Tweet Pagsasalinwika:
Bahasa Indonesia |
ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Myla Burke10. Pagsamahin ang Nakasulat na Salita at ang Simpleng Larawan: Natuto ka nang kumilala ng mga larawan, malamang ay hindi sadya, na saklaw sa iyong pag-aaral magbasa. Kung ikaw ay marunong - at kung binabasa mo ito, malamang na ikaw ay marunong - maaaring magulat ka kapag nalaman mong karamihan sa mga taong walang alam ay hindi nakaka-kilala ng mga larawang-guhit na katulad ng mga ginagamit sa iba't ibang lugar sa web site na ito. Ang taong walang kaalam-alam ay hindi makakapag-hambing; ang mga larawan ay itim at puti, hindi tulad ng totoong buhay; ito ay mga simbolo, ito ay pakunwari lamang. Ngunit ang mga ito ay medyo madaling matutunan, at mas madali kaysa sa makapritsong simbolo ng karamihan sa alpabeto (maliban siguro sa Intsik, na base sa mga larawan). Kapag natutong kumilala ng simpleng itim at puting larawang-guhit ang mga kasapi, maaari ka nang magsali ng mga larawan sa iyong programa. Isang proyekto, halimbawa na lang, ay ang paghanda ng isang booklet, o isang grupo ng karatula, kung saan isang bagay na karaniwang gamit at alam ng lahat, ay ginuhit ng mga kasapi sa isang eksena, at ang nakasulat na salita, na kumikilala sa bagay na iyon, ay nakasulat sa ibaba nito. Komentaryo tungkol sa lahat ng prinsipyong nasa itaas (mahabang dokumento) Balik sa listahan ng mga prinsipyo Balik sa listahan ng mga prinsipyo - handout ––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Kaalaman sa Pagbasa at Pagsulat |