Pangunahing Pahina
 Pagbibigay-kapangyarihan




Mga Salin

'العربية / al-ʿarabīyah
Català
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
日本語 / Nihongo
Polszczyzna
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

POLITIKA AT ANG PAGSASANAY SA PAGPAPAKILOS

Ang Papel ng Politika sa Pagbibigay-Kapangyarihan sa Pamayanan

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Dionisio R. Vitan III


Mga Prinsipyo sa likod ng mga Metodolohiya

Mga prinisipyo kung sa likod ng kung papaano ka magmumukhang walang kinikilingang panig sa politika kapag ikaw ay nagpapakilos

Pulitika:

Ang madalas natin na alam bilang "pulitika" ay nakatuon sa dalawang mga sukatan ng kultura: (1) ang pagbibigay at paggamit ng kapangyarihan, at (2) mga pinaniniwalaang binibigyang-halaga tungkol sa kung ano ang gusto. Ang mga ito ay parehong mahalaga sa tagapagpakilos

Ang pagpapakilos ng mga pamayanan bilang isang paraan ng pagbibigay-kapangyarihan sa kanila ay isang uri ng daloy ng pulitika. At ang pulitika sa kanyang payak na kahulugan ay maaaring nakagulo sa ganoong daloy sa pagpapakilos.

Ang dokumentong ito ay nagpapaliwanag kung bakit nga ito nakagugulo. Itong dokumento ay nagbibigay rin ng ilang magagamit na paraan upang matulungan ka sa pagpapaunlad ng iyong sariling paraan sa pagpapakilos upang masiguro na ang "pulitika" ay hindi makakasira ng iyong layunin.

Pulitikang May Pinapanigan:

Ang daloy ng pulitika ay hindi pinipili; ito ay isang sukatan ng kultura kung kaya ito ay kusang lalabas kapag mayroong kultura (lipunan). Ang mga ayos ng alokasyon at paggamit ng kapangyarihan, tulad ng sa mga institusyong pampulitikal at mga gawi ay maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa bawat lipunan, ngunit malimit na may sukatang politikal.

Kahit na ang ibang mga partidong pulitikal (nahalal o pinili) ay matatagpuan sa maraming mga lipunan, maaaring may ibang mga institusyon para sa kapangyarihan at sa paggamit o pagpapatupad nito. Sa lahat ng lipunan, may iba't-ibang antas (ng pambansa, pang-rehiyon, pang pamayanan, pang institusyon) na maaaring magkaroon ng kaibahan sa porma at pagpapatupad.

Kapag ang isang tao o partido ay gumamit ng kapangyarihan, ang kapangyarihan na yaon ay maaaring magbigay ng dagdag na benepisyo na madaling makapagbibigay ng tukso at pagkagumon ritosa kapangyarihan). Ang ganitong asal ay ipinapahiwatig sa kasabihan (madalas sabihin) "Ang kapangyarihan ay nakasisira ng katauhan; ang mataas na kapangyaihan ay siguradong nakasisira ng katauhan."

Subalit maaari rin namang ihayag na mayroong tukso para sa mga tao na nasa kapangyarihan upang maging hindi patas sa pagpapatupad nito. Maging ang paggawa ng ilegal, ang paggamit ng kapangyarihan sa baluktot na paraan at ang pagkapit sa kapangyarihan sa anumang paraan ang siyang nagiging resulta nito. Katulad ng ipinaliwanag sa ""Limang Sangkap ng Kahirapan", ang kurapsyon o pagkasira (hindi mapagkakatiwalaan) ay isa sa mga pinakamahalagang kadahilanan sa pagpapatuloy ng kairapan bilang isang problemang pangkalahatan.

Ang mga kagustuhan upang manatili sa poder at paggamit ng kapangyarihan sa maling paraan, samakatwid, ay isa sa mga sangkap na nagpapanatili ng kahirapan. Ang kurapsyon ay nagsisilbing abono para sa lalong kahirapan. Hindi ito nangangahulugan na isa sa mga matandang kadahilan na siyang dahilan ng kahirapan. Ngunit ito ay nagpapanatili, nagpapalago at nagbibigay suporta sa kahirapan. Ito ang dahilan kung bakit kailangang maalis ito kung nais na maalis ang kahirapan.

Kung ang pulitika ay nagpapalaganap ng kurapsyon, ito rin ay nagpapalaganap ng kahirapan.

Ang Mga Pulitikal na Sukatan sa Pagbibigay-Kapangyarihan

Pagbibigay-kapangyarihan sa mga mahihirap at mga pamayanang may mahihirap na kalagayan sa lipunan ay siyang nag-aalishindi ng pagpapa-angat lamang sa kabuhayan) ng kahirapan ─ ang mga ito ay tunay na pulitikal na layunin. Maraming mga tao na may pansariling mga layunin ang ayaw na maganap ang mga nabanggit sa itaas dahil sila ay nakikinabang sa kabuuang ayos ng kasalukuyang lipunan.

Ito ay isang malaki, pangdaigdigang pakikibaka. Dalawang sukatang pang-kultura ang nakapaloob rito, kapangyarihan at mga pagpapahalaga (idiyolohiya o pinaniniwalaang prinsipyo).

Kapag ang gawain mo bilang isang tagapagpakilos ay naging matagumpay, ito ay magdudulot ng isang rebolusyon sa pagbabagong pulitikal, ang pagkaalis ng kahirapan. Hindi ito isang madaling gawain, at mas lalo pa itong mapipigilan kung ito ay mahahaluan ng kampihan sa pulitika.

Mag-isip! Kapag ang kahirapan ay naialis, magkakaroon ng pandaigdigang pagkakahati ng mayaman laban sa mahirap. Iyan ay may malaking epekto pang-pulitikal. Samaktwid, maraming mga mayayaman at makapangyarihan na grupo at tao ang hindi nanaisin na makita ang tagumpay ng ganitong pagsisikap dahil sila ay may sariling mga interes na pinangangalagaan. Iyan ang dahilan kung bakit nanaisin nila na ikaw ay mapigil sa iyong gawain.

Ang mga pansariling mga layunin na ito ay nagtatago sa isang hilaw na konsepto o paniniwala, "paglaban sa pagbabago," o kaya naman ay "ang pagpapanatili ng kultura at trandisyon." Ang gawain ng isang tagapagpakilos ─ ang pagbibigay kapangyarihan sa mga pamayanan na may maliliit na mga kinikita, ang pagsasademokrasya ng paggawa ng desisyon o pasya, ang pag-alis ng kahirapan ─ ay may mahalagang pulitikal na bunga.

Ang Reputasyon ng Isang Tagapagpakilos:

Ang isang masamang reputasyon ay makakasagabal sa iyong gawain. Ang isang magandang reputasyon ay iyong malaking kapakinabangan. Sa ibang mga lugar rito sa mga pahina ay makikita mo na nararapat na ikaw ay matuto ng mga katutubong mga pagpapahalaga, kilos at tradisyon. Itinuturo rin ang mga dapat mong iwasan na mga bagay upang hindi ka maisantabi mula sa mga naninirahan sa isang pamayanan na iyong pagtatrabahuhan.

Ito ay mahalaga, halimbawa, sa iyong pag-uugali at asal tungo sa gawaing-sekswal. Isa pang mahalaga, ito ay nagsasaad ng iyong imahen sa politika. Ang reputasyon sa pulitika ay tila naglalagay sa iyo sa isang kahon; limitado ang iyong galaw; wala kang masyadong mapagpipilian.

Kapag ang mga tao ay nagpasya na ikaw ay tumataguyod o nabibilang sa isang partido sa pulitika, kanila ka nilang kikilalanin sa kung anong klase ang partido na yaon ayon sa kanilang pagkakakilanlan. Tila ikaw ay nailagay na sa isang kahon. Hindi ka na nila gaanong bibigyang-halaga, hahatulan ang bawat kilos mo sa hinaharap bilang isa sa kinikilala mong partido. Kanila ring iisipin na ang iyong kinikilos, gaano man kahalaga, ay isang paraan upang sa mas lalo pang pagpapakilala ng iyong partidong sinamahan at iyan ay sadyang makaka-apekto sa iyong halaga bilang isang tagapagpakilos.

Mas mainam na hindi mo sila bigyang-kahulugan kung saan naka-atang ang iyong damdaming pampulitika; mas bibigyan ka nila ng tuon ( upang mahulaan kung ano talaga ang iyong damdaming pampulitika) at maaaring mas mabigyang-pansin anuman ang iyong sasabihing mga mensahe ukol sa pagbibigay-lakas ng pamayanan. Upang mas maging epektibo, ang isang tagapag-pakilos ay dapat na magtrabaho ng husto upang hindi makilala sa anumang pampulitika sa partido, galaw, idelohiya o pagkakakilanlan.

Usapin ng Stratehiya:

Ang isang elemento sa pulitika, lalo na sa mga bansang kilala sa demokrasyang may mga kinatawan, ay ang pampublikong pagpapaliwanag ng pinapahalagahang pulitika. Sa katunayan, ang mga talumpati ng mga pulitiko ay maaaring maihanulad sa mga sermon ng mga pari o pastor. Katulad ng ipinaliwanag sa mga mudulo ng pagsasanay sa pagpapakilos, ang pagsesermon o paglilitanya ay hindi nakabubuting gamitin ng isang tagapagpakilos.

Ang isang tagapagpakilos ay dapat iwasan ang pagsesermon o paglilitanya, sa usaping pang-relihiyon o pampulitika man. Ang paglilitanya ay nahasasagabal sa pagbibigay-lakas. Ang pagsasanay na nasa mga pahina dito ay hindi nagsasabi kung anong stratehiya ang iyong gagamitin. Mabibigyan ka lamang nito ng mga kakayanan, metodolohiya at prinsipyo para makagawa ka ng stratehiya ng pagpapakilos ayon sa iyong kahusayan.

Mayroon ring mga negatibong epekto ang pagkakaroon ng malapit na pakikipag-ugnayan sa mga pulitiko. Tignan ang Mga Mga Pulitiko. Kapag ikaw ay maglalakad sa mundo ng pulitika, mag-ingat kung saan ka hahakbang. Maaari kasing maiapak mo ang iyong mga paa sa mga bagay na hindi mo naman nais bagtasin.

Mga Teknik sa Pagpapakilos:

Pag-isipan saglit ang pagbabagong-pangkalahatan. Ang kaunlaran ay isang pangkalahatang pagbabago; gayon rin naman ang pagbibigay-lakas na pang-pamayanan. Sa sosyolohiya, ating natutunan na ang pagbabago ay isa sa mga anim na mga sukatan ng lipunan at kultura, na siyang maaaring manguna sa mga pagbabago sa lima pang mga sukatan.

Isang pagpapaalala para sa atin ng anim na sukatan ng lipunan at kultura:

  1. Pananaw na pangdaigdigan
  2. Mga pinapahalagahan
  3. Pakikipagtungo
  4. Kapangyarihan
  5. Ekonomiya
  6. Teknolohiya

Sa ika-19 na siglo, isinuhestiyon ni Karl Marx na ang dalawang nasa ilalim (Ekonomiya at Teknolohiya) ay nagbago ng walang kinalaman sa isa't-isa. At ang pagbabagong ito ay siyang naging dahilan ng mga pagbabago sa apat na nasa itaas nito. Sa kalaunan, sinabi ni Max Veber na ang dalawang nasa unahan na pananaw ay nagbago at ito ay nagdulot ng pagbabago sa apat na nalalabing pananaw. Ngayon, alam natin na ang pagbabagong pangkalahatan o sosyal ay mas kumplikado kaysa dati. Pero ang pagbabago, anuman iyon ay nagdulot rin ng pagbabago sa iba pang mga pananaw.

Sa pangkalahatan, kung nais mong magdulot ng pagbabago sa isang lipunan (o pamayanan) mas madali ito kung ito ay dadaanin sa sukatang pangteknolohiya. Para sa mas nakararaming tao, ang pagbabago sa teknolohiya ay lumalabas na inosenteng pagbabago kaysa kung ang pagbabago ay sa pinapahalagahan, pinaniniwalaan, o kaya ay ayos sa pakikipag-ugnayan idadaan.

Iyan ang dahilan, kung bakit sa pagsasanay ng mga bagong mga tagapagpakilos, o bilang isang tagapagpakilos, ang papapaliwanag ng iyong dahilan at metodolohiya sa mga kasapi ng pamayanan, mas makabubuti na ipunto na ang iyong ipinakikilang teknik ay bago. Ang mga teknik ay nabibilang sa sukatang pangteknolohiya ng kultura at lipunan.

Huwag mong ipangalandakan na nais mong tanggalin o patayin ang kahirapan; maaari itong magbigay ng ikatatakot ng ibang tao. Ang mga teknik ay kasama ng mga armas para sa laban kontra kahirapan. Mga teknik sa pagpapakilos.

Iwasan ang mga kaisipan; ipunto ang teknik.

Kabuuan:

Mahalaga para sa iyo na maintindihan ang mga prinsipyo sa likod ng mga teknik ng pagpapakilos ng pamayanan upang mabigyang-kapangyarihan sila. Kasama na rito ang mga prinsipyo sa pulitika. Mahalaga rin para sa iyo na ipagsabi o kaya ay i-debate ang mga prinsipyong iyon bilang bahagi ng iyong paggawa sa publiko.

Habang ang pagbibigay-kapangyarihan ay isang malakihang proseso na pulitikal, mahalaga rin ito bilang isang paraan para sa iyong paggawa bilang isang tagapagpakilos. Ito rin ang tutulong sa iyo upang hindi ka maikabit sa kahit anong uri ng pulitika na namamayagpag sa iyong paligid.

––»«––

Isang Pagsasanay:


Isang Pagsasanay

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 01.05.2011


 Pangunahing pahina

 Pagbibigay-kapangyarihan