Pangunahing Pahina
 Kamalayan




Pagsasalinwika:

'العربية / Al-ʿarabīyah
Bahasa Indonesia
Català
中文 / Zhōngwén
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
Italiano
한국어 / Hangugeo
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Português
Română
Tiếng Việt
اردو / Urdu

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Mga Keyword

Ipagbigay-alam

Ginagamit na mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


MGA PAALALA TUNGKOL SA ISYUNG PANGKASARIAN PARA SA MGA NAKIKILAHOK

Gawa ni Phil Bartle, PhD

Isinalin sa Tagalog ni Kristine Mae Escuril


Mga Babasahin sa Pagsasanay

Mga paksa sa kasarian para sa ating kaalaman; magagamit sa mga talakayan

Ang Kasarian ay Hindi Isang Pisikal na Katangian:

Ang sex ay pisikal; ang kasarian ay panlipunan.

Ang mga biyolohikal na katangian (laki, hugis, kulay, ari) ay naisasalin sa pamamagitan ng "genes" bilang bahagi ng reproduksyong sekswal. Ang mga panlipunang katangian (pag-uugali, paniniwala, kaugalian, mga batas, wika) ay naisasalin sa pamamagitan ng mga simbolo bilang bahagi ng pakikipagtalatasan at pag-aaral.

Ang tama o mali para sa mga kalalakihan o para sa kababaihan ay natututuhan (at maaari ring pag-aralang alisin muli o kalimutan).

Ang Isyung Pang-ekonomiya:

Kung ang isang pangkat o grupo (organisasyon, pamayanan , lipunan) ay nakaugalian ng hindi isama ang limampung porsyento ng populasyon nito sa pakikilahok sa mga gawaing pang-ekonomiya, mas higit pa sa limampung porsyento ng maaaring makamit ng kanilang ekonomiya ang nawawala.

Ang isang ekonomiya ay maaasenso kung parehong makikilahok ang mga lalaki at mga babae.

Ang Isyung Politikal:

Kung ang isang pangkat o grupo (organisasyon, pamayanan, lipunan) ay nakaugalian ng hindi isama ang limampung porsyento ng populasyon nito sa paggawa ng mga desisyong politikal (mga desisyong nakakaapekto sa buong grupo), ang sistemang politikal ay mas mahina.

Ang isang sistemang politikal ay uunlad (mas magiging malikhain, mas maraming posibleng solusyon o lunas) kung parehong makikibahagi ang mga lalaki at babae, at magbubunga sa pagtatag ng organisasyon, pamayanan o lipunan.

Ang Isyung Pangteknolohiya:

Kung ang isang pangkat o grupo (organisasyon, pamayanan, lipunan) ay nakaugalian ng hindi ibilang ang limampung porsyento ng populasyon nito sa pakikilahok sa teknolohiya, (mga imbensyon, kagamitan, kapital), ang dimensyong teknikal ay magiging mahina.

Ang baseng teknolohikal ay magiging mas malawak (mas malikhain, mas maraming posibleng solusyon ang maaaring makamit) kung ang mga kababaihan ay hahayaang makilahok at dahil dito, ang organisasyon, pamayanan o lipunan ay magigiing mas matatag.

Ang Isyu sa Karapatang Pantao:

Ang lahat ng tao ay may karapatang makilahok sa lipunang sibil maging ano pa man ang kanilang lahi, kultura, relihiyon, kasarian o pinagmulan.

Ang Isyung Pangkultura:

Ang kultura ay isang buhay na bagay. Para mapanatiling buhay, kailangan nitong magbago sa pamamagitan ng pag-unlad at pagsabay sa panahon.

Kung ito hindi magbabago, ito ay mamamatay. Tingnan mo: Gusto mo bang mapanatili ang iyong kultura?

Ang ibang mga kaugalian ay naniniwala pa rin sa nakaraan, tulad ng kaisipang ang mga babae ay dapat paglingkuran ang mga lalaki, manatili sa bahay, huwag makialam sa pampamayanang gawain. Ito ay kailangang baguhin upang ang isang organisasyon, pamayanan o lipunan ay mabuhay, umunlad at umasenso.

Sino ang mga makikinabang?

Sa isang mababaw na aspeto, ang pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng ilang mga grupo tulad ng mga kababaihan, ay masasabing magbubunga ng pagkawala ng ilang kayamanan, kapangyarihan at pribilehiyo para sa ilang mga grupo tulad ng mga kalalakihan ngunit, sa mas mahabang panahon, ang organisasyon, pamayanan at lipunan ay magiging mas matatag at maunlad at lahat ng miyembro nito ay makikinabang.

––»«––

Pagsasanay:


Pagsasanay:

© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 01.05.2011


 Pangunahing pahina

 Kasarian