Pangunahing Pahina
 Pagsaliksik sa Komunidad




Mga Salin

Català
中文 / Zhōngwén
Deutsch
English
Español
Filipino/Tagalog
Français
Ελληνικά / Elliniká
हिन्दी / Hindī
Italiano
Polszczyzna
Português
Română

                                        

Ibang mga Pahina:

Mga Modyul

Mapa ng Site

Susing Pananalita

Ipagbigay-alam

Mga Dokumento

Mga Magagamit na Link

Mga Nilalaman:

Mga Nilalaman

Mga Nilalaman:

Mga Nilalaman:

Mga Nilalaman:


PAGSALIKSIK PARA SA MGA TAGAPAGPAKILOS

Praktikal, Nagagamit at Puno ng Kahalagahan

ni Phil Bartle, PhD

Isinalin ni Melanie Arriesgado Mosqueda


Sulatin sa Pagsanay

Paggamit ng pagsaliksik sa lipunan para sa pagtulong sa pagsasakapangyarihan

Abstrak:

Ang dokumentong ito ay layon para sa mga tagapagpakilos ng komunidad at sa kaniyang tagapangasiwa.

Ang paraan ng pagsaliksik sa aghamlipunan sa puro na agham tulad ng Sosyolohiya at Antropolohiya ay magkatulad ngunit iba sa mga paraang ginamit sa applied na siyentipikong pagsasaliksik na ginamit ng tagapagpakilos o ng tagapagsanay ng pangasiwaan. Ang pagpapatuloy ng perspektibo ng lipunan ay mahalaga sa bawat klase, at ang resulta ng puro na pagsaliksik ay puwedeng maging mahalaga sa gumagamit na siyentipiko o dalubhasa.

Ang tagapagpakilos sa bukirin, gayunman, ay kailangang gumamit ng paraang angkop sa kaniya o kaniyang mga layunin at mga ninanais, ang pagsasakapangyarihan ng mga komunidad at ang kakayahan ng pagsulong ng mga organisasyon.

Paggamit ng Aghamlipunan:

Ito ay makabuluhan upang hatiin ang agham sa pagitan ng puro at nagagamit. Ang puro na agham ay naghahangad na makita kung paano ito gumana. Ang nagagamit na agham ay naghahangad na gumawa ng praktikal na magagamit sa tulong ng kaalaman. Habang ang kimika ay purong agham, ang kemikal na pang-inhinyero ay nagagamit na agham. Ang pagsasakapangyarihan ng komunidad at ang pag-unlad ng kapasidad sa loob ng organisasyon ay ang dalawang halimbawa ng nagagamit na aghamlipunan.

Habang ang pagpapakilos, pagsasakapangyarihan, kapasidad ng pag-unlad at pagpangasiwa ng pagsanay lahat ng ito ay nagagamit na aghamlipunan, sila ay di kaparis ng pang-inhinyerong lipunan.

Ang kaibahan sa pagitan ng puro at nagagamit ay nakakaapekto kung paano ginagawa ang siyentipikong pagsasaliksik.

Sa loob ng pagsaliksik ng puro na agham, ang Antropolohiya ay kalimitang gumagamit ng obserbasyon ng mga kalahok. Sa ganung paraan, ang dalubhasa sa antropolohiya ay naninirahan sa komunidad na kung saan ang kultura ay naiiba sa kanyang pinagmulan, natututo ng wika at pag-uugali, at nag-uulat sa kultura ng kakaibang lipunan. Ang obserbasyon ng kalahok (bilang antropolohiya) ay nakakaubos ng panahon. Ito ay hindi praktikal na paraan ng pagsaliksik para sa tagapagpakilos na mayroon lamang limitadong oras na kumuha ng resulta sa komunidad.

Ang Sosyolohiya, sa kaibahan, ay karaniwang umaasa sa bilang ng pagsusuri sa pakikipanayam . Ang bilang ng pagsusuri sa lipunan (tulad ng Sosyolohiya) ay pormal at marahil ay medyo mahirap. Ang pormalidad na ito madalas ay makakaapekto kung paano sasagot ng katanungan ang mga impormante. Ang pagsusuri ay binibigyang diin ang opinyon o kuro-kuro ng mga sumasagot. Ang pagsusuri ay hindi nagpapakita kung paano gumalaw ang komunidad, o kahit anong institusyon ng lipunan.

Ito ay kaunti lamang na halimbawa. Sa pangkalahatan, ang pamamaraan ng pagsaliksik sa puro na agham ay hindi angkop o madaling ipatupad sa agham na ginagamit (halimbawa ang pagpangasiwa ng pagpapakilos, pagsasakapangyarihan). Ang resulta ng pagsaliksik sa puro na agham,gayunman,ay puwedeng mahalaga sa tagapagpakilos. Hindi nakakasama kung magbasa ng mga pahayagan tungkol sa pagsaliksik sa puro na aghamlipunan upang makita ang mga resulta at pag-aralan ang mga pamamaraang ginamit. Iyon ay isang magandang rekomendasyon para sa tagapagpakilos.

Para matuklasan ng tagapagpakilos ang tungkol sa partikular na komunidad na sapat na maalalayan sa pagsasakapangyarihan nito, sa kabaligtaran, ang tagapagpakilos ay puwedeng gumamit ng ibang mga pamamaraan.

Ang Layunin ng Pagsasaliksik:

Ang layunin ng pagsaliksik doon (sa puro na agham) ay upang makita kung paano ito gumana o gumalaw. Ang layunin dito (sa agham na ginagamit) ay upang makatulong upang mas maging epektibo ang pakikialam sa pagsasakapangyarihan. Ang pagtuklas kung paano ito gumana o gumalaw ay maaring isang pangalawang produkto.

Ang hangad ng tagapagpakilos ay upang iangat ang kapangyarihan at kapasidad ng komunidad na may mababang kinikita. Ang pangkaraniwang paraan ay upang himukin, pukawin at gabayan ang komunidad upang gumawa ng aksyon tulad ng proyekto sa pagtulong sa sarili na nakatutok sa mga layuning kinilala ng mga miyembro ng komunidad bilang pinakauna.

Upang maging epektibo at matagumpay, kailangang malaman ng tagapagkilos kung paano itinayo ang komunidad - anong pagbabago ang kinakaharap nito at anong estraktura o modelo ang kasalukuyang ginagamit. Kailangang malaman ng mga tagapagpakilos kung paano tumutugon ang komunidad sa iba't ibang uri ng interbensyon. Kailangan niyang malaman kung paano mapagkakaisa at mapipili ng komunidad ang aktibidad na makakaenganyo sa lahat ng miyembro nito na makialam. Kailangang malaman ng tagapagpakilos ang tungkol sa ekonomiya, ang proseso sa politika, ang teknolohiya, ang modelo ng pakikipagtulungan, ang kaugalian at paniniwala ng mga miyembro ng komunidad, sa maikling salita, ang kultura nito.

Ang impormasyon sa lahat ng ito ay tutulong sa tagapagpakilos na maging epektibo sa pagpili ng mga estratehiya upang pukawin ang komunidad na palaguin ang sarili nito. Ang tagapangasiwa ng programa upang mabigyang kapangyarihan ang maraming komunidad ay pare-parehong kailangan ng impormasyon sa lipunan na ginawa ng mga tagapagpakilos. Ang impormasyong ito ay hindi dapat manatili sa tagapagpakilos, ngunit ang mga talaan ay kailangang kopyahin ng tagapangasiwa ng malawakang proseso o programa.

Ang Pangkalatahang Diskarte sa Pamamaraan:

Kailangang matuklasan ng tagapagpakilos ang lahat ng bagay tungkol sa komunidad ng hindi gumagawa ng paraan na makakapigil sa kanyang abilidad na pukawin ang komunidad na gumalaw.

Ikaw, ang tagapagpakilos, ay walang panahon na gumugol ng isang taon o higit pa sa pakikilahok sa obserbasyon tulad ng dalubhasa sa antropolohiya. Ang tagapagpakilos ay karaniwang hindi nakaka-organisa ng pormal na pagsusuri, kulang sa mga tao, at ibang pagkukunan at dahil ang pagpangasiwa tulad ng pormal na pagsusuri ay makakaapekto sa paniniwala at pag-uugali ng mga residente.

Ang pagsaliksik sa lipunan na ginawa mo, ang tagapagpakilos, ay dapat di-pormal at hindi nahahalata (sa paraan na magiging di-komportable ang mga tao).

Bagama't ang obserbasyon ay dapat maging kaswal at walang agarang pormal na pagtala, ang tagapagpakilos pagkatapos nito ay kailangang gumugol ng oras tuwing gabi, na malayo sa mga residente, gumawa ng malawakang pagtala ng iba't ibang uri ng kung ano ang naobserbahan at na-analisa sa bawat araw. Sa paggawa ng pagsaliksik sa lipunan, ang tagapagpakilos ay di puwedeng masyadong mapilit sa kasaktuhan o katumpakan nito. Sa kabutihang-palad, ang kasaktuhan o katumpakan ay hindi agarang kailangan; ang kaparehong kalakaran at sinusundan ay puwedeng makatulong sa tagapagpakilos na magdisenyo ng estratehiya na angkop sa komunidad, at puwedeng makatulong sa tagapangasiwa na magdisenyo ng estratehiya na angkop sa distrito.

Magtalaga ng Oras para Sumulat:

Magsantabi ng kahit isang oras o mahigit bawat araw, upang magkaroon ng panatag na panahon para sa sarili, na isulat ang iyong mga obserbasyon at mga analisa sa komunidad kung saan ka nagtatrabaho. Gumawa ng talaarawan, kabilang dito ang higit pa sa mga pangyayari sa bawat araw, ngunit kabilang din dito ang iyong mga obserbasyon, mga reaksyon, mga kasagutan, mga kaisipan, at konsiderasyon kung ano ang iyong nakita, narinig at ginawa.

Ang iyong kasulatan ay isang mahalagang bahagi sa paggawa ng panlipunang pagsaliksik sa komunidad. Huwag kaligtaan ito. Ang pagsusulat ay nakakatulong.

Ang pagsulat ay nakakatulong sa pag-organisa ng iyong kaisipan. Dahil ang komunidad ay binubuo ng lipunan, at kailanman ay hindi mo makikita ang kabuuan nito, ang pagsulat ay nakakatulong sa iyo na bumuo ng larawan ng iyong komunidad. Kailangan mong ianalisa ang mga bagay na iyong naobserbahan, at ang pagsulat ang tutulong sa iyo sa paggawa ng iyong mga pag-analisa. Nakakatulong ito sa iyo upang makita mo ang komunidad sa kabuuan nito, maliban sa lahat ng taong nakasalamuha mo araw-araw.

Magsulat, din muli.

Kailangan ng Kuro-kuro ng Lipunan:

Sa paggawa ng iyong saliksik, at upang magtagumpay bilang tagapagpakilos, kailangan mong makita ang komunidad bilang higit pa sa katipunan ng mga tao.

Kailangan mong maintindihan ang Kuro-kuro ng Lipunan. Ito ang kinalabasan sa paraan ng paggawa ng obserbasyon habang ikaw ay nasa komunidad o kasama ng mga miyembro ng komunidad, habang palihim kang sumusulat ng maraming tala tungkol sa iyong obserbasyon at mga inaanalisa. Kailanman ay hindi mo makikita ang kabuuan ng komunidad, ngunit puwede mo itong isipin bilang solong indibidwal o tao (Tingnan ang Kuwento ng Elepante).

Sa pamamagit ng pagsulat, puwede mong isipin at isiping muli ang komunidad na animo'y binubuo, at magkaroon ng mas mabuting pang-unawa sa buong komunidad na nalinang sa iyong kaisipan. Upang maunawaan ito ng mas mabuti, kailangan mong magkaroon ng malawakang pang-unawa sa komunidad sa kabuuan nito, at ang lipunanan sa kabuuan. Tandaan na ang komunidad, bilang binubuo ng lipunan, ay higit pa sa mga indibidiwal o tao. Ang "malaking larawan" ay nasa iyong isipan.

Ang komunidad ay gumagana (minsan di-gumagana), na pabago-bago na sistema. Kailangan mong isalin isa-isa ang obserbasyon sa mga bahagi ng pangkabuuang pananaw, at iyan ang pinakamabuting gawin habang ikaw ay nagsusulat ng iyong mga tala pagkatapos. Ayusin ang iyong mga obserbasyon sa mga kategorya tulat ng anim na dimensyon ng kultura. Ito ay makakatulong sa iyo para makilala ang aspetong nakaligtaan, at ipanatili ang kabuuang pananaw ng komunidad bilang superyor na organisasyon. Puwede mo ring iorganisa ang iyong mga obserbasyon sa anim na elemento ng kapasidad o kakayahan. Ito ay makakatulong sa iyo na manatiling nalalaman ang mga pagbabago ng iyong pamamaraan sa pagsasakapangyarihan na kailangang maipatupad sa komunidad.

Pagsaliksik sa Silid-aklatan:

Huwag matakot na kumuha ng panlipunang impormasyon tungkol sa komunidad na nanggaling sa puro na agham, kabilang ang ekonomiya, agham na pampulitika, heograpiya, antropolohiya at karunungang panlipunan o sosyolohiya. Kahit na ito ay tinipon upang mapalawak ang siyentipikong pang-unawa, ang impormasyong ito ay makakatulong sa iyo na abutin ang iyong mga layunin sa pagsasakapangyarihan.

Maghanap sa pamamagitan ng artikulo sa pahayagan sa sosyolohikal, antropolohikal at heograpikal na pang-akademyang pahayagan, kung ikaw ay maaaring pumasok dito. Ang mga silid-aklatan ng mga pamantasan at ang internet ay ang dalawang magandang mapagkukunan. Huwag mag kaligtaan ang sensus na datos.

Ang pagsaliksik na ginawa sa magkatulad na komunidad sa parehong distrito, sa parehong grupo ng katutubo, sa parehong lugar, ay maaaring maging mahalaga, basta't natatandaan mo ito pati na rin ang pagkakatulad nito sa iba, ang bawat komunidad ay magkaiba.

Mga mapa at iba pa:

Sa pagsulat sa iyong talaan tungkol sa kung ano ang iyong nakita at narinig sa komunidad, huwag mong limitahan ang iyong sarili sa mga sinulat na mga salita. Mula sa simula, umpisahang gumuhit ng iba't ibang uri ng mga mapa.

Magsimula sa pangkaraniwang mapa ng heograpiya, iguhit kung nasaan ang mga bagay sa komunidad katulad ng kung ano ang nakikita sa itaas. Huwag huminto dito. Magsimulang gumuhit ng ibang uri ng mga mapa, magpatuloy sa mga mapa na walang heograpiyang batayan. Gumamit ng anim na kultural na dimensyon bilang pang-organisang mekanismo.

Sa teknolohiyang dimensyon, bilang halimba, idisenyo ang komunidad tulad ng buhay na organismo: ano ang kinakain nito, ano ang nilalabas nito? Paano nito ginagamit ang kinakain nito bago nito inilalabas? Gayundin, planuhin ang ekonomikong dimensyon: nasaan ang kayamanan nakatuon? Paano gumagalaw ang kayamanan? (Alamin ang pagkakaiba ng kayamanan at salapi). Sa pulitikal na dimensyon, planuhin ang hangganan ng kapangyarihan at impluwensya. Kabilang ang tradisyunal, minana, binoto, di-pormal, di-kilala, at iba pang uri ng pagkukunan ng kakayahan upang baguhin ang mga bagay. Paano binabahagi ang kapangyarihan sa loob ng komunidad? Paano ito nililipat? Mayroon bang mga indibidwal na kumukuha ng kapangyarihan ng higit pa sa isa na pinagkukunan? Mayroon bang nagpapalit ng mapagkukunan?

Gumawa ng sarili mong mapa. Subalit, ibahagi at ikumpara ang iyong mapa sa iba pang tagapagpakilos. Sanayin mo ang iyong sarili na tingnan ang komunidad bilang isang solong organismo, na may katangiang naiiba sa koleksyon ng mga indibidwal, ngunit kilalanin ang mga kapangyarihan at elementong tumulong sa komunidad na magkaroon ng sariling buhay at

Paggawa ng Talaan:

Habang sa una para itong nakakabagot na aktibidad, ang paggawa ng talaan ay kapaki-pakinabang na paraan para sa pag-organisa at pagsuring muli sa iyong mga obserbasyon, at upang magkaroon ng mas malalim na pang-unawa sa komunidad sa pamamagitan ng panlipunang perspektibo.

Simulan ang pagtala, kahit na hindi mo ito matatapos sa parehong araw. Gumawa ng talaan sa kahit anong maobserbahan na nakita mo sa komunidad. Kapag ikaw ay gumagawa ng talaan, ikaw din ay nagkakaroon ng kamalayan sa mga bagay na hindi mo pa naoobserbahan, at bibigyan mo ito ng pansin sa susunod na pupunta ka sa komunidad.

Balikan mo ang iyong listahan sa susunod at ireview o irepaso at baguhin. Ibahagi at ikumpara ang iyong listahan sa iba mga tagapagpakilos.

Ang iyong talaan ay maaring ang mga taong na pumupuno sa tungkulin kaugnay sa isa sa mga kultural na dimensyon; halimbawa, sa kapangyarihan (pulitikal) na dimensyon, magsimulang gumawa ng talaan ng lahat ng taong humawak ng kapangyarihan at/o impluwensya sa kumunidad.

Para sa ekonomikong dimensyon, gumawa ng talaan ng lahat ng komersyal na mangangalakal sa komunidad. Itala ang lahat ng paraan sa paglipat ng kayamanan maliban sa paggamit ng salapi. Itala ang mga paraan ng paggamit ng salapi para suriin ang kayamanan sa komunidad. Itala ang mahahalagang bagay na nakikitang mali na suriin kasama ang salapi.

Ang mga talaan ay hindi lamang tungkol sa mga tao. Paano ang mga pangrelihiyong gusali (simbahan, mosque, sinagog, templo, revival tent, lokal deity na gusali, fetish houses? Paano ang lahat ng mga pananim na tinatanim at binibenta? Paano ang pangkomunidad na pasilidad (mga paaralan, patubig, elektrisidad, pagpupulong na lugar, mga daan?

Sa huli maaari kang gumawa ng talaan ng lahat ng iyong mga itinala. Gamitin ang talaang ito sa pagdiskubre ng mga katunayan na maaari mong nakaligtaang ikolekta sa panahon ng iyong impormal na diskusyon at obserbasyon sa publiko. Ikumpara ang iyong listahan sa mga ibang tagapagpakilos, at talakayin ito kasama ng iyong tagapangasiwa.

Mga tagapangasiwa, hikayatin ang iyong mga tagapagpakilos na gumawa ng talaan, at talakayin ang mga paraan ng paggamit nito bilang paraan ng pag-atas ng panlipunang pagsaliksik sa bawat komunidad.

Pagtatapos:

Ang panlipunang pagsaliksik ng mga tagapagpakilos ay hindi kapareho ng pagsaliksik sa purong agham o siyensya, tulad ng sosyolohiya at antropolohiya. Kailangan nitong maging mas mabilis, kahit na ito ay hindi tumpak, at kailangan nitong maging di-mapilit at di-nanghihimasok. Ito ay hindi paghahanap ng karanungan para lamang sa karunungan, ngunit ito ay paghahanap ng impormasyon na magbibigay daan para sa maayos na paraan para bigyang kapangyarihan ang bawat komunidad.

Kailangan mong magdisenyo ng sarili mong estratehiya sa pagsaliksik, idisenyo ito para sa kondisyon ng komunidad. Italakay ito kasama ang iba pang tagapagpakilos sa iyong distrito o sa kaparehong organisasyon, at magpalitan ng mga ideya at ng mga kranasan.

Ang mga ito ay alituntunin, hindi isang sangkap kung paano mo gawin ang iyong trabaho, sa dokumentong ito. Karamihan sa iyong naobserbahan ay kailangan mong isiping muli at ianalisa. Ang pagsulat ng araw-araw ay makakatulong sa paggawa mo nito. Tingnan ang lahat ng iyong sinaliksik upang makatulong sa iyo sa pag-unawa ng komunidad sa pamamagitan ng panlipunang perspektibo, at upang lubos na maunawaan kung paano ito inorganisa, ano ang mga pagbabagong kinakaharap nito, at kung paano ito maaring mapasigla ng mas mahusay patungo sa pagtaas ng kapasidad nito.

Ang dokumentong ito (kung saan binibigyang diin ang "paano" ng iyong pagsaliksik) ang bubuo ng dokumento, Pagsaliksik sa Komunidad (kung saan binibigyang pansin ang "ano" ng iyong pagsaliksik).

––»«––

Paggawa ng Mapa:


Paggawa ng Mapa:

© Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
Web Design: Lourdes Sada
––»«––
Huling Ulat: 29.05.2011


 Pangunahing Pahina

 Pagsaliksik ng Komunidad