Pangunahing Pahina
 Pagbibigay-kapangyarihan




Mga Salin

'العربية / al-ʿarabīyah
Català
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Galego
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
日本語 / Nihongo
Polszczyzna
Português
Română
Tiếng Việt
Türkçe
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


mga laman:

mga laman:

mga laman:

mga laman:

mga laman:

PAGLALANTAD NG NAKATAGONG MGA PINAGKUKUNANG-YAMAN

ni Phil Bartle, PhD

isinalin ni Dionisio R. Vitan III


Dokumentong Batayan

Kabuuan:

Ang simpleng pag-uukol ng pinagkukunan sa isang pmayanan ay nanghihikayat ng pagiging palaasa sa kabuuan. Ang patuloy na pag-unlad ng isang pamayanan, ang pag-alis ng kahirapan, pagpapaunlad ng pagtayo sa sariling mga paa ay nangangailangan sa isang pamayanan na gamitin nito ang sariling mga pinagkukunang-yaman.

Samantalang tinatanggap ang mga ibang tulong na galing sa labas o ibang-tao, hindi na ito maiaalis pa sa buhay na magsisilbinh aasa na lamang rito ang pamayanan sa katagalan. Mainam na lamang na ang lahat ng pamayanan ay may pagkukunang-yaman, na kadalasan ay nakatao; at ang gawain na makilala at mailabas ito at magamit ang dapat pagtuunan ng pansin.

Pagpapakilala

Ang ating layunin ay ang pag-unlad na pangmatagalan, pag-alis ng kahirapan, at pagtayo sa sarili ng mga pamayanan na may maliit na pinagkakakitaan. nais nating tumulong, ngunit ang pagtulong natin ay may babalang kaakibat. Maaari kasi tayong mag-ambag pa sa lalong kahirapan, walang pagbabago o pagiging palaasa ng isang pamayanan.

Ang mga kailangan nating malaman ay kung ano ang pinagmulan ng kahirapan at ang mabuting pagpapaunlad sa mga ito. Sa ganitong paraan, makapagbibigay tayo ng tunay at sapat na pagtulong na siyang makapag-aambag upang maiaalis ang pagiging palaasa ng isang pamayanan. Ito ring tunay at sapat na pagtulong ang siyang nararapat upang hindi na lalo pang makapag-ambag pa sa patuloy na kahirapan ng isang lugar.

subAng Kahirapan ay Hindi Lubusantitle

Walang pamayanan ang lubusang mahirap. Hanggang may mga nakatira sa isang pamayanan, ang ibig sabihin nito ay may pagkukunang-yaman, sapat upang masagip nito ang pamayanan sa kinalulugmukan nito. Kapag ang isang pamayanan ay isang matandang-pinaglipasang lugar lamang, hindi ito isang pamayanan.

Walang isang buhay na pamayanan ang lubusang mahirap."Oh!" sabi mo, "ngunit ang mga tao ay walang sapatos, malinis na tubig, pagkaing may sapat na sustansiya, mataas na kamatayan sa mga sanggol, kamangmangan, kawalang-interes at gana sa buhay, mga sakit, kawalang-kaalaman sa maraming bagay, kawalan ng pagtitiis at walamng mga pasilidad tulad ng palikuran, lutuan, gamutan. Kailangan nila ng tulong!" Oo, sang-ayon ako roon, ngunit tayo na may pagnanais na makapagbigay ng patuloy na kaunlaran ay kailangang maging maingat sa kung anong uri ang tulong na ibibgay.

Bawat ng pamayanan ay may pagkukunang-yaman

Mahalaga na matandaan natin na ang bawat pamayanan ay mag pagkukunang-yaman. Bakit? Dahil kung nais nating mapalakas ang mga pamayanang yaon ay kailangan nating mapakawalan ang mga nakatagong mga pagkukunang-yaman. Kung tayo ay gagabay ay gagabay tayo sa kaparaanang makapagpapalakas tayo, hindi makapagpapahina, ng isang pamayanan.

Kung tayo ay magbabagasak lamang ng tulong sa isang pamayanan at hindi natin gagamitin ang anumang nakatagong pagkukunang-yaman nito, tayo ay nagdadagdag lamang sa pagiging kawalang nais nito na gumalaw para sa kanilang sarili. Mag-aambag lamang tayo sa paglala ng pagiging palaasa ng pamayan sa mga tulong na galing sa labas imbes na tulungan nito ang sarili na gamitin ang yaman sa loob ng pamayanan. Sa ganoon, magigong malala ang kahirapan.

Ano ang mga Pagkukunang-yaman?

Ang pinagkukunang-yaman ay ang kahit ano na produkto o serbisyo na maaaring hindi gaanong marami ngunit maaari namang napakainam na magamit; ibig sabihin ito ay may halaga, ito ay kayamanan. Hindi lamang ito basta kayamanan, ngunit ang pagkukunang-yaman ay maaaring magamit bilang isang sangkap upang makagawa ng produkto o serbisyo na mas magagamit. Ito ay masasabing mainam na sangkap para sa mas mabuting gawain; para naman sa pamayanan, isang mainam na sangkap para sa proyektong pampamayanan.

Ang madalas na tinitignang pinagkukunang-yaman ng isang proyekto sa pamayanan ay salapi o pera; pera ang pinamakadaling gamitin na porma ng pinagkukunang-yaman, dahil maaari itong magamit na pambili o kaya ay pambayad upa. (produkto o serbisyo). Sa kalungkutan, ang pera ay madalas na kakaunti, at ang mga mahihirap na pamayanan ay kailangang maghanap ng pagkukunang-yaman na hindi kailangan ng pera at subuking magamit ito at magawang pera.O kaya ay magawa itong mas mainam na pagkukunang-yaman na mas kailangan ng pamayanan. Sa mga pinagkukunang-yaman ng pamayanan ay kasama na rito ang mga hindi salapi na produkto o serbisyo.

Isipin ang mga uri ng pagkukunang-yaman ng isang pamayanan na kailangan nito upang siyang magsilbing una at mahalagang proyekto. Kailangan nito ng lupa o lugar na siyang paggagawaan ng proyekto. Isama na rin rito ang mga kasangkapan na gagamitin at mga sangkap upang magawa ang ninanais na producto o serbisyo. Kailangan nito ng manggagawa at mekanikal na lakas tulad ng kuryente, hangin, tubig. Ang isa pang uri ng lakas ng manggagawa ay ang kaisipan na siyang gagamitin sa paggawa ng mga plano, pamamahala, paggawa ng desisyon at paggawa ng mga ulat. Ang lahat ng mga ito ay mga kailangang pagkukunang-yaman at maaaring makita sa loob ng pamayanan.

Ang pinakamahalaga ay ang pagbibigay halaga roon sa mga bagay na hindi pera o salapi at isiping ang mga ito ay may kaukulang halaga sa merkado kung magagamit ng tama (kasama na rin rito ang oras at pagod na ginamit ng mga tao sa likod ng pagpapa-implenta at mga tao sa pamamahala ng pamayanan). Mayroon kasing madalas gawin ang mga tao, ang hindi pagbibigay ng tamang halaga sa kahalagahan ng mga pinagkukunang-yaman na ito. Bilang isang tagapagpakilos, dapat isaalang-alang na masiguro ang mga pinagkukunang-yaman na ito ay mabibigyan ng sapat na pagpapahalaga.

Pagkukunang-panglabas

Mayroon dalawang-uri ng pagkukunan ng mga gagamitin at sangkap mula sa labas ng pamayanan. Ito ay ang (1) gobyerno at (2) mga ahensiyang nagbibigay-gabay. Ang mga makukuha sa gobyerno ay ang regular at pangtaunang budyet panggastos ng sentral, mga pang-rehiyon at mga pang-distritong pamahalaan na siyang maaaring responsable sa pagbibigay ng producto at serbisyo, at mga ibinibigay na mga pondonh pang-proyekto para sa mga pamayanan.

Mahalaga na ang mga pagpapasya sa mga gastusing ito ay gagawin pagkaraang magkaroon ng sanggunian sa mga nasabing mga pamayanan. Ang mga desisyon ng mga tao sa gobyerno sa mga malalayong mga siyudad at bayan (kapital ng bansa, ng rehiyon o ng distrito) na hindi isinasama ang mga pamayanan sa pagdedesisyon ay para na ring nagbibigay lamang ng limos sa pamayanan; nagpapalala lamang sila ng kawalang-interes sa mga tao upang kumilos, lalong maging pala-asa at lalong malugmok sa kahirapan.

Habang ikaw na isang tagapag-kilos ay walang masyadong magagawa sa mga pagpapasya ng mga tao sa bogyerno, maaari ka namang magbigay ng iyong magagawa sa: (1) paghihikayat at pagtulong sa mga taong gobyerno upang magkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng mga tao sa pamayanan, sa isang banda maging isang tagpamagitan (mas lalong ipinapaliwanag sa ibaba) at (2) pagbibigay suporta at payo sa paghubog ng mga papeles sa polisiya sa kaunlaran ng pamayanan na siyang nagbibigay suporta sa programa ng gobyerno na "isinusulong" sa pamamagitan ng mga kapital ng bansa, pang-rehiyon at pang-distrito. Ang mga ito ay nararapat na tugma rin sa kung ano ang mahalagang mga plano ng mga lokal na pamayanan upang mas mapag-ibayo ang tamang paggamit ng mga pondo.

Ang mga sumusuportang mga ahensiya ay maraming mga uri. Ang mas lalong nakikita at napapansin ay ang internasyunal NGO o kaya ay ang nasyunal NGO na siyang binibigyan ng pondo ng isang internasyunal na organisasyon o indibiduwalidad. NGO na ang ibig sabihin ay non-governmental organization; madalas na ito ay nagpapahayag ng isang samahan na hindi kumikilos upang kumita o non-profit, at ito ay isang boluntaryong ahensiya). Ang ibang nga ahensiya naman ay maaaring mga simbahan o ang kanilang mga departamentong nangangasiwa sa pagtugon sa mga pamayanan, baylateral o bilateral (ugnayan sa pagitan ng dalawang samahan) o multilateral (uganayan sa pagitan ng maraming mga samahan) na mga proyekto

Ang International Red Cross ay nagsasabi na sila ay hindi isang NGO; ngunit sila ay isang NGO. Mas marami ngayon ang panawagan ng mga nagbibigay mula sa iba't-ibang panig ng mundo na magkaroon ng paglahok ang mga pamayanan sa mga proyekto ypang laong magkaroon ng pang-matagalang pag-unlad na makamit.

Muli, ang iyong tungkulin bilang isa sa mga tagapamagitan, lalo na sa katotohanang ang mga dayuhang ahensiya na nagbibigay tulong ay hindi naman lubos na nauunawaan ang mga lokal na kondisyon ng mga pamayanan. Kasama na rin rito ang mga pagkakataon upang mabigyang-kapangyarihan ang mga pamayanan sa pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa paggawa ng mga pasya at pagbibigay tulong sa pag-unlad ng mga proyekto.

Ang Nakalilitong-Kaisipan Ukol sa Limos o Pagbibigay-Limos:

"Pagtulong sa mga mahihirap," ay isang pagpapahalaga sa buhay ng tao. Ang pagbibigay limos ay kasama sa mga balangkas ng pagpapahalaga sa mga malalaking relihiyon ng mundo.

Ang tulong na pang-ekonomiya ng gobyerno sa mga mahihirap na lugar sa isang bansa, mga pinupondohan ng mga dayuhang mayayamang bansa, at mga subsidi ng pamahalaan at suporta para sa mga naghihirap na pamayanan ay mga pagpapakita ng pagbibigay pahalaga sa limos o pagbibigay-limos.

Ang pagtulong sa mga mahihirap na tao ay hindi katumbas ng pag-alis ng kahirapan. Iyan ay isang nakalilitong-kaisipan lamang. Kaalinsabay ng pagtulong sa isang tao sa pamamagitan ng pagbibigay-limos ay maaari pang makapagpalala ng kahirapan, kaysa mapaalis ito... Bakit?

Ang pagbibigay-limos ay nagtuturo sa isang tao upang maging palaasa sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng kaisipan na ang paghingi na lamang ng limos ang tanging paraan upang siya ay magkaroon ng makakain o kikitain sa araw-araw. Katulad na lamang ng pagbibigay ng ibang bansa ng tulong sa mga bansang mahihirap na nagbibigay kaisipan sa mga mahihirap na bansang ito na ang tulong na kanilang natatanggap, pandagdag para sa kanilang usaping-gastusin sa loob ng bansa, ay isang karapatan dahil sila ay mahirap lamang.

Tignan rin dapat ang dahilan ng nagbibigay ng limos. Ito ba ay ginagawa dahil ang nagbibigay ay may pinapangalagaang interes upang huwag mamatay ang kultura ng pagbibigay-limos? Sa maraming mga mayayamang lipunan, ang mga nasa alta-sosyedad ay nagbibigay ng pera sa mga pulubi upang maalis nila ang kanilang konsyensiya sa pagiging mayaman. Dahil ito sa kaalamang ang kanilang yaman ay nakuha lamang sa pamamagitan ng paggamit sa mahihirap na tao (Tolstoy). Ang pagbibigay ng limos ay nagpapatibay upang mamalimos. Samakatwid ito ay nagpapatibay ng kaayusan ng hindi pagkakapantay-pantay, na nagpapanatili sa mga mayayaman, na siyang lalong nagdaragdag ng kahirapan.

Huwag mabahala o malungkot. Ang kasulatang ito ay umaasa, hindi nakikipagtalo na maalis na sana ang pagbibigay tulong (aid) o tulong galing sa mga mayayamang bansa. Hindi rin ito nagtatagiyod ng madugong rebolusyon. Isinusuulong nito ang paraan ang isang tulong na ibinigay ay mahalaga, at angparaan ng paggamit nito" ay marapat na maintindihan; hindi ito dapat nagbibigay ng kasiraan, bagkus ng kabutihan lamang. ..Ang pagbibigay-luwag sa kahirapan ng mahihirap (halimbawa ay ang pagpapababa ng kahirapan) ay hindi isang hangarin; ang paglaban at pagwawagi sa kahirapan ang siyang sadyang hangarin.

Ano na ngayon ang kuneksiyon - ng nakalilitong-kaisipan ng pagbibigay-limos - sa pagpapakilos? Ang nakliliotng-kaisipan ay mayroong iba't-ibang antas (katauhan, pamayanan, pambansa, pang-ibang bansa). Maraming mga sosyal, politikal, at pang-ekonomiya na mga lakas o puwersa na nagpapalawig ng kahirapan. Kung ikaw ay lumalaban sa kahirapan, lalo na sa antas sa pamayanan, kailangang maintindihan mo ang nakalilitong-kaisipan ng pagbibigay-limos sa mga puwersang ito.

Bilang isang tagapamagitan sa pagitan ng pangloob ng pamayanan at panglabas na pagkukunang-yaman, kailangang maipagbigay-alam mo sa dalawang ito ang panganib ng pagbibigay-limos. Katulad ng sasabihin sa iyo ng kahit sinong magaling na gumagawa ng estratehiya sa militar, "Alamin mo ang kalaban." ..Ang kalaban ay ang kahirapan.

Palayain ang mga Pagkukunang-yaman:

Ang tungkulin mo bilang isang tagapagkilos ay manghikayat at magbigay alalay sa pamayanan upang makilala at magamit ang lokal na mga pagkukunang-yaman nito.

Kailangang mabigyan ng kasiguraduhan ang mga kasapi ng pamayanan nahindi makabubuti sa kanila ang pagtatago ng kanilang mga pagkukunag-yaman (o kaya ay ilihim ang mga ito) at ang pagkukunwari na mas mahirap pa sa kabuuan ng pamayanan mismo.

Maaari kasi silang matukso.Ang paghingi ng awa sa mga nagbibigay-tulong ay hindi isang matapat at may-dangal na gawain. Hindi rin ito nakakatulong sa pagpapa-unald ng sariling-pagsisikap at pagbibigay-kapangyarihan sa mga pamayanan na may mababang kinikita.

Mahalaga at kailangan na magiya ang mga kasapi ng pamayanan na makilala nila ang kanilang pangloob ng pagkukunan-yamang. Ito ay maaaring maging kapanapanabik at masaya. Ang ating madalas na gamiting mga kagamitan sa pagpapakilos ay angkop para rito: isang pamayanan o isang pagkikita ng isang pangkat, isang malaking papel sa dingding o pader kasama na ang isang pentel pen (o kaya ay isang piraso ng sanga upang makapag-sulat o makaguhit sa lupa o buhangin).

Mga maaaring maging pagkukunan ng yaman mula sa mga kalahok (gaya ng ginagawa sa isang pagpapalitan ng mga mungkahi na pagtitipon), tulad ng kagustuha ng isang matandang karpintero na tumanggap ng alwage mula sa mga batang kasapi ng pamayanan, mga hindi nagagamit na lupain na maaaring gamitin ng pamayan upang mapagpatayuan ng klinika o paaralan, ilang kabataan na hindi kumikita na maaaring pagkunan ng lakas at sigla, ilang magsasaka at ilang tao na maaaring nais na maghanda ng makakain ng mga libreng-manggagawa ng pamayanan, ilang tapat at mapagkakatiwalaang kasapi ng pamayanan na nais magbigay ng panahon at talino sa pagbibigay-plano sa proyekto ng pamayanan.

Huwag husgahan agad ang suhestiyon kapag ito ay naihayag (maaaring manghikayat na ang lahat ay magbigay ng kanilang kaisipan; mayroong mga kasapi kasi na mahiyain na maaaring takot mapulahan ang kanilang mungkahi). Katulad sa isang bigayan ng mungkahi na pagtitipon, alisin muna ang mga pagbibigay-pila at puna; isulat lang muna ang mga mungkahi na ibibigay sa sulatang papel na nasa dingding o pader. Ipaliwanag na maaari itong pag-aralan pagkatapo ng bigayan ng mga mungkahi.

Tandaan na ipaalala na hindi lang ang salapi ang maaaring gawing pinagkukunang-yaman, na maraming bagay pa na mahalaga rin. Gaano kahalaga? Ang isang katumbas na halaga ng pera ay kakailanganin kapag nasimulan na ang proyekto, ngunit ito ay maaaring magawa na ng kumite na siyang nakatuon na sa eheksutibong mga responsibilidad. Ang salapi at kayamanan, bagaman may kaugnayan, ay hindi naman magkatulad.

Kapag may kinikilalang pagkukunang-yaman sa paraang ganito, hindi rin naman nararapat na kalimutan na isama ang salapi sa mga ito. Maaaring magkaroon ng fund-raising upang makaipon ng pondo, raffle o kaya ay pa-bingo (basta ito ay legal o lehitimo), pagbebenta ng mga naibigay na donasyong mga gamit (Nakakita na ako ng isang mayamang negosyante mula sa siyudad na nagbayad ng halos limampung-libong piso para sa isang baso ng ordinaryong tubig sa isang subasta sa kanilang lalawigan).

Manghikayat na maging malikhain sa pag-iisip ang mga kalahok, kahit na ang ibibigay nilang mungkahi ay hindi naman magagamit kalaunan (ililista lang muna rito, hindi pag-aaralan ang mga mungkahi). Hindi dahil hindi pa nasusubukan ang isang bagay ay hindi na ito maaaring ilista o pag-aralan sa kahabaan ng pag-aaral ng lahat ng mga mungkahi.

Pakikibaka sa Lakas:

Alam na ng mga siyentipiko sa bayolohiya na ang bawat buhay na nilalang ay nagiging malakas sa pamamagitan ng pakikihamok. Ang mga sa larangan naman ng isports ay naniniwalang ang ehersisyo at pag-eensayo ay nagpapalakas ng mga buto at kalamnan ng katawan. Ang mga guro at sikolohista naman ay alam na ang mga pagsasanay sa utak ay nagpapalakas ng mental na kakayanan.

Gayon rin naman, sa mundo ng soslohiya, na ang pamayanan,pangkat o organisayon na may kinakaharap na kalaban ay lalong lumalakas.

Hindi ang kabuuang pakikipagtunggali na siyang pumapatay sa nilalang o organisasyon kungdi ang lumalaking pakikihamok ang siyang nagpapatatag ng kalakasan.

Ano ba ang kaalaman na nagtuturo sa isang tagapag-kilos? Kung ang lahat ay ibinibigay na lanag sa isang pamayanan bilang isang limos, sila ay para na ring isang lumpo (hindi na nakakakilos dahil sa kahinaan).

Kung ikaw ay nagtuturo ng mga prinsipyo, katulad ng isang tagapayo at giya sa isang pamayanan, ikaw ay nag-gigiya sa mga pamayanang ito upang sumulong sila sa paggawa ng mga pagpapasya para sa kanilang pamayanan at tungo sa paglalaan ng panahon at lakas upang makagawa ng mga plano. Samaktwid, ikaw ay tumutulong sa kanila upang sila ay magkaroon ng kapangyarihan.

Kung ang isang pamayanan ay nakikibaka, ito ay lumalakas.

Ang Tagapagpakilos bilang Tagapamagitan:

Sa pag-alam sa posibleng pagkunan ng kayamanan na nasa ng pamayanan ay ginagampanan ng isang tagapag-kilos bilang isang "tagapamagitan" sa pagitan ng pamayanan at ng mga pinagkukunan ng yaman. (kasama na rito ang mga ahensiya ng gobyerno na siyang nagbibigay-asiste.).

Ang isang "tagapamagitan" ay ang siyang kumikilos bilang "tulay" sa pagitan ng dalawang partido na hindi magkakilala sa isa't-isas at ang pagbibigay tulong sa usapin at usapan sa pagitan ng mga ito (katulad ng isang taga-payo sa isang kasal na pares.).

Bilang isang tagapamagitan, ang isang tagapag-kilos ay nagtataas ng kamalayan at unawaan sa pagitan ng dalawang partido. Parehong ang pinagkukunang-yaman (nagbibigay donasyon at gobyerno) at ang mga kasapi ng pamayanan ay nararapat na matutunan ang mga bagay ukol sa prinsipyo ng (1) "Ang patuloy na kaunlaran sa pamamagitan ng asiste, hindi ng limos," (2) "Pagtuklas at magamait ang mga lokal na pinagkukunang-yaman," (3) "Pakikibaka upang lumakas," (4) "Ang kawalan ay ngbibigay ng wala sa bandang-huli," (5) "Ang tulong ang dumarating roon sa mga taong gustong tulungan ang sarili nila," at iba pang mga prinsipyo sa seryeng ito ng modulo ng pagsasanay.

Patuloy na Kaunlaran

Isang posibilidad sa matematika (gayon rin sa anti-development o yaong oposisyon sa kaunlaran) na bigyang asiste ang bawat mahirap na pamayanan sa mundo gamit ang mga nasa labas na pagkukunang-yaman. Maraming mga mahihirap na pamayanan; hindi sapat na magagamit na pagkukunang-yaman.

Ang susi sa patuloy na kaunlaran, sa pag-alis ng kahirapan, ay ang pagpapalaya sa mga nakatagong mga pagkukunang-yaman na nadoon na noon pa man sa loob ng mga mahihirap na pamayanan.

Ito ay isang puhunan; upang mapalaya ang mga pagkukunang-yaman na nabanggit, kailangang ang mga ito ay makilala, mabigyang-pansin ng mga kasapi ng pamayanan at ng mga nagbibigay donasyon na mga taga-labas. At ang kasanayan sa pamamahala ay kailangan ring maipuhunan kapag pinakawalan ang mga pagkukunang-yaman.

Ang mga nagbibigay-donasyon ay maaaring maging mas lalong kapaki-pakinabang kapag ang kanilang mga donasyon ay itutuon para sa pagsasanay at pagbibigay-kamalayan sa pagpapalawig pa ng pagkilala sa pangangailangan na mapakawalan ang mga pagkukunang-yaman. Mas mainam ito kaysa ibili ng mga tubo o kaya ay yerong para sa bubong ang mga donasyon para sa tulong na mauuwi sa limos sa pamayanan. ito ay makakapagpalala lamang ng pagiging pala-asa ng pamayanan.

––»«––

Sa kadahilanang ang papel at tinta ay medyo may kamahalan, hindi maaabot ng hawak na salapi ang makapagpagawa ng sapat na kopya ng kakailanganing materyales sa pagsasanay para sa lahat ng lugar sa kanayunan at mahihirap na lugar sa kalunsuran sa lahat ng bansang may mabababang-antas ng kaunlaran dito sa mundo. Ngunit maaari sa pinansiyal na usapin na ang lahat ng tinitirhan ng mga tao (mula sa kanayunan hanggang sa kalunsuran) ay magkaroon ng kakayanang maka-abot sa internet. Ang katotohanang ito ang dahilan sa likod ng pagpapalawak ng paggawa g mga serye ng mga modulo sa pagsasanay sa internet. ../../cmp/). Ang pag-alis sa kahirapan ay magiging katotohanan bilang isang pang-mundong adhikain, sa pamamagitan ng mga kombinasyon ng (1) mga pamamaraang ito at (2) ang world wide web o internet.


© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 01.05.2011


 Pangunahing pahina

 Pagbibigay-kapangyarihan