itaguyod at pasiglahin ang pagiipon at pamumuhunan, (c) para sa pagsasanay ng mga miyembro sa mga kailanganang kaalaman, at (d) pagbibigay daan sa pinansyal na pangangailangan nga mga maliliit na indibidual na negosyante. Depinisyon ng Grupo Para sa ating layunin, ang grupo (na di kukulang ng limang katao) ay ang mga taong nagbuklod na sumali nang malaya at sa sarili nilang kagustuhan, na may diwa ng kooperasyon na inilalahad sa pagmamahal at pagtulong sa kapwa, kapatiran, pagiging tapat at hustisya; magsamamang magtrabaho para sa ikabubuti ng lipunan at ekonomiya. Iba-iba ang bawat kaso, maaring ito ay isang grupo ng mga kababaihan na nakarehistro sa National Council of Women, Departamento ng Pagunsad ng mga Distrito ng Komunidad, isang tradisyonal na credit rotation group, o inpormal na grupo ng mga indibidual ng komunidad para sa pagpapaunlad nito. Ang Pangangailangan ng Pagbubuo ng mga Grupo
May iba't ibang dahilan kung bakit nagbubuklod o bumubuo ng grupo ang mga tao:
Kaya importanteng maintindindihan at mahikayat ang mga taong nanirahan sa komunidad na may mababang kinikita sa importansya ng sama-samang pagpupunyagi sa pagtalakay ng mga problema na mahirap magawa kapag ika'y nag-iisa, sa pamamagitan ng boluntaryong pagambang ng lakas para mapadami ang daan sa pagkamit ng pagsasanay sa pamamahala ng negosyo, sa mga pasilidad pampautang at kalakaran, at nararapat na teknolohiya. Ang tungkulin bilang isang tagapagpakilos ay itaguyod ang gana at pagsasakilos. Pagbubuo ng Grupo: Ang pagkakaroon ng pisikal na interaksyon base sa tulad na pangangailangan o problema ang pangunahing dahilan nagbubuklod ang mga tao maging isang grupo. Kung mas maraming gawain ang pinaghahatian ang mga indibidual, mas dadami ang kanilang interaksyo, at mas lalaki din ang probabilidad na bubuo sila ng grupo. Nadidiskubre ng mga tao ang tulad na interest, mga kinagigiliwan at kina-aayawan, mga ugali at sentimiyento sa pagkakaroon ng interaksyon.
May mga importanteng elemento na nakakahikayat sa mga tao bumuo ng grupo.
Para makabuo ng grupo para sa pagpapalago o paglikha ng yaman, dapat maisaayos ang mga sumusunod:
Ang kakayahan at ugali ng bawat isa at ng tagapagpakilos ay importante sa ikatatagumpay ng grupo.
Ang mga susunod ay ilan lamang sa mga punto na bilang isang tagapagpakilos, kailangan mo maging:
Kailangan ng oras at kakayahan ang pagbuo ng grupo. Kailangang madalas dumalaw at gumulgol ng maraming oras ang tagapagpakilos sa komunidad kung nasaan ang grupo, bigyan oras makipagusap at kilalainin ang mga tao. Maaring pumalpak ang mga ato kapag ito ay minadali. Mahirap bumuo ng matagumpay at tumatagal na grupo.
Sundan ang mga sumusunod na hakbang upang maitukoy ang mga interesadong tao bumuo ng grupo sa komunidad:
Mga Rikisito sa Pagiging Miyembro Ang miyembro ay maaring lalaki o babae, hindi baba ng 18 ang edad, at may parehong layunin (tulad ng maging independensiyang negosyante), makilahok sa mga katulad na aktibidades, at gustong makipagtipon at makitrabaho.
Ang grupo ay mas magiging posible at matatag kapag ang mga miyembro ay:
Ang mga sumusunod ay ang mga masasamang karakter ng mga tao na maaring magpabagsak o sumira sa grupo:
Hindi mo trabaho ang tumukoy kung sino ang maari at di maaring sumali sa grupo. Ika'y gumagabay lamang sa pagbuo ng grupo. Gamit ang sistema ng pagbubuo ng Trust Groups dito. Ipasulat mo sa mga miyembro ang mga pangalan ng lima o anim na tao na kampanteng silang ipagkatiwala ang pera nila. Ang mga taong may masamang ugali ay madalas hindi nasasama sa pagbuo ng trust groups, at ang mga taong may mabuting ugali ay madalas na nasasama. Kapag may umangal sa di nila pagsali, sabihin mo na lamang na hindi nasama sa balota ang kanilang pangalan. 2. Pamamahala ng Grupo: Pano mamahala ng isang grupo? Ang pagbubuo ng grupo ay karaniwang hindi ganun kahirap; ang problema ay kung pano ito pamamahalaan upang ito ay tumagal at maging matatag na kayang sustentuhan ang sarili at maging permanente para makakuha ng legal na estado. Ang grupo ay may dalawang kategorya; ang ordinaryong miyembro at ang mga miyembro ng komite (o ehekutibo).Kailangan ang partisipasyon ng dalawang grupo sa koordinasyon at pamamalakad ng mga gawain ng grupo. Maaring ikabilang ng mga miyembro ang sarili nila labas sa pamamalakad ng grupo. Ang iyong tungkulin bilang tagapamalakad ay siguraduhing ipagbigay alam na sa kanila ang grupo, at ang pagkapinuno ng grupo ay nasa kanilang pamimili bilang isang grupo. Ang mga miyembro ay ang may-ari ng grupo at ipinaubaya sa ehekutibo ang kanilang kapangyarihan sa pamamahala ng grupo.
Ipaalam sa grupo ang mga sumusunod na rason kung bakit kinakailangang makita nila ang sarili nila bilang parte ng pamamahala ng grupo:
Kung hindi itinuturi ng mga miyembro na sila'y bahagi sa pamamahala ng grupo, ito ay nakapagdadagdag ng kalabuan sa mga gawain ng grupo at nagreresulta sa hindi maayos na pamamahala at pagkawala ng tiwala na hahantong sa pagkasira ng grupo. Ang miyembro mismo ang nagaambag ng puhunan (pera, gawa, produkto). Sila rin ang gumagawa ng mga polisiya (tulad ng pagpipili ng mga gawain na makapaglilikha ng kita, kung magkano ang iaambag o hihiramin at kung pano paghatian ang kita). Ang komite ang nagpapatupad ng mga polisiya at nagpaplano para sa mga miyembro. Ang mga kita sa mga maliliit na negosyo ay ipapamahagi sa mga miyembro para sa kanilang panggamit o para muling ipamuhunan sa ibang proyekto at palaguin ito para sa iba pang negosyong maaring pasukan ng grupo. 3. Pagsasanay ng Grupo
May dalawang target (o benipisyaryo) sa pagsasanay ng grupo:
Bilang tagapagpakilos, ikaw ang magaayos ng mga pagsasanay ng buong grupo. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kasanayan na kailangang maituro sa mga miyembro ng grupo.
Para masuportahan ang pinakamagandang serbisyo para sa mga miyembro at maayos na pamamalakad ng mga kalakaran ng negosyo, ang mga grupo ay dapat magsagawa ng mga sumusunod:
Ang mga maliliit na negosyong papasukan ay dapat makapaglilikha ng kita at trabaho, posible at mapangalaga sa kapaligiran. Dapat alam ng mga miyembro ang kanilang karapatan na may awtoridad sila sa kontrol ng grupo.
Ang mga sumusunod ang iyong tungkulin bilang tagapagpakilos:
Ang mge miyembro ang mananagutan kung sakaling hindi mabayaran ng grupo ang mga bayarin. Kung ang isang miyembro ay nanghiram, ang buong grupo ay tatayong garantor para sa miyembrong iyon at mananagutan din sa pagbabayad ng inutang. Ang Tungkulin ng mga Miyembro sa Pamamahala ng Grupo:
Mga paaraan kung pano makilahok ang mga miyembro ng grupo sa pamamahala ng nito:
Pagsasanay ng mga Ehekutibo o Miyembro ng Komite: Ang ehekutibo o miyembro ng komite ay nangangailangan ng espesyal na pagsasanay para sa kanilang mga espesyal na tungkulin. Dapat alam ng mga miyembro ang mga bagay-bagay ukol sa komite ng grupo.
Ang mga miyembrong naging ehekutibo ay inaasahang:
Ano ang Ehekutibo o Komite? Ang ehekutibo o ang komite ay ang sentro ng grupo kung saan ibinoto ng mga miyembro para direktahan at pamahalaan ang mga gawain ng grupo. Ito ay may chairman, ang vice-chairman, ang ingat-yaman, ang sekretarya, at mga ordinaryong miyembro ng komite, na hindi lalamapas sa apat.
Ang mga miyembro ng komite ay dapat mayroon o matutunan ang mga nararapat na kasanayan para kaya nilang:
Liderato: Ang pamumuno ay pagbibigay gabay at pagiimpluwensya ng mga tao para sila'y makatulong sa organisasyon at sa hangarin ng grupo. Ang tungkulin ng pamumuno ay isinasagawa ng isang lider. Tignan ang Liderato. Ang iyong tungkulin bilang tagapagpakilos ay sa umpisa pa lamang, itukoy at hikayatin ang mga lokal na lider.
Ang isang mahusay na lider ay may ginagampanan. Ang mga lider ay dapat kayang:
Mga katangian ng isang mabuting lider: Ang mabuting lider ay dapat:
4. Mga Miting: Kabilang sa tinatawag na miting ng grupo ay ang mga periodikong miting at mga biglaang miting para pagusapan ang isang agenda. Ang grupong hindi nakapagmimiting ay hindi na pangkatungkulan. Dapat may regular na miting na idinadaos sa parehong oras at parehong araw ng bawat linggo. Ang mga pangyayari sa buoung linggo ay nagiging paksa ng miting kung saan naibabahagi ng mga miyembro ang kanilang mga karanasan, matuto sa karanasan ng iba at makatanggap ng edukasyon at pagsasanay. Dapat matago ng sekretarya ang tala ng miting upang magsilbing palatandaan ng mga aktibidades ng grupo, diskusyon, at mga napagusapan nung mga nakaraang miting. Dapat nakatala ito sa simpleng pananalita. Maaaring gamiting ang format na nakalagay sa ibaba, o baguhin ayon sa kondisyon ng inyong organisasyon. Posibleng Istraktura ng Miting(Huwag magsagawa ng miting dahil ito ay "nakagisnan na, o tradisyon o ang karaniwang gawain". Magorganisa ng miting na ayon sa pinakaepektibong paraan makaabot ng desisyon bilang isang grupo o para makakuha ng isang epektibong solusyon)
* Ang pagdadasal ay dapat gawin ayon sa balor at paniniwala ng komunidad. Ang dasal ...ay hindi dapat limitado sa mga elitista, edukado or nakakahigit na paksyon ng komunidad. Maaring may mga Kristiyano, Musilim, tradisyonal o kombinasyon, depende sa komunidad. Kapag may alitan dahil sa relihiyon, mas mabuting nang iwasan ang pagdasal para hindi masabing may bahid ng sekular na pakay. Sa mga iba pang (pormal) okasyon, maaring imbitahin ang mga opisyales ng iba't ibang relihiyon para marepresenta ang iba't ibang reliyon ng komunidad. Humanda sa mga sopistikadong grupo na maaring ituring ang anu mang dasal nakakayamot. ––»«––Pagtatatag © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Kredito |