Pangunahing Pahina
 Desinyo ng Proyekto




Pagsasalin:

বাংলা / Baṅla
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
Polszczyzna
Português
Română
Tiếng Việt
Türkçe

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link


LOHIKAL FRAMEWORK ANALYSIS

sulat ni Phil Bartle, PhD

Isinalin ni Ian L. Balansag


Kung ikaw ay maghahanda ng proyekto o desinyo ng programa, makikita mo na mahalaga ang paggamit ng Lohikal Framework Pagsusuri. Ilang nagkakaloob na ahensiya, kasama na ang World Bank at CIDA, nanganga-ilangan ng Logframe para sa mungkahi ng pondo. Para sa nahihirapan na NGO, samakatuwid, ay mahalaga ang kaalaman kung papano gagawa ng isang Lohikal Framework Analysis.

Ang logframe ay isang table, kung maari ay dapat isang pahina lang, at ito nagtuturo ng mga mahalagang elemeto sa isang proyekto.

Sa Desinyo ng Proyekto dokumentong pagsasanay, kinikilala namin sa pamamagitan Pakay, Hangarin at Layunin. Ang mga ito ay nag-lalaro mula sa henaral hanggang tiyak, at layunin nito ay mas tiyak sa oras, kantidad at nasusukat na produkto ng proyekto. Sa isang logframe, ang mga distinksiyon na ito ay mas sakto at pino, at gumagamit ng konting deperinsyang mga termino.

Ito ay pwedeng magamit sa pag-iisip ng mga programa o proyekto katulad ng isang pabrika o pagbubukid. Meron itong inputs na mga mapag-kukunangyaman na ilalagay, at kalabasan na mga ninanais na mga produkto na makukuka mula nito. Huwag kalimutan na ang salitang input ay isang pangalan, ie isang bagay (o mga bagay) hindi ito pandiwa (na ginagawa mo). Ito ay maling Englis (gamit, bokabolaryo, grammar) para gamitin ang salita input bilang pandiwa, ie na magsabi to input mga bagay.

Ang logframe ay makapal at mayaman, at nangangailangan ng konting dalubhasa para basahin , kung isa ang gagawa. Sa unang beses na gagawa ka, mas makakatulong kung may ibang tao kasama sa paggawa na pamilyar sa minu-munkahi mong proyektot. Mahabang oras ang kailangan, at hindi siya mababasa katulad ng mga teksto .

Ang Pagkakalatag ng LFA (Logical Framework Analysis):

Ang LFA ay kadalasang nilalatag bilang table, may limang kuloms. At kadalasan pinepresenta sa isang sukatan na pahina(A4 or 8-A1/2 by 11) naka position pahalang. Para sa malalaki at komplikadong proyekto, pwedeng ituloy sa mga sumusunod na pahina, pero dapat isang pahina lang.

Sa itaas ay mga titulo sa limang kulom, mula sa kaliwa papuntang kanan:

  • Pagsasalaysay ng Sumariya;
  • Ina-asahang Resulta;
  • Nagpapakita ng Pagganap;
  • Asumpsiyon; at
  • Risgo

Sa unang kulom sa kaliwa, sa baba ng Pagsasalaysay Sumariya, ay may tatlong silda. Pinapangalanan, mula sa ibabaw hanggang sa ibaba.

  • Hangarin ng Programa
  • Layunin ng Programa; at
  • Kilosan.

Kung ang proyekto o ang programa ay may maraming hangarin, ang tatlong ito ay inuulit, sa ilalim ng unang tatlo, ay mga bagong tatlong serye para sa bawat hangarin.

Sa pangalawang kulom mula sa kaliwa, sa Ina-asahang Resulta, ay tatlong silda , nakahanay patayo, at naka agapay sa tatlo sa unang kulom mula sa kaliwa. Sila ay pinangalan, mula taas pababa:

  • Impak;
  • Kalalabasan; at
  • Mga Yari.

Dalawang salita, sa unang tingin parang magkapareho, kalalabasan at yari. Ang yari ay ang direktong produkto ng programa o proyekto. Gamit ang pagbubukid o pabrika analohiya, ito ay parang gatas o bisikleta. Ang kalalabasan, ay hindi direktong produkto ng programa o proyekto,pero ang epekto sa makakatanggap na komunidad o benepisyaris. Gamit ang pagbubukid o pabrika analohiya, ulit, ang kalalabasan magbibilang May gatas para sa mga bata, o Transportasyon ay mas magiging madali kung hindi lang ang paglalakad ang gagamitin.

Sa pangatlong kulom mula sa kaliwa, sa baba ng Nagpapakita ng Pagganap , may tatlong silda ulit. Sila pinangalangan, mula taas pababa:

  • Nagpapakita sa Impak na Pagganap;
  • Nagpapakita sa Kalalabasan na Pagganap; at
  • Nagpapakita sa Yari na Pagganap

Ang walang lamang frame ay makikita parang ganito:

Logical Framework Analysis

NARATIVE SUMMARY INAASAHANG RESULTA NAGPAPAKITA NG PAGGANAP ASUMPSIYON RISGO
Hangarin ng Programa Impak Nagpapakita sa Impak na Pagganap Asumpsiyon Risgo
Layunin ng Programa Kalalabasan Nagpapakita sa Kalalabasan na Pagganap Asumpsiyon Risgo
Kilosan Yari Nagpapakita sa Yari na Pagganap Asumpsiyon Risgo
Pabalik-balik kung kinakailangan, depende kung gaano ka rami ang mga hangarin.

Sa huling dalawang kulom, sa kanan, ay mga Asumpsiyon, at Risgo. Ang bawat isa ay nag tutukoy sa unang tatlong silda sa kanilang mga hanay.

Kung magsusulat ng asumpsiyon, kinikilala mo ang mga bagay na inaasaasahan mo palaging mananatili o mahuhulaan , sa pagkasalaysay nila sa paksa sa unang tatlong kuloms. May mga maraming bagay na ipagpalgay na nating hindi na kinakailangan isama. Ipagpalagay natin, halimbawa, na ang mundo ay hindi tatamaan ng asteroid na maglalabas ng maulap na alikabok at uubosin ang lahat na buhay na nilalang . Hindi na kailangan isama ang mga ganun pangyayari na maliit ang posibilidad.

Ipagpalagay rin natin na walang pag alsa ng militar na makaka sagabal sa sistema ng ekonomiya. Sa bansang katulad ng Canada, maliit ang posibilidad na mangyari kaya pwede hindi na natin banggitin. Sa ibang bansa, Liberia, halimbawa, pwede nating isama kasi mayroong maliit na posibilidad na ito ay mangyari, at makakasagabal sa proyekto. Kung tayo ay gumagawa ng bisikleta, halimbawa, ipagpalagay na natin, o hindi, na ang mga mapagkukunang materyales kagaya ng bakal na tubo, ay makukuha lang sa merkado. Kung tayo ay gumagawa ng gatas, halimbawa, pwede nating ipagpalagay na walang epidemiya na lalabas para magkasakit at mamatay ang mga baka.

Ang huli o ika-limang kulom, Risgo, ay magkatuwang sa pang-apat na kulom, Asumpsiyon. Ang risgo sa pag alsa ng militar sa Canada ay maliit, kahit sa Liberia ang risgo ay maliit din, pero ito ay mas mataas sa Canada. Dahil nakilala muna na ang asumpsiyon at risgo at magkatuwang sa unang tatlong kulom, ang mga risgo at asumpsiyon na iyon ay magkatuwang sa isa't-isa.

Ang pinakahuling logframe, or lohikal framework, na iyong ginawa, ay magkapareho ng pagdesinyo ng proyekto, pero ito ay naka-ayos sa pormat mula sa taas, at ito ay mas pina-ikli at ginawa para ang lahat na silda at kulom ay lohikal na mag-kaugnay.

Ang ibang donante na mga ahensiya mayroon o nangangailangan ng logframe tables na may konting pinagkaiba sa mga numero at pamagat ng mga kulom, pero ang prinsipyo ang pareho, kasama na ang bigat, ikli, at lohikal na relasyon sa pamamagitan ng mga silda.

––»«––

Pagplano ng Proyekto:


Pagplano ng Proyekto:

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 2011.05.21


 Pangunahing Pahina

 Desinyo ng Proyekto