Tweet Mga Salin
Català |
PAGSURI SA PANLOOB NA YAMAN NG KOMUNIDADAno ang Maaring Gamitin?by Phil Bartle, PhDIsinalin ni Melanie Arriesgado Mosqueda, RNSulatin sa PagsanayPagtantiya sa mga yaman para sa pagsasakapangyarihan ng komunidadAng kakayahan ay kayamanan o kasaganaan. Hindi nito kinakailangang maging salapi upang ito'y matatawag na isang yaman. Tingnan "Kayamanan" (kahit anong kulang o mahalaga ). Ito ay kayamanan na puwedeng magamit para sa pag-unlad, na mas mabuti na ituring itong puhunan sa kayamanan, puhunan para sa pag-unlad ng komunidad, pagbibigay kapangyarihan at pagbawas sa karukhaan. Ito ay kayamanan kapag (potensyal) ito ay puwedeng makuha at magamit para sa proyekto ng komunidad. Sa bandang huli, ang Paglahok sa Pagtantiya, ikaw ang siyang gagabay sa komunidad sa pagkilala sa panloob na yaman na puwede nilang itap. Mas mahusay para sa iyo kung posibleng mas pamilyar ka sa kanila, upang mas makapagbigay ka ng epektibong gabay. Tandaan na ang mga miyembro ng komunidad ay maaring sadya o di sadyang magtago ng mga makukuha o potensyal na kayamanan. Ang mga Pinuno at mga Taga-organisa: Maaring ang pinaka mahalagang yaman ng komunidad ay binubuo ng kanilang mga pinuno at mga taga-organisa. Kasama nito ang mga potensyal na mga pinuno na iyong kinilala na may wastong katangian, kahit hindi pa nila nagagawa ang mga pamumuno at mga pang-organisang gawain. Tingnan Pamumuno. Kapag merong ibang mga kayamanan,ang mga pinunong ito at mga taga-organisa ay ang siyang tutulong sa komunidad upang kilalanin at gamitin ito. Habang kinikilala sila maaring ang unang kailangan mong gawin sa komunidad (o kahit kapag nakikipag-usap ka sa mga impormante bago ka pumasok sa komunidad), kailangan patuloy mo silang gabayan hanggang matapos ang iyong kaugnayan sa komunidad. Paggawa ng Sabay: Ang isa pang mahalagang di-pananalaping kayamanan ng komunidad ay ang kakayahan ng mga kasapi nitong gumawa ng sabay. Tingnan Pagkakaisa sa Pag-organisa. Ang mga komunidad ay nagkakaiba sa antas na kung saan sila ay puwedeng makipagtulungan, o mayroong makatotohanang gusot. Puwede kang magtanong sa iyong pinagkakatiwalaang impormante; kung mayroon bang nakalipas na insidente ng makatotohanang gusot?. Mayroon bang ibang pangyayari na kung saan ang mga kasapi ng komunidad ay nagkaisa at nakipagtulungan sa mga gawain ng komunidad? Ito ay hindi posible, at siguro hindi rin kailangan, na gumawa ng komplikadong pagsuri sa lipunan ng mga miyembro ng komunidad upang alamin ang antas ng pagkakaisa o kagustuhang makipagtulungan. Mula sa mga uri ng impormasyon na puwede mong makuha sa pamamagitan ng pagtingin sa kasaysayan ng komunidad at mga kuwento ng mga pinagkakatiwalaang impormante, kailangan mong tantiyahin ang kakayahan ng mga miyembro ng komunidad sa paggawa ng sabay. Tantiyahin ang Kapwa mga Kalakasan at mga Kahinaan: Sa iyong saliksik, mahalagang gumawa ng pagtantiya kapwa sa kalakasan at kahinaan, hindi lamang sa isa o sa iba. Ano ang mga katangian ng komunidad na makakatulong dito upang maging matagumpay ito sa pagsimula at pagtapos ng sariling tulong na proyekto? Ano naman ang katangian na magiging hadlang dito? Makabuluhan para sa iyo ang gumawa ng teybol, na mayroong positibong katangian sa isang banda, negatibo naman sa kabilang banda. Puwede mong ikategorya ang mga katangian sa anim na dimensyon ng kultura at lipunan. Ito ay makatutulong sa iyo sa pag-organisa ng iyong mga obserbasyon at pag-analisa. Pang-komunidad at Bayanihan: Ang isa pang mahalagang yaman na kung saan ang komunidad ay maaring kumuha ay kinabibilangan ng bayanihan o libreng paggawa ng mga miyembro nito. Sa tradisyunal na pagsasaka sa komunidad, maaring kasama dito ang mga libreng paggawa o bayanihan ng mga grupo ng mga mamamayan na sa isang banda, ay tinatawag ng lokal na kapulungan. Ito ay hindi masyadong ginagawa sa panlungsod na kapitbahayan. Ang iba pang uri ng bayanihan o libreng paggawa ay ang paggawa ng plano at pagpangasiwa ng proyekto ng komunidad. Ang mga miyembro o kasapi ng tagaganap na komite o tagapagpatupad na komite ay ginugugol nila ang kanilang lakas, oras at interes sa pag-organisa sa proyekto ng komunidad. Kapag binilang ang kontribusyon ng komunidad sa proyekto (lalo na kung ito ay may katumbas na pananalapi na nagmula sa ahensyang nagbigay ng pondo) ang halaga ng bayanihan o libreng paggawa ay kailangang tantiyahin ng pantay (sa halaga ng kalakal). Kapag nagtatantiya ng yaman ng komunidad, kailangan mong gumawa ng di pormal na pagtantiya ng halaga ng bayanihan o libreng paggawa, na hinati sa iba't ibang uri at mga tungkulin. Mahuhusay na mga Residente: Sa iyong pagsuri sa mga yaman ng komunidad, gumawa ng tala ng mga taong merong makabuluhang kahusayan na puwedeng gamitin ng komunidad kapag gumawa ito ng proyekto. Kabilang dito ang mahuhusay na manggagawa na umaasang babayaran sa makatarungan na halaga para sa kanilang trabaho. Kabilang din dito ang mga sinanay ngunit mga batang wala pang karanasan sa trabaho at mga manlalakbay na kailangan ng karanasan upang idagdag sa kanilang CV's. Kabilang din ang mga retiradong espesyalista na puwedeng magbigay ng payo at gabay. Kung meron silang sapat na pensyon, puwede rin nilang ibahagi ang kanilang kahusayan sa paggawa sa komunidad. Maghanap ng lahat ng uri ng kahusayan, kabilang dito ang pagtipa at accounting puwede rin ang mga kalakal (mga mason, mga karpentero, panday), mga guro at pangkalusugang manggagawa. Mga Yaman ng Ekonomiya: Ang yaman ng ekonomiya ay kalimitang hinahati sa lupa, trabaho at puhunan. Tingnan Kayamanan. Ito ay maaring maging mahalagang klasipikasyon para sa iyo na ilista ang mga yaman na puwedeng gamitin ng komunidad para sa proyekto. Ang may-ari ng lupa ay maaring magpahiram o magbigay ng kapirasong lupa upang pagtayuan ng klinika, paaralan o lugar na mapagdadausan ng pagpupulong sa komunidad (mag-ingat sa titulo, baka ito’y angkining muli ng may-ari kapag naipatayo na ang mga pasilidad ng komunidad). Ang trabaho (ibinahagi man o ginawa kapalit ng kabayaran) ay binanggit na sa itaas. Ang puhunan o kapital ay nangangahulugang kahit anong mahalagang bagay na hindi nagamit ng direkta ngunit puwedeng maging bahagi sa malawakang produksyon, na kalimitang tumutukoy sa mga kagamitan (Tingnan ang Teknolohiyang Dimensyon ng kultura). Ang gusali na kung saan pagdadausan ng pagpupulong o pagsaayos ng pasilidad ng komunidad, ay pinagsamang lupa at kapital o puhunan. Ilagay sa iyong talaan kung ang kinilalang yaman ay puwedeng ipamigay sa presyo ng kalakal, o magbigay ng presyo na mas mababa sa antas ng kalakal (kalahating donasyon). Oras at Pagod: Ang pagdalo sa mga pulong ng komunidad ay kailangan ng oras at lakas. Ang ibang kasapi ng komunidad, na hikahos o nasa antas ng mahihirap, ay wala sila nito na kung saan ginugugol nila (maaring) lahat ng kanilang oras at lakas sa pagtatrabaho upang mabuhay. Obserbahang mabuti upang tingnan kung meron pang natitirang oras sa pagpapahinga para sa kanila. Tandaan na ang bakanteng oras at lakas ay kalimitang mas mababa sa panahon ng pagtanim at pag-ani. Tandaan na ang mga miyembro ng taga-lungsod na komunidad (at mga taong nagmula sa kabukiran na merong bayarang trabaho) ay mayroong regular na oras sa pagtrabaho, at bakante lamang tuwing sabado’t lingo o sa gabi. (Ang araw na walang trabaho ay puwedeng magkaiba, Biyernes para sa mga Moslem, Sabado para sa mga Hudiyo, Linggo para sa mga Kristiyano, at Martes para sa mga mangingisda sa karagatan ng Kanlurang Africa - alamin). Salapi: Kahit gaano pa makapagbigay ang komunidad sa mga di-pananalaping yaman para sa mga proyekto nito, may mga oras na kailangan pa rin ng salapi. Kailangan mong tantiyahin ang kakayahan ng komunidad sa paghanap ng salapi. Ito ay mas mataas sa mga nagsasakang komunidad na kung saan ang mga produktong tinanim ay binibenta nila, kabaligtaran nito sa mahihirap na komunidad na kung saan ang mga produkto ay itananim lamang upang kainin, at hindi upang ipagbili. Ito ay maaring mas mataas sa lungsod kesa sa kabukiran na komunidad. Ito ay mas mataas na kung saan ang mas malaking bahagi ng mga residente ay mayroong alam sa salapi, sila man ay nagtatrabaho o nangangalakal. Tandaan na ang halaga ng salapi meron ang tao ay isang pribadong bagay, at tatangkain ng mga residente na palabasin na meron silang mas konti na salapi na taliwas sa totoo. Kailangan mo’ng gumawa ng mga tala ng mga salaping handa sa komunidad. At, marami ring residente ang gustong magsabi na wala silang salapi, na sila ay mahirap, sa (maling) pag-asa na mabibigyan sila ng tulong galing sa labas. Pagtala at Pag-ulat: Kailangan mong itala ang iyong mga tantiya sa mga potensyal na yaman ng komunidad. Kung ikaw ay bahagi sa distrito or rehiyunal na proseso ng pagpapakilos, ang mga talaang ito ay kailangang maging handa sa mga tagapangasiwa at taga-ayos ng programa. Kailangan mo na kaagarang magsimula sa paghanda para sa iyong pag-alis, sa pagtago ng mga talaan, upang ang iyong mga talaan ay parang isinulat para sa iyong tagapagmana, kahit na ito ay ilang taon pang mangyayari. Ang iyong pagsaliksik ay nagbunga ng mga datos, at itong mga datos na ito ay kailangang maitago sa maayos na pamamaraan upang ito ay makuha ng mabilis, at ito’y nangangahulugang dapat itong itago bilang bahagi ng MIS (management information system). ––»«––Ang Pagsasanay: © Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Pagsaliksik ng Komunidad |