unang pahina
 Paggawa nang Kita




Mga Salin

Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
日本語 / Nihongo
한국어 / Hangugeo
Português
Română
Türkçe
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

mga laman

mga laman

mga laman

mga laman

mga laman


PAGLIKHA NANG KITA, KAHIRAPAN AT KAYAMANAN

ni Phil Bartle, Doktor ng Pilosopiya

Isinalin ni Gerasmo G. Pono


Pinakagitnang Dokumento sa Paksang Ito

ang gabay na ito ay para sa mga tagasanay na kumikilos doon sa pamayanan na maaring baguhan pa sa ganitong pagsasanay o mga nagpapaunlad nang kanilang kakayhan. Ito ay nakatuon doon sa mga paniniwala na nsas likuran nang mga pamamaraan at gawain na nakapaloob doon sa mga dokumento sa dakong ito.

Panimula:

Sapagkat, ikaw bilang tagasanay ay nagsimula nang isang gawain, sa pagpapatupad nang mga gawain pag ahon sa kahirapan, dapat mong malaman ang mga pangunahing paniniwala na nasa likuran nang mga gawain at pamamaraan na inyong ipapatupad. Malaman mo kung paano lutasin ang pinagmulan nang kahirapan, at hindi ang kanyang ipinapakita.

Malaman mo na ang kalaban ay ang kahirapan, at hindi ang mga mahihirap. Malaman mo na upang matigil ang kahirapan, ang kayamanan ay dapat mabuo; ang karaniwang paglipat nang gamit panahi galing sa isang tao patungo sa iba ya nagbigay lang nang pananadaliang ginhawa. Malaman mo na ang kahirapan ay isang suliranin nang mga tao, at ang pagtulong nang mga tao ay magkaiba kung sa pagbigay nang maasahang lunas sa suliranin na iyon

Ikaw ay magkaroon nang mga tao na bigyan nang tulong at ikaw ay gumamawa nang mga pagbabago sa kanilang mga buhay. Pag ikaw ay walang kaalaman sa mga bagay ukol sa ekonomiya at mga tao, malamang ang kinalabasan sa inyong ginagawa ay hindi magandang bagay. Tandaan ang unang panunumpa nang mga mangagamot, "Huwag kang manakit". At ito ay gawin mong pinakagabay sa iyong gawain.

Ang pang hinaharap na pakay ay ang pag ahon sa kahirapan. Ano ang dahilan nang kahirapan?

Di natin matigil ang kahirapan pag ang ating ginagawa ay panandaliang lunas lang nang sakit na dulot nito. Iyon ay ang ipinakikita lang nang problema. At sa totoo, ito ay maging pinagmulan nang kapahamakan. Kung nabigyan mo nang lunas ang ipinakita o epekto nang kahirapan, ay mas lalo mo lang pinalaki ang problema na iyon. Ang pagbigay nang libre sa taong nangangailangan, ay isang panandaliang lunas lang nang kaginhawaan, at sa totoo mas lalo mo lang siyang ginawang maasahin.

Dapat nating malaman ang pinagmulan nang kahirapan, at ang mga pamamaraan paglaban nang mga di magandang lakas na nagdudulot nito. Alamin ang "Limang Malaking" dahilan nang kahirapan nang mga tao. Ang isa pang dapat mong gawin, kalakip ang pagbigay nang limang dahilan nang kahirapan , ay ang pag alam sa mga pamamaraan paano ito tanggalin.

Tayo ay dapat gumawa nang pamamaraan sa paglikha nang kayaman sa isang maasahang pamamaraan sa pag-unlad. Kung makita nang ibang mga tao, ang salitang "Kayamanan", ay agad nilang isipin na maraming kayamanan nang mga may kaya at makapangyarihang mga tao. Ang totoo, ang kayamanan ay nangangahulugang kahit anong bagay na may halaga, kahit gaano kaliit, at iyon ay kung paano ito sinusukat sa pamamagitan nang pera. Ito ay salungat sa kahirapan, ito ang kahalagahan sa likuran nang pera.

Kung nais nating sugpuin ang kahirapan, dapat nating alamin kung gaano ka lala ang kahirapan (di lang ang kanyang ipinapakita) at ang tungkol sa kayaman.

Ang Pagtapon nang mga Paniniwala:

Dapat nating itapon ang ating nakasanayang paniniwala. Ang kahirapan ay di nangangahulugang wala tayong pera. Ang kayamanan ay di nangangahulugang pagkaroon nang maraming pera. Ang kahirapan at kayamanan ay labis pa sa pagiging walang pera at pagkaroon nito.

Ang pera ay minsan ginamit sa pagsukat nang kayamanan, ang pamamaraan sa pag iipon nang kayamanan at sa palitan nang kayamanan. Ngunit ang pera ay hindi kayamanan, at ang dahilang nang kahirapan ay mas malalim pa sa pagiging wala nito.

Tandaan, ang babasahing ito ay hindi tungkol sa pagbibigay sa inyo nang pamamaraan, ito ay magtulak sa inyo upang suriin ang dahilan nang kahirapan at ang ibang prinsipyo sa pamamaraan na inyong nalalaman sa dakong ito.

Ang pera ay maaring isang mahalagang bagay. Ito ay maaring gamitin upang labanan ang kahirapan at paglikha nang kayamanan. Ngunit ito ay hindi makapagtigil nang kahirapan. Ang paglipat nang pagmamay-ari nang pera, galing nang isang tao patungo sa iba ay nagbigay lang nang panandaliang kaginhawaan , ngunit hindi ito nakasagot sa suliranin nang kahirapan.

Ikaw ay nangangailangan nang tatlong bagay upang matanggal ang kahirapan: (1) ang pag alam sa konsepto at paniniwala (2) mga kakayahan sa pagsasanay, pagsasa ayos at pagbuo, at (3) sariling katangain, tulad nang pagiging matino, masipag, at malikhain. Ang babasahing ito ay nagsasalaysay sa unang bagay.

Ano Ba Talaga Ang Kayamanan?

Kung ang pera ay di nangangahulugang kayamanan, at ang pagbigay nang pera ay hindi makapatigil nang kahirapan, kung sa ganun ano ang ibig sabihin nang kayamanan at paano ito makatulong sa paglaban nang kahirapan?

Tayo ay hindi basta basta lang maglikha nang pera. Pag ang ating gawin ay ang pagdagdag lang nang pera sa ating ekonomiya (paglikha nang maraming papel na pera), ay lalo lang nating pinababa ang halaga nito, at ating dinagdagan ang pagtaas nang halaga nang mga bilihin. Ang pagtaas nang halaga ay nangangahulugang pagtaas nang pangunahing mga bibilihin. Kung tayo ay maglipat lang pera, galing sa mga mayayaman doon sa mga mahihirap (libre, abuloy) tayo ay hindi gumawa nang kayamanan at di nabigyan nang lunas ang dahilan nang kahirapan. (Tingnan ang "Pagiging Maasahin," at tingnan ang maikling kuwento ukol kay "Mohammed at ang Lubid", doon sa "Estorya" Mga Babasahing).

Bago ang lahat, intindihin muna natin ang mga bagay, tungkol sa kayamanan. Ano ito?

Kung tingnan natin ang kahulugan nang kayamanan, ayon sa Ekonomista, ay malapit na nating malaman kung paano ito magamit sa paglaban nang kahirapan. Ang mga Ekonomista ay nagbanggit ukol sa gamit at serbisyo na may halaga, at kahit ang gamit ay nagkaroon lang nang halaga kung ito ay nagbibigay nang silbi. Ang pinag-uusapan dito ay tungkol sa halaga. (Tingnan "Mga susing salita.") Ang isang bagay ay may halaga binasi sa dalawang katangian, (1) kung ito ay may kahalagahan (may gamito o silbi), at (2) pag ito ay kaunti lang.

Ang kayamanan na ating buohin (o ang paglikha nang kita) ay sa pamamagitan nang halagang diinagdag. Ito ay nangangahulugan na isang bagay na mayrong halaga, at ang gawain nang inyong sinasanay , ay kumuha nito at bigyan nang maraming halaga ito. Ang idinagdag na halaga ay ang kayamanan na nalikha.

Ang bawat isa sa atin na nagkaroon nang karanasan na mawalan nang pera ay makapagsabi kung ano ang kahirapan.Ngunit ang naramdaman nang isang taong naghihirap, na mabigyan nang ginhawa sa pagkaroon nang pera, ay kakaiba sa pangkalahatang suliranin nang kahirapan, na problema nang buong ekonomiya, at buong pamayanan. Ang pangkalahatang suliranin nang kahirapan ay ang kawalan nang kayamanan, hindi ang pagiging walang pera. Sa mga taong maliit ang kita, ang kahirapan ay isang bunga nang pamamaraan kung paano ang kayamanan pinaghahati sa buong pamayanan. Kung ikaw ay nagdagdag lang nang pera sa buong sistema, kayo ay gumawa nang pagtaas nang pangunahing bilihin, at hindi nakatulong nang mga tao sa pag-ahon nang kahirapan. Ikaw ay dapat magdagdag nang halaga (kayamanan) doon sa sistema upang mapahina ang kahirapan. Kung ganun, ang sagot sa paglaban nang kahirapan, ay hindi ang pagdagdag nang pera, ito ay paglikha nang kayamanan, at ang inyong gawain bilang tagasanay ay gabayan ang mga taong mahihirap, sa mga pamamaraan kung paano lumikha nang kayamanan.

Ikaw ay maaring makagawa nang tatlong sa kayamanan: (1) ubusin/gamitin ito, (2) ipunin ito, at (3) paramihin ito. Sa pagpapakita nito ay gamitin natin ang isang halimbawa ang isang magsasaka na taga Afrika. (Maari mong gamitin ang paglagyan nang butil nang mais, sa pagpapaliwanag nang bagay na ito. Sapagkat karamihan sa mga magsasaka ay mga babae o batang babae, gamitin natin ang salitang babae, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga lalaki ay kalimutan natin. Sabihin nating ang magsasakang babae, ay katatapos lang nag-ani nang kanyang mga mais. Siya ay maaring (1) kainin o gamitin ito, (2) itago, o (3) paramihin ito. (Ipakita ang lalagyan nang mais at tanungin sila; kung saan sa tatlong paraan ang maaring gawin; o hatiin mo sa tatlong bahagi. Maari niya itong lutuin at kainin (siyempre di mo talaga lutuin ang mais doon sa silid aralan, ngunit ang pagpapakita nang butil nang mais ay nagpapakita sa katotohanan nang inyong halimbawa). Maari mong ilagay ito sa isang sako, ito ay ang (2) pagtabi. Kung ito ay kainin nangm ga peste na umatake nito, ito ay maaring tawaging di magandang pamamaraan sa pag-ubos nito. Maari din niya itong itabi bilang binhi upang itanim sa susunod na panahon nang taniman upang makaani nang maraming mais. Ang pangatlong (3) pamamaraan ay ang pagpaparami nang kanyang kayamanan, ang mais (na mahalaga at kaunti). Ang pangatlong pamamaraan lang ang lumikha nang kayamanan.

Samakatuwid, ang sagot sa paglikha nang kayamanan sa isang ekonomiya ay ang pagpaparami, upang mapataas ang ani (kayamanan) sa hinaharap, habang ang ibang kayamanan ay ginagamit sa pagkain. Ang ating mundo ay napakalaki at hindi magkapareho tulad nang isang magsasaka na gumawa nang tatlong pasiya, ngunit ganun parin ang prinsipyo,ang pagpaparami ay magresulta nang pagdami nang kayamanan at paglaban sa kahirapan.

Ito ay mahalagang paniniwala sa paglikha nang kayamanan sa dakong ito; at ito ay mahalaga para sa iyo na unawaing mabuti bago mo umpisahan ang inyong gawain.

Kahirapan Bilang Isang Suliranin nang Mga Tao:

Ano ang dahilan nang kahirapan? (Ang kahirapan na problema nang tao).

Ang pagiging walang pera ay isang sukatan o palatandaan nang kahirapan. Ang paglunas nang palatandaan o ang gamit sa pagsukat ay hindi makalunas sa sakit. Ang dahilan nang sulirainin nang kahirapan ay nagmula sa maraming bagay, lalo na sa limang malaking dahilan: sakit, walang kaalaman, di mapagkatiwalaan, walang paki alam at maasahin.

Ang sakit ang dahilan kung bakit kakaunti lang ang natapos na trabaho nang mga tao. Ang sakit at pagkamatay ay nagbawas nang isa sa tatlong mahalagang bagay sa paggawa nang produkto, ang tao. Ang sakit ay maaring mapahina sa pamamagitan nang pag-alam kung paano ito maiwasan at magsiguro na ang kayamanan nang bayan para sa sa pag-iwas at paglunas nito ay hindi gamitin sa pansariling kapakanan.

At dahil diyan, ang mga dahilan sa kahirapan ay magkadugtong: Ang di mapagkatiwalaan at walang kaalaman ay nagdulot nang sakit, at ang tatlong ito ay magdulot nang kahirapan.

Ang pagiging walang kaalaman, na palaging sinasabi dito, ay hindi ikahihiyang bagay, at ito ay katotohanan. Ito ay nagmula sa pagiging pag-iisa, at ang ibang mga tao ay walang kaalaman sapagkat wala silang narinig o natutunan na mga kaalaman. Ang ibang dahilan nang kahirapan ay magbunga nang pagiging walang alam, tulad nang sakit at di mapagkatiwalaan. Ang dalawang bagay na ito ay magbunga nang pagliit nang pagkakataon upang ang mga tao ay makapag-aaral at makakuha nang kaalaman.

Ang di mapagkatiwalaan, ay isang malaking dahilan nang sulirainin (nang mga tao) na kahirapan. Pag ang isang tao na mailagay sa kapangyarihan ay lustayin ang pera nang bayan para sa kanyang pansariling kapakanan, ang mga tao din ay mawalan nang malaking halaga para sa pagpapaunlad nang pamayanan at upang mapahina ang kahirapan. Ang parteng yan ay tinatawag nang mga ekonomista, epekto nang pagpaparami. Ang di mapagkatiwalaan ay nabubuhay sa katayuan na ang mga tao ay walang pakialam, walang kaalaman at maasahin, ito ang ibang halimbawa nang magkadugtong na dahilan nang kahirapan.

Tandaan na ito ay hindi paghusga. Di natin sinasabi dito na ang di mapagkatiwalaan, sakit, pagiging walang alam, at walang pakialaman ay masama. Yan ay para sa mga pangulo nang mga relihiyon ang pagtuturo kung ano ang tama at mali. Ito ay ang resulta nang pagsusuri kung ano ang dahlan nang kahirpan.

Upang labanan ang kahirapan (kung yan ang pasiya nang mga tao) ito ay kailangan na kilalanin at suriin nang mabuti kung ano ang dahilan nang kahirapan.

Ang ibang kadahilanan nang kahirapan ay naglakip nang kawalan nang merkado, walang mabuting daan, walang mabuting pamahalaan, walang suporta nang mga ahensiya, pangungurakot, at sirang daan. Ang mga dahilang ito ay ang bunga nang limang malaking dahilan nang kahirapan: walang pakialam, sakit, di mapagkatiwalaan, maasahin at walang pakialam.

Ang kahirapan, tulad nang kayamanan ay makikita natin sa magkaibang uri nang mga kayamanan sa pag-aari. Ang kawalan nang pangkalahatang tirahan at pampublikong serbisyo na pag-aari nang lahat, tulad nang kawalan nang karapatan paggamit nang serbisyong pangkalusugan at paaralan, walang inprastraktura tulad nang daan, merkado, kuryente, telepono, at kawalan nang pampublikong pasilidad tulad nang palikuran, iinuming tubig, at maasahang mapagkunan nang pagkain. Ang ganitong klaseng pangkalahatang kayamanan ay magkaiba sa pansariling pag-aari, na ang kahirapan ay ipinapakita sa maliit o walang sahod, kawalan nang lupa at ibang mga pag-aari, kawalan nang sariling pag-aari nang puhunan sa paglikha nang produkto (gamit, gusali, pagawaaan) at walang kakayahan.

Ipinapakita nang pamamaraang ito ang pagbuo nang pansariling puhunan at pagpapahina nang kahirapan sa pamamagitan nang pagtulak nang pansariling maliit na negosyo.

Ang Pangangailangan Para Magnegosyo:

Ang paraang ito, sa mababang hanay, nang pansariling negosyo na pag ito ay mabuhay at lumaki, ay makakatulong sa paglikha nang kayamanan sa buong bansa at sa paglaban nang kahirapan.

Bilang tagasanay, dapat mong malaman ang ibig sabihin nang negosyo, at ang kanyang papel sa paglaban nang kahirapan at paglikha nang kayamanan.

Ang kahulugang kayamanan ay maaring gamitin o paramihin. Ang mais, bilang pagkain ay isang halimbawa nang produkto na maaring kainin o gamitin. Ang isang asarol, na gamit sa pagbungkal nang lupa ay isang halimbawa nang puhunan na bagay. Ang puhunan na bagay ay di maaring kainin kaagad, ngunit ito ay magamit sa pagpaparami nang kayamanan. Ang pagnenegosyo ay nangangahulugang, ang pagdala nang kayamanan patungo sa paglikha nang puhunan, kailangan upang palakihin ang kayamanan nang buong pamayanan.

Kung gagawin mo ang pamamaraan sa paglikha nang kita, binigyan mo nang gabay ang mga maliliit na nagnenegosyo sa paggawa nang kayamanan para sa pagkain patungo sa paggamit nang kanyang kayamanan para magnegosyo, samakatuwid, pinalaki mo ang kayamanan at pinaliit ang kahirapan. Ang maliliit na negosyo, tulad nang panimulang pag proseso nang mga produkto sa pagsasaka, ay kadalasan mabisa kung gagawin nang mga tao na sariling nag nenegosyo. Ang panimulang pag proseso ay malaki ang pangangailangan sa buong bansa, at ang pinaka magaling na sektor sa larangan nang pagpapahina nang kahirapan sa pangmalakihang pamamaraan.

Ang iyong gawain bilang isang tagapagpakilos ay itulak ang mga taong maliit ang kita, lalo na nag mga babae(kalakip na ang mga batang di nakapagtapos sa pag-aaral, may mga kapansanan, at mahihina), na maging tagalikha nang kayamanan, halimbawa mga taong nagnenegosyo sa pag proseso nang mga produkto sa pagsasaka.

Panghuli:

Tulad nang karaniwang gawain nang pamayanan, ang paglikha nang kita sa mga tao na may maliit na kita, ay isa sa pagpapatupad nang mga bagay na dapat gawin; Kailangan mong intindihin ang mga paniniwala tungkol sa mga tao at ekonomiya na mahalaga sa pagpapatupad nang mga bagay na dapat gawin.

Ang di pag unawa sa mga paniniwala na iyon, kayo ay maaring maakit sa paggawa nang mga maling pagpasiya sa inyong mga gawain at mga pakay, gusto, at bunga (resulta) at mga kinalabasan nang inyong ginagawa.

Maraming mga tao, na kung tingnan mong mabuti sa labas ay mukhang may sinasabi, na nais kang dalhin sa maling landas; talagang mayrong pangyayari na ikaw ay makagawa nang mga bagay na makadulot nang pagiging maasahin at kahirapan sa mga darating na panahon (o maaring panandaliang kaginhawaan sa umpisa), kaysa maasahang pagpahina nang kahirapan at tunay na paglikha nang kita.

Sa pagtulong sa inyo sa mahalagang pag unawa, ang babasahing ito ay nagpaliwanag kung ano ang kayamanan (paano magkaiba kung ihambing sa pera), ang buong pamayanan (hindi isang tao) na suliranin tungkol sa kahirapan, ang kahulugan at totong pakay nang pagnenegosyo, at ang pag-unawa na ang libre, bigay at ang utang na walang tubo ay nakakadulot nang problem sa halip na nakakatulong.

––»«––

Dagdag na Halaga;
Sabon ginawa mula sa abo at langis = Nalikhang Kayamanan:


sabon ginawa mula sa abo at langis = dagdag na halaga


© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 23.05.2011


 Pangunahing pahina

 Pagpapatuloy