Mga Translasyon:
Ibang mga Pahina:
|
PAGSUSUBAYBAY AT PAG-UULAT
Matapos maisagawa ang pag-oobserba
Sinulat ni Phil Bartle, PhD; Isinalin ni Joyce Zaide
Handawt
para sa Pagsasanay
Papaano
iulat ang mga obserbasyon at mga sinuri
Ang
dokumentong ito ay nakatuon sa pag-uulat ng mga obserbasyon. Samantala, ang susunod
na modulo, ang Pagsusulat
ng Ulat
ay
detalyadong tumatalakay ng pagsusulat ng mismong ulat.
Ang
pag-uulat ay isang pangunahing aktibidades ng pagsusubaybay ng proyekto. Ito ang
paraan kung saan ang impormasyon ukol sa proseso at kalalabasan (output) ng mga aktibidades
(at hindi lamang ukol sa mismong mga aktibidades), ay naipapamahagi sa mga stakeholder
ng proyekto.
Halimbawa,
sa proyekto ng pagtatayo ng paaralan, hindi nagtatapos ang pag-uulat sa pagtatala
ng kung ilang beses gumawa ang pamayanan ng laryo at ng pader. Itinatala din ang
bilang ng mga laryo at pader na naitayo, pati na rin ang proseso kung papaano isinagawa
ang mga ito.
Sa
kaso ng proyekto ng pamayanan, ang pag-uulat ay isinasagawa sa dalawang pamamaraan:
pabigkas at nakasulat.
Pabigkas
na Pag-uulat:
Ito
ang proseso kung saan ang pag-uulat ay isinasagawa nang pabigkas. Ito ang pinakakaraniwang
paraan ng pag-uulat. Para sa mga miyembro ng pamayanan, ang pagsasalita ay mas madali
at mas epektibong paraan ng pakikipagtalastasan sa iba.
Ang
kabutihan ng pabigkas na pag-uulat ay:
- Mas
madami sa pamayanan ang makakalahok sa pag-uulat Marami
sa mga miyembro ng pamayanan, lalo na sa rural na pook, ang hindi nakakasulat at
nakababasa. Para sa naman sa ibang marunong magsulat, ang pagsusulat ng ulat ay maaksaya
sa oras at pinagkukunang-yaman, kaya naman ayaw nilang idokumento ang lahat ng impormasyong
nakuha sa pagsusubaybay.
- Kalinawan
at mabilis na pamamahagi ng impormasyon Ang
pabigkas na pag-uulat ay laging maisasagawa matapos ng isang aktibidades o kaganapan.
Dahil dito, ang impormasyong nakukuha mula sa proseso ay masasabing tama, maaasahan
at bago, kumpara sa impormasyong nakadokumento sa papel. Ang mga taong nagbibigay
ng pabigkas ng ulat ay may pagkakataong makipagtalastasan sa pamayanan at agad-agad
na makakuha ng kanilang reaksyon. Ito ay makakatulog sa pagsasabuo ng desisyon ukol
sa proyekto.
- Hindi
magastos Ang
pabigkas na pag-uulat ay nakakatulong na makatipid sa oras at ng iba pang pinagkukunang-yaman
na maaaring magamit sa pag-uulat.
Ang
mga pagsubok sa pabigkas na pag-uulat ay ang sumusunod:
- Maling
pag-uulat Maaring
sadyain ng ibang mga miyembro na mamahagi ng maling impormasyon upang maprotektahan
ang kanilang interes. Mapanukso ang pabigkas na pag-uulat sapagkat alam ng taong
nag-uulat na walang kokontra sa kanyang mga ulat. Sa ibang kaso, ang mga taong namamahagi
ng impormasyon ay hindi nabibigyan ng sapat ng oras para makapag-isip ng nararapat
ng kasagutan sa mga tanong.
- Pag-iimbak,
pag-uulit at pagiging konsistent Dahil
sa ang pabigkas na pag-uulat ay hindi naka-dokumento o nakatala, napakahirap na maimbak
ang impormasyon at makuhang muli ang mga ito sa susunod na kailanganin ang impormasyon.
Ang impormasyon ay naiimbak lamang sa kaisipan ng mga taong nakilahok sa pagsasagawa
ng proyekto. Kaya naman mahirap maipamahagi ang impormasyon sa ibang mga tao sa labas
ng pamayanan, lalo na kung ang taong nakakaalam ng impormasyon ay ayaw o hindi kayang
maipamahagi ito. Ang impormasyong nakolekta ay maaari ring hindi magkakatugma, lalo
na kung ang lumang impormasyon ay kailangan gamitin sa pagbubuo ng bagong datos.
Nakasulat
na pag-uulat:
Sa
pagsusubaybay, mahalagang maiulat, hindi lamang ang mga aktibidades, kundi pati ang
mga resulta ng aktibidades. Isulat ang inyong mga obserbasyon, kasama ng mga ulat
ng pagsusuri ng mga teknikal na tauhan.
Ang
mga kabutihan ng nakasulat na pag-uulat ay:
- Nagkapagbibigay
ng maaasahang impormasyong magagamit sa pangangasiwa. (Ang mga nakasulat na impormasyon
ay maikukumpara sa ibang impormasyon, luma man o bago, upang masiguro kung tama ang
mga ito);
- Nakakatulog
ito na makapagbigay ng impormasyon na galing sa mga teknikal na tauhan;
- Ang
mga ulat na nakasulat ay madaling mapangasiwaan.
Ang
mga pagsubok sa pagsasagawa ng nakasulat na ulat ay:
- Napapabayaan
ang araw-araw ng pagsusulat habang isinasagawa ng pagsusubaybay ng aktibidades; at
- Magastos
sa oras at pera ang pagdodokumenta ng ulat.
Tignan
ang Mga
Antas ng Pagsusubaybay para
sa paliwanag kung paano ginamit ang mga antas sa dokumentong ito. Ganito ang ginagamit
ng Uganda: 1=nayon, 2=parokya, 3=sub-county, 4=county, 5=distrito
Mga
Tungkuling may Kinalaman sa Pag-uulat ng mga Pangunahing Stakeholders:
Antas
ng pamayanan:
Mag
Komite ng Proyekto:
- Magdisenyo
ng plano o work plan ukol sa pag-iimplementa ng proyekto. Ipamahagi (makipag-uganayan
sa mga taga-pagkilos) ito sa Komite para sa Pag-papaunlad ng Parokya, Lokal na Konseho
at sa pamayanan.
- Ikalap
ang buwanang ulat ukol sa progreso ng proyekto. Ipamahagi ito sa Komite para sa Pagpapaunlad
ng Parokya, Lokal na Konsejo sa antas ng nayon at parokya, at sa Katulong sa Pagpapaunlad
ng Pamayanan; at
-
Itago
at pangalagaan ang mga dokumento ng proyekto (kasama ang plano, ulat ukol sa pagsusubaybay
at iba pang impormasyon).
Tagapag-kilos
ng Pamayanan:
- Isulat
ang ulat ukol sa proseso ng pagtutukoy ng proyekto sa antas ng nayon at isumite ang
kopya sa Komite sa Pagpapa-unlad ng Parokya at sa Katulong sa pagpapa-unlad ng Pamayanan;
- Tipunin
at isumite ang ulat ukol sa pamayanan at mga particular na tao sa pamayanan; at
- Isumite
ang ulat ukol sa lahat ng pagsasanay na isinagawa sa pamayanan.
Mga
Komite para sa Pagpapa-unlad ng Parokya:
- Magbigay
ng bagong impormasyon ukol sa proyekto sa parokya. Iulat ito sa pamayanan sa pagpupulong
ng local na konseho;
- Mag-ulat
sa pamayan at sa Katulong sa Pagpapa-unlad ng Pamayanan ukol sa pinagkukunang yaman
at kung paano nagamit ang mga ito sa proyekto;
- Magsumite
ng taunang ulat sa Katulong sa Pagpapa-unlad ng Pamayanan ukol sa mga pangunahing
tauhan sa proyekto sa pamayanan.
Una
at Pangalawang Lokal na Konseho:
- Itala
ang mga kaganapan sa pagpupulong ng konseho at ehekutibo. Ang mga talang ito ay magagamit
nila sa pagbubuo ng desisyon na may kinalaman sa pangangasiwa. Ito rin ay magagamit
ng mga koponan sa sub-county, distrito at pambansang antas.
Antas
ng Sub-County at Distrito:
Katulong
sa Pagpapa-unlad ng Pamayanan:
- Magsumite
sa distrito ang buod ng buwanang ulat ukol sa progreso ng proyekto;
- Mag-ulat
ukol sa estado at gawain ng mga tagapagkilos ng pamayanan, mga komite ng proyekto
at mga komite sa pagpapa-unlad ng parokya;
- Magsumite
ng buod ng pagsasanay na isinagawa ng mga tagapagkilos at pagsasanay para sa mga
tagapagkilos;
- Magsumite
sa distrito ng ulat ukol sa mga pangunahing tumutulong sa proyekto ng pamayanan.
Opisyal
para sa Pagpapa-unlad ng Pamayanan o Community Development Officer (Tagapag-ugnay
sa Distrito):
- Gawin
ang buwanang buod ng ulat ukol sa progreso sa antas ng distrito at isumite ito sa
pambansang tanggapan.
Pambansang
Tanggapan:
Pambansang
Tagapag-ugnay:
-
Gumawa
ng ulat ukol sa progreso ng mga proyekto sa bansa tuwing ika-anim na buwan at isumite
ito sa pambansang namamatnugot na komite, kagawaran, at mga donor;
- Gawin
ang ulat na tumutukoy sa mga bagong kaganapan ukol sa mga aktibidades ng proyekto
at kasama mga resulta nito. Isumite ang ulat sa bawat distrito na sya namang mamamahagi
ng ulat na ito sa mga sub-county at parokya;
- Gawin
ang ulat ukol sa SWOT (Strengths, Weaknesses, Opportunities, Threats. Sa Tagalog:
Kalakasan, Kahinaan, Oportunidad at Mga Banta) dalawang beses sa isang taon para
makita ang kalakasan at kahinaan ng disenyo ng proyekto. Isumite ito sa kagawaran
at mga donor. Isama sa ulat ang mabubuti at masasamang karanasan sa pag-iimplementa
ng proyekto. Ito ay maaaring maging bahagi ng ika-anim na buwang ulat;
- Tipunin
at ipamahagi ang resulta ng survey at kwaliteytib na pagsisiyasat kung ang mga ganitong
pagsusuri ay isinasagawa.
––»«––
Workshop
ukol sa Pagsusulat ng Ulat:
© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle Web Design: Lourdes Sada
––»«–– Huling Ulat: 11.05.2011
|