Tweet Mga Salin
বাংলা / Baṅla |
BIGAY, UTANG, AT ANG PAGPAHINA NANG KAHIRAPANni Phil Bartle, Doktor ng PilosopiyaIsinalin ni Gerasmo G. PonoMga babasahin nang Tagapagpakilos at TagasanayIto ay maikling babasahin nang isang tagapagpakilos upang unawain ang mga pangunahing paniniwala sa pagpapatatag na nasa likuran nang pamamaraan sa pagbibigay kakayahan nang pamayananPanimula Maraming mababait na mga tao, ay nakakita sa sakit na dulot nang kahirapan, kadalasan kung mayrong sakuna, dulot nang kalamidad, gawa nang kalikasan at nang tao. Ang mga mababait na mga tao ay gumawa nang mga hakbang pagpapatupad nang mga gawain paglikha nang kita para sa mga biktima. Ang ilan ay magbibigay nang gamit panahi at ang iba ay pagkain. Ngunit ang kadalasan mangyayari sa ganitong pamamaraan, ang pagpahina nang kahirapan ay hindi maasahan pagkatapos nang pagbigay nang tulong. Ang ating pananaw, ay ang pagtulong nang mga mahihirap, at hindi ang paggawa sa kanila na laging umaasa sa libring tulong (at sila ay manatiling maghihirap), at upang gawin silang matatag at mabuhay at lumaki na walang tinatanggap na tulong galing sa labas. Sa mga babasahin sa pagsasanay sa dakong ito, ang buong paksa ay tungkol sa pagbibigay kakayahan, na ang tao ay di binigyan nang libreng tulong (na nagsasanay sa kanila upang hindi umaasa sa mga bigay), at upang sila ay itulak sa pagiging mas malakas at maging maasahan at hindi umaasa sa mga libring tulong. Mayrong tulong na walang bayad. Tulad nang mga regalo, kahit maganda ang sadya, ay nagtulak parin sa mga tao upang umaasa, maghihintay at laging umaasa sa iba pang darating na regalo. (Tingnan ang"Pagiging Maasahin"). Ang ibang regalo para sa mga mahihirap ay nakakatulong sa kanila upang sila ay di na manatili sa kahirapan. Ito ang nais nating mangyayari at tulungan. At, di natin ayaw ang libring tulong lalo na sa mga di inaasahang pangangailangan tulad nang sakuna. May mga pagkakataon na ang mga biktima ay walang magawa, mga pangyayaring tulad nang lindol, kaguluhan, baha, digmaan, bagyo, pagsabog (bomba), at pagbagsak nang eroplano. Sa mga pangyayaring yan, tayo ay may pananagutan na bigyan sila nang pagkain, matutulugan, gamot, at ibang tulong, at pagwala ang mga ito sila ay di mabuhay. Ngunit minsan, may mga pagkakataon na ang pagbigay nang libring tulong ay naging pabigat na, sa halip na makatulong sa mga biktima upang mabuhay nang kanilang mga sarili, ay mas lalo lang nitong pinapatuloy ang kahirapan. Ang pagkilala sa kaibhan sa dalawang gawain ay hindi madali, at ang paglipat nang pamamaraan sa pagbigay nang libring tulong patungo sa maaasahang pamamaraan, ay hindi madaling gawin. Binasi sa paniniwala nang pagbibigay nang kakayahan, ang pamamaraan sa pagpahina nang kahirapan sa dakong ito ay nagtutulak nang paglikha nang halagang dagdag (kayamanan), ang paggamit nang tulong na may bayad sa pagpahina nang kahirapan, at ang paggamit nang pautang na ang halaga nang tubo ay ayon sa pangkasalukuyang anyo, at hindi libre. Ang maaring ibinigay lang na libre ay ang pagsasanay sa pagbuo at pamamahala para sa mga tao sa paggamit nang utang upang lumikha nang tunay na dagdag na halaga upang magkaroon nang kita. Bigay laban sa Utang: Ang ibang mga tao ay maaring magsasabi na sa paglikha nang kita, tayo ay dapat magbigay nang pera doon sa mga tao. Ang regalo ay libre. Ito ay hind inaasahang bayaran. Kung nakikita natin ang mga tao na nangangailangan nang tulong, tayo ay maakit sa pagbigay sa kanila nang mga libring bagay. Ang pagbigay mo sa kanila, ay lalo lang magtulak upang sila ay umaasa nang maraming bigay galing sa inyo. Pagkatapos nang sakuna, ang pagbigay nang mga pangangailangan upang mabuhay (tulad nang pagkain, damit, matutulugan, at gamot) ay tama; sapagkat pag wala ang mga ito sila ay di mabuhay, ngunit ang palaging pagbibigay sa kanila nang mga bagay na iyan, ay mas lalo lang nagpalakas nang kanilang Pagiging Maasahin, at nagpanatili nang kanilang kahirapan. Ang "Ating Pagiging Maawain" ay ang maling paniniwala na nagsasabi sa atin na bigyan sila nang kanilang kinakailangan. Ang "Kaunlarang Pagsusuri", sa kabilang dako, ay nagsasabi sa atin na ang libre ay hindi maasahan, at lalong nagpahaba nang kahirapan at hindi nakakatulong sa kanila upang maging matatag at malakas. Ang ibang mga tao pag makarinig nang salitang "Paglikha nang Kita" , ay unawain nila ito na ang paglipat nang pera doon sa mga tao, ay paglikha nang kita. Ngunit ito ay hindi totoo. Walang kayamanan na nalikha, sa pamamagitan lang nang paglipat nang pera galing sa isang tao patungo sa iba. Ang paglipat nang pera ay nagbigay lang nang panandalinag ginhawa doon sa nakatanggap na tao. Ito ay hindi nakalunas sa kahirapan, at hindi nagpatigil nito. Samakatuwid, ang pera na inilabas sa paraang ito ay sa pamamagitan nang utang na dapat bayaran. Kung paano niya gagamitin ang halagang ito upang mapalaki ang kita, upang magkaroon nang sapat na halaga upang makabayad nang utang at may maitabi pang halaga, yon ang tunay na pamamaraan na maglikha nang kayamanan. Ang Halaga nang Tubo: Sa sandaling malaman nang mga tao na ang utang ay mas makapagbigay nang tunay na paglikha nang kita (kayamanan) kung ihambing sa libre, ay ang susunod na tanong ay, "Dapat bang bayaran ang tubo?, at magkano ang halaga? Sa pangalawang pagkakataon, ang mga taong may malambot ang puso, ay maaring magsabi, "Sila ay mahirap, dapat libre na ang tubo, o dapat iba ang magbabayad para sa kanila. Tulad nang sinasabi sa itaas, ang ating "Pagiging Maawain", pag ginamit ay hindi makakatulong sa pagsugpo nang kahirapan. Ang pamamaraan patungo sa pagtulong nang mga tao upang maging matatag, at makatulong nang kanilang mga sarili, ay ang pagbigay nang pagsasanay. Kung ikaw ay makakita nang pulubi sa tabi nang daan, at bigyan mo nang pera, sa ganun sinasanay mo ang pulubing iyon. Sinasanay mo ang taong yon para maging pulubi habang buhay, sa pamamagitan nang pagbigay mo nang pera. Balikan uli ang kuwento ni "Mohammed at ang Lubid" doon sa Mga Kuwento" na babasahin. Nang ang pulubi ay humingi kay Mahal na Propeta (Ang Kapayapaan ay Nasa Kanya) nang pagkain, siya ay binigyan nang lubid at inayuhan na pumunta sa gubat at mag - ipon nang kahoy panggatong, gamitin ang lubid pagtali nito at dalhin sa merkado upang ipagbili at upang makabili nang sariling pagkain. Ang pulubi ay nakakuha nang payo at puhunan sa halip na pagkain ang hiningi. Ang regalo ay nakatulong sa kanya upang makatayo nang kanyang sarili sa halip nang maging pulubi habang buhay. Ang bagay na iniisip natin, ang pamamaraan dito ay sinasabi na ang utang ay maaring gamitin kung ano ang mayron kahit wala kang proyekto (maaring ng tubo ay ayon sa halaga nang merkado o ayon sa pamahalaan). Kung ibigay mo ang utang na walang tubo o sa mababang halaga, sinasanay mo ang mga tao na magnenegosyo sa mura o libring halaga, at hindi ang totoong dapat bayaran, dapat mo silang sanayin na magnenegosyo sa totoong halaga nang tubo. Kung tingnan mo ang nagpapautang na hindi sang ayon sa batas (Mga Pating na Nagpapautang"), makita mo na ang halaga nang tubo na ipinapataw ay napakalaki, tulad nang dalawang daang porsiyento (200%). Sa pamamaraan na ginamit dito, ay tulungan mo ang mga tao na makakuha nang pautang sa mga bangko o ibang mga ahensiya na nagpapautang, at upang makaiwas sa mga mapagsamantalang mga tao. Ang utang na ipinalabas sa pamamarang ito sa pagpahina nang kahirapan, ay may tubo na ang halaga ay sang ayon sa merkado; hindi libre at di masyadong maliit. Isang Paalala Tungkol sa Relihiyon: Maraming mga relihiyon, kadalasan nang mga Hudiyo/Kristiyano/Muslim na pananampalataya ay may alituntunin laban sa pagpapautang na may tubo (o mataas na tubo). Ito ay nagyayari dahil sa pagpataw nang masyadong matataas na tubo ay parang pagnanakaw. Ang mga mapagsamantala ay nandito na sa kapanahunan nang bibliya. Ang pagpataw nang matataas na tubo ay tinatawag na "usuryu". Hindi natin itinulak ang usuryu dito. Kung ikaw ay nagpapatupad nang paglikha nang kita, tulad nito, na ginamit nang mga Muslim, maari mong isipin na ikaw ay malagay sa bingit nang malaking problema: (1) maasahang pagpahina nang kahirapan na nangangahulugang dapat magpataw nang tubo, at (2) mga alituntunin nang relihiyon na huwag magpataw nang tubo. Huwag kang matakot; at mayrong sagot para dyan. Pinayuhan namin kayo na gayahin mo ang ginawa nang mga bangko nang mga Muslim na bansa. Ang pagpataw nang tubo sa isang utang ay isang halaga bilang upa sa panandaliang pagpahiram nang pera.Ang pagpapaupa nang ibang bagay tulad nang bahay o sasakyan ay pinapayagan. Ang bangko ay magpataw nang halaga bilang bayad sa paglingkod o bayad sa upa, sa halip nang tubo. Usisahon mo kung ano ito, at gamitin mo ito sa iyong proyekto sa paglikha nang kita. Tulad nang pag-iwas sa "Pagiging Maawain", iwasan mo rin ang usuryu. Sino ang gumawa sa pagbabangko? Samantalang ang pamamaraang ito ay nagsasabi na ang pera na pinapautang sa mga tao ay may tubo na ang halaga ay ayon sa merkado, ito ay nangangailangan din na ang pera ay kunin nang mga tao doon sa bangko, o ibang nagpapautang katulad nang bangko. Ito ay mas mainam na ang pautang ay ilabas (doon sa Federasyon nang mga grupo na inyong itinatag) sa pamamagitan nang bangko, sa halip na ikaw ang gumawa nito. Ito ay mas malinaw at magligtas sa inoy sa mga maling pag-aakala o maakit sa pangungurakot at paggamit sa pansariling kapakanan. Kung ikaw at ang inyong ahensiya, ay ang bumuo at napapatatag nang pamayanan, ay ang humawak nang pautang, ang iyong kakayahan sa pagpapakilos at pagbibigay kakayahan ay maaring mawala. Maaring ikaw ay matino, ngunit ikaw ay pagdududahan nilang ginamit mo ang pera sa pansariling kapakanan, at di na sila magtitiwala sa inyo. Ang di mapagkatiwalaan ay magpapahina sa iyong kagalingan. Sa halip na magbigay nang pera sa mga tao, gamitin mo ito sa pagbibigay nang pagsasanay na nakapaloob sa pagbibigay nang pautang. Sa halip na bayaran ang tubo nang isang pautang, gamitin mo ito sa maraming pagsasanay. Sanayin mo ang mga tao na mabuhay at lumaki nang matatag sa totoong halaga nang pautang. Panghuli: Ang babasahing ito ay nagpapaliwanag kung bakit, dapat mong iwasan ang pagiging maasahin, kung nais mong patatagin ang mga tao at tulungan upang makatayo nang sariling mga paa, iwasan mo ang libring tulong tulad nang pera o pagkain, pahiramin mo sila nang pera bilang utang (sa pamamagitan nang mga tunay na ahensiya na nagpapautang) at patawan nang tubo sa halagang pinahintulutan nang merkado. Kung mayrong ibigay na libre, ito ay hindi pera, kun di ang pagsasanay at ang pagbuo nang samahan. ––»«––Lakbay-Aral: Ang pagdalaw nang isang Bangko: © Pagaari 1967, 1987, 2007 Phil Bartle
––»«–– |
Pangunahing pahina |
Pagpapatuloy |