Tweet Mga Salin
'العربية / al-ʿarabīyah |
PAGSASANAY PARA SA PAGKILOSPagsasanay na Nakapagdudulot ng Pagkilos at Paglilipat ng mga Kakayahanni Phil Bartle, PhDisinalin ni Maureen GenetianoManwal sa PagsasanayAng mga miyembro ng komunidad ay natututo sa pamamagitan ng paggawa, at ang "paggawa" dito ay ang pagpili, pagpaplano at pagsasaayos na kinakailangan sa pagsali sa isang proyektong pansariling-tulong ng isang komunidad na makakatulong sa pagsulong ng sariling kakayahan nito.
Ang mga pagkilos na dapat gawin ng komunidad sa ngayon ay ang mga sumusunod:
Ang Pagkilos lamang, maging ang pagsasanay lamang, ay hindi lubusang nakakapagpalakas ng isang komunidad. Ang iyong gawain ay pag-isahin ang pagkilos ng isang komunidad sa pagsasanay at pagsusubaybay sa mga miyembro nito. Sa lahat ng panahong sinusubaybayan mo ang isang komunidad, ipakita mo sa kanila na ito ay isang oportunidad upang matuto. Ang paghahanda para sa Pagkilos na Plano (o Plano para sa Pagkilos) ay maaring magmukhang pampagulo lamang sa kanila; nararapat na maging masigla ka sa pagpapakita sa kanila ng kahalagahan at pagiging kapaki-pakinabang nito. Ang isang komunidad ay nagiging mas malakas at matatag kung ang mga miyembro nito ay natututo sa pamamagitan ng pagkilos gayundin kung tinuturuan mo silang matuto sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang sariling kakayahan. Tingnan sa: Pagsasanay sa Pamamagitan ng Pagpapakilos o Mobilisasyon. ––»«––Pagsasanay para sa Pamamahala ng Komunidad: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pagssasaayos |