Pangunahing Pahina
 Kredito




Mga Salin

Bahasa Indonesia
বাংলা / Baṅla
Български език
Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / hindī
Italiano
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

MOBILISASYON NG KITA

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Desiree Yu


Sangguniang Dokumento

Introduksyon

Sa "Handbook for Generation of Wealth" o "Manwal sa Pagkakaroon ng Yaman" nakita natin ang yaman ay maaring magamit, matago (maipon) o gawing puhunan. Sa paglika o pagkakaroon ng yaman, ang susi ay pagkakaroon ng paraan kung paano gawin ang "ipon" maging "puhunan." Itong dokumento ay nagpapakita ng katangian ng ipon, at ikaw, bilang tagapagpakilos, ay pano hihikayatin at gabayin ang mga miyembro ng iyong grupo (benepisyaryo).

"Ipon" ay pera o pisikal na produkto na naisantabi na maaring gamitin kinabukasan. Ang mga tao sa rural at iba pang mababang-kitang komunidad, kahit mahirap, ay kayang makaipon mabigyan lamang ng sapat ng gabay at paghihikayat. Sa mga rural na komunidad, ang ipon ay nakaklap mula sa tradisyonal na credit rotation group, o pagbili ng mga hayop pambukid (kambing, biik, manok, o kalabaw).

Bawat maliliit na negosyo ay nangangailangan ng paggamit ng kapital o pondo, na maaring sariling pera ng may-ari, o inutang. Kapag ang pautang ang ginamit, ibang tao ay nagipon para sa perang iyon. Ang mga layunin ng maliliit na negosyo, tulad ng kahit anong negosyo, ay gawing puhunan ang ipon (sariling ipon man o ipon ng iba) para lumikha o magkaroon ng yaman.

Baket kailangan magipon?

Ang mga tao ay may iba't ibang rason sa pagiipon (pang-ekonomiya, panlipunan, politikal, kultural).
Ang kakayanan ng taong makaipon ay depende sa:
  • Kinikita
  • Ugali sa paggastos
  • Panlipunan at kultural na obligasyon
  • Personal na ambisyon
  • Kondisyon ng kinatatayuan.

Ang mga tao ay mas magiipon sa mga sumusunod na rason:
  • gustong magsimula ng maliit na negosyo o palakihin ang kasalukuyang negosyo
  • matugunan ang kalusugan, edukasyon (matrikula) ng lumalaking pamilya; at pabahay (makatayo ng sariling bahay)
  • para makabili ng bagong kasangkapan
  • para makaipon para sa pagtanda
  • para makaipon para sa di inaasahang pangyayari (tulad ng tagtuyo kung saan nasisira ang ani)
  • para makabili ng pisikal na aset tulad ng lupa
  • para makabuo ng relasyon kasama ang mga institusyong nagpapautang para sa pagkuha ng kredito.

Ang Katangian ng Pag-iipon:

Sa komunidad na mababang kinikita, ang abilidad na magkapagipon ay karaniwang mas mababa at ito ay maaring pera o ari-arian. Ang pagiipon ng pera ay mura at mas mabilis.

Pagiipon ng ari-arian o kagamitan (pagtago ng mga bagay-bagay sa kaban):
  • mga butil (mais, abas, mani, sesame)
  • hayop pambukid (kalabaw, kambing, tupa, manok)
  • prinosesong pagkain (arina, tinapang isda, tinapang karne).

Saan Magiipon?

Sa mga komunidad na mababa ang kinikita, karaniwang nagtatago ng pera o ari-arian ang mga tao sa sekretong lugar. Tulad ng sa bubungan, kaldero, dingding, sa ilalim ng bahay o ng kama. Ang ipon ay hingi magiging puhunan kapag ito ay nakatago sa ilalim ng kama.

Bilang tagapagpakilos, kailangang mong hikayating magipon bilang isang grupong nagpapakiikot ng kredito (ang grupo ay dapat may bagong methodolihiya, hindi mga tradisyonal na pamamaraan, para makatulong sa paglikha at paglilinang ng mga gawain ng maliliit na negosyo at makapaglikha ng yaman at mapuksa ang kahirapan).

Mobilisasyon ng Ipon:

Kahit gaano kahirap ang tao, siya ay mapipilit at mahihikayat na magipon habang ang kanyang kinikita ay tumataas dahil sa mga rason na naitala sa itaas. Ang mga miyembro ay dapat magipon nang regular(linggo-linggo, buwan-buwan, sa takdang araw) kasama ng buong grupo.

Ang ipon ng grupo ay epektibong mamomobilisa sa sumusunod na simpleng pamamaraan:
  • Kailangang alamin kung magkano ang iipunin ng bawat miyembro
  • Kailangang magtakda ng isang araw kung kailan kokolektahin ang nasabing halaga para siguradong may regular na ipon
  • Ang bawat miyembro ay dapat mabigyan ng pangtala o savings book kung saan maitatala ang halaga ng naipon na isusulat ng opisyales ng grupo
  • Dapat magbukas ng account sa banko kung saan ang koleksyon ay maaring ma-deposit
  • Ang grupo ay dapat may pangkalahatang talaan kung saan nakarehistro ang bawat ambag ng miyembro bago ipadala sa banko. Dapat pareho ang impormasyong nakarehistro sa talaan ng grupo at sa indibidual na talaan ng miyembro
  • Ang mga ipon na kinokolekta ay dapat gawin sa mga miting para siguradong nabibilang nang maayos at nakikita nang lahat
  • Ang buong halagang nakolekta sa miting ay dapat i-anunsyo sa lahat at maitala sa minutes at tyaka pa lamang ipapasa sa ingat-yaman para i-deposito sa banko.
––»«––

Pagpapaikot ng Kredito: Pagkolekta ng Deposito:


Pagpapaikot ng Kredito: Pagkolekta ng Deposito

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 30.04.2011


 Pangunahing pahina

 Kredito