Tweet pagsalin nang mga salita
'العربية / Al-ʿarabīyah |
PAGBUO NANG PAMAYANAN SA PAMAMAGITAN NANG PAGSASANAYni Phil Bartle, Doktor ng Pilosopiyaisinalin ni Gerasmo G. PonoPara kay Gert LüdekingBabasahin para sa TagapagpakilosPaggamit nang Pagsasanay Bilang Pamamaraan sa Pagbuo nang PamayananHindi Malinaw: Ang paksang ito ay tinatawag na "Paano Gawin" o gamit nang mga taong kumikilos sa pamayanan. Ito ay nagsasalaysay kung ano ang ibig sabihin nang pagbuo nang pamayanan bilang kasali sa pagsasanay na pamamaraan (paggawa nang pagsasanay na ang pakay ay labis pa sa karaniwang paglipat nang kakayahan), at ito ay nagbibigay nang ibang mga pamamaraan paano ito gagawin. Ito ay nagbibigay nang kaibahan sa pagitan nang pagbuo nang samahan para sa pagawa nang pasiya at ang pagbuo upang gumawa nang mga bagay, (silang dalawa ay kasali nang pagbibigay kakayahan) at nagbibigay nang pamamaraan bawat isa nito. Panimula: Ang pagsasanay para sa pamamahala nang pamayanan na binanggit sa dakong ito ay nagkaroon nang mga pakay na labis pa sa nakasanayang pagsasany sa paglipat nang kakayahan, pagbibigay kaalaman, pagtaas nang kamulatan at suporta. Ang isang mahalagang bahagi nang pagbibigay kakayahan sa pamamagitan nang pagsasanay ay ang pagbuo nang samahan. Para sa tagapagpakilos nang pamayanan, ito ay nangangahulugang pagbuo nang bagong samahan sa mga lugar na wala pa, at paggawa nang mga pagbabago sa mga nabuo na, upang magiging mabisa. Ang paksang ito ay nagpapakita kung paano bumuo nang samahan bilang kasali sa proseso nang pagsasanay sa pamamahala, upang bigyan nang kakayahan ang mahinang mga pamayanan. Ito ay nagbigay nang layunin, at tumulong sa mga nagpapakilos nang pamayanan kung paano buohin ang mga samahan na nakabasi nang pamayanan sa paggawa nang pasiya at pagpapakilos. Parte A: Layunin, mga prinsipyo at mga Konsepto Sa hindi pa natin puntahan ang mga pamamaraan sa pagbuo , bilang kasali nang pagsasanay sa pamamahala, tingnan at balikan muna natin ang layunin nang pagbuo, ano ang mga pakay natin at mga kahulugan nang mga salita sa ginagamit natin. Ito ay mahalaga sa pangkakataong ito na balikan ang mga salita na ginamit natin sa pamamaraang ito. Tingnan ang paksa na, "Mga kahulugan nang mga salitang susi," salitang susi, Ilang mga salita sa paksang ito ay nakalista. Tandaan ang mga prinsipyo, na ating gamitin na basehan sa pagbuo. Sila ay naglakip nang: demokrasya, pagsali, pagbibigay kakayahan, pagiging pantay nang babae at lalaki, pagsali sa mga taong di binigyan nang halaga, pagiging bukas, matino, pag-iwas nang sakit, maasahan, matatag, pagtutulungan, pantay, pag ahon sa kahirapan, kabutihan para sa lahat, kaunlaran. Ito ay hindi kailangan nandoon sa grupo na inyong tinutulungan. Ang kahulugan nang "Nabuo": Sa pag-aaral ukol sa mga tao, nalaman natin na ang kataohan at mga ahensiya nang mga tao ay lamang pa sa grupo nang mga tao. Sila ang mga sistema; tulad nang ekonomiya, samahang pampolitikal, mithi, kaisipan, teknolohiya, pakikipag samahan nang mga tao. Ang mga tao ay darating at aalis(pagsilang, pagkamatay, pagpunta sa ibang lugar), ngunit ang pamayanan ay nandoon pa rin; kanilang nalampasan ang kanilang mga kasapi. Ang buo ay mas malaki pa kaysa kung idagdag ang mga parte nito. (Tingnan "Ano ang Pamayanan?') Tulad nang pangyayaring ito, kahit mayron kang mga tao sa loob nang silid (mga sinasanay), ito ay hindi nangangahulugan na sila ay buo na. Ang iyong papel ay buohin sila bilang isang samahan. Ibig sabihin nito ay bigyan sila nang kaalaman at mga inaasahan na magbibigay sa kanila nang hubog at mga pamamaraan, upang ang samahan na nabuo ay magkaroon nang bagong mukha na mas magaling pa sa mga tao na bumuo nito. Ang ibig sabihin nang "Pagpapakilos": Ilang mga tao ay nag-aakala, na pag sila ay pumunta sa pamayanan at bumuo nang grupo , na may ibat ibang mga posisyon (Pangulo, pangalawang pangulo, kalihim at ingat yaman), at sabihin nila na sila ay handa sa mga gawain at sasabihin nila na napakilos na ang kanilang samahan; sa totoo hindi pa. Ang salitang "Pagpapakilos", ay mayrong salitang kilos sa lob nito. Na nangangahulugang kilos. Ang tagapagpakilos ay hindi nagpapakilos nang isang grupo sa pamamagitan nang pagbibigay lang nang balangkas nito (mga posisyong hinahawakan). Ito ay dapat sasali sa pagpapatupad nang mga gawain bago ito sabihin na kumikilos na. Ang pagsasanay na inyong ginawa, upang palakasin ang kakayahan nang isang mahirap na pamayanan, ay dapat di lang magbunga sa pagbuo nang mga grupo, ngunit dapat maglakip din ito sa pagpapatupad nang mga gawain na sinalihan nang lahat doon sa pamayanan. Ang dalawang klase sa pagbuo nang pamayanan: Pag ikaw ay bumuo nang samahan na nakabasi nang pamayanan, dapat kilalanin mong mabuti kung ano ang mga pakay nang grupo na inyong binuo, ano ang inaasahan nitong gawin.
May
dalawang pinakalayunin sa pagbuo nang samahan:
Bagamat anong klaseng samahan, ay gagawa sa dalawang bagay na ito, paggawa nang pasiya at pagkilos, ikaw bilang tagapagpakilos ay dapat tandaan mo kung ano ang inyong pakay sa pagbuo nang samahan na nakabasi nang pamayanan. Ikaw ba ay bumuo nang samahan para sa paggawa nang pasiya? o sa pagpapakilos nang isang bagay? Kung ikaw ay nangangailangan nang malaking pasiya galing nang pamayanan, tulad nang ang pamayanan ay dapat ihanda muna ang mga kailangan sa pagpapatayo nang klinika o ang pag-ayos nang tubig, sa ganitong pagkakataon, ang kailangan mo ay pagbuo upang gumawa nang pasiya. Dahil ang pasiya ay mahalaga sa buong pamayanan, ang pinaka grupo ay ang siyang nagdala sa buong pasiya nang pamayanan. Ang isang malaking pagtitipon ay kailangan dito (ang gabay na ito ay di makasisiguro dito; ikaw na tagapagpakilos ay ang mas alam dito). Kung ikaw ay naghahanda nang isang pagtitipon, ang mga namamahala nang grupo (mga opisyal) nang grupo, at ikaw bilang tagapag-ayos, ay dapat maingat upang masiguro na di lang mga lalaki ang gumawa nang pasiya, at ang ibang mga tao na kadalasan di nabigyan nang pagkakataon ay siguraduhing makasali tulad nang mga may kapansanan, mga maliliit na tribu at relihiyon, mga mahirap, mga walang pinag-aralan, mga kabataan, mga matatanda , at ibang mga tao na hindi binigyan nag halaga at di pinansin. Ang inyong layunin ay bumuo nang samahan na magsuguro na ang kanilang gagawing pasiya ay partisipatori at demokrasya. Sa kabilang dako, kung gusto mong magpatayo nang klinika o magpasa nang batas ukol sa karapatan nang mga nangungupahan, sa ganitong pagkakataon ikaw ay bumuo nang samahan para sa isang gawain. Ang samahan na inyong binuo ay dapat may alam sa gusto nang buong pamayanan, at may pananagutan sa kanila, ang grupo ding ito ay dapat bigyan nang kakayahan upang maging mabisa. Ang nakasanayang balangkas nang samahan (tulad nang: pangulo, pangalawang pangulo, kalihim, ingat yaman) ay mas mabisa sa paggawa nang pasiya; ngunit maaring di magaling sa pagpapatupad nang mga gawain. Ang Tumpak na mga Kahulugan ay Mahalaga: Tandaan mo na dito may maraming mga salita na ini-ingatan nating ginagamit ngunit hindi masyadong binigyan nang pansin nang iba lalo nasa mga taong walang alam sa pagpapatatag nang isang pamayanan, na sila ay kilala nang mga dayuhan na nagbibigay nang tulong, na sila ay gustong magsasaliksik sa pagsali nang mga tao sa mga gawain nang pamayanan bilang isang elemento nang maasahang pag-unlad, at ang mga salitang ito ay binigyan nang ibang kahulugan at ginagamit sa maling pamamaraan sa mga proyekto na nabigyan nang pundo. Pag aralang mabuti ang mga salita na ginagamit sa pagbibigay kakayahan nang pamayanan. Tandaan, halimbawa, ang "Pagsali nang Pamayanan" ay di lang nangangahulugan na pagbibigay nang oras sa paggawa ( o pagdalo sa anyaya nang mga labas na ahensiya sa isang pagtitipon), ngunit ito ay nangangahulugang pagsali nang buong pamayanan sa isang malaking pagpasiya na naka apekto din sa buong pamayanan. Tandaan na ang pagiging nakabasi nang pamayanan ay di nangangahulugang nakatira sa pamayanan, ngunit nangangahulugang ang pamayanan ang nagmamay-ari nito (ang may pananagutan) na ang samahan at ang kanyang pagkilos ay nakatuon sa pamayanan. Ang pag alam sa tumpak na kahulugan nang salitang ginagamit ay mahalaga upang maabot ang mga pakay ukol sa maasahang pag-unlad. Ang pag aaral sa diksiyunaryo ay maaing hindi ang pinakamabisang paraan, ang pag-aaral nang mabuti sa mga paksa, pagsusulat nang mga karanasan, at ang pagbibigayan nang mga karanasan at kaalaman sa ibang mga dalubhasa ay mas makakatulong sa pag alam nang mga salitang iyon, at sa madaling salita sa pagpapaunlad nang inyong kakayahan bilang tagapagpakilos at tagasanay sa pamamahala nang pamayanan. Ipinakita dito ang mukha nang pagbuo nang pamayanan at nang samahan. Ikaw ay hinikayat na pag-isipan mong mabuti ito sa sandaling ikaw ay magpapakilos at magsasanay. At maari ka din makipagbigayan nang mga karanasan sa ibang mga tagapagpakilos. Ngayon ay puntahan natin ang mga pamamaraan na maari nating magamit sa inyong pagbuo nang samahan. Parte B: Pamamaraan sa Pagbuo nang Samahan: Pap iwanan mo ang isang naghihirap na pamayanan, sila ay hindi mabuo. Ang ibang mga tao ay mag aakala na ang pagsali nang pamayanan ay nandoon na, kung sabihin nila na sila ay nakasali nasa mga gawain. Ngunit hindi. Ito ay dapat may ginagawa, mayrong pagpapakilos doon sa pamayanan, at ikaw na tagapagpakilos ang dapat gagawa nito. Na ang gagawin na minsan tinatawag na pagpapakilos ginamit ang katawan o pagpagana sa paggawa; ang dalawang ito nangangahulugang pagsuporta at pagbuo nang mga gawain nang pamayanan. Huwag mong isipin na, tiulad nang inaakala nang iba na na ang kailangan mo lang gawin, ay magpapakita doon sa pamayanan at gumawa nang mga utos paano ang isang samahan pagbuohin. Pagbibigay nang pahintulot sa pagsali ay hindi nakasisiguro sa pagsali nang pamayanan. Kahit ang paggawa nang utos kung paano buohin ang isang samahan ay maaring magresulta sa pagbuo nang mga balangkas, ngunit ito ay di maasahan; sapagkat hindi ito ang pasiya nang pamayanan; ito ay babagsak kung iwanang mag isa. Paano, mo ngayon, gawin ang pagbuo at pagpapakilos? Marami sa kakayahan na kailangan mo ay ibiniay sa ibat ibang paksa nang dakong ito (lalo na ang pagbibigayan nang kaalaman at ibang mga idinagdag sa babasahin nang mga tagapagpakilos). Kung paano mo gagawin yon ay magkaiba sa pagitan nang pagbuo para sa paggawa nang pasiya at pagbuo para sa pagpapakilos, na ibinigay sa itaas. Ang pinaka mahalagang prinsipyo nang pagbuo, tulad nang mga binanggit sa inyong pagsasanay, na ito ay dapat partisipatori (kasali ang lahat sa pamamaraan at pagpasiya). Bilang isang tagasanay sa pamamahala, ikaw ay tagapag-ayos, at hindi tagaturo. Ang mga sinasanay ay dapat ay masigla na kasali sa mga gawain sa pagbuo. Ang inyong gawain ay bilang tagapag-ayos at tagabigay nang payo, at hindi tagadikta kung ano ang dapat gawin, o magbibigay nang pagtuturo o pangaral. Gamitin natin ang kilalang dalubhasa na si Socrates, bilang iyong idolo. Hindi siya magsabi sa mga tao kung ano ito, at paano nangyayari. Hahamonin niya ang mga tao sa pag-isip hanggang sa kanilang makakaya, sa pamamagitan nang mga tanong na magkatugma at may mga kaugnayan. Sila ay ina-alalayan at ginabayan. Pangungunahan niya ang mga tao sa pag-iisip nang mabuti, at sa totoo, ang mga nangulo sa mundo noon at nakaramdam nang panganib sa kanya dahil sa kanyang mga tanong. Huwag mong gayahin si Socrates, na ang mga tanong ay patungo sa mga bagay na kinatatakotan nang mga nangulo noon, dahil siya ay nagbibigay nang nang mga pangaral upang ang mga tao ay gumawa nang himagsikan laban sa pamahalaan at siya hinatulang patayin. Ngunit sa halip, kunin kang Socrates, ang pananaw na kaya mong buksan at palawakin ang pag-iisip nang isang tao sa pamamagitan nang mga tanong at hinid ang pagbigay nang utos sa kanila. Sa pagbibigay nang tanong, anyayahan mo ang mga sinasanay sa pagsagot. At ito ay nangangahulugan na nag mas maraming sagot ay mas malaki ang naibigay nang mga sinasanay. Ang pag intindi sa pamamagitan nang pagsali sa usapan ay mas mabisa kaysa palagi lang nakikinig at hindi sasali sa talakayan. Kung ang mga sinasanay ay palaging sasali sa usapan, ito ay mas madali para sa kanila sa pagsali nang mga gawain. Huwag mong ipilit ang inyong mga sagot doon sa mga sinasanay, sa halip kunin mo ang mga sagot galing sa kanila. Ang Pagbuo upang Gumawa nang Pasiya: Ang bahagi nang pamahala nang pamayanan, na ang pagbuo upang gumawa nang pasiya ay magkapareho sa nakasanayang pagbuo para pagpapaunlad nang pamayanan. Ang iyong layunin ay ang pagbuo nang samahan na nakabasi nang pamayanan (SNP)na siyang magpapakita at magkilala sa mga nais at pinakapasiya nang buong pamayanan. Kung ang isang SNP ay nabuo na, ang iyong gawain ay palakasin ang kanyan kakayahan (lalo nasa paggawa nang pasiya nang buong pamayanan). Ang iyong pakay ay gawin ito sa partisipatori na paraan, na sinalihan nang lahat, at pagiging demokrasya hanggat maari. Ang iyong mabuting daanan ay isang pangkalahatang pagtitipon para sa buong pamayanan. May mangyayari kadalasan sa mga may pinag-aralan,mga lalaki, mga kasalukuyang nabgulo, na magpapakitang gilas at mangunguna sa talakayan doon sa pagtitipon. Ang kanilang mga layunin ay magkaiba kung ihambing sa ibang mga tao, kailangan ang ibang mga kasapi nang pamayanan ay dadalo at sila ay makikita sa iyo na makinig nang mabuti kung ano ang mga pinagsasabi nang iba (Tingnan ang dokumentong: "Pagbuo upang Magkaisa.") Dapat linawin mo sa kanila na ikaw ay umaasa na ang iba ay dadalo sa lahat nang pagtitipon nang pamayanan. Para sa gabay kung paano makakuha nang pasiya nang buong pamayanan tungkol sa kung paano lutasin ang kanyang pinaka unang problema, tingnan ang "Pagbibigayan nang Kaalaman" paksa. Siguraduhin na ipaliwanag mong mabuti ang mga pamamalakad sa pagbibigayan nang kaalaman sa lahat na nandoon, at ang kasunduan na huwag magbigay nang komentaryo sa mga sinasabi nang iba. Huwag kang magtapos na (1) doon lang sa pagpili nang kanilang problema; ipagpatuloy mo ang sesyon; tingnan ang (2) sagot doon sa mahalagang suliranin - bilang isang pakay nang pamayanan, (3) paggawa nang maraming pakay galing sa nakilalang pakay, (4) kilalanin ang mga kakayahan at mga hadlang, at (5) pagbuo nang ibang mga pamamaraan at pagpili nang isa dito. Ang ganitong paggawa nang mahalagang pasiya ay maging gabay sa ibang mga gawaing pagbuo mamaya, pagbuo para sa pagpapakilos, na ang detaltye at plano para sa isang proyekto nang pamayanan ay aalamin. Huwag mong pagsabihan ang sinasanay kung ano ang inyong pinili, gawin at iniisip. Magbigay
nang Tanong. Ang pagbigay nang tanong ay isang parang walang kamalay malay na paraan, lalo na pag ito ay gagawin sa isang mahinahon at malambot na pagkasabi. Ngunit sa kalaliman nito, ay nandoon ang pinaka malakas sa sandata sa pagbago nang katauhan sa pagbuo nang pamayanan sa pagbibigay kakayahan at maasahang pag unlad. Ito ay tumutulong sa pag-iisip, pagsusuri, at pagsali, lalo na pag ito ay kasali sa mga tanong na magdala nang grupo patungo sa pagbuo nang samahan, at sa paggawa nito sa pamamagitan nang prinsipyo na ipinaliwanag sa unang parte nang paksang ito. "Ano ang kailangan natin?" "Bakit gawin natin yan?" "Paano yan makatulong sa atin upang makamit ang ating layunin?" "Ano ang maaring gawin?"Ito ang klase nang mga tanong na maari mong ibigay, na makapagbigay nang sagot galing sa mga sinasanay. Ang bawat isa nito ay hindi nakakatakot, at magtulak sa iyong sinasanay sa pagsali nang paggawa nang pasiya. Dapat alam mo na, ang iyong pinaka layunin, at mag-ingat sa mga kahinaan nang mga nakasanayang mga sagot, ikaw ay maaring magbuo nang paraan sa pagbigay nang tanong na may kaugnayan, upang ang mga sinasanay ay makakita sa kasalukuyang pangyayari at makagawa nang sagot nang problema nang pamayanan. Kunin ang lahat, ang inyong tanong ay mas malakas pa kaysa pagisahin mo ang mga sagot , pag ito ay tinatanong sa bawat isa. Huwag kang tatanggap nang unang mga sagot. Na may respeto, hamonin mo ang kanilang mga sagot: "Ito ba ang pinakamabisang paraan?" "Mayron pa bang ibang maaring magamit?" Huwag mong tanggapin yan, "Ito ang pamamaraan sa paggawa namin nang mga bagay ", o " Ito ang tamang pamamaraan sa paggawa nang isang bagay", ang pinaka magandang sagot sa tanong, "Ito ba ang tamang pamamaraan, para sa pamayanang ito, sa ganitong pagkakataon, sa ganitong layunin? Sa hindi halatang di pagsang ayon sa nakasanayang ginagawa, ang iyong tanong ay dapat hahamonin ang mga sinasanay upang suriin ang mga problema, at kilalanin ang pinaka angkop na sagot, kahit ito ay hindi ang nakasanayang gawain. Ito ang magpapatatag, magbibigay kakayahan, at magpapalakas nang kakayahan nang samahan at nang pamayanan. Sa kabilang dako, dapat lagi mong tandaan na ang mga prinsipyo na doon mo sila dinala ay naglakip nang pagtanggap nang mga taong di binigyan nang halaga at mahina, pagrespeto nang mga mahihina bilang kasali nang pamayanan, demokrasya (ang kapangyarihan ay nasa kamay nang mga tao), matino, pagiging malinaw, pagsali sa lahat sa paggawa nang pasiya. Kung paano mo ina-ayos ang iyong mga tanong, ay dapat magdala sa kanila sa mga prinsipyong ito, at bawat galaw ay ipaalala sa kanila na silay patungo sa kanilang mga pakay at layuinin, na nakapaloob sa mga prinsipyong iyon. Samantalang ang tulong nang salita ay unang magresulta patungo sa pagiging "demokrasya", tulad nang maraming mga tao, ay daliang mag aakala na ang demokrasya ay isang makanlurang pamamaraan nang demokrasya at ang kanyang mga kinatawan tulad nang kongreso at senado, halalan, pagboto, mga partido at batasang pambansa. Huwag kang tatanggap ganitong pag-aakala habang ikaw ay bumuo nang pamayanan para sa paggaw nang pasiya, at huwag mong hayaan na ang inyong sinasanay na gumawa sa ganung pag-aakala. Itulak mo ang iyong sinasanay sa paggawa nang mga malikhaing paraan , at ang pagiging bukas sa pagbuo nang di pangkaraniwang balangkas at pamamaraan. Ang ibang mahalagang pasiya na dapat gagawin nang buong pamayanan, at ang pagpili nang pangkalahatang suliranin na dapat lutasin, ay ang pagpili nang mga membro na uupo doon sa lupon na tagapamahala nang SNP. Pagbuo nang Lupon na Tagapamahala: Sa isang punto, ito ay kailangan na ang buong pamayanan ay siyang magpili sa mga kasapi nang Lupon na Tagapamahala, upang gawin ang kanilang nais mangyayari. Ang pinakamahalagang tanong ay dapat sagutin doon sa malaking pagtitipon. Ang detalyado at nangangailangan nang maraming oras sa pagtatanong sa buong pamayanan ay napaka bagal na gawain, at ito ay mas tamang gawin sa pamamagitan nang isang lupon na tagapamahala, basta masiguro lang na ang buong pamayanan ang may hawak doon sa lupon na iyon, at ito ay palaging nakikipag-usap, at nakikinig sa mga hinaing nang buong pamayanan, at ang kanyang mga pasiya ay bukas at malinaw. Ang lupon na Tagapamahala ay nailagay sa pagiging pagbuo para sa paggawa nang pasiya at pagbuo para sa pagpapatupad nang mga gawain at maraming paghahalo sa kanilang mga ginagawa. Ito ang tulay sa pagitan nang pamayanan (na binuo sa paggawa nang pasiya ) at ang proyekto nang pamayanan (pagbuo para sa pagpapatupad nang mga gawain). Ang salitang tagapamahala dito ay ay nangangahulugang namamahala. Ito ay kinuha sa kahulugan na "pamamahala", na ang ibig sabihin, "upang gawin ang isang bagay" at hindi "ang pagpatay". Ang lupon na tagapamahala ay ang grupo na magpapatupad nang mga gawain sa pangalan nang buong pamayanan. Ang inyong gawain ay itulak ang pamayana upang bumuo nang lupon na tagapamahala, sa pamamaraan na ito ay gagawa para sa mga tao, at may pananagutan doon sa pamayanan at hindi ang salungat dito. Sa paggawa nito, dapat tanungin mo sila kung paano ito gagawin. Ikaw ay may dalawang pangamba dito: (1) ang pamamaraan sa pagpili, at (2) sino ang dapat piliin upang bumuo sa lupon na tagapamahala. Sa maliit at probinsiyang pamayanan, itoy malinaw na ang pagpapatupad nang halalan ginamit ang balota sa pagboto ay masyadong maggastos at hindi kailangan. Sa mga lugar na lunsod, sa kabilang dako, na kadalasan ang mga tao ay hindi nagkaisa, hindi masyadong magkakakilala, ang pagpapatupad nang pormal na botohan ay mas kinakailangan. Dito ang inyong kaalaman tungkol sa pamayanan, at iyong kaalaman tungkol sa pamayanan at ang inyong kakayahan sa pakikipag ugnayan nang mga tao ay mahalaga. Nais mong itulak ang pamamaraan sa pagpili na ang lahat nang mga tao ay maka intindi, na malinaw, at katanggap tanggap sa lahat nang mga tao. Ang mga pamamalakad tulad nang ginawa sa nakasanayang gawain sa pagpili nang pangulo nang tribu o pamilya (na hindi gumamit nang mahirap na pamamaraan) ay mas angkop para dito. Kung, pagkatapos nang pagpili nang mga namamahala, ay magkaroon nang reklamo laban sa kanila (dahil sa paglustay nang pundo, o paggawa nang mga bagay na hindi alam nang pamayanan) galing sa mga kasapi nang pamayanan. Dapat sagutin mo sila na, kayo at ang buong pamayanan ang nagpili sa kanila, at sa ganung pangyayari, kayo ang dapat may pananagutan sa mga bagay na iyon, hindi ako na nagsasa-ayos lang. Ang maling pagpili nang lupon na tagapamahala ay maaring hindi sa iyong pagkakamali bilang isang tagapag ayos, ngunit dapat mong balikan ang mga pamamaraan sa pagpili, kung ito ay malinaw, kasali ang lahat, magaling ba at pantay ang lahat. Ito ay hindi aksaya nang panahon kahit ito ay ginawa pagkatapos nang isang reklamo, sapagkat ito ay maaring mahalaga na magpatawag muli nang pangkalahatang pagtitipon, upang bumuo muli nang bagong lupon na tagapamahala. Ang pangalawang gawain ay ang pagpili nang lupon na tagapamahala. Dito, ay huwag kang gumawa nang utos doon sa mga tao kung sino ang dapat piliin, ngunit gamitin ang mga pamamaraan sa pagbibigay nang tanong at himokin ang inyong samahan sa pagsali. Ang inyong tanong ay gawin sa magandang pamamaraan, hamonin ang kanilang pag-iisip kung sino ang dapat piliin. Sa umpisa, maaring ang piliin nang pamayanan ay ang mga may pinag-aralan dahil sa kakayahan nito. Ipaliwanag sa kanila na ang mga bagay na iyan ay walang katotohanan. Ano ang klase nang tao na dapat nilang piliin? Sila ay nangangailangan nang mga taong mapagkatiwalaan, mabait at taos pusong maglingkod sa mga tao, at marunong magbigay nang wastong kaalaman tungkol sa mga gawain nang lupon na tagapamahala. Maraming may pinag aralan doon sa pamayanan ay mga guro galing sa ibang lugar, na walang pagmamahal sa mga tao, na kadalasan biglang mawala, dala ang pera nang pamayanan. Dapat nilang tingnan ang isang lola na nirespeto nang buong pamayanan, kilala nang lahat, ngunit hindi nakapag-aral, ay mas bagay na piliin at ilagay sa lupon na tagapamahala. "Ngunit hindi siya marunong magbasa at magsulat?", ang maari nilang sabihin. "Kahit na?", ang iyong sagot. Ang kanyang mga apo ay kayang isalin ang mga dokumento para sa kanya, at sa paggawa nito sa gabi sa gitna nang hapunan, na ang lahat ay nagtitipon, ay magpadali sa pagbibigayan nang kaalaman doon sa mga tao nang buong pamayanan (kasali na ang kuwentuhan nang mga bata doon sa paaralan). Ito ay mas angkop sa pagpili nang isang Ingat-Yaman. May mga tao na maakit sa pagsali nang lupon na tagapamahala at nais magpapili sa dahilan na sila ay makakuha nang pag asenso, magandang katayuan at maging kilala sa lahat dahil sa posisyon na kanilang hahawakan. Sila ay maaring magkampanya upang maipili. Dapat mong kilalanin ang kanilang mga dahilan sa pagsali nang halalan, at gabayan mo ang pamayanan sa pagpili nang mga tao na mapagmahal at taos pusong maglingkod sa buong pamayanan. Dapat banggitin mo ang mga bagay na ito sa pamamaraan nang pagpili nang lupon na tagapamahala, sa pamamaraan na di halatang tinamaan mo ang ibang tao. Sa kabilang dako naman, may mga taong gustong pumili nang kasapi nang lupon na tagapamahala, sa pamamagitan nang kanilang kinatatayuan, sapagkat akala nila ay ito ang makapagbigay nang karangalan doon sa lupon, ngunit ang mga taong ito ay maaring walang maibigay sa pagpapatakbo nang lupon na iyon. O dahli sila ay may maraming gawain at walang maibigay na oras don sa pamayanan. Bigyan nang paalala ang mga tao sa ganitong mga bagay, sa sandaling sila ay pipili nang kasapi nang lupon na tagapamahala. Samantalang ikaw ay hindi magbibigay nang utos kung sino ang dapat piliin, paalalahanan ninyo sila sa mga bagay na iyon, at tanungin sila kung anong basehan ang kanilang gagamitin sa pagpili nang kasapi nang lupon na tagapamahala. Tandaan na ang "Lupon na tagapamahala" ay hindi kailangang tawagin sa pangalang ito. Sa ibang lugar, ito ay tinatawag na" Lupon na Nagpapatupad nang Mga Gawain", sa ibang lugar naman, sila ay tinatawag na "Lupon sa Pagpapaunlad nang Pamayanan". Ito ay hindi kailangang tawagin na lupon. Ito ay maaring gumamit nang ibang pangalan na ang pamayanan ang pumili. Ang pangalan ay maaring maglakip nang pangalan nang pamayanan, at ibang mga salita na mahalaga sa pamayanan. Itulak at hamonin sila na pumili sa pangalan na gusto nila; huwag gumawa nang utos kung ano ang dapat gawin. Pagbuo sa Pagpapatupad nang Mga Gawain: Kung ikaw ay tutulong sa pamayanan sa pagplano at pagpapatupad nang proyekto, ikaw ay kadalasan magkikita nang lupon na tagapamahala. Ikaw ay magpapatupad nang pagsasanay sa pamamahala para sa kanila. Ito ay mas maliit at malinaw ang pakay kung ihambing sa pagtitipon nang buong pamayanan na gumawa nang pasiya sa pagpili nang pangunahing mga suliranin at pagpoili nang lupon na tagapamahala. Ipaliwanag sa inyong sinasanay na mayrong kaibahan ang pagbuo upang gumawa nang pagpasiya at pagbuo upang gumawa nang pagkikilos. Ipaliwanag sa kanila na sila ay huwag gumawa nang mga paniniwala, at huwag bumuo nang samahan sa pamamagitan nang nakasanayang pamamaraan at paano sila binuo sa ibang lugar. Sila ay may kalayaan na maging malikhain, ngunit sila ay dapat patungo sa pagbuo nang pinaka mabisa at magaling na samahan (at hindi ang pangkaraniwan). Dapat mo ring ipaliwanag na ang gawain sa lupon na tagapamahala ay ang paggawa nang mga bagy na nagpapakita sa gusto nang buong pamayanan sa pagiging malinaw at bukas, at ang pagpapatawag nang buong pamayanan kung mayrong gagawing malaking pagpasiya. Ang isang lupon na magpapatupad nang proyekto ay dapat buohin upang gumawa sa mga kailangang gawin. Ito ay iba sa lupon na tagapamahala, ngunit mayrong mga posisyon magkahalo. Ang lupon na nagpapatupad nang mga proyekto ay dapat buohin upang ang mga proyekto ay maipatupad at matapos binasi sa pasiya at gusto nang pamayanan. Bilang lupon na gumawa nang pagpasiya, ang lupon na tagapamahala ay maaring buohin sa karaniwang pamamaraan (tulad nang pangulo, pangalawang pangulo, kalihim, ingat yaman at mga kasapi). Ito ay hindi kailangang sundin kung mayrong ibang paraan na bagay nang pamayanan. Ang balangkas na iyon ay maaring di angkop para sa lupon na nagpapatupad nang proyekto. Kung ikaw ay bumuo nang lupon na nagpapatupad nang proyekto, ikaw ya bumuo para sa pagpapakilos (Tingnan ang paksa Pagbalangkas nang mga Proyekto nang Pamayanan). Binasi sa resulta nang pagbibigayan nang mga kaalaman nang buong pamayanan, ang lupon ukol sa proyekto , ay gumawa nang mga pakay, magkilala nang mga hinawakang yaman/kakayahan at maaring makuha, magkilala nang mga hadlang, gumawa nang mga pamamaraan, pumili nang mga pamamaraang pinaka angkop, at gumawa ukol sa mga detalye nang samahan, at halaga na gagamitin para sa mga gawain (pamamaraan/kakayahan) upang makabuo nang bunga/resluta (mga pakay). Sa pamamaraan nang pagbibigay nang ulat; ang lupon na nagpapatupad nang proyekto ay magbigay nang ulat doon sa lupon na tagapamahala; ang lupon na tagapamahala ay mag-uulat doon sa pamayanan. Ang pamamaraan kung paano buohin ang lupon ukol sa proyekto ay magkaiba sa bawat proyekto at sa bawat pakay. Ang pagbuo nang lupon na nagpapatupad nang proyekto nang samahan sa pagbibigay nang serbisyo nang tubig ay hinid magkatulad sa pagbuo nang lupon nang proyekto sa pagbuo nang batas ukol sa karapatan nang mga nangungupahan. Hayaan na ang pangatlong tanong sa apat na tanong sa pagsasanay sa pamamahala ay maging gabay dito. ("Paano natin gamitin ang nasa atin upang ating makuha ang gusto natin?" (Tingnan ang Pagsasanay sa Pamamahala nang Pamayanan). Ang "Paano" ay isang malaking tanong; ang kanyang sagot ay naglakip nang pamamaraan, mga namamahala, badyet (halagang gagamitin), ang magkasunod na mga gawain, pagsusubaybay, pagpapatupad nang mga gawain at ibat ibang mga detalye nang proyekto. Ang balangkas nang samahan, ang bumuo at balangkas nang lupon na nagpapatupad nang proyekto, mga detalye nang mga gawain nang bawat kasapi, ay ang mga gawain nang lupon na tagapamahala. Ang iyong papel bilang tagapag-ayos at tagasanay ay pagtulak at pagpayo sa lupon nang tagapamahala sa pagbuo nang lupon na magpapatupad nang proyekto. Huwag mag-iisip na ang inyong gawain bilang tagasanay ay tapos na sa sandaling ang lupon na nagpapatupad ay nabuo na at ang proyekto ay nag umpisa na. Bilang parte nang inyong gawain sa pagsusubaybay, ikaw ay dapat magsubaybay sa mga ginagawa nang lupon na tagapamahala, upang masiguro na ang mga tulong galing sa buong pamayanan ay tuloy tuloy hanggat kailangan, at ang pagsusubaybay sa ginawa nang lupon na nagpapatupad nang proyekto, upang masiguro na ang proyekto ay ginawa sa wasto at mabisang paraan. Pagkatapos niyan, siguradong may mga iba pang pagsasanay ang kailangan upang mawasto ang ibang mga bagay. Dapat alam mo kung kailan ang tamang oras upang bumuo nang mga bagongv pagsasanay para (1) sa buong pamayanan, (2) sa lupon na tagapamahala nang samahan na nakabasi nang pamayanan at (3) at sa lupon na nagpapatupad nang proyekto nang samahan. Panghuli: Ang iyong gawain ay ang paggamit nang pagsasanay sa pamamahaka at pagbuong muli nang pamayanan sa paggawa nang pasiya at pagsali nang mga gawain. Ginawa mo yan sa pamamagitan nang partisipatori/na ang lahat ay kasali sa pamamaraan nang pagsasanay, hindi sa pamamagitan nang pagbigay nang utos, paano ito gagawin. Sa pagbibigay nang tanong at paghamon nang kanilang mga pasiya na binasi doon sa nakasanayan at maling paniniwala, nagawa mong palakasin ang kakayahan at katatagan nang samahan na inyong binuo. Binigyan mo nang kakayahan ang pamayanan sa pamamagitan nang pagpapatatag nito, sa pamamagitan nang pagpapalakas nang kanilang kakayahan sa paggawa nang mga bagay na kanilang dapat gawin. ––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pagsasanay sa Pamamahala |