Tweet Mga Salin
Català |
MGA SANGKAP NG KAHIRAPANAng Limang Malalakini Phil Bartle, PhDisinalin ni Dionisio R. Vitan IIILugar ng Pagsasanay Mga PaalalaAno ba ang mga malalaking sangkap ng kahirapan?Ang kahirapan Bilang Pangkalahatang Suliranin Lahat tayo ay madalas na nakararanas ng kakulangan sa pananalapi. Ito ay isang karanasan ng bawat isa. Hindi ito katulad ng suliranin ng kahirapan na pangkalahatan. Habang ang salapi ay ay sukatan ng kayamanan, ang kakulangan ng salapi naman ay maaaring maging sukatan ng kakulangan ng kayamanan, ngunit hindi iyan isang pangkalahatang suliranin ng kahirapan. Mga Prinsipyo." Ang kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay isang malalim na sugat na makikita sa bawat sukat ng kultura at lipunan. Kasama rito ang mga kasapi ng pamayanan na may sadyang maliit na kita. Kasama rin ang kakulangan ng mga serbisyo katulad ng edukasyon, pamilihan, pangangalang pang-kalusugan, kawalan ng kakayanan na gumawa ng mga pagpapasya sa sarili, at ang kawalan ng malinis na tubig, kalinisan at kaayusan, maayos na kalye, transportasyon, at komunikasyon. Sa mas malalim na kahulugan, ito ay isang "kahirapan sa ispiritu," na siyang nagbibigay ng pahayag sa mga kasapi ng pamayanan na siya nilang pinaniniwalaan at pinagsasaluhan sa isa't-isa, kawalan ng pag-asa, kawalang ng pagpapahalaga, at katamaran. Ang kahirapan, lalo na ang mga sangkap na nagpapalala nito, ay isang pangkalahatang suliranin, at ang kalutasan nito ay makikita rin sa paligid kung saan ito namumutawi. Natutunan natin sa mga pahina ng web site na ito na hindi natin malalabanan ang kahirapan sa pamamagitan ng pag-angat ng mga sintomas o ipinapakita nitong mga bunga. Ang kahirapan ay matatalo lamang sa pamamagitan ng paglusob mismo sa mga dahilan ng pinagmumulan nito. Ang mga pulyetos nito ay ay naglilista at nagbibigay-kahulugan sa "Limang Malalaki" na siyang dahilan na lalong nagpapalaki ng suliranin sa kahirapan sa pangkalahatan. Ang simpleng paglilipat ng mga pondo ay hindi nakakatulong sa pag-alis ng kahirapan kahit na ito ay para sa mga biktima ng kahirapan. Sandali lamang nitong naiaalis ang sintomas ng kahirapan kung kaya hindi ito isang mabisang paraan. Ang kahirapan bilang isang pangkalahatang suliranin ay nangangailangan ng isang pangkalahatang solusyon. Ang solusyon ay ang malinaw, may kamalayan at sadyang pag-alis ng limang malalaking sangkap ng kahirapan. Mga Sangkap, Dahilan at Kasaysayan: Ang salitang "sangkap" at ang "dahilan" ay hindi magkapareho. Ang "dahilan" ay ang bagay na nakakaragdag sa pinagmulan ng isang suliranin tulad ng kahirapan. Samantala, ang "sangkap" ay maaaring bagay na nakakaragdag sa patuloy na pagkakaroon ng suliranin matapos na ito ay lumitaw. Ang kahirapan sa pandaigdigang pagsukat ay maraming mga kasaysayang dahilan: paghahari ng dayuhan, pang-aalipin, digmaan at pananakop. Mayroong mahalagang kaibahan sa pagitan ng mga dahilan na yaon at sa mga tinatawag nating mga sangkap na siyang nagpapanatili ng kalagayan ng kahirapan. Ang kaibahan ay sa kahulugan ng kung ano ang ating magagawa sa ngayon para sa mga bagay na ito. Hindi tayo maaaring bumalik sa kasaysayan upang baguhin pa ang nakalipas na. Ang kahirapan ay nananatili. Ang kahirapan ay may dahilan. Ang ating maaaring gawin sa suliraning ito ay ang arukin ang mga sangkap na siyang nagpapalaganap at nagpapalala ng kahirapan. Isang hayag na kaalaman na maraming mga bansa sa Europa ang lubusang naghirap matapos ang maraming mga digmaan na naganap sa kanila tulad ng World War I at II. Kung saan ang mga tao ay nbuhay na lamang sa pamamalimos at awa ng ibang mga tao. Makalipas ang ilang mga dekada, kanilang dinala ang kanilang mga sarili sa tunay na pagkakaroon ng pagkakaitaan sa loob ng kani-kanilang mga bansa. Ito ay nagdulot ng ibayong yaman at sila ay nauwi sa pagiging moderno, at makapangyarihan mga bansa ng mga masagang mga tao. Alam rin natin na maraming mga bansa ang nananatiling mga mahihirap pa rin sa kabila ng mga bilyong-dolyar na "tulong" na pera na ginastos sa kanila. Bakit? Dahil ang mga sangkap ng kahirapan ay hindi tinumbok kungdi yaong mga sintomas lamang. Sa mataas na antas na pang-bansa, ang isang mababang GNP (gross domestic product) ay hindi ang kahirapan mismo; ito ay sintomas lamang ng kahirapan, bilang isang pangkalahatang suliranin. Mga sangkap ng kahirapan (bilang isang pangkalahatang suliranin) na nakatala rito ay ang, kawalang-kaalaman, sakit, kawalang-pagpapahalaga, hindi mapagkakatiwalaan/a> at pagiging palaasa, ay dapat makita bilang mga kalagayan. Walang moral na paghuhusga ang sinadya. Hindi sila mabuti o masama, kungdi sadyang ganyan lang. Kung magiging isang desisyon ng isang pangkat ng tao sa isang lipunan o pamayanan ang pag-alis ng kahirapan, kailangang gawin nila iyon ng walang paghuhusga. Bantayan at kilalanin dapat ang mga sangkap at alamin kung papaano ang mga ito ay maaalis upang matanggal ang kahirapan. Ang limang malalaki sa kabilang banda, ay nakakaragdag pa lalo sa mga sangkap ng kahirapan tulad ng kawalan ng lugar na kung saan makakapagtinda, masamang-lagay ng mga daan o gusali, mahinang at masamang pamumuno, kawalan ng mapapasukang trabaho, kawalan ng mga kasanayan sa ba't-ibang uri ng trabaho, laging pagliban sa pinapasukan, kawalan ng kapital, at iba pa. Ang alin man sa mga ito ay isang pangkalahatang suliranin, at ang bawat isa ay naging bunga ng isa o higit pa mula sa limang malalaki. Ang alin man sa mga nabanggit ay nagpapatagal ng kahirapan at ang kanilang tuluyang pag-alis ay kailangan upang matanggal ang kahirapan. Ating bigyang-sulyap ang lahat ng limang malalaki. Kawalang-Kaalaman: Ang kawalan ng kaalaman ay nangangahulugan ng kakapusan sa impormasyon o kahibalo. Iba ito sa pagiging bobo na ang ibig sabihin ay kakapusan ng talino. Iba rin ito sa pagiging tanga o hangal na kakapusan naman sa karanasan. Madalas kasi na ang tatalong ito ay napapagpali-palit at madalas inaakala ng mga tao na iisa lamang ang kahulugan nila. "Ang kaalaman ay kapangyarihan," ayon sa kasabihan. Ang malungkot lamang, alam ito ng ibang mga tao ngunit mas ninanais nila na sarilin ang kanilang kaalaman (bilang isang kasangkapan sa pagkuha ng lamang sa ibang tao), at kanila pa itong itinatago mula sa ibang tao. Huwag mong asahan na kapag ikaw ay nagturo sa isang tao ng kasanayan o nagbigay ka kaya ng impormasyon sa kanya ay kusang kakalat ang impormasyon o kasanayan na iyon sa buong pamayanan. Mahalaga na malaman at maintindihan kung anong impormasyon ang hindi napaloob. Maraming nagpla-plano at matatalinong mga tao ang naniniwala na kung nais mong tulungan ang isang pamayanan na lumakas, ito ay nakasalalay sa edukasyon. Ngunit ang edukasyon ay maraming mga mukha at bagay. Ang ibang mg impormasyon ay maaaring hindi mahalaga sa kung ano ang sitwasyon sa isang pamayanan. Hindi makakatulong sa isang magsasaka na malaman na sina Florante at Laura ay may masalimuot na pag-iibigan. Mainam pa ang pag-alam sa kung anong uri ng buto ng halaman ang maaaring mabuhay sa kanilang lupang sinasaka at ano ang hindi na dapat pang itanim pa. Ang pagsasanay sa mga serye ng dokumento sa pagbibigay-kapangyarihan sa pamayanan ay naglalaman rin ng pagtatawid ng kaalaman. Hindi ito katulad ng isang pag-aaral na makikita sa silid-aralan na kung saan ay may sinusunod na mga alituntunin ayon sa antas ng kaalaman ng mag-aaral. Dito ay itinutuon ang pag-aaral sa mga kaalaman sa kung papaano magkakaroon ng kakayanan na lalo pang lumakas ang isang pamayanan. Sakit: Kapag ang isang pamayanan ay may mataas na antas ng pagkakasakit, mas madalas ang pagliban sa trabaho, mas mababa ang producksiyon, at mas maliit na kita ang nagagawa. Maliban sa mga bagay na hatid ng mga sakit, tulad ng paghihirap, kawalan ng saya, at kamatayan, ito rin ay isang malaking sangkap sa paghihirap na nadarama ng isang pamayanan. Ang pagging malusog ay hindi lamang nakatutulong sa isang tao upang mamuhay ng maayos. Ito rin ay nakakaragdag sa pag-alis ng kahirapan sa isang pamayanan. Kahit saang lugar man, ang pag-iingat ay mas mainam na pansangga sa mga sakit kaysa sa mga gamot. Ito ay isa sa mga pangunahing isinusulong ng PHC (primary health care o pangunahing pangangalaga sa kalusugan). Ang ekonomiya ay mas masagana kung ang mga tao ay malulusog; mas higit kaysa kung ang tao ay nagkakasakit at kailangang gamutin. Ang kalusugan ay tumutulong upang maalis ang kahirapan, na mas lalong naipapakita sa pagkakaroon ng ligtas at malinis na maiinom na tubig, pagkakaroon ng maayos na sanitasyon o pagkakahiwalay ng mga dumi sa pinagkukunan ng tubig, kaalaman sa kalinisan at pag-iwas sa mga sakit. Ang mga ito ay nakahihigit kaysa sa pagkakaroon ng mga klinika, mga doktor at mga gamot na alam naman nating may kamahalan. Mas makakatipid ang pamayanan sa pagkakaroon ng kaalaman sa pag-iwas sa mga sakit. Tandaan na mas nakatuon angpansin natin sa mga sangkap, hindi sa mga pinagmumulan. Hindi na mahalaga kung ang TB o tuberkolosis man ay dala ng mga dayuhang-puti na unang nakipagkalalakal sa ating mga ninuno o ang sakit na ito ay likas na sa ating lugar. Hindi na mahalaga kung ang HIV na siyang nagdadala ng sakit na AIDS ay sanhi ng CIA (Central Intelligence Agency ng Amerika) dahil sa kagustuhan nilang gumawa ng sandatang bayolohikal, o kung ito man ay galing sa mga berdeng mga unggoy sa mga sopas. Ang lahat ng nabanggit ay maaaring mga pinanggalingan ng mga sakit. Ang pag-alam sa pinaggalingan ng sakit ay hindi mag-aalis ng mga sakit. Ang pag-alam sa mga sangkap na nagdudulot ng sakit ay makapagbibigay ng tamang direksiyon tungo sa mas mainam na kalinisan at tamang asal sa kalusugan. ANg mga ito ay tuluyang makapag-aalis ng sakit. Maraming mga tao ang naniniwala na ang pagkakaroon ng pag-aalagang pangkalusugan mula sa mga mnamumuno ay isang karapatan ng tao. Nakapaloob rito ang pagtanggal ng sakit at paghihirap at mas mataas na kalidad ng pamumuhay ng mga tao. Ang lahat ng mga ito ay isang balidong katwiran na siyang nagpapalawig ng kalusugan ng mga tao. Ang pinagtatalunan rito ay ang katwiran na ang malusog na mamamayan ay nakakatulong sa pag-alis ng kahirapan, at hindi dapat sukatin lamang ang kahirapan sa antas ng pagkakaroon ng sakit at kamatayan. Tandaan rin ang mga sakit ay nakararagdag sa iabng mga porma at aspeto ng kahirapan. Kawalang-Pagpapahalaga: Ang kawalang-pagpapahalaga ay nangyayari sa tao kapag nawalan na sila ng pakialam, o kung pakiramdam nila ay wala silang kapangyarihan upang mabago ang mga bagay sa paligid nila, na itama ang isang kamalian o pagkakamali, o kaya ay gawing mas mainam ang ayos ng kanilang pamumuhay. Minsan, ang mga tao ay nakararamdam na hindi nila makakamit ang isang bagay. Madalas rin na nakararamdam sila ng selos o inggit sa mga kamag-anak o tao sa pamayanan na nagsisikap na makamit ang mga bagay na hindi nila masubukang kamtin. Pagkatapos ay pinipilit nilang ibagsak ang taong nagsisikap upang maging katulad nilang naghihirap rin. Ang pagiging walang pakialam ay nagbubunga ng kawalan ng pagpapahalaga. Minsan, ang kawalan ng pagpapahalaga ay tama ayon sa relihiyong pinaniniwalaan, "Tanggapin kung ano ang nandiyan, dahil itinakda na ng Diyos ang iyong kapalaran." Ngunit ang ganyang paniniwala ay maaaring maabuso o gamitin sa mali. Tama lamang na maniwala na ang Diyos ang nagtakda ng iyong kapalaran, kung ating tatanggapin na ang Diyos ay maaaring magpasya na kailangang iahon natin ang ating sarili sa kahirapan sa pamamagitan ng pagsisikap."Manalangin sa Diyos, ngunit patuloy pa ring sumagwan patungo sa katihan," isang kasabihan ng mga Ruso, na nagpapakita na tayo ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit mayroon rin tayong pananagutan sa ating mga sarili. Tayo ay nilikha na mayroong mga kakayanan at abilidad: upang mamili, upang makipagtulungan, upang maging maayos para sa ikauunlad ng antas ng ating mga buhay; hindi natin dapat gamitin ang Diyos o si Allah upang huwag ng kumilos pa. Iyan ay masama tulad ng isang sumpa mula sa Diyos. Marapat na ating purihin ang Diyos at gamitin ang angking kakayanan na nagmula sa Kanya. Sa laban kontra sa kahirapan, ang isang tagapagpakilos ay gumagamit ng panghihikayat at pagpupuri, upang ang mga tao ay (1) magkaroon ng kagustuhan at (2) at matuto kung papaano ang gagawin ─ sa tamang pagpapatakbo ng kanilang sariling mga buhay. Hindi Mapagkakatiwalaan: Higit pa sa usaping moral ang naganap kapag ang mga dapat magamit na mga bagay para sa serbisyo o pasilidad ng isang pamayanan ay napunta lamang sa bulsa ng mga taong nasa kapangyarihan. Sa ,ga serye ng pagsasanay na ito, hindi natin binibigyan ng husga kung ito ba ay tama o mali. Atin lamang ipinupunto na ito ay isa sa mga malaking dahilan ng kahirapan. Kawalan ng tiwala sa mga taong dapat ay binibigyan ng tiwala, mga taong nasa poder at kapangyarihan. Ang halaga na ninakaw sa masa, na siyang najuha at tinatamasa ng taong kumuha, ay malayo kaysa sa pagliit ng kayamanan na siyang dapat na nakalaan para sa masa. Ang halaga ng salapi na sapilitang kinuha o kaya ay winaldas ay hindi ang halaga ng pagpapababa ng kayamanan para sa isang pamayanan. Sinasabi ng mga Ekonomista ang tungkol sa "multiplier effect" o epektong-pangmaramihan. ito ay ang katotohanang higit pa sa bagay na kapalit ng salapi o bagay na ipinunla sa isang pamayanan ang makukuha, sapagkat ang ekonomiya mismo ang siyang magkakaroon ng positibong epekto sa ginawang pagpupunla. Kapag ang ipinunla na salapi o bagay ay inalis ng tuluyan sa sirkulasyon ng pagpupuhunan, ang halaga ng kayamanan na naialis sa pamayanan ay higit pa sa halaga ng nakuha ng isang nagwaldas. Kapag ang isang tauhan o opisyales ng pamahalaan ay kumuha ng 100 pisong suhol, ang puhunan para sa pangkalahatan ng pamayanan ay nababawasan ng hanggang 400 piso para sa kayamanan ng lipunan. Nakalulungkot isipin na tayo ay nagagalit kapag ang isang simpleng magnanakaw ay nanguha ng 10 pisong halaga ng bagay mula sa isang palengke, samantalang ang isang opisyal ng pamahalaan ay nakapagnanakaw ng libo-libo hanggang milyung-milyong pisong halaga ng salapi mula sa kaban ng bayan. Ang halagang nananakaw na ito mula sa kaban ng bayan ay may katumbas na apat na beses na pagkasira sa lipunan sa kabuuan, ngunit hindi natin sila napapansin o nahuhuli kaya. Iyan ay sapagkat ating iginagalang, pinangingilagan ang mga ganitong uri ng tao dahil sa kanilang kayamanan at madalas nga ay pinupuri pa nating sila kapag sila ay nakakatulong sa kanilang mga kamag-anakan o kababayan. Sa isang simpleng magnanakaw, pulis ang ating inaasahan upang sila ay mahuli, samantalang sa isang magnanakaw na opisyales ay halos 'bulag' ang ating hustisya. Ang mga ganitong opisyales na hindi mapagkakatiwalaan ang siyang malaking dahilan ng kahirapan samantalang ang simpleng magnanakaw ay isang biktima ng kahirapan na gawa ng opisyales na hindi magnanakaw. Ang nabanggit na sitwasyon ay higit pa sa isang nakalulungkot na kaisipan; iyon ay isang sangkap na nagpapatagal ng kahirapan. Kapag ating binibigyang gantimpala (sa pamamagitan ng pagtingala sa kanilang estado sa buhay bilang mayaman) ang mga magnanakaw sa gobyerno na siyang malaking sangkap ng kahirapan, at pinarurusahan lamang ang mga maliliit na magnanakaw (na siyang tunay na biktima ng mga pangyayari), tayo ay may pag-uugali na siyang lalong nagpapalala ng kahirapan. Kapag ang ninakaw na pera ng bayan ay inilabas ng bansa at inilagak sa isang dayuhang (halimbawa ay sa mga Swiso) bangko, hindi na ito nakakatulong sa pambansang ekonomiya; tinutulungan lamang nito ang bansang nagpapatakbo ng mga naturang mga bangko. Pagiging Palaasa: Ang pagiging palaasa ay nagiging bunga ng pagtanggap ng limos o awa. Kung minsan, ang pagtanggap ng limos ay hindi masama, kung ito ay nagaganap para sa panandaliang pagsagip ng buhay. Ang halimbawa ay kung makalipas ang isang sakuna o kalamidad. Ngunit kung ang pagtanggap ng limos ay gaganapin sa mahabang panahon, ito ay maaaring makasama ng tuluyan sa tumatanggap, at lalo lamang nagpapalaganap ng kahirapan. Isang ugali, o paniniwala na ang kung ang isang tao ay napakahirap at walang kakayanan at hindi niya kayang tulungan ang kanyang sarili ay kailangang umasa na lamang siya sa tulong mula sa ibang tao. Ganoon rin ang nangyayari sa isang lugar na may kahalintulad na ugali o paniniwala. Ang malungkot, ang ganyang ugali at ang magkakaparehong maling paniniwala ang siyang pinakamalaking katwiran sa sarili upang mapanatili ang antas ng tao o grupo ng tao na umasa na lamang mula sa tulong ng iba. Marami pang ibang mga dokumento at sulatin sa web site na ito na tumatalakay sa pagiging palaasa Tignan: Pagiging Palaasa, at Paglantad ng mga Nakatagong mga Pagkukunan. Kapag ipapakita kung papaano gagamitin ang paglalahad ng mga istorya o kuwento upang mas mainam na maiparating ang mga mahahalaganag mga prinsipyo o paniniwala ng pag-unlad, tignan ang istorya ni Mohammed at ang Tali. Ito ay ginagamit bilang isang magandang pagpapakita ng prinsipyo na ang tulong ay hindi dapat isang uri ng limos na maaaring magpahina ng kakayanan, at mas lalong maghikayat ng pagiging palaasa. Ang dapat na tulong na binibigay ay iyung nagbibigay-kapangyarihan. Ang metodolohiya ng pagbibigay-kapangyarihan sa isang pamayanan ay isang alternatibo o kapalit sa pagbibigay-limos (na nagpapahina). Ito ay nagbibigay tulong o asistiya, kapital at pagsasanay na nakatuon sa mga may maliliit na kitang mga pamayanan, pagkilala ng kanilang mga pagkukunan-yaman at sariling-pagpapatakbo ng kanilang sariling kaunlaran--pagiging may-kapangyarihan sa madaling salita. Madalas, kapag ang isang proyekto ay nakatuon sa pagpapakilala at pagpapa-unlad ng pagtayo sa sariling mga paa ng isang pamayanan sa pamamagitan ng pagpapataas ng kaalaman at kamalayan ng mga tao, inaakala na ang proyekto ay dumating para lamang sa pagpapatayo o paglalagay ng isang pasilidad o serbisyo sa isang pamayanan. Bilang isa sa mga limang-malalaking sangkap ng kahirapan, ang pagiging palaasa ay isa sa mga pinakamalapit na inaalala ng isang tagapagpakilos sa isang pamayanan. Kabuuan: Itong limang sanhi ay hindi nagsasarili sa bawa’t isa. Ang karamdaman ay tumutulong sa kamangmangan at kawalang-damdamin. Ang panlilinlang ay tumutulong sa karamdaman at pagpapakalinga. Kapwa sila tumutulong sa bawa’t isa. In any social change process, we are encouraged to "think globally, act locally." The Big Five factors of poverty appear to be widespread and deeply embedded in cultural values and practices. We may mistakenly believe that any of us, at our small level of life, can do nothing about them. Huwag malungkot o mawalan ng pag-asa. Kung ang bawat isa sa atin ay magkakaroon ng sariling paglalaan upang malaban ang kahirapan sa kahit anong mukha nito sa ating buhay, tayo ay makapag-aambag upang mapuksa ang mga sangkap ng kahirapan na nabanggit para sa tunay na tagumpay laban sa kahirapan. Ito ay sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng lahat ng paggawa ng bawat tao na may parehong layunin, isama pa ang epekto nito na makikita sa ibang mga tao na maaaring tumulad sa ating mga ginagawa para sa iisang layunin: pagpuksa ng kahirapan. Ang mga materyales ng pagsasanay sa web site na ito ay nakatuon sa pagpapaliit ng antas ng kahirapan sa dalawang antas, (1) pagpapababa ng kahirapan sa pamayanan sa pamamagitan ng pagpapakilos ng mga tao o grupo ng tao sa isang pamayanan upang sila ay magkaisa, bumuo kilusan at kumilos para sa sama-samang pagkilos ng pamayanan, at (2) pagpapababa ng kahirapan sa sarili sa pamamagitan ng paggawa upang magkaroon ng pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga maliliit na negosyo. Ikaw, bilang isang tagapagpakilos ay nasa isang mahalagang posisyon upang magkaroon ng epekto sa limang-malalaki na mga sangkap ng kahirapan. Sa paggamit ninyo ng inyong mga kasanayan at pagpapakilos para sa pagpapababa ng kahirapan, makakasiguro kayo ng inyong mabuting layunin, makapipigil sa mga taong may masamang layunin upang sirain ang mabuting kaayusan, at makapanghihikayat kayo sa tamang paraan sa mga kalahok na tao upang subukang magamit nila ang mga kasanayan sa paglaban sa mga sangkap ng kahirapan. Ang limang malalaking mga sangkap ng kahirapan (bilang isang problemang-pangkalahatan) ay naglalaman ng : kawalang-kaalaman, sakit, kawalang-pagpapahalaga, hindi mapagkakatiwalaan at pagiging palaasa. Ang mga ito, sa isang banda, ay nagpapalala sa pangalawang mga sangkap ng kahirapan tulad ng kawalan ng palengke o lugar na mapagnenegosyuhan, kawalan ng mabuting mga inprastraktura (mga daan, tulay, gusali), mahinang pamumuno, masamang pamamahala, kawalan ng trabahong may tamang pasahod, kawalan ng mga kasanayan, kawalan ng perang gagamiting kapital at marami pang iba. Ang solusyon sa pangkalahatang suliranin sa kahirapan ay ang pangkalahatang solusyon sa pag-alis ng mga sangkap ng kahirapan. ––»«––Kamalayan ng Pamayanan; Kalusugan at Kalinisan: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pagbibigay-kapangyarihan |