Pangunahing Pahina
 PAR/PRA




Mga Salin:

'العربية / al-ʿarabīyah
বাংলা / Baṅla
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / hindī
Italiano
بهاس ملايو / Bahasa Melayu
Polszczyzna
Português
Română
తెలుగు /Telugu
Tiếng Việt

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

MAPA AT IMBENTARYO

Partisipasyon sa Pagtasa ng Komunidad

ni Phil Bartle, PhD

IsinalinG. Cosico


Handout para sa mga Miyembro ng Komunidad

Mga nota para sa mga miyembro ng komunidad na gumagawa ng pagtasa

Mapa at Imbentaryo:

Bago ka at ang mga kasama mong miyembro ng komunidad ay makasulong sa paraang nais ng komunidad, kailangan munang makagawa ng imbentaryo para malaman ang lahat ng mga yaman at pananagutan, at matukoy ang mga pangangailangan ng komunidad. Magandang umpisa ang paggawa ng mapa ng komunidad. Kaugnay nito at kasunod nito ay ang paggawa ng malawak na imbentaryo ng komunidad.

Mahalaga na ang mapa at imbentaryo ay gawin ng lahat ng tao sa komunidad; hindi lamang ng mga lokal na lider at opisyal, hindi lamang ng mga nakakabasa at nakakasulat, hindi lamang ng mga may gulang na kalalakihan, hindi lamang ng nakakaraming etniko o relihiyosong grupo - lahat.

Ang mobiliser ng komunidad o facilitator ay tutulong na mag-organisa ng isang paglibot sa barangay o kapitbahayan para gumawa ng mapa, at ng isang pulong ng komunidad para mag-imbentaryo. Ang iyong tulong sa facilitator para gawin itong sama-samang gawain ng komunidad ay kinakailangan at hinihiling.

Anong Gagawin Mo?

Ano ang kailangan mula sa iyo para gawin itong isang tagumpay?

Sa paggawa ng mapa, dumating ka sa oras at himukin mo ang mga mamamayan na dumalo. Sumama ka sa paglakad. Ituro mo ang mga yaman ng komunidad gaya ng mga palikuran na malinis at ginagamit, mga kuhanan ng tubig na nagbibigay ng malinis na tubig ( na walang natatapong tubig sa lupa), mga paaralan na malinis, naiilawang mabuti at ginagamit ng husto, mga palaruan na maayos at kaaya-ayang gamitin, maaayos na kalsada na walang mga mapanganib na butas, malilinis na palengke o talipapa, at iba pa. Ituro mo rin ang mga pasilidad na sira, kailangan ng pagkukumpuni, pagpapalawak o pagpapalit, at siguraduhin mong ito ay nakatala sa mapa.

Ang pinakamahalaga mong layunin sa sesyong ito ay siguraduhin na ang mapa ay wasto at kompleto. Ito rin ang kailangan mong kontribusyon para sa paggawa ng imbentaryo ng komunidad.

Dumalo ka sa pulong at himukin mo ang mga mamamayan na dumalo rin. Makipagtulungan ka sa mga facilitator at mobiliser. Ilista ang lahat ng mga yaman at pangangailangan. Huwag kang kumontra o makipagtalo sa ibang tao. Siguraduhin mo na naririnig ka nila at ang iyong mga kontribusyon ay naitala, ganun din ang sa mga mamamayan. Higit sa lahat, himukin mo ang mga taong kadalasan ay hindi napapakinggan, sa ano pa mang dahilan. Hayaan silang marinig.

Boses ng Buong Komunidad:

Ngayon ang panahon para malaman: " Ano ang kailangan ng komunidad para sumulong?" Hindi ito ang panahon para ipilit ang pansariling pangangailangan. Hindi rin ito ang panahon para ipilit ang gusto o pangangailangan mo at ng iyong mga kaibigan, pamilya o kasamahan. Ito ang panahon para sa team work, na kung saan ang team ay ang buong komunidad - lahat.

Kung ikaw ay nakakabasa (at nakakabasa ka dahil binabasa mo ito), subukan mong iwasang tingnan ang mga pangangailangan ng komunidad mula sa pananaw ng mga marunong bumasa at sumulat. Isipin mo kung paano nakikita ng mga hindi marunong bumasa at sumulat ang kanilang komunidad.

Kung hindi ka marunong bumasa (at ito ay binabasa sa iyo), isipin mo kung gaano kahalaga sa buong komunidad ang matutong bumasa at sumulat. Huwag mong gamitin ang okasyong ito para isulong ang pakinabang ng iyong grupo na batay sa relihiyon, wika, angkan o pamilya, trabaho o kaibigan. Gamitin mo ito para sa kapakanan nang buong komunidad.

Ang Hinahangad na Bunga ng Pagtasa

Kapag natapos na ang paggawa ng mapa at ng imbentaryo ng komunidad, ano ang dapat na resulta; ano ang dapat na naisagawa?

Ang mapa ay magiging kumpleto at wasto, at kasama dito ang lahat ng pasilidad, pati na ang kanilang mga positibo at negatibong aspeto.

Ang imbentaryo ay magiging kumpleto at wasto, kasama ang lahat ng pasilidad, mga yaman o resources at mga balakid (kasalukuyan o mga maaaring mangyari), lahat ng mga pangangailangan at oportunidad, para sumulong ang komunidad.

Ang mapa at imbentaryo ay magpapakita ng buong partisipasyon at kontribusyon mula sa lahat ng mamamayan, hindi lang ng mga kinatawan, hindi lang ng mga grupo-grupo o ng mga masalitang mamamayan - lahat ng miyembro ng komunidad.

––»«––

Paggawa ng Mapa ng Komunidad:


Paggawa ng Mapa ng Komunidad


© Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 16.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Pagtasa na Kasali ang mga Mamamayan