Pangunahing Pahina
 Desinyo ng Proyekto




বাংলা / Baṅla
Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
Polszczyzna
Português
Română
Tiếng Việt
Türkçe

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

Mga nilalaman:

Mga nilalaman:

Mga nilalaman:

Mga nilalaman:

Mga nilalaman:

Mga nilalaman:


DESINYO NG PROYEKTONG PANG-KOMUNIDAD

Gabay sa mga pinuno

sulat ni Phil Bartle, PhD

Isinalin ni Ian L. Balansag


Ubod na Dokumento sa Modulo

Kung magpaplano, paano ka magdesinyo ng proyekto sa komunidad?

Abstrak:

Ito ay gabay na dokumento, para sa mga tagapagkilos ng komunidad at mga piniling ehekutibong miyembro ng komunidad na pinili ng buong komunidad para maipatupad ang mga pangarap ng komunidad sa pagplano at pagagawa ng aksyun.

Ang proyektong pang-komunidad ay isang organisadong aksyun na pinapahalagahan ang mga mapagpilian at nina-nais ng buong komunidad (hindi sa sarili , pangkat, o malakas na grupo sa komunidad , at hindi ahensiya sa labas ng komunidad).

Introduksyun:

Kung ang komunidad ay pinapakilos, at ang lahat ng miyembro ay sumasali sa mga napiling aksyun kung ano ang gagawin, nagiging mahalaga ang pagsama ng mga napiling aksyun at desisyon para ito ay maging proyektong pang-komunidad. Ang dokumentong ito ay isang gabay ng komunidad para mag desinyo ng proyekto.

Makikita mo na kadalasan ng mga desisyon sa pagkilos at proseso ng pag-organisa, at sa pag-aaral na sesyon, ay nag-replekto sa desinyo ng proyektong pang-komunidad. Ito ay sinasadya; ang isang proyekto nakabasi sa komunidad ay dapat nag-replekto sa napiling aksyun at desisyon para sa boung komunidad.

Ang Apat na mga Susing Tanong:

Sa pagplano ng proyektong pang-komunidad, at pagsusulat ng mga planong iyon bilang proyektong dokumento, ay mahalaga kung mag-umpisa sa simulain ng desinyo ng proyekto, kaysa halip na limitahan ang deskripsyun sa kung anong paksa ang talakayin. Ang mga simulain ay pinagsamasama sa apat na susing tanong na kasama sa ibang modulo, pagsanay ng tagapangasiwa, pag-aaral, at iba pa.

Ang apat na susing tanong, at ang pagkakaiba nila, ay pinalawak bilang importanteng mga detalye dito sa dokumento. Kung susuriin mo ang bawat tanong, at mga detalyeng kasama, ang mga sagot ay nag representa sa bawat elemento ng desinyo ng proyekto. Wag masyadong talakayin ang mga detalye at malilimutan mo na ang apat na susing tanong ay isang yunit; sila ay lohikal na magkasama.

Ito ang simpleng batayan, metapora ng materyales, lupon ng apat na susing tanong sa pangangasiwa:
  • Ano ang ating gusto?
  • Ano ang meron sa atin?
  • Paano natin magagamit ang meron sa atin para makuha ang ating gusto?
  • Ano ang mangyayari kung tayo ay gagawa?

Ito ay parehong lupon, nilagay sa heograpiyang metapora :
  • Saan nating gustong pumunta?
  • Saan na tayo?
  • Paano tayo makakapunta sa lugar na ating pinaggalingan papunta sa lugar na gusto nating puntahan?
  • Ano ang mangyayari kung tayo ay gagawa?

Ang unang lupon ng susing tanong ay nagtatanong tungkol sa materyal na gusto: "Ano" ay kailanagan. Ito mahalagang pagsalakay kung ang priyoridad ng komunidad ay maihayag sa pamamagitan ng pagkontruksyon, pagbili, pag-pangalaga, pag-aayos, o may pinanghahawakang "bagay" na importante at mahalaga.

Ang unang lupon ng susing tanong ay nagtatanong tungkol sa materyal na gusto: "Ano" ay kailanagan. Ito mahalagang pagsalakay kung ang priyoridad ng komunidad ay maihayag sa pamamagitan ng pagkontruksyon, pagbili, pag-pangalaga, pag-aayos, o may pinanghahawakang "bagay" na importante at mahalaga.

Eksperinsiya sa mga komunidad na gawain ay nagpapakita na ang ibang komunidad na maliit ang kita ay may iba ring nga priyoridad, depende sa kanilang ibat-ibang kalagayan. Pobreng bukiring komunidad, halimbawa, madalas hinahayag ang kanilang priyoridad na hangarin sa pamamagitan ng komunal ng pasilidad, klinik, paaralan, pagkukunan ng tubig, sanitasyon, daanan. Mga taong nakatira sa mahirap na lugar sa kapatagan ay may kagayang hangarin (madalas ay pagpapalawak sa mga dating pasilidad) pero, gusto rin nilang magkaisa para ipaglaban ang kanilang kapangyarihan bilang mag-uupa, proteksyon laban sa bandalismo at krimen, at iba pang pagbabago sa mga batas na umiiral.

Sa bawat kaso ang apat na susing tanong ay nagsasalaysay sa isa't isa bilang pagkakaisa: (1) ang gusto o pangangailangan ay kinikilala, (2) ang kasalukuyang mapagkukunsng-yaman ay kinikilala, (3) ang paggamit ng maayos sa mga mapagkukunang-yaman at paano matupad ang mga hangarin na nakilala, at (4) ang ibang kalalabasan ay nahuhulaan. Kung ano mag metapora, materyal, heograpikal o iba pa, ang apat na susing tanong (at kanilang sagot sa pamamagitan ng desinyo ng proyekto ) nanatiling pareho, at nagsasalaysay sa isa't isa ng pareho. Ang pagkaisang ito at ang relasyon sa mga tanong ay kailangan suriin bago natin palawakin ang apat na susing tanong na kailangan sa desinyo ng proyekto.

Ang Pinalawak na mga Susing Tanong:

Kung ang desinyo ng proyektong pang-komunidad ay nakabasi sa parehong apat na tanong, ito ay mas magiging klaro kung palalawakin ito. Hindi nito nakukunan ang kahalagahan sa apat na ubod na mga tanong, sa halip ay ipinapaliwanag ito.

Dahil ang desinyo ng proyekto ay sinasaylaysay bilang nakasulat na dokumento, ang mga tanong na ito (pinalawak na listahan) ay nagsisilbing kabanata o seksyon ng desinyong dokumento.

Ang pinalawak, desinyo ng proyekto, bersiyon ng parehong susing mga tanong.
  • Ano ang problema?
  • Ilarawan na ang hangarin ay ang solusyon sa problema;
  • Pinuhin ang hangarin na maging (SMART);
  • Kilalanin ang mga mapagkukunang-yaman at mga balakid;
  • Gumawa ng isang lupon ng pamamaraan para magamit ang mapagkukunang-yaman , iwasan ang mga balakid at makuha ang layunin;
  • Piliin and pinaka epektibong pamamaraan;
  • Magpasya sa organisasyon (estraktura, sino ang gagawa sa ano, badyet, skedyul); at
  • Magpasya sa pagsubabay, pag-uulat at ebalwasyon

Ang "Ano ang ating gusto?" pangangasiwang tanong ay pinalawak na maging una sa tatlong mga pinalawak na listahan:

  • Ano ang problema?
  • Ilarawan na ang hangarin ay ang solusyon sa problema;
  • Pinuhin ang hangarin para maging lupon na mga layunin.

Ang layunin ay ngsasaad sa ating gusto. Ito ang sagot sa mga unang problema sa komunidad.

Ang "Ano ang meron sa atin?" ay susing tanong na pinalawak:

  • Kilalanin ang mga mapagkukunang-yaman at mga balakid;

"Ano ang meron" ay pwedeng hati-in sa dalawang uri: (1) ano ang meron sa atin na magagamit at mahalaga (mapagkukunang-yaman) at ito ay makakatulong para makamit ang ating gusto, at (2) ano ang meron sa atin na maghahadlang para makamit ang ating gusto (balakid). Ito ay pwedeng magkahiwalay na kabanata sa desinyo ng proyekto.

Ang "Paano natin magagamit ang meron sa atin para makamit ang ating gusto," ay pinalawak ng tatlong tanong:

  • Gumawa ng isang lupon ng pamamaraan para magamit ang mapagkukunang-yaman , iwasan ang mga balakid at makuha ang layunin;
  • Piliin and pinaka epektibong pamamaraan; at
  • Magpasya sa organisasyon (estraktura, sino ang gagawa sa ano, badyet, skedyul); at

Isang stratehiya lang (ang daan para makamit ang mga layunin) ang gusto at kailangan. Na inilarawan sa pag-aaral sesyon, paggawa ng mga alternatibo at pagpili ng isang paraan para ang proseso sa paggawa ng desisyon ay mas may nakakalahok. Ang pagbubuklod na proseso ay gawain ng tagapagkilos ,at dapat nakabasi sa mga layunin at pamamaraan na napili ng komunidad.

Ang "Paano natin makukuha ang ating gusto na meron sa atin?" ay kasama ang rin badyet. Ang nakalinya linyang badyetyay dapat nakalagay sa apendiks. Ang bawat linya sa iyong badyet ay dapat may pangkalahatang magagastos sa isang badyet na kategorya. Ang mga linya ay dapat naka grupo sa pamamagitan ng magkaparehong gasto (eg sahod, sasakyan, komunikasyon, gasolina, transportasyon). Kung kaya mo, kilalanin sa pamamagitan ng hindi ekspendabol(ie mga kagamitan na pwede gamitin ulit) at expendabol (ie mga gamit na tinatapon pagkatapos gamitin).

Ang badyet ay dapat makatotohanang pagkalkula sa mga gastosin na kasama sa pagpatupad at operasyon ng proyekto. Kung maari ipakita ang potensyal para sa sariling suporta o suporta sa ibang mapagkukunang-yaman na ginagamit mo. Ang pagkalkula ng gastosin ay dapat pinaghihiwalay sa pamamagitan ng kategorya (linyang bagay) kagaya ng: sahod; materyales; kagamitan; pag byahe at pang-gastos ; renta; telepono. Boluntaryong pagbigay sa proyekto na galing sayo at miyembro ng iyong organisasyon ay dapat nakalista at naka-kalkula bilang perang nasa kamay. Kilalann ang mga pasilidad na pwedeng gamitin para sa proyekto. Kilalanin ang mga kagamitan na nasa iyong organisasyon na magagamit para sa proyekto. Isama ang ibat ibang mapagkukunan na magagamit para sa proyekto na galing sa gobyerno o sa ibang organisasyon.

Ang pang-apat na tanong, "Ano ang mangyayari kung tayo ay gagawa?" ito ay pinalawak ng ibat ibang importanteng tanong para sa desinyo ng proyekto. Ang mga ito ay naka sumariya:

  • Magpasya sa pagsubabay, pag-uulat, ebalwasyon.

Ang tatlong bagay na ito ay magkakaiba, pero magkaugnay sa isat isa. Amg mga ito ay mahalaga, kahit ito ay madalas makakaligtaan ng mga bagohang tagapagkilos at mga lider ng komunidad

Pagsubaybay ay ang pagbabantay sa proseso ng ginagawang proyekto na malapit na maipatupad. Hindi lang ang mga aksyon na nagawa, pati na ang resulta sa mga aksyon, ay kailangan bantayan. Ito ay kailangan para ang proyekto nanatiling nasa patutunguhan. Pag-uulat ay nangangahulugang (pagsasabi at pagsusulat) para alam ng lahat na nagmamay-ari ay nasasabihan sa pagsubaybay. Ebalwasyon ay ang paggawa ng desisyon sa mga nangyayari (at ang kalalabasan o resulta sa mga aksyon) para mabago ang plano, hangarin, layunin o stratehiya kung kinakailangan.

Ang Pagsubabay ay dapat ginagawa:

  • ang komunidad;
  • ang CBO ehekutibo; at
  • ibang mga donante.

Ang desinyo ng proyekto ay kailangan nagpapaliwanag kung papano ang tagumpay ay sinisukat at papano ito ma itiyak na tama.

Ang paggawa at pagtanggap ng mga ulat ay kailangan naka saad sa desinyo ng proyekto. Dapat mayroong empasis sa pag-uulat, o sa resulta, ie ang epekto sa proyekto, kahambing sa mga layunin na nakaplano at nakasaad sa iyong proyektong mungkahi, hindi lang ang pag-uulat sa kilos ng proyekto (ito ay ang mga input).

Sa dako ng Kahalagahan:

Hindi lang ang apat na mga susing tanong sa pangangasiwa, at kanilang mga pinalawak na mga kabanata sa desinyo ng proyekto, pati na rin ang kahalagahan ng desinyo ng proyektong pang-komunidad, ay mayroon pang ibang elemento na pwede mong idagdag sa desinyo. Karamihan ng mga ibang elementong ito ay nakasaad sa ibang modulo, ang Mungkahi sa Proyekto. Ito ay dahil mayroong pagkahalo sa mga kilos sa pamamagitan ng pagdesinyo ng proyekto at pagkuha ng mga pondo sa labas para sa proyekto. Ang pagdagdag nito sa desinyo ng proyekto ay lalong mapagbuti ang pag-uunawa sa mungkahing proyekto, at para maklaro ang mga tanong ng mga miyembro ng komunidad tungkol dito.

Sa kabilang dako, minsan ay nakakaligtaan natin na ito ay, para sa mga proyektong nakabasi sa kominidad, ang pinaka importanteng donante ay ang mga miyembro ng komunidad mismo. Ang panahon, lakas, karunungan at pag-iisip na inukol ng mga ehekutibo ng komunidad ay dapat ma-isama sila sa mga nangunguna sa listahan ng mga donante. Kung ang isang proyekto para sa komunidad ay denisinyo, ay kailangan sagot sa mga ninanais ng komunidad (na nakukuha sa pag-aaral sesyon). Kung ang desinyo ay nakumpleto, at ang dokumento ng proyekto ay nakasulat at handa na, ito ay kailangan maibalik sa komunidad para sa kanilang mga sagot, at hayaang sisiyasatin ng publiko, para ito ay mapatunayan na nag replekto sa mga kailangan ng buong komunidad.

Ang ibang elemento na pwedeng idadag ay:
  • Ang pamagat na pahina;
  • deskripto ng mga makikinabang(at paano sila makikinabang);
  • kasaysayan (isyu at problema);
  • target at kilos (ilan pa ang kailangang gawin);
  • skyedyol at bilis ng gawa(panahon);
  • porma ng organisasyon at tsart;
  • benipisyo sa pagsusuri ng gastos;
  • deskripsyon sa trabaho at TORs; at
  • abstrak o ehekutibong sumariya.

Ang deskripto ng mga nadagdag na elemento ay hindi masasama dito. Tingnan ang Mungkahing Proyekto para sa deskripto nito, at bakit ito ay pwedeng maisama.

Konklusyon

Kung ang buong komunidad ay nag desisyon sa isang napiling aksyun, ito ay pwedeng maihayag bilang isang proyekto. Ang proyekto ay dapst ma desinyo. Ang mga sentrong elemento sa proyekto ay dapat nagmumula sa pag-aaral na pinangungunahan ng tagapagkilos; ang mga detalye ay gagawin ng mga ehukutibo sa komunidad na napili ng komunidad.

Ang mga gabay na nakasaad sa itaas ay naglalarawan na ang mga mahalagang elemento sa pag desinyo ay nakukuha mula sa apat na mga susing tanong sa pangangasiwa. Ibang elemento sa dako ng kahalagahang elemento(ito ay nakakatulong para ma klaro ang nature sa proyekto para sa komunidad at ibang donante ) ay naka lista rin.

––»«––

Apendiks: Modelong Gabay sa pag Desinyo ng Proyekto

Ang mga sumosunod ay isang modelo o gabay sa pag desinyo ng proyekto:

Kasaysayan (Ano ang problema?)
Ang Hangarin sa Proyekto(Ang solusyon sa problema)
Ang mga Layunin
Ang Mapagkukunang-yaman (Potential, available, internal, external)
Ang mga Balakid
Posibleng Stratehiya (Para makamit ang mga layunin)
Ang Napiling Statehiya(Bakit iyon ang napili)
Pagsubaybay
Pag-uulat
Ebalwasyon
Apendises (nakadetalyeng badyet, skedyol, listahan, larawang,
mga ibang inpormasyon)

Pagplano ng Proyekto:


Pagplano ng Proyekto

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 2011.05.21


 Pangunahing Pahina

 Desinyo ng Proyekto