Tweet Mga Salin:
'العربية / al-ʿarabīyah |
MGA PAKINABANG NG PAGTASANG MAY PARTISIPASYON NG MAMAMAYANni Doreen Boydpinamatnugutan ni Phil Bartle, PhDisinalin ni Lina G. CosicoIlang mga Pakinabang: Ang gagawin natin dito ay maaaring magpatunay sa mga bagay na alam na nila tungkol sa komunidad o magpalit sa mga maling impormasyon at mga pananaw nila sa mga situwasyon kapag nakita nila ang mga ebidensiyang mailalapat sa kasalukuyang kondisyon. Ang isang pagsiyasat/pagtasa ng komunidad na isinagawa mismo ng mga mamamayan nito ay nagsisimula ng proseso ng partisipasyon at pagkakaroon ng adhikain na napakahalaga para sa sustenabilidad ng mga gawain sa komunidad. Ang mga tao ay talagang nakikilahok, at ang pagsusuri ng mga impormasyon ang magiging simula ng kanilang pagkakaroon ng kamalayan tungkol sa mga pinag-ugatan ng mga kondisyon sa kanilang komunidad. Dahil dito, mapapadali ang pagsulong ng kanilang edukasyon na magpapadali ng kanilang pag-unawa sa kanilang mga papel sa pag-adbokasiya at pag-lobby para maisagawa ang mga kailangang pagbabago. Nakakatulong dito ang pagbuyo sa mga mamamayan na magbago mula sa pagiging makasarili (individual or subjective approach) at maging makakomunidad ( objective community approach) sa pagtasa ng pangangailangan ng komunidad. Sa aking karanasan, ito ang madalas na nagiging malaking balakid sa ibang metodolohiya ng pagtasa ng mga pangangailangan pati na ng kayamanan ng isang komunidad. Natural na sa tao ang maging "subjective" na kung saan ay humuhusga sila batay sa kanilang sariling pananaw o karanasan. Hindi naman ito maling-mali, pero nakakaapekto ito sa resulta ng pagtasa ( maaaring pumabor sa iilang grupo) at maaaring makaramdam ng pagkabigo ang ilang tao kung ang mga pansarili nilang pangangailangan ay hindi matugunan at dahil dito ay hindi na sila sasali sa iba pang gawain. Ang ulat ng ginawang pagsiyasat o survey ay isang dokumentong magagamit sa iba't ibang antas tulad ng paggamit sa mga resulta ng nasyonal na pagtasa ng karalitaan, ng pagplano ng aksiyon at mga stratehiya para sa pagpuksa ng karalitaan na angkop para sa mga kondisyon sa komunidad na nakita sa survey, paghahanda ng kaso para sa pagpapalit ng mga polisiya at iba pang mga interbensiyon patungo sa mga maykapangyarihan (up-stream). Sa ganitong paraan, magkakaroon ng oportunidad ang mga mamamayan na magkaroon ng bahagi sa paggawa ng mga desisyon na makakaapekto sa kanilang pamumuhay at magkaroon ng sapat na dahilan para mamobilisa ang mga kailangan para sa mga interbensiyon. Narito ang ilang kuru-kuro ko batay sa sarili kong karanasan sa iba't ibang parte ng mundo na kung saan ay ginamit ko ang mga teknik ng PAR bilang bahagi ng proseso. Madalas itong sumunod sa paggawa ng mapa na kung saan ay maraming pagkakataon na nauumpisahan ang proseso ng paglalabas ng pagkakamali o pagkukulang ng impormasyon tungkol sa mga hangganan ng komunidad at kinatatayuan ng mga mahahalagang imprastuktura (gaya ng palikuran, tindahan, atbp). Natural lang na sundan ito ng " pagsisigurado" at mula dito ay ang pagsasagawa ng survey o pagsiyasat ng komunidad. Hindi pa ako nakaranas na tanggihan ng mga mamamayan na magsagawa nito o kaya'y hindi maisagawa ng mga mamamayan pagkatapos nilang magtraining. Iba Pang Kuru-kuro: Ang pangunahing bagay na dapat igiit sa mga facilitator sa klase ng prosesong ito ay ang kahalagahan ng pagkilala at pagtanggap nila na maraming ekstraordinaryong posibilidad sa mga ordinaryong tao kahit na sila ay namumuhay sa kahirapan. Sa madaling salita, ang karalitaan o kakulangan sa materyal na bagay ay hindi nangangahulugan na may kakulangan din sa ideya, pangarap at adhikain o kakulangan sa kakayahan na magsalin ng ideya sa aksiyon, magkatotoo ang mga pangarap o maabot ang mga adhikain. Kung baga ay dapat silang magkaroon ng 'pananampalataya' sa kakayahan ng mga tao at sa prosesong pinapadali nila. Maraming propesyonal ang hindi pa rin nakakaunawa sa kahalagahan ng pagdedesisyon ng komunidad sa mga bagay-bagay na nakakaapekto sa kanila. Bukod dito, hindi sila naniniwala na may kakayahan ang komunidad na magdesisyon batay sa mga impormasyon na kanilang natukoy na makatuturan, at kanila mismong nilakap at sinuri. Ang lahat ng naisaad na ay 'saklob' para sa lahat ng ginagawa ng mga facilitator, ngunit ang mga ito ay kritikal para sa proseso ng PAR dahil ang 'pagsaliksik o pagsiyasat' ay kadalasang iniisip na gawain ng mga dalubhasa at hindi ng mga 'mangmang o hindi edukadong masa' na kadalasan ay siyang 'sinasaliksik' imbes na tagasaliksik. Doreen Boyd, UNDP Barbados––»«––© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Pagtasa na Kasali ang mga Mamamayan |