Tweet Mga Salin
Català |
PAGSALIKSIK SA KOMUNIDADAng Organisasyon ng Lipunan sa Komunidadni Phil Bartle, PhDIsinalin ni Melanie Arriesgado MosquedaPambungad ng ModuloAnong mga patunay ang kailangan para sa Pagsasakapangyarihan ng Komunidad?Panimula: Bilang isang tagapagpakilos na nagtatrabaho sa komunidad, kailangan mong malaman kung paano itinatag ang komunidad. Ano ang mga organisasyong panlipunan nito? Ano ang mga panlipunang estraktura, modelo at mga sistema ang bumubuo sa komunidad? Hindi ka lamang gumagawa ng pagsasaliksik upang malaman ang tungkol sa organisasyon ng lipunan para lamang sa kaalaman. Kailangan mong ring malaman kung ano mismong mga elemento ng komunidad ang makakaapekto sa paglikha ng estratehiya para sa pagsasakapangyarihan, at makakaapekto sa kung paano ka magiging matagumpay. Ang pinakamabisang paraan para sa pagsaayos mo sa impormasyong iyong nakalap (tingnan Mga Pamamaraan sa Pagsaliksik sa Komunidad, na bumubuo sa dokumentong ito), ay ipangkat muna ito sa anim na panlipunan-kultural na dimensyon (tingnan Mga Dimensyon ). Nakita mo sila noong una kang pinakilala sa konsepto ng ). kultura at komunidad: Teknolohikal, Ekonomiko, Politikal, Institusyunal, Kaugalian at Pananaw ng Mundo. Sa ibabaw ng anim na kategorya, magdagdag ng dalawang hindi sosyolohikal o di-panlipunang kategorya: Heograpiko at Demograpiko. Ang papel na ito ay susuriin muli ang walong kategorya ng impormasyon, na may ilang mga mungkahi tungkol sa kung ano ang dapat mong hanapin sa bawat isa. Ito ay hindi kumpleto; maaari kang makakita ng mas maraming impormasyon na kapaki-pakinabang. Kailangan mong isaayos ang iyong obserbasyon, samakatuwid, sa sumusunod na walong kategorya:
Ang Heograpiya ng Komunidad: Saan ba matatagpuan ang komunidad? Ang lupain ba ay maburol, mabundok o patag? Ito ba ay malapit sa karagatan, sa lawa, o sa ilog? Ang klima ba ay malamig, mainit, magkahalo, maulan, tuyo, maulap? Paano nagbabago ang panahon sa buong taon? Anu-anong mga pananim, alagaing hayop, pagtitipon, pangangaso, at/o agrikultura ang angkop sa klima at lupain? Mayroon bang maliwanag na tag-tanim, tag-ani, pangangaso, pagngingisda na panahon sa buong taon? Ano ang sukat ng lugar ng komunidad? Anong hugis gawa ang hangganan nito? Paano ito naimpluwensyahan ng heograpiya nito? Ano ang lokasyon nito: latitud, longhitud, kalapitan sa ibang Heograpikong katangian? Ano ang kaugnayan ng komunidad sa kapaligiran - ekolohiya? Ano ang natural na yaman ang nandito o nasa malapit: kagubatan, isda, mga mineral, lupa, mga hayop sa kasukalan, tubig, langis, o mga hayop? Ang komunidad ba ay nakikinabang sa anuman sa mga yamang ito? Saan ba lulugar ang komunidad (lokasyon) sa kanyang distrito, rehiyon, lalawigan at bansa? Paano ba ang bawat isa sa mga pabago-bagong heograpiya ang makakaapekto sa komunidad, at sa kakayahan nitong tulungan ang sarili nito upang maging mas may tiwala sa sarili? Ang Demograpiya ng Komunidad: Ano ang sukat ng populasyon ng komunidad? Ano ang istraktura ng edad? Ano ang proporsyon ng pag depende (bilang ng mga kabataan at matatanda sa paghahambing sa pagitan ng mga nagtatrabaho at produktibong edad)? Ang piramide ba ng edad ay pantay o mataas? Ano ang bilang ng panganganak? Ano ang proporsyon sa pagitan ng lalaki at mga babae sa bawat hanay ng edad? Gaano ba kabilis o kabagal ang pagbabago ng populasyon? Ito ba ay tumataas o bumababa? Ang bilang ba na ito ay nagbago kamakailan? Ano ang bilang at halaga ng emigrasyon (paglipat), ng imigrasyon (pagdayo) at neto ng migrasyon o paglipat? Ano ang pagkakaiba ng edad at kasarian ang nasa migrasyon o paglipat? Ano ang proporsyon ng mga residente ang "tagalabas," ibig sabihin mga tao na lumipat mula sa ibang dako at itinuturing pa rin nila ang kanilang sarili bilang kasapi ng ibang komunidad? Gaano karaming tao ang lumipat sa ibang lugar (kasama na ang mga malalaking lugar ng lunsod, sa labas ng bansa o sa ibang dako) ngunit itinuturing pa rin ang kanilang mga sarili na miyembro ng komunidad? Ang kabuuang sukat ba ng populasyon ng komunidad ay tumataas o bumababa? Gaano kabilis? Ano ang kategorya ng edad at kasarian? Bakit? Paano ang bawat isa sa mga pagkakaiba ng demograpiko ay makakaapekto sa komunidad, at ang kakayahan nito na tumulong sa sarili nito upang maging mas nagtitiwala sa sarili? Ang Teknolohikal na Dimensyon: Ano ang malawak, pangkalahatang teknolohiya? Ang mga saklaw nito mula sa simple hanggang sa kumplikado, maaga hanggang pagkatapos. Ang mga teknolohiya ay maaring kabilang ang: pagtitipon, pangangaso, pangingisda, pag-aalaga ng mga hayop, paghahalaman, halo-halong pagsasaka, pagsasaka na ginagamitan ng hayop, pang-industriya (makina), pagkatapos ng pang-industriya (impormasyon). Ang bawat komunidad ay hindi kinakailangang dumaan sa lahat ng yugto na ito; ang ibang yugto ay maaring di mapagdaanan, at karamihan ay naiipon (nagdadagdag ang mga bago ngunit ang mga luma ay hindi agad-agad na nawawala). Ano ang katangian ng hangganan sa pagitan ng kalikasan at pisikal na kapaligiran nito? Anong kapital ang mayroon ang komunidad? Maaring kabilang dito ang pampublikong: daanan, elektrisidad, klinika, patubig, mga paaralan, sanitasyon. Maari ring pribado: kabahayan, transportasyon gamit ang hayop, mekanikal na transportasyon, komunikasyon. Paano pinoproseso ang ang mga pagkain? Paano ito iniimbak? Paano pinoproseso ang mga natural na yaman? Anong mga kagamitan ang ginagamit sa komunidad? Itala ito kung paano ito ginagamit: kamay (tao), hayop, makinarya (singaw, petrolyo, elektrik). Ang mga produkto bang ginawa ay binibenta at kinakalakal palabas ng komunidad? Kung ganun, paano ito inilalabas? Gaano kadali o kahirap na ipakilala ang mga bagong teknolohiya? Gaano kabilis nagbabago ng teknolohiya? Ano ang komunikasyon sa teknolohiya ang magagamit ng komunidad? Gaano karaming residente ang nakakasulat at nakakabasa? Mayroon bang mga telepono, cell phone, faxes, internet, radyo, telebisyon, at mga kumbinasyon nito? Ano ang proporsyon ng populasyon ng komunidad access sa bawat isa? Ilarawan ang pangkalahatang teknolohiya ng komunidad. Paanong ang bawat isa ng teknolohikal na pagkakaiba ang nakakaapekto sa komunidad, at ang kakayahan nito upang maging mas nagtitiwala sa sarili? Ang Ekonomikong Dimensyon: Ano ang mga uri ng panlipunang pamamaraan ang ginagamit upang ilaan ang kayamanan? Maaring kabilang dito ang: mga obligasyon ng kamag-anak, mga regalo, potlatch o pagbibigay ng regalo,pamimigay muli sa komunidad, pagpapalit, pangangalakal ng salapi, plastik at elektronikong kalakalan. Anong mga uri ng yaman ang maaaring ilaan sa pamamagitan ng isang mekanismo (halimbawa, pag-aasawa) ngunit hindi sa pamamagitan ng iba (hal. sa pamamagitan ng salapi). Ano ang antas ng pananalapi? Ang mga sakahan at mga produktong isda ba ay ibinebenta o agarang kinakain, o pareho? Ano ang proporsyon? Magkanong salapi ang maaaring magamit para sa pag-ipon ng pondo ng komunidad? Anong mga pinagkukunan ang magagamit para sa pag-ipon ng pondo at magkano ang para sa bawat isa? Maaaring kabilang dito ang mayayamang patron, mga migrante sa mga lungsod na handang magpadala ng pera sa pagpapaunlad ng kabahayan, lokal na pagawaan at komersyal na kompanya handang tumulong, mga magsasaka na nagbebenta ng pananim at mga mangingisda. Saan nabibilang ang komunidad sa pangnayon-panlungsod na espektrum? Ang pautang ba ay abeylabol? Mayroon bang samahan na nagpapaikot ng pondo, loan shark o nagpapautang na may malaking interes, sanglaan, mga bangko, unyon na nagpapautang, pinagkakatiwalaang organisasyon, stock brokerage? Ano ang proporsyon ng populasyon ng komunidad ang may pahintulot sa bawat isa nito. Ilarawan ang pangkalahatang sistema ng ekonomiya ng komunidad. Paano ang bawat isa sa mga pang-ekonomiyang pagbabago ang makakaapekto sa komunidad, at ang kakayahan nitong tulungan ang sarili upang maging mas may tiwala sa sarili? Ang Pulitikal na Dimensyon: Ano ang mga pamamaraan kung saan ang kapangyarihan at impluwensiya ay nilalaan sa komunidad? Maaaring kabilang ang: tradisyonal (sa pamamagitan ng paghalili, pamumuno, kapangyarihan ng pamilya), modernong demokratiko (pagboto, nirepresentang demokrasya), power broking o nagbubuwag ng kapangyarihan (mga unyon, asosasyon, organisasyon), karisma. Gaano kalaking impluwensiya ang mayroon ang isang tao nang hindi pormal na kinilala bilang isang pulitikal na lider? Kabilang dito ang mga pinuno ng relihiyon, lider ng edukasyon, nakatatandang nagsisilbi sa bayan, nakakatandang pangkalusugang praktisyoner, matatanda sa maimpluwensyang grupo ng angkan, mayayamang indibidwal. Ano ang impluwensyang pinapatupad ng walang pampulitikang kapangyarihan? Paanong nabubuhay pa rin ang tradisyunal na (eg pre-kolonyal) pulitikal na sistema? Ano ang mga panlabas na kadahilanan ang mahalaga? Maaaring kabilang dito ang mga pambansang partidong pulitika, mga maimpluwensiyang miyembro ng komunidad na lumiban, at iba na maaaring iyong maobserbahan. Ilarawan ang pangkalahatang pampulitikang sistema ng komunidad. Paano ang bawat isa sa mga pampulitika o kapangyarihan pagbabago ang makakaapekto sa komunidad, at ang kakayahan nito upang makatulong sa sarili nito upang maging mas may tiwala sa sarili? Ang Panlipunan/Institusyunal na Dimensyon: Anong mga huwaran ng pakikipag-ugnayan ang bahagi ng panlipunang kabuuan ng komunidad? Ano ang pamilya at mga kaanak na sistema? Mayroon bang chieftaincy system o sistema ng namumuno? Ito ba ay tradisyonal o kinikilala ng pambansang sistema ng pamahalaan, o pinagsama? Ano mga organisasyon ang bahagi ng komunidad (di-pinagkakakitaan, komersyal, panggobyerno)? Ano ang bilang, lawak at katangian ng sibikong kasunduan? Ang mga pangkat ba ay nakikipagkompetisyon sa bawat isa? Ano ang potensyal para sa pag-organisa ng pagkakaisa upang mabawasan ang di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga pangkat? Gaano at ano ang mga paraan mayroon ang moderno, di-pampamilyang organisasyon ang humalili sa mga tungkulin na ginagampanan dati ng solo ng sistemang pang kamag-anak? Gaano karaming panlipunang inter-aksyon ang hinubog ng iba't ibang uri ng panlipunang institusyon? Ano ang potensyal para sa pagporma at pagpalago ng mga organisasyong pangkomunidad para sa mga pagtulong sa sarili na proyekto? Ilarawan ang pangkalahatang panlipunan at inter-aksyon na sistema ng komunidad. Paano ba ang bawat isa ng panlipunang baryante ang nakakaapekto sa komunidad, at ang abilidad nito na tulungan ang sarili upang maging mas nagtitiwala sa sarili? Ang Ideolohikal/Kaugalian na Dimensyon: Ano ang mga kaugalian ang naibabahagi sa komunidad (tama, mali, maganda, pangit, mabuti, masama)? Mayroon bang mga kaugalian ang nagkakaiba mula sa iba't ibang pangkat? Ano ang mga pulitikal na pag-uugali ang naibabahagi? Ano ang malaking pagkakaiba sa pampulitikang pag-uugali? Ano ang mga relihiyong pag-uugali ang naibabahagi? Paano ba ipinapaliwang ng organisadong relihiyon ang pag-uugali ng komunidad? Ano bang mga pag-uugali ang makakaapekto sa pag-organisa ng mga grupo para sa pagtulong sa sarili? Ilarawan ang pangkalahatang ideolohikal o pag-uugali na sistema ng komunidad. Paano ba makakaapekto sa komunidad ang bawat pagkakaiba ng pag-uugali, at ang abilidad o kakayahan nitong tulungan ang sarili upang maging mas nagtitiwala ito sa sarili? Ang Konseptuwal / Pandaigdigang Dimensyon: Paano ba nakikita ng mga miyembro ng komunidad ang kalawakan? Paano nila ipinapaliwanag ang sanhi ng mga sakit at kamalasan? Ano ang kanilang mga paniniwala? Hanggang anong antas ito ibinabahagi laban sa parte ng di-pagkakaunawaan? Ano ang mga pangkalawakan o pandaigdigang relihiyon ang kinakatawan ng komunidad? Gaano karaming tradisyunal na relihiyong paniniwala ang pinagsasaluhan ng mga miyembro ng komunidad? Ano ang dami ng sinkretismo (pagdagdag ng bagong paniniwala ng hindi nagbabawas ng paniniwalang kaiba sa dati) sa komunidad? Anong proporsyon ng komunidad ang nakikita ang sarili nito bilang miyembro ng pormal na relihiyong organisasyon? Ilarawan ang pangkalahatang konseptuwal / pandaigdigan sistema ng komunidad. Paano ba ang bawat isa ng konseptuwal o pandaigdigan pagkakaiba ang nakakaapekto sa komunidad, at ang kakayahan nitong tulungan ang sarili upang maging mas nagtitiwala sa sarili? Konklusyon o pagwawakas: Ito ay nararapat sa iyo, sa tagapagpakilos, o tagapangasiwa ng programang pagpapakilos sa distrito, na unawain ang panlipunang orgarnisyon ng komunidad na pakay mong isakapangyarihan. Habang ang mga panlipunang organisasyon ay nakakawili, at parte ng ating pangkalahatang sosyolohikal at antropolohikal na grupo ng kaalaman, ang iyong layunin ay mas praktikal. Para sa lahat ng panlipunang elementong ito, kung saan nagkakaiba sa bawat komunidad (kaya puwede nating tawagin itong panlipunang pagkakaiba), kailangan mong tantiyahin ang mga epekto nito sa komunidad at kung anong estratehiya ng mobilisasyon o pagpapakilos ang maaaring pinaka epektibo, at kung gaano ito maaaring maging matagumpay. Ang mga obserbasyon tungkol sa mga panlipunang indikasyong ito ay mahalaga upang pangasiwaan ang programa ng pagsasakapangyarihan ng komunidad na naibabahagi di lamang sa solong tagapagkilos sa isang komunidad, kung kaya kumpletong talaan ang dapat itago, at ang impormasyon ay iniimbak (at madaling makuhang muli) sa Management Information System (MIS). ––»«––Ano ang Panlipunang Organisasyon ng Komunidad? © Copyright 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing Pahina |
Pagsaliksik ng Komunidad |