Tweet Mga Salin
Català |
PAGSURI SA PANLABAS NA YAMAN NG KOMUNIDADAno ang Puwedeng Makuha ng Komunidad na Nanggaling sa Labas?ni Phil Bartle, PhDIsinalin ni Melanie Arriesgado Mosqueda, RNSulatin sa PagsanayPagtantiya sa mga Yamang Nagmula sa Labas para sa Proyekto ng KomunidadMga Yamang Nagmula sa Labas: Para mas maging malakas ang komunidad at mas nagtitiwala sa sarili nito, mas maraming kayamanan ang makakamtan nito na nanggaling sa loob ng komunidad (nasa loob) at ito'y mas magiging makapangyarihan. Ang panganib na maaring magdulot sa Pagdepende na nabanggit na dito. Ganunpaman, kung kayang itap ng komunidad ang yamang nagmula sa labas na kung saan ito ay may karapatan, puwede mong gabayan ang mga kasapi ng komunidad sa mga kayamanang ito, hangga't sila ay iyong hinihimok na gumamit ng yamang nanggaling sa loob. Para ihanda ang iyong sarili sa gawain ng tagapagpakilos, puwede kang magsaliksik sa iba’t ibang uri ng mapagkukunan ng ideyang nagmula sa labas para sa mga proyekto ng komunidad. May tatlong lehitimong mapagkukunan para sa komunidad ito ay ang (1) pamahalaan, ang distrito, pagkatapos ang rehiyunal, pagkatapos ang pambansang antas, (2) ahensyang hindi pampamahalaan, kapwa pandaigdigan at pambansang organisasyon sa pagtulong, at (3) pandaigdigang bilateral at multilateral na proyekto sa pagtulong. May mga kalakip na problema ang bawat isa nito. Ang mapagkukunan sa pamahalaan ay puwede lamang ipagkaloob kalakip nito ang napaka higpit na regulasyon at alituntunin na puwedeng maging balakid sa proseso ng pagsasakapangyarihan. Ang NGOs madalas ay ang mga kawanggawa na nagiging sanhi sa pagiging dependente ng komunidad, ito rin minsan ay kaakibat ng relihiyon o ibang pananampalataya, at puwedeng walang patuloy o pambansang sakop na ang kalabasan ay di makatarungan para sa buong bansa. Ang pandaigdigang proyekto ay karaniwang nakatuon sa permanenteng panahon, at bihira lamang naghahanda para sa pagpapatuloy at pansariling pagpatuloy ng pagsasakapangyarihan. May dalawang pangunahing uri ng yamang nanggaling sa labas o eksteryor: (1) pinansyal o pananalapi, gaya ng mga bigay at perang pangsuporta sa proyekto, at (2) kadalubhaasan na puwedeng gumabay sa mga kasapi ng komunidad sa pagsagawa at pagpapatakbo ng kanilang proyekto. Mga Pinagkukunan ng Pamahalaan: Bumisita sa mga tanggapan ng pamahalaan, una muna sa pinaka mababang antas, halimbawa ang tanggapan ng distrito. Mula sa kanila, kumuha ng impormasyon kung anong kadalubhasaan at pinansyal o pananalaping maitutulong nito na posibleng mapasakamay. Subukan ding magpakilala sa mga pinuno ng pamahalaan na maaring nasa mataas na antas ng tanggapan ng pamahalaan, halimbawa rehiyunal o probinsyal. Gawin din ito para sa iba pang mga pinuno ng bansa. Isa-isip na ang ibang ministro at departamento ay may mga taong sinanay at hinanda upang bumisita sa mga komunidad, ngunit ito ay kulang sa transportasyon at ibang panggastos. Magtanong kung maari ba silang bumisita sa komunidad kapag ang komunidad mismo ang siyang maglikom ng pondong kinakailangan upang itustos sa mga gastusin. Ito ay may dalawang layunin; (1) upang kumukuha ng gabay sa yaman ng komunidad at (2) upang isama ang komunidad sa pagtulong nito sa proseso, at samakatuwid mas mabigyang halaga ang gabay na ito.
Ang kadalubhasaan at teknikal na gabay ay mayroong iba’t ibang bahagi:
Ang pondo ng pamahalaan ay maaring makuha sa pamamagitan ng:
ikaw man ay tagapagpakilos ng pamahalaan, o nagtatrabaho para sa di-pampamahalaang ahensya, kailangan mong gumawa ng pagsusuri ukol sa makukuhang yaman ng pamahalaan na maaring mapakinabangan ng komunidad. Kailangan mo ring mahanap at maitala ang mga alituntuning kinakailangan ng departamento ng pamahalaan para sa pag aplay mo at ng iyong komunidad para sa pang pinansyal na suporta. Di-Pampamahalaan na Mapagkukunan: Ang mga hindi-pampamahalaang mapagkukunan ng pananalapi at teknikal na kadalubhasaan ay maaring kasama nito ang mga sumusunod:
Kapwa ahensya ng UN at pandaigdigang NGOs ang kalimitang pinagkukunan ng iba’t ibang uri ng kadalubhasaan at kalimitang pursigidong magpadala ng espesyalista sa lokal na komunidad, hangga’t ika’y nag-oorganisa ng pagsasanay sa komunidad. Tandaan na ang mga tagapagpakilos, aktibista, animators, at mga maggagawa ng komunidad na nagmula sa ibang ahensya ay magaling na mapagmumulan, ikaw at sila ay makikinabang sa pakikipag -ugnay at pagtatrabaho sa kanila ng sabay. Mag-ingat sa pag himok sa komunidad na maging dependente sa panlabas na yaman. Tingnan ang dokumento sa Ang Pagdepende na Sindrom. Ito ay maliit na bahagi ng pondo na nanggaling sa labas, at maaring kailangan upang makompleto ang proyekto ng komunidad, ngunit ang panlabas na pinagkukunan ay maaring mapahina kesa sa mapalakas ang komunidad. Ang kaugnay na dokumento sa pagsanay, Ang Pagkalap ng Pondo, ay gagabay sa iyo tungo sa proseso ng pagsulong ng komunidad sa pamamagitan ng pagsulat ng panukala upang makamtan ang nakatalagang pondo. Sa iyong pagsaliksik, dito, kailangan mo munang malaman kung ano ang potensyal na mapagkukunan upang matulangan ang komunidad na itap ito. Kung ikaw ay parte ng distrito or lugar ng proseso ng pagpapakilos, at upang masiguro na ang iyong tagapagmana ay makapagsimula ng trabaho na walang seryosong istorbo, ang iyong obserbasyon, (mga talaan ng pagsaliksik) ay kailangang nakasulat at palaging handa. ––»«––Ang mga Dalubhasang Ministro ay Nagbibigay ng Teknikal na Payo: © Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Pagsaliksik ng Komunidad |