Pangunahing Pahina
 Pagbibigay-kapangyarihan




Mga Salin

Català
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
日本語 / Nihongo
Kiswahili
Polszczyzna
Português
Română
Tiếng Việt

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

PANGANGALAGA SA KULTURA

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Dionisio R. Vitan III


Iniaalay kay Audra Taillefer, Aktibista at Dalubhasa


Kung gayon, nais mong mapangalagaan ang iyong kultura.

Mabuti naman. Ganoon pa man, baka mabigla ka na malaman na isa kang panganib sa iyong kultura kung nais mo itong mapangalagaan.

Para bang isa itong nakalilitong kaisipan? Hindi kung maingat mong titignan kung ano talaga ang kultura at alamin kung papaano mo ito mapapalakas pa. Ang metodolohiya ng pagbibigay-kapangyarihan ang nasa web site na ito, hindi ang pangangalaga lang.

Nais mo bang magkaroon ng kapangyarihan ang iyong kultura o mapangalagaan lang ito? Nasa iyo ang pagpapasya. Mamili lamang sa isa. Hindi mo maaaring magawa ang dalawa.

Katangian ng Kultura

Bago natin pag-usapan ang pagpapanatili ng kultura, sumang-ayon muna tayo sa tunay na kahulugan ng kultura. Ang pinaka-madaling kahulugan ng kultura ay ito: binubuo ito ng lahat ng ating kaalaman.

Ilan sa mga dokumento ng pagsasanay ng web site na ito ay tungkol sa kultura. Tignan ang dalawa sa mga ito: Kultura at Ano ang pamayanan? Pareho itong nagbibigay-diin na ang kultura ay ang sistema ng sosyo-kultural o lipunan, na ito ay ang ating mga paniniwala at kilos sa lipunan na hindi maaaring mamana mula sa ating pagkapanganak. Ito naitatabi at naipapamahagi sa pamamagitan ng mga simbolo. Sila ay nagtataglay ng anim na kasukatan: ang kasukatan ng teknolohiya, ekonomiya, politikal at institusyunal (pagkilos) , at ang kasukatan na kultura na pisikal at pinapahalagahan, at ang pananaw o pagtingin sa kalikasan ng sanlibutan.

Ang madalas, pang-araw-araw, o salitang-kalye na kahulugan ng kultura ay kung papaano natin nakikita ito sa agham ng pakikisama bilang isa sa anim na kasukatan, ang panglabas na anyo. Ang pagtatambol at pagsasayaw sa Africa, patatambol at pag-awit sa parteng-Aboriginal ng Hilagang Amerika, baley at opera sa Europa, ang lahat ng mga ito ay bahagi ng kultura, ngunit hindi ng kabuuan ng kultura.

Ang mga tradisyunal na awit, sayaw at tugtugin ay mahalagang bahagi ng pagkakakilanlan ng nagsasagawa nito, kung kaya aming masugid na binibigyang suporta ang pagpapaniti ng mga ito. Karagdagan pa riyan, ang pagdaragdag, pagpaparami ng anyo at pagpapakita, at ang pagpapakita at pagpapalaganap ng nilalaman nito sa lahat ng lipunan. Ang isang malakas na kaisipan ng pagkakakilanlan ay isang mahalagang elemento sa pagpapalakas ng pamayanan at ng kanilang kultura. Tignan ang mga Simulain ng Pagbibigay-Kapangyarihan.

Nasa sa ibang kasukatan, at ng ibang aspeto ng halaga ng sukat, kung saan ang pangangalaga sa kultura ay maaaring makasira sa lakas nito.

Katangian ng Pangangalaga

Mag-isip ng mga bagay na napangalagaan: mga binurong pagkain sa isang garapon, paruparo sa isang lalagyang-salamin, balat na ginawang pitaka, minatamis na blackberry sa garapon, troso para sa gagawing bahay, mga insekto sa dagta ng isang puno, mga palaka sa isang garapon na may formalin. Lahat sila ay may isang bagay na magkakapareho: lahat sila ay may buhay noon (o bahagi ng isang buhay na nilalang) aat ngayon ay mga patay na lamang.

Ang proseso ng pangangalaga ay isang bagay na kung saan ito ay dapat hindi masira at magtagal pa, hindi dapat magkaroon ng pagbabago, hindi na dapat mabuhay pa muli. Ang maging buhay ay nangangailangan ng paggalaw, ng pagbabago.

Kaya kung gusto mong maiwasan na magbago ang isang bagay, kailangan mo itong supilin. Tutal, magbabago rin naman ito (kahit itanong mo pa sa kahit sinong Buddhist) kahit papaano mo ito mapangalagaan.

Hayaang Lumago at Lumakas ang Kultura.

Kung babalikan ang mga dokumento ukol sa kultura; mapapansin na ang kultura ay isang buhay na bagay. Ito ay binubuo ng mga simbolo, kahulugan at ugali ng mga tao, ngunit maaaring mabuhay higit pa sa buhay ng mga taong nagtataglay nito. Tila isang buhay na organismo, ngunit hindi isang nilalang. Ito ay tumatawid pa sa kung ano ang bayolohikal.

Hindi kita kayang bigyan ng kalayaan. Kung naibibigay ang kalayaan, ito ay maaaring makuha muli mula sa iyo (ayon sa mga katuruan ni Lao Tsu) at ito ay hindi isang tunay na kalayaan.

Ang pagsasanay ng pagbibigay-kapangyarihan sa web site na ito ay nakatuon sa paglaban sa kahirapan at kaapihan, hindi ng mga mahihirap at mga naaapi. Ang pamamaraang ito ay nakatuon upang mapalakas ang pamayanan ng mga mahihirap at mga naaaping mga tao. Para sa mga pamayanan na maging malakas, kailangang sila ay magbago, samakatwid, ang kanilang kultura ay kailangang magbago rin. Kailangang silang mga tao ang gumawa nito; kami ay makapagbibigay lamang ng gabay at mga panimulain, ngunit hindi para gawin o ibigay sa mga tao ito ng kusa lamang.

Sa kadahilanang ang kultura ay pangkalahatan ng mga kaalaman ng mga tao, ang pagbabago na kailangan upang maging malakas sila sa isang pamayanan ay nangangailangan ng pagbabago sa kultura. Ang pag-unlad ay pagbabago at ganoon rin naman ang pagkabulok). Kung ganoon, hayaan ang mga tao na umunlad.

Ang isang bulaklak ay mamumukadkad kung makakauha ito ng sapat na tubig, sikat ng araw, lupa at sustansiya. Hindi ito lalago kung ito ay bubunutin mo lang. Maaaring magbigay kami ng kailangang tubig at sustansiya, ngunit ang bulaklak mismo (katulad ng mga mahihirap na pamayanan) ang siyang dapat gumalaw upang lumago. Ang pagbunot sa halaman ng bulaklak ay katulad ng sosyal na pagtatatag. Ang pagbuhay dito sa pamamagitan ng paglalaan ng tubig at sustansiya upang lumago at mabuhay at lumakas ay pamamaraan ng pagbibigay-kapangyarihan sa bulaklak.

Maraming tao ang naniniwala sa maalamat na nakaraan kung saan ang tradisyunal na kultura ang siyang pinakamataas. Ngunit iba ang sinasabi ng mga ebidensiya. Ang "magagandang nakaraan" ay hindi naman nangyari. Walang pamayanan bago ang pagsakop ng mga ibang dayuhan ang hindi nagbago. Mayoong mga ebidensiya ng dahas, mga digmaan, ng mga kaapaihan, ng pagbabago at pagbagay sa pagbabago. Hindi tayo dapat maniwala sa isang hindi-totoong nakaraan at subuking mapanatili ang isang bagay na hindi naman naganap o nangyari. Noon at ngayon, ang lakas, paglago at pananatili ay kinailangan at kailangan ng pagbabago at paninidigan.

Pumili

Sinabi namin kanina na aming pinasisigla ang pangangala ng mga awit, sayaw at musika o tugtugin, dahil ang mga ito ay nagbibigay ng kakikilanlan. Ito ay isang importanteng kakayanan sa kakayanang pag-unlad. Ngunit naiisip namin na ang ibang gawi at pagpapahalaga ay kailangan sa pagbabago kung ang pamayanan ay upang maging malakas.

Pansamantalang isipin na ang kultura ay katulad ng pananamit. Sa katunayan, ang pananamit ay isang teknolohiya, bahagi ng ating kultura. Tayo ay nagsusuot ng iba-t-ibang damit ayon sa sitwasyon sa kapaligiran. Hindi tayo nagsusuot ng pampaligong damit sa pangangaso ng makakain sa isang lugar na may niyebe o yelo, at hindi naman tayo nagsusuot ng makakapal na damit na panglamig kung tayo ay maliligo sa isang lugar na may mainit na klima. Upang lumago at makibagay sa nagbabagong kondisyon, tayo ay dapat na mag-suot ng iba't-ibang aspeto ng ating kultura.

Isa pang paglalarawan: isipin na ang kultura ay isang paraan ng paglalakbay. (Ang ating paraan ng paglalakbay ay isang aspeto ng teknolohiya sa ating kultura.). Hindi tayo nagmamaneho ng dyip sa dagat kung nais nating mangisda.. Hindi tayo sumasakay ng bangka kung gusto nating mangaso ng usa. Tayo ay namimili at pumupili ng kung ano ang dapat at epektibo.

Kailangang magkaroon tayo ng ibang katangian sa ating kultura kung ang ibang aspeto ng ating kultura sa ngayon ay nakasasagabal sa ating pamumuhay, paglago at pagtatagumpay sa kapaligiran kung saan tayo nakatira. Tignan ang dokumento sa FGM.

Ang ibang mga katangian ng kultura ay kagalang-galang at katangi-tangi. Ngunit kung ang mga ito ay nagpapahina sa atin at nangangamatay na, kailangang palitan ang mga ito ng mga bagong katangian tulad ng pagpapalit ng lumang damit o paggamit ng makabagong sasakyan pangtransportasyon. Kung ating sasabihin, "Oh hindi kami nagsasakdal at nakikipaglaban," at tayo ay may mataas na pagtingin sa aspetong iyan ng kultura, samaktwid, kapag hindi tayo lumaban sa bagay na tamang ipaglaban para sa sarili natin, tayo rin ang mawawalan.

Kung ating sasabihin, "Oh kami nagbibigay respeto at sumusunod sa mga taong nasa kapangyarihan," at kung ang mga taong iyon ay masama at magnanakaw, samaktwid, kailangang panandaliang isantabi ang katangian ng kulturang ganyan at gumayak ng mas nakakatulong na katangian. Kung hindi, tayo ay magagamit, mananakwan at maaapi ng ating mga mananakop o mga namumuno.

Samatwid, hindi nating dapat sabihin na dapat nating piliin ang pinakamagaling na katangian ng ating kultura at dapat na mapangalagaan ito. Ang kailangang sabihin natin ay ang pagpapanatili ng ating pagkakakilanlan, ngunit kailangan rin na ang ating mga paniniwala, pag-iisip, mga galaw, at mga nakasanayan na ay magawang makibagay roon sa mga bagay na lalong magpapalakas sa atin (hindi doon sa magbibigay puri nga sa atin ngunit nagpapahina naman sa katagalan). Katulad ng pagsusuot ng 'parka' na maina at katangi-tangi sa lugar na may niyebe ngunit hindi naman para sa lugar na tropiko.

Ang modernong Aprika pagkatapos ng pananakop ng mga dayuhan at ang Latin-Amerika, mga pamayanan ng Aborigins ngayon sa Kanluran o ng mga lipunan sa Europa, mga mahihirap na bansa sa mundo, at ng lahat nga mga namumuhay sa kapaligirang nangangailangan ng pagbabago sa iabng katangian ng kultura. Kailangan maging mapili tayo doon sa nababagay na mga katangian upang lalo tayong lumakas, para sa ating pagbibigay-lakas sa ating mga sarili.

Samakatwid; Nais mo bang mapanatili ang kultura?

Sa pagsasanay ng pagbibigay-lakas, ating binibigyang-pansin na ang paghimok sa paglahok ng pamayanan at sa pagdedesisyon nila ay hindi nangangahulugan na sinasangayunan at tinatanggap ang lahat ng gusto ay saloobin ng mga miyemro nito. Ito ay ngangahulugan ng pagsubok at paghimok sa mga miyembro ng pamayanan na ihayag at maingat na suriin anuman ang kanilang gusto at gustong gawin. Sa huli, kailangang sila ang pumasan ng responsibilidad.

Bahagi ng pagsubok ninyo bilang isang aktibista ay maging klaro sa sariling isipan anuman ang ibig sabihin ng mga bagay na ito. Kung ano ang pinahihiwatig, kung ano ang maaaring maging bunga sa huli. (Iyan ang dahilan kung bakit tinanggihan natin ang pagpapababa ng antas ng kahirapan, bagkus ay mas isinulong natin ang pag-alis ng kahirapan).

Ang kaisipan ng Pagpapanatili ng Kultura" kapag hindi napagtantong mabuti, ay tila masarap sa pakiramdam Sa simula, akala natin ay magagawa nating suportahan ito. Ngunit sa matamang pagtingin, sa isang banda, ay matutuklasan na ito ay kabaligtaran lamang ng kung ano ang tunay nating nais.

––»«––

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 01.05.2011


 Pangunahing pahina

 Pagbibigay-kapangyarihan