Tweet Mga Salin
'العربية / al-ʿarabīyah |
PAGSASAAYOS NG ISANG KOMUNIDADPaghahanda nito para sa Pagkilosni Phil Bartle, PhDisinalin ni Maureen GenetianoIntroduksyon sa Mga ModuloMga Kabilang na Dokumento Pagsasaayos na Modulo
Paano maisaayos ang isang komunidad para sa mabisang pagkilos.Maraming mga guro at tagapagsanay ang nakakaalam na ang pag-aaral sa klase, pakikinig ng turo o presentasyon at pagbabasa ng mga aklat ay hindi kasing-bisa kung pababayaan lang ang mga tinuturuan na matuto sa pamamagitan ng paggawa. Ninanais mong ang ehekutibo ng isang organisasyon sa komunidad ay maging mas matatag sa pamamagitan ng mas mabisang pagsasaayos at pagsasanay ng mga kinakailangang kaalaman. Ang modulong ito ay maglalahad kung paano mo pagsamahin ang pagkilos at pagsasanay. Kasama ng buong komunidad, ikaw ay magsasaayos ng isang ehekutibo. (Tingnan sa Pagsasaayos sa Pamamagitan ng Pagsasanay). Maaring ito ay mayroong iba't ibang mga pangalan, tulad ng Ehekutibong CBO, CIC (Community Implementing Committee), Komite para sa Proyekto, o Komite para sa Pagpapaunlad. Sa pamamagitan ng ehekutibong ito, gumawa ka ng detalyadong pakikilahok sa pagtantiya ng mga kondisyon (kasama na ang mga problema at pinagkukunang-yaman) sa isang komunidad. Sa paggamit ng paraan ng pagpapalitan ng mga ideya at kaalaman, maipapakita mo sa komite kung paano maghanda ng isang plano sa pagkilos. Gagabayan mo ang ehekutibo na maipakita ang kanilang mga natuklasan sa buong komunidad. Pagkatapos, sa muling paggamit ng paraan ng pagpapalitan ng mga ideya at kaalaman, babaguhin ng komunidad (kung kinakailangan) at aaprubahan ang plano sa pagkilos. Ipapaliwanag mo rin ang tungkol sa paghingi ng panlabas na pagkukunang-yaman (ang mga katangian sa pagsusulat ng proposisyon), bibigyang-babala mo rin sila tungkol sa kapahamakan na dulot ng pagiging pala-asa sa iba. Sasanayin mo sila sa kahalagahan ng pagsusubaybay at pabayaan mo silang mag-desisyon kung paano ito gagawin. Panghuli, tulungan mo sila sa pagsasaayos sa pagkilos; ang kanilang gawain. ––»«––Pagpupulong sa Komunidad; pagpa-plano ng isang proyekto: Kung kokopya ng teksto mula sa site na ito, makikibanggit ang mga patnugot |
Pangunahing Pahina |